Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"papuntang" poems
Sana, bata na lang tayong lahat… Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan.  Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!” Sana , bukas ay bakasyon na… Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na.  Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang  asawa mo. Sana, pasko na lang bukas… Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo?  at sana mapasaya ko sila…”  Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito.  Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko. Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan … Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo.  Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo. Sana ikakasal na ako bukas… Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami.  Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali.   Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo. Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay.  Dapat, paghirapan natin ito…
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 2:27 AM UTC
SANA

Continue reading...
12
Kahit hindi na ako yung maging una o yung huli mo Kahit ako na lang yung na sa gitna niyo Yung pwedeng sumagot ng oo o hindi Yung madalas mang-aya gumala o mangtokis Ituring bilang isang kaibigan, ka-ibigan o pareho, wala naman itong kaibahan Ako na lang yung taga-salo ng mabibigat **** luha kapag hindi mo na kaya pigilan 'to Ako na lang yung magpapaalala sayo kung gaano ka na kalayo mula sa pinanggalingan mo Ako na lang yung magsisilbing checkpoint mo kung sakaling hindi mo pa kaya papuntang dulo Ako na lang yung magiging gabay kapag hindi mo na alam kung saang daan tutungo Ako na lang yung magbibigay liwanag pagkatapos ng gerang pinasok mo Ako na lang yung taga-sabi sayo ng "tiwala lang, kaya yan" kapag tambak ka sa dami ng trabaho Ako na lang yung magpupulot ng bawat piraso ng pagkatao mo na nadurog sa nagdaang mga bagyo Ako na lang yung susuporta sayo sa laban kapag malapit ka ng matalo Ako na lang yung mag-aabang sayo kapag malapit ka na sa may kanto Ako na lang yung magpapayo kapag naguguluhan ka na sa pag-ikot ng mundo Ako na lang yung mapagkakatiwalaan mo na pwedeng sabihan ng mga pinakatatagong sikreto Ako na lang. Ako na lang yung gaganap sa parteng to Yung di ganon ka-importante, hindi din kawalan Laging maaasahan kaya ayun, laging umaasa Ang magbabalanse sa daloy ng kwento Kahit yun na lang tayo; sayo.
0
Oct 29, 2016
Oct 29, 2016 at 10:00 AM UTC
Kahit 'Yun Lang
Kalong ng kanyang ina ang isang labing anim na taong gulang na binatilyo. Basang-basa. Nangingitim ang mukha at di na humihinga. Patay na yata. Nakuryente siya habang ini-aakyat ang black and white na telebisyong kasasangla lang ng isang magsasakang magpapa-check-up sa PGH- sa ikalawang palapag ng kanilang 5 square meter na tahanan. May bagyo noon. Super. At umapaw ang ilog. Ang sabi sa radyo nakataas na ang signal no.3 sa buong Central Luzon. Nag-iisip pa rin siya (ang ina) habang binabagtas ng sinasakyan nilang rubber boat na kulay dilaw ang daan papuntang evacuation center. Hindi na niya nagawang magsuklay at mag-suot ng bra. Kalong niya ang kanyang binatilyong pangarap mag-aral sa Maynila- na kanya ngayong ipinagluluksa. Sa Maynila, sa isang pamantasang kulay langit ang pasukan at labasan, nagdiriwang ang mga paang patungo sa Robinsons. Alas dose. Cut ang klase. #WalangPasok.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:50 PM UTC
Tumanggi ang Inang Mailagay sa Bodybag ang Kanyang Anak, Kakalungin na Lang Daw Niya
