Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Leixia Feb 2019
40
sa tunog ng tambol,
iyong hinawakan ang aking nanginginig na mga kamay
at sa gayo'y mapawi
ang damdaming puspos sa dalamhati

ang bawat pagtibok
aba'y mistulang pulso dala ng aking puso
kasing lakas ng pagkulog ng mga ulap
kasing tulin ng paruparong lumilibot sa hangin.
maligayang apatnapung araw ng pagmamahal, aking irog
kingjay Dec 2018
Puno ay tumatanda
Nalalagas ang dahon sa balingkinitang mga sanga
Minsan may lagutok na maririnig- biglang pagluksa

Itanong kung kailan ang mga lawa ay matutuyo
Tubig niyang malinaw, may lalim na hindi matanto
Ito'y pagtahak sa walang hangganang hiwaga

Espiritung gala, isipin ang kalagayan
ng katawang lupaypay
Turukan ng gamot o ng gunita ng kasiglahan
Halik ng kahapon ay alaala ng kahapisan

Hawakan ang kamay na nanginginig
Matamlay na  anak Niya'y sa aruga salat
Ang paglipas ng oras ay gayundin ang pasasalamat
Habaan ang sandali na may hininga't sarap

Pawis na  nakabilad sa hamon ng buhay
Mararanasan ang init at pait
Ang pagpapahalaga sa katapusang ninanais
kaakibat ay lumbay

Paruparong itim magkatambal sa paglipad
May babala man huwag isaisip
Pusang tumawid sa harapan
Ibaling ang paningin
Magrosaryo saglit, sino ang mawawalan
kingjay Aug 2019
Kahit nakapiring ang mga mata
Makikita pa rin
Itong dakilang pag ibig
Bakit gayon ay iniwan pa rin

Namumulaklak na ang mga tanim na rosas
Mga paruparong dumadapo
ang pagmamahal ay tunay
Di ba gusto rin ito ialay

Sana'y di na lang nagbago
ang humahagibis na hangin saan patungo
Isusulat sa malagong liryo
Nalugami sa huling pagkakataon
Nagsusumamo sa paraiso

Huwad ba sa mga kasaysayan?
Sadyang dinakila ang pagmamahalan
Di man nagkatuluyan
Bibigyan ng tamang pagkakahulugan

Na walang nararapat sa isang dukha?
Kahit siniphayo ng iba
Sa pag-ibig kailangan din masaktan
Tadhana nga naman
Namimili ng yayapakan
(Isang metamorposis ng damdamin)
FSP+

Sa simula’y isa lang akong munting uod,
Gumagapang sa mga sanga ng opinyon,
Hinuhusgahan sa bawat hakbang,
“Bakit ka ba ganyan? Mali ka na naman.”

Kapag nag-iwan ako ng komento,
Sinusuklian ng tanong—
“Wala ka bang alam?”
Parang lahat ay kritiko, wala ni isang kaibigan.

Kapag ibinuka ko ang pakpak ng damdamin,
“Wrong grammar,” anila,
Na para bang damdamin ay dapat tama ang baybay.
Hindi raw sapat ang puso kung mali ang anyo ng salita.

At nang sinubukan kong manahimik,
Inakusahan akong bato—
Walang puso, walang pakialam.
Samantalang ako’y nagpapahinga lang sa sarili kong lungga.

Unti-unti, ang kalituhan ay naging balot,
Isang kokon na pumulupot sa aking katauhan.
Doon ako natutong umiyak nang walang ingay,
At umasa sa paglipad kahit di pa sigurado kung kaya.

Ngunit heto ako ngayon—isang paruparong alanganin,
May pakpak nga ba talaga o panaginip lang din?
Dahil kahit sa paglipad, may tanong pa rin:
“Masyado kang mataas… o baka naman nagpapansin?”

Ano ba talaga?
Sa bawat yugto ng aking pagbabago,
May tanong na kasabay,
Kaya’t sa gitna ng aking metamorphosis—
Ako’y nalilito pa rin…
Wrong grammar

— The End —