Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
w Nov 2016
18
Lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot
Lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan
Pero ang pinaka nakakalungkot sa lahat e yung puno ng tao sa isang kwarto
Puno ng tunog at salita
Puno ng biruan at tawanan
Pero ramdam **** nag-iisa ka
Ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka
Sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang
Kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman
Nakakapagod ano?
Nakakapagod magkunwaring masaya
Nakakapagod magkunwaring kaya mo pa
Pero alam naman natin
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan
Etong yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya
Eto yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa
Eto yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam
Iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran
Kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa
Yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan
Isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan
Alam ko,  pagod ka narin
Sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay
Sa mundong malawak at mapaglaro
Sa mga tulang isinulat pero walang laman
Sa mga nasambit na salitang wala man lang naantig
Sa mga matang blanko na walang ningning
Sa mga patok na banat pero hindi naman nakinabang
Sa mga mensahe sa inbox na puro lang chain messages ang laman galing sa kakilala **** di na umahon sa pagiging jejemon
Sa mga text ni Baby aka 8888 na pinapaalala kang expired na pala ang iyong load
Talaga namang nakakapagod ang mundo
Minsan nga nakakagago
Itulog nalang natin 'to, ano?
Ayan tayo e, dinadaan sa tulog ang lahat
Pero malay mo nga naman, baka sakaling sa mahabang paglimot sa mundo, isang panaginip lang pala ang lahat ng sakit
Hindi lang siguro dahil tamad kaya natutulog pero eto na marahil yung senyales ng pagsuko sa laban
Sa pagpiling takasan panandalian ang buhay at baka sakaling sa panaginip matupad ang nais ng puso
Kasi sa totoong buhay ang hirap tanggapin ang bawat sampal ng pagkabigo
Yung bang dalawang klase ng pagkabigo
Yung todo bigay ka sa una pero bokya ka parin
At yung isa naman, yung natatakot ka ng sumunggab at tinikop ka na agad ng takot
Beterana na nga ata sa larangan ng pagiging olats
Nganga kung nganga
Nada kung nada
Itlog kung itlog
Pero hindi pa tapos ang kwento
Malayo pa ang lalakbayin
May natitira pa naman sigurong alas dyan na di pa naitataya
Positibo naman ako na sa negatibong sitwasyon makakaalpas din
Lahat naman ng bagay lumilipas, parang yung paboritong pantalon na sa kakasuot unti-unting kumukupas
Tulad ng chika ng karakter sa pinapanood kong korean nobela, Fighting daw!
Minsan may pakinabang din pala ang pagharap sa telebisyon sa ganitong pagkakataon
Ngayon, alas otso medya ng gabi sinusulat ang mga katagang nais ilabas ng puso
Habang wala pang tugon mula sa itaaas
Salamat sa oras na tibok ng puso
Kakapit muna ako kay Captain Yoo
Sa seryoso pero nakakakilig na ugali,
Sa swabe niyang mga the moves,
Sa grabehan niyang mga titig,
At sa mala-fairytale nilang storya,
Captain, ako nalang please!
Ang huling pagkapagod kong nais ireklamo
Siguro sa paghihintay na may isang Captain Yoo Shijin na darating, na kikiliti sa pagod kong puso at magbibigay ng rasong ipagpatuloy ang labang kinapusan na ng dahilan.
whomst Mar 2017
Salamat sa panandalian nating pagsasama
Sa ating tawanan at masasayang alaala
Ang mga ngiti mo tuwing ika'y dumadaan,
Nakakahumaling at hinding hindi ko pag sasawaan

Binibigay ko lahat ng oras ko sayo
Dahil umaasa ako na ganoon din ang gagawin mo
Ilang beses pa ba ako aasa?
Na makamit ang happy ending na kasama ka?

Sana ay dumating yung araw na,
Makalimutan at palayain ka
Pero kahit anong pilit
Ay bumabalik parin yung dating sakit

Okay lang talaga ako promise,
Pero sana'y yakapin mo ako bago ka umalis
Ngunit panandalian nga lng pala ang lahat
Ang masasabi ko na lang ay paalam at *salamat
medyo waley eugh
ESP Oct 2015
Kung gustong magpatuloy
Burahin ang nararamdaman
Kung gustong mabuhay
Burahin siya sa iyong isipan

                                                   Tamang daan ay alam na alam na
                                                   ito na dapat ang ginagawa
                                                   pero pinipili pa ring maging masaya
                                                   kahit sa dulo alam naman nating talo na

Masaya pa bang ituturing,
Kung ang sakit ay nandoon rin?
Masaya ka bang ituturing,
Kung sa gabi'y mata mo ay lumuluha rin?

                                                 Tunay sa ligaya
                                                 Di talaga sa materyal na bagay makikita.
                                                 Mata ng iyong sinisinta na sa iyo nakatulala
                                                 Anong ligaya ang madarama.

Panandaliang ligaya nga naman
Panandalian lang ang lahat
Pang matagalang sakit at poot
Naman ang sa iyo'y idudulot

Hahayaan mo na lang ba na gano'n?

