Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinagbitaw" poems
sobrang layo na ng ating mga ala-ala minsan, hindi ko na tanaw minsan, napalitan na ng sakit gusto ko na lang bumitaw alam ko naman ipagpapalit mo rin ako makakahanap ka ng bago pag-ibig mo ay hihinto sa pag-ikot ng mundo mga ala ala ay lumabo lumipas na kasama ng panahon siguro, dapat ko ng ibaon ilang sandali na lang luluwag na ang kapit gigising na ulit pero ngayon ako’y mulat, mulat sa katotohanang hanggang dito na lang ang lahat pinagbitaw na ako ng katotohanan tapos na ang dahan dahang pagtanggap mamadaliin na, pagkat sobrang tagal na at kahit sobrang mahal pa rin kita ako ay bibitaw, patawarin mo sana.
0
Apr 8, 2019
Apr 8, 2019 at 7:17 AM UTC
paano kita bibitawan