Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"panghuli" poems
“Study everything, join nothing” - The Maverick Philosopher Hindi naman masamang siyasatin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa ating buhay-buhay. Ayos lang na basahin ang lahat ng aklat na gusto **** basahin basta’t makakatulong ito para makamtan mo ang iyong mga hangarin. Ayos lang na sumabay sa hangin o kaya naman ay tumakbo sa buhangin siguraduhin mo lang na hindi ka mahuhulog sa bangin. Minsan ka lang mabubuhay at hindi na muling babalik ang kabataan, karapatan mo na pag-aralan ang lahat ng gusto **** mapag-aralan. Hindi mo kailangan na pumasok sa paaralan at magbayad ng pagkamahal-mahal na tuition fee, hindi mo kailangan maki-tropa sa mga bolakbol o kaya naman ay makipag-plastikan sa mga pantas na kung tawagin ay propesor. Magbasa ka at huwag umasa, hawak mo ang iyong buhay kaya’t hindi mo ito dapat na iasa. Kumasa ka kung kinakailangan upang hindi maging alipin ng sinoman. ‘Hwag **** antayin na turuan ka ng iba, turuan mo ang iyong sarili. Ok lang na maging makasarili basta’t kaya **** dalhin ang iyong sarili. Kumbaga wala naman masama na magsarili gamit ang iyong daliri. Basta ito lang ang payo ko: ‘wag **** sayangin ang ngayon. Wala sa organisasyon ang tunay na pundasyon. Ang karunungan ay hindi isang donasyon, pinaghihirapan ito tsong. At wag **** sabihin na masyado ka pang bata o di kaya naman ay matanda na’t huli na ang lahat. Walang malambot at walang makunat sa coconut na handang matuto. Panghuli gusto ko tandaan mo ito. Ang buhay ay hindi isang magandang panaginip hindi rin ito isang masamang bangungot. Ang buhay ay buhay, ganon lang kasimple, ‘wag **** gawing kumplikado. Kung may gusto ka gawin mo, kung ayaw mo naman edi ‘wag. Ika nga walang sapilitan kasi wala ka naman kapalitan ang importante ay matuto ka saiyong bawat ngayon.
0
Nov 12, 2017
Nov 12, 2017 at 8:14 PM UTC
MATUTO SA BAWAT NGAYON

Continue reading...
7
Isa, dalawa, tatlo Ikaw parin ang laman ng puso ko Apat, lima, anim Sana ay ako parin Pito, walo, siyam Sana'y hindi pa ito ang huling paalam At ang panghuli ay sampu Na nagsabi sayo ng "I love you" Umaasa ako na mapapansin mo din ako At sa huli ay magiging tayo Gamit ang mga numerong ito Ay ang mga rason kung bakit kita inibig ng ganito Lahat ng numero ay babanggitin Hanggang sa ika'y mapasakin At kailanman ay hindi magsasawa, Magsasawang maghintay at sumaya
0
Jan 27, 2017
Jan 27, 2017 at 6:04 AM UTC
Numero
Pinagmamasdan ko siya. Nilapitan ko ng dahan-dahan. Inamoy-amoy ang kanyang buhok. Kinuha ko ang kanyang mga damit. Hindi ko mapipigilan... siguro nasisiyahan lang akong malaman na akin lang siya. Hindi siya sumigaw, hindi nanlaban. Nakaupo lang siya pero nakatungo. Ako ang una mo ako rin ang panghuli. Ako lang dapat, wala nang iba. Wala na siya... Habambuhay. Siguro nasobrahan lang ako sa selos. Kaya ngayon wala na siyang emosyon.
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 3:28 AM UTC
WALANG EMOSYON
Papagorin ka't pupuyatin, Hangga't utak mo'y mapupod. Gumising ka, kaya pa natin, Bawal ka mapagod. Tanong mo sa sarili, 'para san nga ba?' Para sa kitang di mapagkasya? Tanong mo sa sarili, 'tuloy pa ba?' Hanggang san nga ba ang kaya? Mga imortal na manggagawa, Kahit bagyo di ka kaya, Pigilan, subokan, Babangon pa din kinabukasan. Tanong mo sa sarili, 'para san nga ba?' Para sa kitang di mapagkasya? Tanong mo sa sarili, 'tuloy pa ba?' Hanggang san nga ba ang kaya? Kaya ayokong napupuyat, Kung ano ano ang nasusulat. Pero ito lang panghuli na, Pikit ka na, bukas maaga ka pa.
0
Jan 1, 2017
Jan 1, 2017 at 5:12 AM UTC
Werk werk werk werk werk