Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinagpapalit" poems
Bakit nga ba? Bakit nga ba ang hirap sumagot sa bawat tanong, sa bawat tanong na pilit na binubulong? May mga sagot nga sa mga tanong, ngunit ito naman ay nakukulong Bakit nga ba nagmamahal, nagmamahal sa taong di kamahal mahal Bakit nga ba sa umpisa lang ang kiligan tas habang tumatagal naglalaho naman Bakit nga ba kailangan muna masaktan, kailangan muna masaktan bago natin malaman bago natin malaman na hindi siya yung "right one" hindi siya yung "right one" para sa puso nating baka maging ewan Bakit nga ba ang sakit sakit, ang sakit kapag tayo'y pinagpapalit Ginawa mo na lahat pero di parin sapat? di parin ba sapat na minahal mo siya ng tapat? Bakit nga ba ang daming paasa akala natin tayo nga ay may pagasa Sila tong nagbibigay motibo tapos sa huli tayo naman ay naloloko Bakit nga ba ang hirap tanggapin ang hirap tanggapin na hindi ikaw yung pinili Ginawa mo na lahat para sa kanya, pati na ang maging alipin pero wala rin, sa huli siya parin ang pinili Bakit nga ba Paulit ulit na bakit nga ba Pasensiya na ako'y nangangamba Naghahanap lang naman ako ng sagot sa mga tanong na bakit nga ba...
0
Apr 4, 2017
Apr 4, 2017 at 4:41 AM UTC
Bakit nga ba