                                                  Kung ligaya ay minsang panandalian
                            Malamang lungkot at paghati ay panandalian lang din.
                Ngunit haba ng dulot ng ligaya ay di masusukat
     Lungkot na naramdaman ay tiyak malilimot mo na.


Tunay ngang pag-ibig ay magulo
                 Hindi ko maintindihan
                          Bakit kapag nasasaktan ka'y ayos lang?
                                Hindi ko maintindihan
                                      Kapag nama'y masaya ka, babawiin rin lang
                                 Hindi ko maintindihan
                   Maaari bang madali na lang ang lahat?

Pag-ibig ay talagang magulo
                 Pagkat kulay nito'y halo-halo.
                            Mundo ay napapaikot gamit ng pag-ibig na ito,
                                           Sabi nga ng maraming nakaranas na nito
                             Hindi ka matututo umibig
                  Kung di ka masasaktan.
         Sakit sa pag-ibig ay normal


Pagkat ikaw ay nagmamahal.
Written unconsciously by Patricia and I. She was thrilled by the stanza in my poem called Mula Lunes hanggang Linggo (which is posted here too) and she continued the last part with another context and then I answered back until we finally came up with this. That was fun!
seluring Aug 2017
nais kong simulan ang aking tula sa isang katanungan,
"bakit mo ako iniwan?"
dahil ba sa ugali kong hindi maintindihan?
dahil ba sa itsura kong hindi kagandahan?

bakit mo ako binitiwan?
bakit mas pinili mo ang lumisan?
bakit mga pangako mo'y iyong kinalimutan?
bakit ka lumihis ng daan?

mahal, sana'y sagutin mo't huwag kang magalit,
kung marami akong tanong sayo na bakit,
hindi ko parin kasi talaga matanggap yung sakit,
sagutin mo naman, baka sakaling tumamis ang mapait.

hindi kita matanggal sa puso't isip ko,
at dahil sa takot ko na baka maulit ang pag-alis mo,
ipinagkatiwala ko ang puso ko sa ibang tao,
kaysa ang maniwala muli sa mga salita mo.

sa bawat paggalaw ng kamay ng orasan,
sa bawat pag-ihip ng hanging amihan,
sa bawat pagsilip ni haring araw,
tila puso ko'y nanatiling naliligaw.

paulit-ulit sa aking isipan,
tama ba ang aking napagdesisyunan?
kasiyahan sa iba ay dapat bang subukan?
nagbakasali na hindi ko ito pagsisihan.

sumubok ako, nagtiwala sa mga salitang naghatid ng panandalian ligaya,
nagpadala ako sa mga pangakong "ikaw lang at wala ng iba",
pero nagkamali ako, pare-pareho lang pala kayo,
sa una lang kayo pursigido.

mahal, nais kong alalahanin mo,
lingid sa kaalaman mo na makakalimutin ako,
pero inaamin ko, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko,
oo mali 'to, pero masisisi mo ba ako?

bakit ramdam ko parin ang sakit ng iyong paglisan?
bakit hindi kita kayang bitiwan?
bakit sa bawat oras ng aking kalungkutan,
ikaw, ikaw ang nagsisilbing dahilan ng aking kasiyahan?

ang unan ko'y basang basa na ng luha,
mata ko'y tuluyan ng namaga,
alam ko na wala na akong dapat kapitan,
kung kaya't sanay matutunan ko ng ika'y bitiwan.

mahal, wala akong karapatan para sabihin na ako'y iyong balikan,
dahil minsan na kitang pinagtabuyan,
kaya hinihiling ko na sana sa iyong muling paglisan,
kasabay nun ay ang unti unti kong pagtahan.

patawad sapagkat hindi na tama ang aking nadarama,
patawad sapagkat alam kong tayo'y tapos na,
patawad sa mga salitang hindi na maibabalik pa,
patawad, patawad sa pagpili ko noon na lisanin ka at wag ng lumingon pa.

labis ang naramdaman kong lungkot,
labis din ang poot dahil hindi kita malimot-limot,
subalit sa mga panahong naghihilom na ang kirot,
saka ka naman muling susulpot.

lubos akong nagalak,
puso ko'y nabusog sa iyong salitang mabubulaklak,
nawala ang patalim sa puso ko na nakasaksak,
nang ikaw sakin ay kumambak.

subalit hanggang kailan kaya mayroong "tayo"?
hindi ko maalis ang takot sa puso at isip ko,
hindi ko maalis ang nadarama kong silakbo,
na ang dapat na "tayo" ay mapalitan muli ng isang "kayo"

hanggang kailan mo ako muling mamahalin?
hanggang kailan mo ako muling yayakapin?
hanggang kailan mo muling ipaparamdam ang apoy ng pag-ibig?
o papatayin na lamang ito muli ng malamig na tubig?

natatakot ako sa mga bagay na hindi inaasahan,
na baka magbago ang iyong isipan,
natatakot ako sa mga pwedeng maging dahilan,
dahilan ng iyong posibleng paglisan.

