Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pasikat" poems
Sisikat na ang araw Ngunit mga mata’y dilat pa Nangangarap na balang araw Mayakap na ulit kita Alam mo bang halos di ako makagalaw Sa tuwing binabanggit mo sa’kin ang salitang “mahal Kita” Gusto ko sanang marinig ng personal araw-araw Ngunit malayo tayo sa isa’t-isa Ayoko pang matulog Hihintayin ko pa si haring araw Sa pagsikat nya akoy nakaupo lang sa sulok Habang sa bintana nakadungaw Habang hinihintay ako muna’y magpapausok Sigarilyo ang paraan para maibsan ang ginaw Gusto kong makita ang pagsikat nya kasi naaalala ko Ang ganda mo pag sa kanya akoy nakatanaw Ganda mo ay natural Kaya napaibig mo ako ng sobra Ayokong mawala kapa mahal Kasi baka hindi ko kaya Halos magkaparehas lang kayo ng Araw Pinapaliwanagan mo ang buhay kong magulo’t walang sigla Tama lang na kinumpara kita sa araw Madilim kasi ang mundo ko kapag wala ka Pasikat na sya’t akoy nakahintay Kita ko na rin ang mga ulap na sa’kin ay kumakaway Kakaiba sa pakiramdam para bang akoy buhay na buhay Kahit paulit-ulit ko pang tignan Hindi nakakaumay Naaalala Kita pag sa kanya ako naka silay Mahal kasing ganda mo ang bukang liwayway
0
Jan 18, 2019
Jan 18, 2019 at 10:13 PM UTC
BUKANG LIWAYWAY
Naisip ko na parang buhay pasada ang ating istorya. Ikaw ang pasahero, ako ang tsuper. Ganito ang senaryo; nakita kita sa kalsada di alam san pupunta. Ako naman si tanga hinintuan ka kahit dika naman pumara. Sumakay ka; gaya ng iba.nasa mukha mo yung salitang "Bahala na". Diretso lang ako sa pag maneho. di mo parin sinabi kung san ka pupunta. Kita naman sa karatula kung san ang aking ruta, inisip ko baka alam mo na. Sa gitna ng byahe, mukhang nalibang ka na, kaya pasikat ako sa arangkada. Halatang bago lang sayo yung dinadaanan, may tingin at may pangangapa. Ayos lang yan sabi ko. Kabisado ko to. ako'ng bahala. May mga sandaling napapakwento ka, Siguro dahil na rin sa palagay ka na. Mukhang nakalimutan ko na yung ibang pasahero. Pakiramdam ko tayo lang dalawa. Sa wakas, naitanong ko kung san ka ba talaga pupunta? Kasi, 'haba na ng byahe mahirap na baka maiuwi kita. Biglang Nawala yung ngiti mo sa mata. Para kang may naalala. Dimo ako sinagot. Bigla kang pumara. Di ko alam kung natakot ka ba? o ang pamasahe mo e kulang pa? Ayos lang naman akong ilibre ka. Basta maihatid kita. Aaminin ko, nung tinanong ko kung san ka pupunta, Napadasal ako ng konti na sana sabihin mo, "Ikaw, saan ka ba?" Naiwan ako nakahinto sa kalsada. kasi nagulat ako nung tumakbo ka, Tinawag kita pero lumiko ka na sa madilim na eskinita. Napakamot ako sa ulo at napailing. Ako ba ang may problema? Di ko tuloy alam kung babalik ka. kasi kaya kong mag intay pa. Pinaandar ko ulit yung jeep. nagmaneho, nag maniobra. umikot, luminga linga. wala ka na. Hahanapin kita. madilim na.. bukas baka bukas. Kung san kita nakita nung una, baka doon ka pumara.
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 1:10 PM UTC
JEEP

Continue reading...
