Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pangarapin" poems
Okay lang naman kahit walang ganito Kaya pa namang tiisin ang lamig ng puso Pero bakit unti unti na babalik ang tingin Gigising sa umaga ikaw ang agad hahanapin Okay pa naman kahit walang pansinan Mga normal na usapan na walang lambingan Pero bakit nakatutuwang masilayan ang ngiti Para bang ginugustong pagmasdan nalang ang 'yong labi Okay ba sayo na pangarapin kita? Nananaginip na akong kasama ka tuwina Alam ko namang di ka maniniwala Ngunit idinidikta ng isip na subukang pumusta Okay kaya na mahulog sa 'yo? Natatakot ako, baka di mo ko masalo Pareho yata tayong takot magtiwala Subalit bumubulong ang puso na ikaw ang tadhana Okay na ako, handa nang humakbang Lalakad, tatakbo kahit maraming humarang Sa'yo lang nakatingin sa abot tanaw Mananatiling ikaw hanggang sa pagpanaw Okay sanang managinip nang ikaw ang katabi Yun ang tanging pangarap, 'di na ikinukubli Hihilingin sa langit at sa mga bituin Na sana sa huli... ako'y sayo at ikaw ay maging sa akin
0
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 11:43 AM UTC
How to Pagibig
Ang makamtan ang maliliit subalit makabuluhang layunin sa loob ng maiksing panahon. Sa maiksing panahon lang, ‘hwag **** sakupin ang lima hanggang sampung taon na paparating pa lang. Ituon mo sa ngayon at sa mga darating na araw o buwan ang pagkamit sa iyong mga layunin. Hindi totoo ang long term plan, tangina baka nga hindi mo na ito ‘datnan kaya hindi mo ito dapat na saklawan. Ang tagumpay ay hindi sinusukat sa haba ng paghahanda para ito makamit, ang totoong tagumpay ay dapat na lasapin sa bawat sandali, minuto, oras at araw ng buhay mo. Oo, ganun lang dapat, kasi maiksi lang ang buhay baka sa sobrang abala mo para paghandaan ito ay makalimutan mo ang maging maligaya. Ito ang pinaka malaking trahedya ang kalimutan ang kasalukuyan para lang paghandaan nang todo-todo ang bukas na iyong hinihintay. Ok lang na mangarap, na magsumikap at pangarapin ang magandang bukas subalit hindi mo dapat na ipagpalit kung ano man ang kaligayahan na meron ka ngayon para lang dito. Enjoy your life today while preparing for the future ika nga. Kung bata ka maglaro ka, sige lang makipaghabulan ka sa mga tutubi o di kaya ay  magtampisaw sa ulan. Kung binata ka sige lang manligaw ka at makipagkaibigan mag-invest ka sa pakikisama at matutong makipagkapwa tao. Kung nagtratrabaho kana gawin mo nang may pagibig ang ano mang giangawa mo, ‘wag lang nang dahil sa pera. Maging bubuyog ka na laging handang sumimsim ng bango ng mga bulaklak. Gayahin mo ang ibon na laging umaawit at lumilipad. Umawit ka at tumula kahit walang tagahanga. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon. Ang maiksi subalit makabuluhan na panahon ito ang mga ginintuang sandali na hindi mo dapat na ipagpalit, hawakan mo ito nang hindi mawaglit.
0
Nov 29, 2017
Nov 29, 2017 at 1:49 AM UTC
MICRO AGENDA

Continue reading...