kasi minsan mo na akong isinantabi,
minsan mo na kong trinato na parang walang silbi,
minsan mo ng binasa ng luha ang aking pisngi,
at minsan mo na rin pinunit ang puso ko sa iyong mga sinabi.

natatakot ako mahal ko,
nais kong magtiwala muli sa mga salita mo,
paumanhin, subalit natatakot ako,
natatakot akong iwan mo ulit ako.

sana'y sa ating karanasan sa nakaraan,
manatili ka sa aking tabi at huwag lumisan,
sapagkat ikaw ang aking kalakasan,
subalit ikaw rin ang aking kahinaan.

ikaw, ang pumapawi sa aking uhaw,
ikaw, ang nagbigay direksyon sa puso kong ligaw,
ikaw, ang dahilan kung bakit ang puso mula sa bintana ng kaluluwa'y dumungaw,
ikaw, ang nagbibigay sigla sa akin araw-araw.

hinihiling ko na sana sa oras na magbago ang ihip ng panahon,
magbago ang direksyon ng mga alon,
tumaliwas ang lahat ng bagay sa dapat nilang posisyon at direksyon,
mag-iba man ang huni ng mga ibon,

sa oras na ikaw ay aking muling tanungin,
isa laman ang isasagot mo sa akin,
"huwag kang matakot at mangamba,
mahal na mahal kita"
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
w Oct 2017
80
Minsan kahit anong ingat mo na hindi matisod at magalusan
Darating ka sa puntong babasagin ka ng mundo
Hindi mo man malugod na matanggap
Kalaunan magpapasalamat ka nalang sa pagkabasag
Sa pira-pirasong sariling kelangang pagtyagaang pulutin para mabuo ulit
May mga parteng hindi mo na mahahanap dahil hindi mo na makita
Iba na kasi ang hugis
Hindi ka na tulad ng dati
Paniguradong iiyakan mo ang pagkamatay ng sarili **** may makulay na pananaw sa mundong akala mo'y hindi ka kayang saktan
Na tila ba'y nakatira ka sa isang palasyong may masugid na taga-silbi
At may isang magiting na prinsipe o prinsesang kukumpleto sa kwento mo
Sino ba naman ang hindi tatangis kung ang ganitong pangarap ay mawawasak lamang sa isang pitik ng mapanlinlang na pagkakataon o ng isang maling sirkumstansya?
May iyak na pisikal
May iyak na hindi kayang ihayag ng luha
Isang tapang na paimbabaw
Pero sa totoo lang, isang kaduwagan
Kailangan **** ilabas yan
Isigaw mo kung kinakailangan
Maglupasay kang parang bata
Suntukin mo ang unan
Magtapon ka
Magbasag ka ng pinggan
Ilabas mo
Ubusin mo ang lakas mo hanggang ang tanging kaya mo na lang ay umiyak
Hanggang ang kaya mo na lang ay ang isang tahimik na pag-iyak
Ang pisikal na pagkapagod ang tutulong sayo na magpahinga ng panandalian
Ipikit ang pagal na isip
Kailangan mo ng katahimikan o ng karamay na may nakatikom na bibig
Hindi gagana ang mga pinakamatamis na salita sapagkat manhid ka
Bagkus, kailangan mo ng kamay na mag-aampat ng umaalwak na dugo mula sa pagkabasag
Banayad na haplos ng pagpapayapa na ang sakit ay lilipas din ngunit sa totoo lang, matagal pa
Malayo pa ang tatahakin mo upang makaalpas ka sa sitwasyong ito Ngunit kailangan **** maniwala at dayain ang sarili
Para makaligtas sa delubyo ng kalungkutang may kakayahang pumatay ng paunti-unti kung hahayaan mo lang
Sa huli, pagkatapos **** malampasan ang mga sandamakmak na sagabal
Ang mga dating sugat ay magiging pilat at kalimitan ay nagiging kalyo na lamang
Mas titibay ang sikmura **** magtiis at mas tataas ang sukatan mo ng tapang
Magtataka ka kung bakit ang mga bagay na dati **** ihinihikbi ay mawawalan na ng epekto sayo
Hindi ka naman naging manhid, naging mas matatag ka lang sa pagkabasag na iyon
Hindi ka magiging ganap kung hindi mo ito mararanasan
Ang katotohanan ay walang taong hindi nabasag ng mundo Dalawa nga lang ang hantungan niyan
Ang mabasag ka't itapon o ang mabasag ka't buuin muli?
Maria Navea Apr 2017
mag isa kang naglakad palayo
naiwan akong nakaupo sa nilisan **** bangko
sinubukan kong hintayin ang pagbabalik mo
pero ako ay nabigo,

ngayon
habang nakatingala ako sa kalangitan
pilit kinakausap ang buwan
humihingi ng kasagutan
sa komplikadong katanungan

araw araw hinihintay ko ang sagot
walang pake kahit nakakabagot
gusto ko nang malaman ano iyong dahilan
bakit mo kinailangang lumisan

Isang bagay na natutunan ko
nung ako ay iwan mo
isang bagay na buong buhay kong pagsisihan
isang malaking kamalian
na nagawa ko sa isang karanasan

at ayon ay
maling mali
maling mali  na
ginawa kong permanente ang isang panandalian
Dwight Barcenas Jun 2016
Ako'y kinakabahan
Saan ko kaya ito u-umpisahan?
Siguro ito'y epekto ng iyong biglaang paglisan
Kaya ako ngayon ay naguguluhan
Pano mo nagawang mang-iwan?