28
at muli kitang nasilayan, tumingin ng walang pakundangan walang makitang pagsisisi sa mga sulyap ng nakaraan pumikit at nagkunwaring hindi ako muling nawalan at hindi, hindi ako nawalan ng kamay na makakapitan hindi isang kanlungan na una **** inalok noon sa ulan naaalala pa noong handang handa kitang awitan nawiwili ka sa himig ng aking kalungkutan isang awit na sa akin ang una **** kinuha kasabay ng iyong pag-alis isang kulay sa espektrong makitid kasabay ng pagdiin sa mga naghihilom na sugat at ang pag-apak sa araw na pasikat sa guhit-tagpuan sa lahat ng iyong tinangay sa paglisan maraming bubog ang iyong nakaligtaan mga patalim na ilang taon nang iniiwasan binigyan ng rason para limutin ang pag-asang kinapitan
0
Sep 16, 2017
Sep 16, 2017 at 5:50 AM UTC
Para sa tilamsik na akala ko ay dagat
Kung hindi ngayon kailan? hanggang kailan mapipigilan malikmata sa abang isipan? Lumulobog nga ba o sadyang pasikat pa lang ang araw Kong nagigisnan? Hanggang saan pa ba ang kayang tanawin ng inyong kalooban? 'gang sa likod ba ng mga lilang ulap at mala-kahel na papawirin? Tulad rin ba niya ang inyong mga mata na mayroong tanglaw at panglaw? Sa kung gaano kalalim ang lawak ng karagatan sa taglay nitong saklaw? Kung kayo ang nasa katayuan ng namamasdan **** katauhan.. Mababatid ninyo kaya kung paano niya minamalas ang nasa kanyang harapan? Sa pakiwari ko'y hindi sapagkat talos kong nadaramang higit ng inyong mga puso... Na ang nilikhang inyong nakikita ay walang nakikita sa malayong ibayo ! Hindi dahil sa siya ay naiinip lang na makita na ang kanyang minamahal.. Ang tutoo nangangamba na ako na baka hindi na niya maantay ang resulta ng aking pagpapagal. Sapagkat kung ano man ang nilalarawan ng bawat kapaligiran.. Pikit mata ko na ipinipinta ang mga sandali kung paano ko siya daratnan ! Kaya ngayon na ang tamang oras At di ko na kaya na ipagpabukas upang sabihin sa kanya na hindi na ako mamamalakaya. Mahal heto na ako sa iyong likuran.. 'Wala akong hilang sagwan', Ang bulong ko sa aking isipan.. Tatakpan ko ang iyong mga matang namamalakaya Hanggang sa ang aninag mo muling maging malaya.. Dahil ang araw na ito ay hindi takipsilim para sa ating dalawa Bagkos ang liwanag nating inaasam ay binibigay na ng bukang-liwayway !!! Ngunit mga katoto kung ang sagot ninyo ay Oo.. Marahil inyo nang napag-isipan mga binibini at mga ginoo "... Na kung minsan bago pa tayo may mapagmasdan Madalas hindi agad namamasid ang lihim na kagandahan" Bihira man bigkasin ang kasabihang... " magkaiba yung may tinitingnan sa mayroong tinititigan "
0
Nov 1, 2020
Nov 1, 2020 at 8:07 AM UTC
**Binuhay na Larawan**

38
Sa aking pag kaway Nagpapahiwatig ng aking pag paalam Hindi namalayan na iyon na pala Ang huling pagkikita Akala ko'y panandalian lamang Ang pag hinto ng mundo Ngunit 'yon na pala ang simula Nang pag tigil ng buhay Nag-isip, nag-iisip Sa lahat ng nangyari Bago ang kasalukuyang pangyayari May hindi pa ba ako nagagawa? Sa unti-unting paglaho ng mga araw Tumama sa akin ang realidad ng buhay Tunay ngang maiksi ang buhay At hindi alam ang kasunod Napatulala Nalungkot Napaiyak Napagod Hinahanap ang nakasanayan Mga araw-araw na gawain Mula sa pag gising ng maaga Hanggang sa patulog na pasikat na araw
0
May 25, 2020
May 25, 2020 at 11:16 PM UTC
Huling pag kaway