3
Napansin ko lang, parang ilang gabi nang nahihirapan matulog. Malambot naman ang unan ko Maluwag naman sa kamang hinihigaan Makapal at mabango naman ang kumot Malamig at tahimik din ang kwarto Nasobrahan nanaman ba ko sa kape? Hindi naman siguro pero bakit? Antukin akong tao pero bakit ganito Pero sa kalagitnaan ng kalituhan, Sa ilalim ng mga bituin sa kalangitan Biglang sumagi sa isip ko, "Oo nga pala, wala naman ng ibang dahilan.." Kundi Ikaw. Ang bida ng walang katapusang kwento. Sa tuwing hihiga ako pagkatapos ng isang mahabang araw Na nakakapagod kahit wala naman masyadong nangyari at nagawa Muntik pang mapagalitan dahil gabi nanaman nakauwi Nagbihis at dali-daling inayos ang higaan Ayan na, sa wakas at dinadalaw na rin ako ng antok Ngunit ayan ka na din bigla nalang eeksena parang sa pelikula Bitbit ang mga pabaon **** ala-ala na nasa isang garapon At magsisimula kang kumatok ng kumatok sa puso kong marupok Sige na, papapasukin kita pero parang awa mo na Bigyan mo naman ako ng isang mahimbing at mahabang tulog Hayaan mo akong humiga, magpahinga at huminga Ipagpatuloy ang pananaginip habang naka-nganga Na kahit dito man lang, sa nilikhang mundo ay hindi tokis ang pag-ibig Hihintayin kang mapagod maglakbay at magpasikot-sikot sa isipan ko. Kahit na nakakainip. Pero wala, sanayan lang naman 'to. Sanay ng pangarapin at mapaginipan ka, Na hanggang pangarap lamang kita.
0
Jun 24, 2017
Jun 24, 2017 at 10:46 AM UTC
Antokis
Gayuma ang titig ng iyong mata ang mga kulay nitong kakaiba, pati ang labi **** nakakahalina Nakakahalina ang pangarapin ka alalahanin ang iyong amoy sa tuwina, ating mga alaalang tila ba milagro at mahika Mahika ang muli kang makasama at marinig muli ang iyong mga tawa, mawala kung saan mang sulok kasama ka Ang makasama ka ang pinakamabisang gayuma, ang pinakanakakahalinang mahika, at ang aking pinapangarap na sumpa.
0
Feb 22, 2024
Feb 22, 2024 at 2:16 PM UTC
Gayuma
Kailangan ba nagsimula itong aking pagtingin? Simula't sapul hanga ako sa iyong angking Kabaitan, katalinuhan at pagiging malambing Napukaw mo ang aking damdamin Noo'y di lingid sa aking kaalaman Ikaw pala ay aking magiging kaibigan Usap nang konti, tawanan sandali Marupok na puso'y pilit winawaglit Mali bang ika'y aking pangarapin? Sa'yo lang ata tumibok itong damdamin Konting asaran na lang at ako'y matatangay Sa iyong mga matang laging nagpupugay Ngunit sabihin man nating gusto kita Ako'y duwag kaya't 'di ko magawa Takot masira kung anong meron tayo Sa minsang "Hi-hello" makukuntento ako
0
Nov 12, 2018
Nov 12, 2018 at 5:38 PM UTC
Mga Hindi ko Masabing Salita
Alam kong hindi ang pangalan ko Ang unang tatawagin mo, Ang unang bibigkasin mo, Ang maaalala mo. Alam kong hindi ang pangalan ko Ang unang papasok sa isip mo, Ang unang maiisip mo Sa tuwing naririnig mo ito. Alam kong hindi rin ang pangalan ko Ang lagi **** bukambibig sa mga kaibigan mo, Hindi rin ako ang laman ng mga kwento mo, Ang una **** matatakbuhan sa tuwing may problema ka. Mas lalong hindi ako ang hanap-hanap ng mga mata mo, Ang kinababaliwan mo, Ang magiging kabiyak mo sa tamang panahon. Hindi lang ako naglakas ng loob na sabihin sa’yo noon. Na gusto kita. Hindi ko naman ginusto na magkagusto sa isang katulad mo, Hindi ko naman pinilit o para bang ako ay nagpabaya, Ngunit alam ko, na hindi magiging ako. Ang una **** tatawagan sa tuwing nag-iisa ka, Alam kong hindi ang text o tawag ko ang una **** sasagutin. Hindi rin ito ang laging inaabangan mo, Alam kong kung paano mo ako tingnan ay iba. Iba kung paano mo siya tingnan, Iba kung paano mo siya mahalin, Kung paano mo siya alagaan, Alam kong hindi ako ang mundo mo. Ngunit huwag mo nang pangarapin pa Na mamahalin ka rin niya, Ngunit hindi naman pala. Ngunit, alam ko na hindi na pala ako. Ang unang iikot at tatakbo sa isipan mo araw-araw, Alam kong hindi ako ang iniisip mo araw-araw. Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin, Alam kong parang kapatid lang ang pagtrato mo sa akin. Alam kong hindi ang kamay ko ang unang hahawakan mo, Alam kong hindi ako ang unang lalapitan mo At unang hahanapin mo pagkadilat ng mga mata mo. Alam kong hindi ako ang unang yayakapin mo. Alam kong hindi ako ang una o kahuli-hulihan na liligawan mo. Alam kong hindi ako—oo, Noong una pa lang alam ko na, Na hindi ako ang tinitibok ng puso mo. Ang iyong unang sinisinta, Alam ko noong una pa lang Tinatak ko na sa isipan ko Na wala akong puwang ni minsan man diyan sa puso mo. Alam kong ang bawat pagtingin mo sa akin Ay iba sa kung paano mo siya tingnan. Siguro, naisip mo rin na habang tinitingnan mo ako, Ay siya ang naiisip mo. Kung paano mo siya kausapin, Kung paano ka magmalasakit sa kanya, Kung paano mo siya tratuhin— Ay iba sa lahat, nabubukod-tangi nga ba sa iba. Ni minsan hindi ko inisip o hiniling Na ibalik mo sa akin ang pagmamahal na ipinaramdam ko sa’yo. Ni minsan hindi ako nagdalawang-isip na katukin yang puso mo. Baka sakali lang matanggap at mahalin mo rin ako. Baka sakali maisip mo rin na bigyan ako ng pagkakataon. Ni minsan hindi ako humingi ng kahit anong kapalit. Ni minsan hindi ko inisip na habulin ka. Na lumuhod sa harap mo at magmakaawa, Dasal lang ang kakampi ko. Na sana huwag kang magmahal ng iba, Na sana walang ibang naghihintay sa’yo. Na sana ako na lang ang mamahalin mo, Na sana dinggin na ng Panginoon ang hiling ko. Alam ko na hindi ako ang gusto mo. Noong una pa lang alam ko na. Kahit hindi mo sabihin, Ramdam ko naman Ang mga panlalamig na trato mo sa akin, Ang pagbabalewala mo sa akin. Alam kong kahit kailan wala akong laban sa kanya, Kahit kailan hindi kita magawang pilitin. Ayaw kong ipilit sa’yo na ako ang piliin Dahil alam kong siya ang gusto mo. Alam kong hindi para sa akin ang mga ngiti mo, Alam kong hindi ako ang gustong makausap mo, Alam kong hindi ako ang gusto **** makasama, Ang gusto **** makitang tumawa. Kahit kailan hindi ako magiging siya, Kahit kailan hindi ko kayang palitan siya Diyan sa puso mo. Kahit kailan hindi ko magawang turuan ang puso mo Na ako ang mahalin mo, Na ako ang pipiliin mo. Kahit kailan hindi ako ang nakikita mo Sa tuwing magkasama tayo. Hiniling mo na sana siya na lang ang kasama mo, Na sana siya na lang ang nakausap mo At ang nakakaintindi at nakikinig sa’yo. Kailanman magkaiba kami. At kahit bali-baliktarin man natin ang mundo, Kahit ikumpara mo man ako, Hindi siya magiging ako At hindi rin ako magiging siya.
0
Aug 28, 2023
Aug 28, 2023 at 11:25 PM UTC
Alam ko (11-11-21)

91
Konting konti nalang ba?, O sa kunting yan maudlot pa, Saglit palang man din tayo Nagkakilala, ngunit akoy punong punot binuo mo na. Labis na tuwa ang nadarama sa mga alaalang kahapon lamang nagawa,ngunit ito ba ay kalabisan? O dapat lang? **** sagot o tadhana. Nasa sulok kagabi, pinagmamasdan ang nagiisang larawan mo sa cp, ng may ngiti, naka titig sa maamo **** mukha't, nangangarap na mahawakan ang iyong mga pisngi't mayakap ka kahit konting sandali. Hanggang pangarap na lamang ba? Mali ba na pangarapin ka? Mali bang magmahal kung alam **** siya na nga? Sana tama nga!
0
Mar 12, 2021
Mar 12, 2021 at 12:43 PM UTC
Sana