Iniwan .. iniwan ang puso ko sa ere ng walang kaalam-alam
Na Hanggang ngayon halos puso ko'y nangunguyam
Sa bawat oras na pumapasok sa aking puso at utak na tila isda na uhaw-uhaw
Hanap-hanap palagi ay ikaw

Minsan naalala ko pa nga naisulat ko ang iyong pangalan sa buhangin
Nagbabakasakali na sana'y ika'y dumating
Nakatingin sa mga bituin
Umaasa na isa sa mga ito ay magbigyang diin na sana dumating
Ang nagiisang bituin para sa akin

Nilalamok na ko kakatingin sa mga butuin
Iniisip pa din kung sakali man na ikaw ay dadating
Agad kitang yayakapin
At sasabihin
Na ikaw padin ang nagiisang tao na kayang magpatibok nitong aking damdamin

Ang tanga mo
Yan ang mga katagang madalas kong marinig sa kanilang mga bibig na lagi nilang binabanggit kapag nakita nila akong nakaupo sa gilid dyan sa may sahig ngunit hindi ko sila pinakinggan
Palagi nila ako tinatapik sa aking balikat at sinasabing wag ka nang umasang babalik pa yan
Siguro nga hindi lang yan panandalian
Pero asahan mo ko aking mahal hihintayin pa din kita
Kahit wasak na wasak na ang puso ko ng tuluyan hihintayin kita


At sa iyong pagbalik
Umaasa na hindi mo na ako ulit
Ipagpapalit.
Ngunit bakit ka'y pait?
Umaasa na makita ka na kahit saglit
Sapagkat
Hindi ko na kaya ang sakit . .


Sana panginoon wag kang magalit. Nawa'y kunin mo ako sa langit.
This is my first so yun.
Any comments is allowed.
Message me on facebook;
https://www.facebook.com/YatotDwayt
For comments thanks :)
Camille Avila Mar 2016
Lulubog ang araw
Maaalala kang muli
Alaala natin'y babalik
Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari.

Habang nakatitig sa langit,
Sa buwan at bituin
Ika'y andito sa puso't isipan
hindi na maalis

Sa bawat oras na lumilipas
Lungkot saya ang nararamdaman
Ngingiti, Luluha
Dahil sa alaala nang nakaraan

At sa paglitaw ng Araw
Panandalian kang makakalimutan
Ngunit sa muling paglubog nito
Andito ka ulit, sa puso't isipan.
Gwyn Biliran Nov 2016
Samahan mo akong kumawala, iwanan natin ang mundong ito sinta.
Ikaw ang nais makasama sa pag-iisa, ikaw ang aking pahinga.
Maglakbay tayo patungo sa kawalan, ang ingay at gulo ng mundo'y ating takasan.
Hanggang kailan ito magtatagal?
Walang kasiguraduhan, pero pinapangako kong hindi kita bibitawan.

Tara roon sa dalampasigan kung saan mistulang ang mundo'y tayo lang ang nilalaman.
Hayaan **** ang iyong mga kamay ay aking hawakan habang tayo'y nagsasayaw sa ilalim ng buwan.
Ipikit ang iyong mga mata at damhin ang pag-ibig ko, sinta.
Ituloy natin ang pagsasayaw na walang ibang musika kundi ang aking pagkanta.
Mga noo'y magkadikit habang ang mga mata'y nakapikit.
Higpitan ang iyong kapit, huwag kang matakot lumapit.

Sa maiksing panahong tayo'y nagkakilala, ako'y iyong tunay na pinasaya.
Ikaw sa akin ay tunay na mahalaga. Hindi kayang ipaliwanag ang nadarama.
Huwag kang mangamba, sa puso ko ay mananatili ka.
Halika sa mga bisig ko, mahal.
Panahon natin ay di na magtatagal.
Ang pagtatapos ay nalalapit, yakapin mo ako nang mahigpit.
Nalalabing oras ating sulitin, pangakong ito'y ating uulitin.

Huwag ka nang malungkot, huwag nang sumimangot.
Huwag nang pumiglas sa aking yakap, damhin ang ihip ng hanging kay sarap.
Kasabay nang pagtatapos ng gabi ay ang pagtatapos ng ating nakaw na sandali.

Dahil tayo ay alon at dalampasigan, tinakdang magtagpo kahit panandalian.
Tayo ay alon at dalampasigan.
Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan, ang lugar na aking pahingahan, aking takbuhan, aking pansamantalang tahanan.
Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan; ako sa'yo ay lumalapit, pilit kumakapit, ngunit kailangan kong lumisan.
Ako ang alon, ikaw ang aking dalampasigan; malayo man ako saglit, ako'y babalik at aasang tadhana'y pagtatagpuin tayo ulit.
Louie Clamor Mar 2016
Sigarilyo at Uling.

