Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pangalwa" poems
Anim na letrang salita magwawakas ang lahat Ayoko nang paalam Ayoko nang luha ngunit ika’y malaya na sa mga rehas na iginawad ko sayo bukas makalawa maaring limot mo na ang lahat patawarin mo ako sa hindi pag suko umaasa na sana’y may iaabante pa ang lahat oo nga pala, walang tayo kasi hindi naman naging tayo damang dama ko parin ang mga init ng iyong halik na iginawad sakin ang mga yakap **** yumayapos saken kaluluwa ang bawat ngiti **** matatamis ang lahat ng yan ay akin’ mamimiss akala ko ako lang ang nag iisa para sayo ngunit hindi ko inaasahan ako’y pangalwa lang sayo Mahal kita dalawang salita pero mas pinili mo ang anim na letrang tatapos sa lahat Gusto kong makalimot ngunit ayokong ibaon ang mga alaalang napagsaluhan naten Alaalang mas pinili kong itago Matatapos na ang lahat matatapos narin ang tulang isinulat ko para sayo Ang tanging hiling ko lang Maging masaya ka Isa Dalawa Tatlo Salamat, Paalam.
0
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 4:21 AM UTC
Paalam