Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"panatilihing" poems
Kasiyahan na minsan hindi makita Dahil sarili mismo ang nagkukubli Sa tingin natin sa iba makikita Nun pala ito'y nasa ating pagpapasya. Kasiyahan ay isang pagpili Sarili ang magpapasya ng nais na maramdaman Huwag hayaan madala ng kalungkutan Dahil ito'y isang kasinungalingan ng kaaway. Kasiyahan ay panatilihing nasa buhay Ito'y nakakabawas ng alalahanin sa araw-araw At nagbibigay ng kalakasan na harapin ang buhay Dahil ito'y bigay ng ating mahal na maylalang.
0
Jun 9, 2015
Jun 9, 2015 at 2:13 AM UTC
Kasiyahan
Ang mabuhay ay ang hanapin ang ligayang hindi matatagpuan kung hindi payapa ang diwa. Ang mabuhay ay ang panatilihing payapa ang diwang hindi makakamtan kung walang ligaya.
0
Oct 9, 2020
Oct 9, 2020 at 7:11 AM UTC
Si Diwa at si Ligaya