Mainit.
Umaapoy.
Nagaalab.
Nauubos.

Uling, inilalabas ko sa tuwing may pagtitipon
Ganap ng katuwaan
Lumalagablab sa tamis ng pagmamahalan

Tila mainit,
Ngunit sa pagliit ng apoy,
Pinapaypayan pa't baga'y lumago

Sigarilyo, inilalabas sa tuwing may pait,
sakit, pagkabigo, pagkasawi.

Sinasabi nila na ang sigarilyo
tsak na mas papatay sayo
Ngunit sa aking pananaw,
ang dalawa'y pareho lamang

Sigarilyo't uling na tila panandaliang kasiyahan
Ngunit naisip ko,
Sa simula lang pala nakakatuwa.

Parehong baga'y
Nakakapanghina, nakamamatay.
Sa mga huling sandali'y
Ika'y baka hilahin bigla sa hukay.

Magkatulad nga ang baga ng sigarilyo't uling
Pareho itong unti-unting
nauubos, namamatay
at nagiging abong walang buhay.

Gaya ng pagmamahal ****
naging abo at tila naubos
Pag-ibig **** panandalian lamang
Mahal, pansinin mo.
Tuluyan na akong hinila sa hukay.
Taltoy Apr 2017
Bakit ang tulin?
Hindi ba pwedeng pahintuin?
Oras, ba't ang bilis mo?
Pagbigyan mo naman ako.

Bakit panandalian lang?
Bakit parang napakakulang?
Ang palaging tanong sa'king sarili,
Di ba pwedeng dito'y manatili?

Parang isang kisapmata,
'tong ating pagsasama,
Akin mang gustuhin,
Oras, di kayang pigilin.

Nakakapanghinayang, nakakapanlumo,
Di magawa ang tanging gusto,
Kahit man lang mag-umpisa ng usapan,
Ako'y sadyang nahihirapan.

Hay nalang, paano na iyon?
Mauulit pa ba ang nangyari kahapon?
Alam ko sa sarili ang sagot,
Ngunit ang katotohana'y sapilitang nililimot.

Ang mga panahong ito'y di masusuklian,
Dahil ang oras, di kayang tumbasan,
Di kayang bilihin ng kayamanan,
Mga oras na kasama ka, aking kaibigan.

Ma-iiwan sa'ting mga nakaraan,
Di alam kung tatatak sa'ting isipan,
Ang mga nagdaang panahon tulad nito,
Parang kapayapaan paglipas ng bagyo.
Naisipan ang kahalagahan ng oras sa buhay, dahil ang mga nakalipas na, di na pwedeng balikan pa.
Razbliuto Oct 2014
Ang hirap makipag-sabayan.

Sino ba sya? Sino ba ako?

Isang batikang manunulat.

Isang hamak na nagsusulat.


Ang hirap makipag-sabayan.

Siya'y karagatan, ako'y patak ng ulan;

Umaalon, walang hanggan.

Isang butil, panandalian.


Ang hirap makipag-sabayan.

Sino ba kami sa buhay mo?

Siya na may matalinhagang mga salita.

Ako na salat sa banyagang wika.
Wrote this a couple of months ago. Nung mga panahong sinasapian pa ako ng insecurity. Ay, oo nga pala, salamat gurl. Thanks for calling me a btch.
Sy Lilang Jul 2015
073115

Ang pagpara'y naging daan
Hindi alintana ang trapik
Kumukutitap ang asul
Patungong berde ng panimula.

Di naglao'y nagbadya ang motorsiklong itim
Medyo napasilip, kahit saglit
Biglang nautal ang pag-iisip
Baka sakaling ikaw ang kumakarera nito.

Pinagmamasdan ko ang mga kamay ko
Baka ang bukas ay maging ngayon,
Yan ang isip ko.

Panandalian akong napatingin
Medyo kumakapit sa bakal,
Ibababa ko ang mga kamay
Sabay paulit-ulit lang,
Pagkat nakakangalay.

Kaya pala ang bagal nang takbo mo
Lumagpas ka nang diretso pati ang paningin
Hindi ka man lang lumingon
Hindi ka man lang napatingin
Kahit distansya nati'y
Segundo lang ang milya
Ganoon tumibok ang oras.

Napapikit ako
Nagulat pagkat tama ang akala
Hindi nais na ganoon ang pagkikita
Akala ko kasi'y lumisan ka na
Akala ko kasi'y sa susunod pa ang balik
Pero haharurot sa kalsada,
Naghahari-harian sa eksena.

Hindi ako galit sa tadhana
Na naglalapit sa atin sa isa't isa
Hindi ko na nga hinihiling na ikaw na
Iniwan ko na ang alinlangan sa kalsada.

