Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Levin Antukin May 2020
balik-tanaw. limang taong gulang.
tapos na maghabulan, magtayaan.
pagod na ang lahat at ang natitira na lamang
ay magkwentuha't mag-asaran bago magsiuwian.

"wala mga daddy niyo sa daddy ko", sigaw ng aking kalaro,
"nagpapalipad siya ng mga eroplano".
manghang-mangha kami habang nagkukwento siya
at may hawak pang eroplanong papel.

"pero 'di papatalo si itay", sabi naman ng isa pa,
"sa Saudi siya nagtatrabaho kaya lagi akong may bagong laruan".
bilang ganoon pa kabata, 'di namin mapigilan mainggit.
sino ba namang hindi kung laruan ang binabanggit?

pinagyabang ko siyempre ang aking ama.
"pulis ang tatay ko". sabay humugis ng baril
gamit ang mga kamay.
basang-basa ang mga ito dahil sa pawis.
mga palad na makaraan ang isang dekada't kalahati
ay nalulunod na sa pagiging pasmado o marahil sa kaba
dahil sino ba'ng 'di matatakot sa pulis

ngayon?

nalaman namin na hindi nagpalipad ng eroplano
yaong daddy ng kalaro namin.
flight attendant siya. marangal na trabaho.
nagtrabaho nga sa Saudi ang itay ng kalaro pa naming isa
subalit kalaunang bumalik sa 'Pinas dahil pagod na.

kahit ano pa mang trabaho iyan o kung saan,
nakasisindak isiping nakatira ka sa iisang bubong
kasama ang isang mamamatay-tao.
ang malala ay isa siya noon sa mga pinaka-tinitingila ko.

tunay ngang mabilis ang pag-ikot ng mundo
kung ang nasa poder ay baluktot ang prinsipyo.
biktima tayong lahat na pumapailalim
sa mga nagmamataas na sakim at gahaman.
bakit magtataka sa kasulukuyan
kung mas masahol pa sa kriminal
ang puwersang kapulisan?
Lecius Dec 2020
Balang araw
Hindi na lungkot ang dulot ng umaga,
Tatahan na ang umiiyak na matang namamaga
Matutuyo na ang mga kumo't unan na basa

Ika'y tatayo na mula sa pag-kakaupo sa gilid
Paa'y ihahakbang na palabas ng silid
Handa kanang harapin ang mundong pasakit
'Di ka na nito tatablahan ng pait.

Mga sugat mo'y tuluyan ng nag-hilom
Wala na ni isang marka ang mababakas
Tuluyan mo nang naaninag ang liwanag,
Sa'yong yungib na natakpan ng dilim

Natagpuan mo na ang matagal na nawawala
Pagmamahal sa sarili na sa'yo'y tumakas
Kaya ngayon buo na ang piyesa ng pag-katao
Lalaban kana hindi na muling mag-papatalo

Kaya mo na ulit
Mas kaayanin mo pa ngayon
Lagpasan hamon sa harap
Dahil buo kana
Ririin咲く花 Feb 2019
gabi na ako nakauwi
lasing na lasing
di alam kung anong gagawin
umiiyak sa gitna na ng dilim

iniisip kung asan na ang mga pangako
mga pangakong binitawan mo
mga pangakong inaasahan ko
akala tutuparin mo

sa huli ako'y nagkamali
minahal kita ng lubos
ngunit iba ang naibalik
di ka man lang nag-isip

umasa ako tayo parin hanggang huli
umulan bumagyo
pero masisira lang pala
sana di nalang umaasa

ngunit napag-isip isip ko
pagsubok lang pala
sige pakakawalan kita
kasi diyan ka masaya

wag kang mag-alala sasaya rin ako
de ako papatalo sa emosyon na ito
balang araw mahahanap ko rin siya
yung the right one na sinasabi nila

— The End —