"Bago yan ah" aniya ng makita ang converse kong pula. Wala eh, wala nako maisip para makuha ang antensyon mo, mapansin mo. Naubos nga lahat ng ipon ko para sa sapatos na to. Balita ko kasi mahilig ka daw sa kulay pula at nangongolekta ka daw ng mga branded na sapatos. Ako yung tipong hindi maganda namay porselanang kutis gaya ng iba. Hindi katangkaran, pero pwede nadin para sa isang kolehiyala. Walang bag na ang tatak ay Guess, At magagandang damit na galing sa Mall. Simple lang ako, laging may hawak na libro. Nalilimutan mag suklay dahil baka maiwan ng jeep papuntang terminal ng LRT. Hindi naliligo sa pabango na padala galing abrod. At higit sa lahat, hindi nag susuot ng ibang sapatos bukod sa pinag lumaan kong rubber shoes. "Converse yan diba?" Dagdag niya ng hindi ako sumagot sa pag pansin niya. Ang totoo ay hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam pano ibubuka ang mga bibig at sasagot ng "Oo, buti naman napansin mo". Wala ako lakas ng loob. Tanging pag tango nalang ng ulo ang  kilos na kayang gawin ng katawan ko. Kumaripas ako ng pag lakad papunta sa silya sa dulo ng masikip na klasrum. Nag simula ang klase. Hindi ako maka pokus sa sinasabi ng Prof patungkol sa "Theory of relativity" ni Einstein. Tumititig sa wall clock sa taas ng pisara na kinatatayuan ni Ma'am Montemayor. Sa wakas biglang tumunog ang bell na nag sasabing tapos na ang klase. Palabas na ako nang muli mo kong tawagin. "Hi, pwede ba ako sumabay sayo mag lakad papunta sa Math class?alam mo naman ayaw ni Sir. Henry ng late" pabiro **** sinabi. Wala nakong nasabi kundi ang mga katagang "Okay lang naman". Tinatago ang ngiti na gusto ng mag kumawala, habang nag iisip at nag papasalamat sa Converse kong Pula.
0
Feb 29, 2016
Feb 29, 2016 at 5:07 AM UTC
Converse na pula

26
Dumaan ako sa Nagtahan at doo'y nanahan aking diwang gising at minulat, pilit binulag ng isang dakot na Asin. Rumampa sa Laong Laan, pilit inabangan ang pagtila, tila Luha ang tanging pakinabang. Tumawid sa Lacson, nadapa -- bumangon. Sumakay ng traysikel sa Ocampo, pumara sa Crisostomo; nangapitbahay sa Maria Clara nagpalamig sa Ibarra hanggang Simoun, Quintos, Dapitan. Hindi ka matagpuan. Tila silyang marupok na walang pakinabang; Tila laway na muntik masayang ang paglalakad ng pusong minsan nasagasaan noong binagtas ang kahabaan ng Dimasalang. Umuwi sa Sampaloc, kumuha ng gamit. Palihim na naglakad papuntang Blumentritt. Pinagpawisan sa pagsakay sa Recto. Anong ginagawa ko rito sa Quiapo? Isang makipot na sangandaan kailangang mairaos daanan. Isang hakbang palayo sa maputik na Ocampo; minsan nang bumagyo dito. Meron pa bang tayo?
0
Nov 17, 2010
Nov 17, 2010 at 12:41 PM UTC
Dangwa
Gusto ko ng isa " *Yun oh! Yung hawak ni Manong nag-titinda. .* " Itatali ko sa aking kamay Habang lumilipad Sa distansyang abot ko pa, " Oo, yung color blue ah! " Teka ilan nalang ba Ang naipon kong barya? " Hmm. . Aba aba, sobra pa kaya! " Inipon ko 'to ng kay tagal Mga baon na bigay ni nanay. Itatali ko sa aking kamay, Sabay naming babayuhin Ang kalsada papuntang simbahan. . " Sino yung umiiyak? " Ahh, lumipad ang lobo niya. Yung bata, kawawa naman. . Kahit bilhan ulit ng Nanay, Sige pa rin ang ngawa. . " Ano nga bang meron sa lobo niya? " " Bakit nga ba sila lumilipad? " Ito yung lobong Masarap tignan sa kalangitan Di pwde itali ng matagal Sasabit-sabit kung saan-saan Kalaunan, puputok nalang. Kaya sige, aking bibitawan na. . "Sige lipaaaad! " Diyan ka nababagay Sa langit, tanaw ng madla Malayo para aking silayan pa Kinagagalak kong bitawan ka. Pero wait diba uso, Yung may kasamang sulat? " Sigeee exciting, " Lagyan natin para masaya :                                        "  S a l a m a t .  "
0
May 16, 2017
May 16, 2017 at 2:54 AM UTC
L o b o