Napakapit ako sa bilis ng takbo
Ang pusong walang tibok,
Walang mintis kung sinusubok
Nangangalay ang pagtitiis
Ang hirap pala ng posisyon ko,
Tinatalikuran, dinaraanan lang
Nilalagpasan lang,
Nauusukan, nasasaktan
Ayoko na lang sa backride.

"Para na, Kuya."
Kurt De Castro Oct 2016
gaya ng pagtagas ng bawat sinag ng araw
sa pagitan ng mga siwang ng ulap tuwing bukang liwayway
ay gayon din ang pagsilip ng mga mata mo tuwing umiiyak ka
kapag nasasaktan o may nararamdaman ka

tuwing nanlulumbay ka
tuwing pilit **** ikinukubli ang iyong mga luha
sa likod ng bawat hibla ng buhok **** namumuklod sa ating dalawa
at sa lahat ng makadamdaming bagay sa mundong ito

at tuwing umiiyak ka ay sinasabi nila na ikaw raw ang aking krus na pasan,
ang aking penitensya, ang aking sariling kalbaryo,
habambuhay na nakasunod sa aking gaya ng isang anino

ngunit itinataboy ko ang lahat ng iyan dahil tuwing luhaan ka
ay agarang nahuhulog ang loob mo sa akin
at mahigpit mo akong yayakapin

agarang kakapit ang kamay mo sa kamay ko at tatahan ang ating mga daliri sa mga puwang ng isa't isa
agaran **** inuunan ang iyong mukha sa aking dibdib
at agarang nabababad ang kamisang suot ko dahil sa bawat patak ng pighating pinakawalan mo


at gaya ng palagi ay tatanungin ka:

“Anong problema?”

at gaya ng palagi, ay sasagot ka:

“Hindi ko alam.”

pero sa kabila ng lahat, sa kabila ng walang katiyakan,
sa kabila ng takot kong tawirin ang tulay na ito:

ang tulay na patungo sa iyo
ang parehong tulay na sabi nila ay sa kahit anong segundo
ay bibigay at guguho at tuluyan na akong mapapalayo sa iyo

sa kabila ng lahat ay naaalala ko ang gabing isinigaw ko sa kalangitan
noong bagong taon habang nagtatagisan at naghahabulan ang mga samu’t saring kulay sa ere ang pangako kong habambuhay kitang aalagaan
na kailanman ay hindi ko isisilid ang aking mga nararamdaman
sa loob ng isang garapon, gaano man kasakit
at itatago ang mga ito sa pinakaliblib na sulok ng aking isipan

dahil sa mga ganitong saglit kita pinakamahal,

sa mga ganitong pagkakataon ko natutunang mas mag mahal

tuwing hinayayaan **** makita ko ang pagkabitak-bitak mo
nang buong-buo

tuwing binubuksan mo ang iyong pagkatao at ipinapakita ang bawat sulok ng kaluluwa **** kahit minsan ay hindi nahanginan o nasikatan ng araw

tuwing pinipili **** tumahan

tuwing pinipili **** manumbalik at manatili sa init ng aking yakap

tuwing hinayaan **** manatili ang kamay mo sa kamay ko na tila hinulma para sa isa’t isa

at tuwing pinipili **** ilantad ang bawat bahagi ng iyong pisnging
tinahak, nilibot, at nilakbay ng mga patak ng luhang nagmula
sa nananalaming **** mga mata,


minahal kita, mahal kita, at mamahalin pa rin kita



at ang bawat gabi ay lilipas nang ganito:

habang sinusubukan **** pigilan ang pag-apaw ng iyong mga luha,
ay isasandal mo ang buong pagkatao mo sa unang ito,

mananatili kang nakakapit sa akin gaya ng pagkabalot nitong kumot sa kaninang nanlalamig nating mga katawan

at upang panandalian **** makalimutan,
ay isa-isa **** isasanla ang iyong mga pangangamba
sa pagitan ng bawat kuyumos at kulubot ng sapin ng kama
at tahimik kang makakatulog sa himbing ng aking piling
dahan-dahan kang kakalma at maluwag na makahihinga

ang damdamin mo’y mahinay na hihimlay
habang tahimik kong hinihintay
ang muling paggapang ng araw paakyat ng aking bintana

ang damdamin mo’y mahinay na hihimlay
habang tahimik kong hinihintay
*ang muling pagbukas ng liwayway
astroaquanaut Oct 2015
pumasok sa kompartamentong bilang sa lahat
ngunit ipagsiksikan ang sarili, sumuot, at ipilit
dahil ang maiiwan sa españa ay hindi makakarating
makipaglaban, mang-agaw, ang akin ay akin

trenta minutong paghihintay
sa ilalim ng init, tiyaga ang kapiling sa umaga
bakit nga ba ‘di pa makikipag-balyahan?
asal-hayup upang mapuntahan ka lamang

sa pagdating sa istasyon ng sta. mesa
pawis ay naghahalo, amoy ay ‘di mawari
napagitnaan ng dal’**** dalagang nagchi-chismisan
‘di sinasadyang makinig, ako’y ‘di sang-ayon kaya iiling

