Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"panget" poems
Ilang buwan na pala Simula nung nawala ka Di rin nagtagal diba? Kase naman, ako lang yung nagseryoso sa ating dalawa May mga oras nga na naaalala kita Pero minsan gusto ko na lang kalimutan ka Ayoko na kasing mamroblema pa Sa dinami-rami ba naman ng iniisip ko, dadagdag ka pa ba? Alam kong ako ang sinisisi mo Kung bakit humantong tayo sa ganito Eh kase naman kung di ka lang sana nag gago, Edi sana sayo parin ako Kaya't wala kang maisusumbat Dahil una sa lahat, hindi ka naging tapat Kung nakukulangan ka sa inakala kong sapat, Sana sinabi mo kaagad, hindi yung ipinagpalit mo ako sa isang babaeng flat Oo ganito lang ako, Mataba, panget, sige sabihin mo lahat ng kapintasan ko Pero hindi ako bobo Para magpaka martir sa isang kagaya mo Pasensya na kung nasaktan kita sa mga nasabi ko SORRY, pero gago mas nasaktan mo ako! Hanggang ngayon nandito parin ang mga markang iniwan mo Dito, nandito sa sugatan kong puso Nag Flashback lahat ng ala-ala, Nung nakita ulita kita kanina Grabe masaya kana pala talaga Kaya di na kita guguluhin pa Mukhang may kasama ka nanamang bago Ano yan bagong malalandi mo? Naghaharutan pa sa daan itong dalawang to Sakit nyo sa mata, sarap nyong isako! Kaya sinasabi ko sainyo Na hindi porke gwapo ay agad mo ng sasagutin ng OO Dahil sa una lang yan seryoso Sige ka, bandang huli ikaw rin ang talo Ayon! SKL sainyo
0
Nov 1, 2018
Nov 1, 2018 at 11:25 AM UTC
WAG NA AKO
*Namis ko ang mga panahon, na naglalakad ako papunta at pauwi mula trabaho Sumasakay sa jeep, mukhang tanga, nagaabang sa kanto Sulyap ko si kuya, nangungulangot ng patago Nakatingala sa langit, ngiti ko'y tila ipinako* Masaya sumabay sa takbo ng mga tao Kita mo lahat ng ganda at panget sa mundo Maging avon man o ever bilena ang gamit May lunes parin na maiiputan ka ng pato. *Namis kong mag tsinelas palabas ng bahay Ngayon 3inches na ang taas ng yapak ko Pati din ang jansport na laging nakasabit Ngayon para akong magtatahong walang buena mano* Madaming nabubunyag sa aking biyahe Malalagkit na sulyap ni kuya sa pasahero Ngayon nga'y may pisong nalaglag sa tabi Dadamputin sana ni ate kaso naunahan ko Hiwaga sa'kin, saan kaya siya patungo?
0
Oct 9, 2015
Oct 9, 2015 at 12:54 AM UTC
Pamasahe
Oo torpe ako kasi hindi ako kagwapuhan at hindi rin ako mayaman Hindi rin ako yung tipo **** lalake Ako yung taong simple lang, konti lang ang kaibigan, hindi famous Nahihiya akong lumapit, nahihiya kasi ako sa mga kaibigan mo Kasi sa sobra **** ganda tapos ako hindi naman kagwapuhan pero hindi naman sobrang panget Sakto lang pero sobra sobra ako magmahal pero nakukuha pa rin akong saktan Kasi ako yung tipo ng tao na once na mag kagusto gagawa at gagawa ako ng paraan upang mapa sa akin Kahit na mahiyain gagawa at gagawa ako ng paraan para mapansin mo Kasi kaming mga torpe sa pang aasar kami dumidiskarte Kahit minsan napaka mais ng jokes namin pero nakukuha pa rin namin kayong pangitiin Pero once na maging tayo Hindi hindi kita papakawalan hindi agad agad kita isusuko Kahit anong mangyari hindi tayo masisira Na kahit anong pagsubok ang dumaan hindi tayo bibigay Alam mo naman na mahal na mahal kita Iiwan ko ang pagkamahiyain ko para sayo Kami yung minsan ka lang kiligin Mahilig sa biglaan Sa mga suprise Yung basta basta ka na lang kikiligin Kami yung laging dahilan ng ngiti niyo kapag kausap niyo kami Hanggang sa matapos ang relasyon natin Hindi kita hahayaang umiyak
0
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 10:44 AM UTC
Torpe
alalahanin mo na ikaw ay mortal. isang araw hahabulin mo ang 'yong hininga, pero sa tulin nito hindi mo s'ya aabutan. magdidilim ang iyong paligid magsasarado ang iyong mga mata at hindi kana kailanman gagalaw. alalahanin mo na ikaw ay mortal. mabubura ang lahat ng iyong ala-ala, mabuti man o masama lahat mawawala. kahit ang panaghoy ng naglalamay na saiyo'y nagmamahal hindi mo na madidinig lahat maglalaho. alalahanin mo na ikaw ay mortal. maganda man o panget ang iyong mukha't katawan sa bandang huli kakainin lang ito ng mga bulate. alalahanin mo na ikaw ay mortal. kahit nasa taas ka ay h'wag magmataas pagkat sa huling hantungan sa lupa'ng tapakan ka rin mababaon. alalahanin mo na ikaw ay mortal. isang singaw sa ibabaw ng lupa, isang bulalakaw sa kalawakan isang bula na nakalutang sa sabaw at isang kisapmata sa libong pangitain.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:50 AM UTC
Memento Mori
naaawa sa mga panget galit sa gwapo
0
Nov 1, 2020
Nov 1, 2020 at 3:40 AM UTC
mantra