Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"patutugtugin" poems
Ang ganda na sana ng tugtugan Ang yabang ko pa Abang na abang ako sa kantang patutugtugin nung kuya sa caf Ayun, "Forevermore" ng Side-A "Ay putang ina" Solid. Kahit may pagkain sa harap ko. Ang sakit pala. Ang hina ko pala. Isang kanta lang, hindi ko kinaya. Oa para sa iba. Pero para sa'kin? Iba. Masakit. Hindi ito yung mga oras na kaya ko maging matapang. Isang kanta lang, hindi ko kinaya. Bakit ba ako nasasaktan? Bakit ang lala? Mahal mo pa ba sya? Mahal mo ba talaga ako? Ang sakit pala. Ang hina ko pala. Ang yabang ko pa. Akala ko napakatatag ko. Pero hindi pala. Isang kanta lang, hindi ko kinaya. Bakit kasi hindi mo ako hinintay? Pinanindigan ko ba talaga pagiging "laging late" ko? O sadyang kailangan ko lang talagang masaktan nang ganito? Isang kanta pero ibang sakit ang dulot sa'kin. Isang kanta mula sa nakaraan mo na labis na nagpapasakit sa ngayon natin. Madaling sabihing lumipas na yun. Pero mahirap ding pilitin ang sariling 'wag mapaisip Ano kayang iniisip mo nung narinig mo rin yun? Naalala mo ba lahat? Naalala mo ba sya? Nanghihinayang ako. Bakit ba hindi kita noon nakilala Nung hindi pa ako ganito kahina Nung kaya ko pa magmahal nang buong buo Hindi tulad ngayon na puno ng takot Nang tignan mo ako sa mata At sinabing mahal mo ako Saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko Masaya at masakit Sabay. Lalo akong nahirapan. Hindi ko na alam. Sa bawat araw na dumadaan Mas minamahal kita Ayaw na ayaw kong nawawala ka sa tabi ko Maya't maya hinahanap kita Akala ko ganun ka din Kaya lang nasasakal ka na pala Hindi ko namalayan Sobra na pala Paano ba talaga magmahal? Bakit kung hindi ako kulang, sobra naman? Ngayon hindi ko na alam paano ka kakausapin Paano kikilos O magsasalita kapag andyan ka Pakiramdam ko lahat ng gawin at sabihin ko, Mali. Sobra. Kulang. Ewan. Paano ba? Siguro nga ganito talaga kapag nagmamahal. Masakit. Kumplikado. Uubusin lahat ng lakas mo. Ibibigay ko ang gusto at kailangan mo. Pero sana sabihin mo Kung sawa ka na Kung ayaw mo na Kung kaya mo pa Kung mahal mo ba ako Kung mahal mo pa ba ako Kung mahal mo ba talaga ako Kaya ko tiisin lahat Hanggang alam kong may pinanghahawakan ako Pero kung wala na, Handa naman akong magpatalo Handa akong masaktan Maging masaya ka lang Sanay naman kasi ako Alam kong mahirap akong mahalin Hirap din akong mahalin ang sarili ko May mga bagay na sadyang hindi nababago Pero kung tunay kang nagmamahal, matatanggap mo Matitiis mo At kahit hirap ako Ginagawa ko Hindi ko isinusumbat Gusto ko lang malaman mo Na ganito ako magmahal Uubusin ko ang sarili ko Sana maubos na rin lahat ng sakit na 'to Hindi ko alam na ganito ang epekto ng isang kanta Isang kantang magsasampal sa akin ng katotohanan Na walang madaling paraan para magmahal
0
Dec 16, 2015
Dec 16, 2015 at 2:30 PM UTC
Isang kanta lang

Continue reading...
100
Ilang beses pa ba patutugtugin? Ang lumbay na dinig lamang ng hangin, Ilang beses pa ba paaasahin? Ang inaasam asam na ika'y umamin. Ilang oras pa ba ang gugugulin, Sa ulap na sadyang malalim ang tingin, Sa pagtibok ng pusong kay tulin, Sa pagdasal sa tadhana ng "sana ikaw rin". Ilang araw pa ba ang palilipasin? Sa inaasam na ako'y papansinin mo rin. Sa iniisip-isip na dama mo rin ba? Sa sariling pinapaasang meron nga ba? Ilang beses pa ba iintindihin, Mga araw na di ka pwedeng kausapin, Mga araw na di ka pwedeng pangitiiin, Mga araw na di ka pwedeng biruin. Ilang beses ko pa bang pipiliin, Ilang beses ko pa ba hihintayin, Ilang beses ko pa bang pagmamasdan, Yung "tayo" na suntok sa buwan.
0
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 6:53 PM UTC
Ilan