sa hawakan ay higpitan lalo ang kapit
sasakyan natin ay paparating na sa pandacan
tumitig sa bintana at muli, bigla kang naisip
ngunit sila’y ‘di maibigay ang inaasam na pagtahimik

bakit nga ba ako nagtitiyaga?
sa masikip, magulo, at maingay na paraan
paalis na tayo sa istasyon ng paco
ika’y singtulad ng tren na ito

hindi makahinga sa dami ng taong nilalaman
kailan ba mapapadali ang ruta sa araw-araw?
magrereklamo, magsasawa, sasabihing “ayoko na”
titigil sa istasyon ng san andres

mananatili hanggang makaabot sa vito cruz
pasulong ang andar ngunit ang gana’y wala na
pagod at nagsasawa, hindi magawang iwan
ngayon ka pa ba susuko, eh ang lapit mo na?

nawala ang bigat ng pasahero pagdating sa buendia
nawala na rin panandalian ang sikip na iniinda
ngunit ano namang silbi ng ginhawa,
kung paalis ka na rin at nalalapit na sa paru-roonan

pagod ka na pero tiyagain mo nalang
ikaw at ang sitwasyon ay nariyan na nga
nag-inarte ka pa kung kailan nasa pasay road na
hindi ka pa ba nasanay sa araw-araw?

tumigil ang tren sa istasyong pinakahihintay
pawis, pagod, suot ang damit na gusut-gusot
heto na, sa dami ng nangyari ay narito na
sa edsa magallanes, salubungin mo siya
Taltoy Jun 2017
Ang buhay nga naman,
Puno ng lungkot at kaligayahan,
Subalit wala tayong magagawa,
Tiisin nalang kung ano ang mapapala.

Diyos ko, ako'y tulungan nyo,
Sa aking landas na tinutungo,
Landas na puno ng sagabal,
Mga sagabal na susubok kung ako'y mapapagal.

Dahil ang katotohanan ay di ko maitatanggi,
Katotohanang ikinubli sa mga tawat mga ngiti,
Ang katotohanang ako rin ay nasasaktan,
Dahil sa damdamin kong nanlalaban.

Minsan di ko maiwasan,
Na masabi ang tunay na nilalaman,
Ng puso at di ng isipan,
Kaya minsan, ginagawang katatwanan.

Ika'y kasapakat ko sa gawaing ito,
Ang sinasabihan ko ng mga naturang biro,
Ang nakikisabay sa aking mga kalokohan,
Kalokohang minsang ginusto kong maging katotohanan.

Sa kasamaang palad, ito ang katotohanan,
Ang minsang inisip matapos magtawanan,
Ang di ko naman maipagkakailang nakakatawa nga,
Ngunit di ko inaasahang puso ko pala'y mapipiga.

Ang binansagan nating pinakamagandang biro,
Ang sa mga luha ko'y nagpatulo,
Tumulo dahil sa kakatawa,
Tawang may kasunod na pagdurusa.

Pagdrusa dahil masakit,
Tawa't halakhak nga ba'y sapat na kapalit?
Ngunit masasabi ito'y panandalian,
Dahil pagkatapos nitoy masasaktan,

Para bang ang gusto ko'y ibinigay,
Na para bang nagkusa at di na ako pinahintay,
Ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y huwad,
Ako na mismo ang unang naglahad.

Subalit nakakatawa naman talaga,
Sabihan ba naman kita ng "mahal kita",
Tono palang kalokohan na,
Masasai **** baligho ang ideya.

Aminado akong iyo'y kabilaghuan,
Ngunit wala na akong magagawa dyan,
Kasalanan ko na kung ako'y nasaktan,
Dahil alam kong ako'y nagkamali at may kakulangan.
Wala masyadong rason bakit ko to sinulat, basta sinulat ko lang. ***
Sy Lilang Nov 2015
112615 #4:16PM

Minsan, pipila ako sa Fast Food
Pero yun bang pagkatagal-tagal,
Oorder ka't papaasahin ka lang din.

Minsan, magsusukat ako ng damit o sapatos,
Yung tipo mo na, pero hindi naman kasya,
"Okay, hindi yan para sakin."

Minsan, magkakape ako
Alam kong mapait pero sinubukan ko pa rin.
Akala ko kasi sapat na ang matapang lang,
Pero hindi pala ako kayang ipaglaban.

Minsan, magbabayad ako ng bill sa Globe,
Yung nagsabing 'Abot Mo ang Mundo,'
Siya rin palang guguho ng mundo ko.

Minsan, magtetext ako
At lagpas 3sms na't 1KB na,
Tapos wala palang load,
Pati responsibilidad, di kayang pasanin.

