"pilantik" poems
sa lahat ng aking
napa-ngiti
o sa iba naman na
napa-ngiwi
meron din namang akong
napa-ngisi
*dispensa kung
ano man ang*
*namutawi sa aking
mga labi*
*sa larangan ng
kritisismo*
*hinde ko hinangad
ang pumlahiyo*
*sa mundo ng
patas na media*
*kakayanin natin
anumang trahedya*
kung na-batikos ka na
sabay na-sawata ka pa
tapos hindi rin naman inaasahan ng ilan,,
pa'no na etong isusunod ko na ipapaulan
" supil " pagyabong ng pinong puno
hindi na nga papipigil
o Amang Kagubatan..
manitili kang luntian!
sa manlulupig ,,,
hindi na kita pasisiil
sa bawat pilantik ng daliri,,,
adbokasya nito ay kapatiran
6 DAYS before X'mas
sawata ~~~ forbid
6-letter word
[7 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters]
© copyright 2015 - All Rights Reserved
Dec 18, 2015
Dec 18, 2015 at 6:59 PM UTC
Tumilaok na ang manok
Kasabay ng pilantik ng mga bibig
Halika tayo'y maghanda
sabayan mo ako sa almusal
Pinakuluang Mura at paghiyaw
huwag kang magalala hindi iyan hilaw
sa katunayan tama lamang ang timpla
Mapait pait at masakit sakit
Minsa'y nakasasanay na rin
Halika tayo'y maghanda
Pupunta sa isang lugar na tila selda
Kung saan bawat kilos ay nakalagda
Mataas lamang ang marka
kung ika'y masunurin at maganda
Huwag kang magalala mababait sila
Bawat ibigay mo ay susuklian nila ng lima
Halika tayo'y maghanda
Bawat minuto ay pagsubok
bawat hininga ay pagkapit
Kapit , lumapit upang hindi matangay ng agos
Kung ang bawat pagyapos ay nakalalapnos
Halika tayo'y maghanda
teka, hindi pa ako handa ngunit
Araw ay sisikat
hindi ka na muli pang didilat
malaya ka na;
Jun 15, 2019
Jun 15, 2019 at 9:45 PM UTC