At minsan mahihiga na lang ako,
Mahihimlay nang panandalian,
Oo nga pala, 'Walang babaeng nanliligaw,'
**Hindi pa ako basted, Owrayt!
(Waiting sa rendering ng 3D, paasa eh.)
Kay sarap pagmasdan ang nilikha ng Diyosang pagka-berde ng mga halamanang pagka-asul ng karagatannakakamangha ang nalikhang kagandahanKay sarap maramdaman nilikha ng Diyosang pagdampi sa'king pisngi ng init ng araw   ang lamig ng hanging sumasalubong sa'king bawat galawnananalanging sana'y malasap sa bawat arawKay gandang marinig ang nilikha ng Diyosang sari-saring tunog ng mga ibon sa kagubatan ang pag-tunog ng hip hop na kanta sa di kalayuan  tapos biglang bossa naman...wala...wala...wala...bwiset nawala na ko.nagising sa katotohanang panandalian lang ang katahimikan.talaga nga namang ang likha ng tao'y dulot ay kaguluhan.
binuwag ng sariling bigat
uusal ng dasal na ang tanging hiling ay pumanaw.

Hindi ito ang buhay at hindi ito
ang pamumuhay.

Kung dito sa lupa ay aangat, anong wika
ang isasalin sa laman kung pagal na?

     Turuan mo akong dumaan nang walang
iniiwanang labi kundi misteryo na inimbak

sa pagtiwalag sa bawat sandali. Sa ilalim ng
bawat tulay na ginagawa ng winiwikang salita

ay isang kontrata: hindi nang luluha pa
  at kung pumikit ay panibagong mundo ang

tatambad. Sasalubungin ito sa pamamagitan ng
isang paanyaya at kung makitang muli ay pakakawalan

ang kapit sa sarili. Tatantusan ang bawat kinauupuan
at itatala ang mga natutunan. Paham ang liham ng pagtitipon

at kung hindi sinipot ay sadyang isang malaking kakulangan.
Walang ibang transaksyon kundi ang palitan ng salitang

maghuhugis-kamay, hahaplos sa bawat tigib na parte,
ililikas ang katawang hapo sa paulit-ulit na katanungan

nang pagiging mortal at lalakipan nang panibagong saysay.
Umigkas palayo at bagtasin ang bagong mundo:

ang tao kung ilalaan sa tao at pakikinggan ay bubuong muli
  ng katiyakang panandalian sa payak na panahon:

hanggat tayo’y naglalakad pasulong, tayo’y gagawa’t gagawa
     ng tulay.
Jamjam Apr 2018
"Mahal na mahal kita". Ang tangi tanging kataga na pumapasok sa isip ko pag kinakausap kita. Madaling sabihin, dalawang salita, siyam na letra
"Gusto kita" at "mahal kita" salitang kayang gawin ang lahat para sayo, mahirap man o madali dahil mahal kita

Sabi nga nila'y nababaliw na ako. Sa pag ngiti sa sulok tuwing nag iisa't walang kinakausap. tila ba'y nababaliw na. Pero di yan totoo. Di nila ako masisisi, mali bang ngumiti ako pag ikaw ang iniisip ko?

Hindi kita maangkin.
Hindi ko masabing ikaw ay akin.
Sapagkat wala namang atin.
Dahil hindi ka naman akin, OO HINDI.
Hindi ka saakin dahil wala nga namang tayo.
Tila salta't dayo ang turing mo sa akin sa tuwing tayo'y naguusap, pigil sa salita.
Kahit ganon, ako'y nadadala't nagagalak sa tuwing naguusap tayo.

Hindi ko na mapigilan. Gusto na kita. O baka
mas maganda sigurong sabihin na bakit nga ba kita ginusto? Ginusto sa sobrang ikling panahon.
Hindi ko alam kung bakit o kung paano. Basta't pag gising ko alam ko sa sarili kong gusto na kita....

Natatakot ako! OO takot na takot ako.
Takot akong masaksihang may iba ka ng gusto.
At hindi na ako.
Pero mas takot ako,
Mas natatakot akong sabihin mo ang mga katagang.
"WALA NAMANG TAYO, ANONG KARAPATAN MO"

Ano bang dapat kong gawin, para mahalin mo?
Anong dapat gawin, para mag karoon ng ikaw at ako na bubuo sa salitang tayo, sa mundo ko.

Bakit minahal mo ako? Yan ang tanong na alam kong itatanong mo sa akin, at alam kong wala akong maisasagot, dahil wala namang sagot kung bakit mahal kita, basta mahal kita.

Bakit ako? Bakit ganyan ka sa akin?
Ang mga salitang yan ang palaging sumasagi sa isipan mo sa tuwing magkausap tayong dalawa.

Bakit ikaw? Bakit ako ganto sayo?
Mukang alam mo naman siguro ang sagot sa mga tanong mo na yan. Ang kaisa isang salitang minumutawi ng aking mga labi...Mahal kita

Alam mo naman sa sarili mo na gusto kita
Alam mo naman sa sarili mo na wala nang iba
Alam mo naman sa sarili mo na ikaw lang talaga

Ika'y nangangamba na baka may makilala pa akong iba. Natatakot ka sa kadahilanang kilokilometro ang agwat nating dalawa.
MAHAL magbigay ka ng kahit konteng tiwala, pangako't hindi ka magsisisi.

Wag kang mag alala. Ako yung taong maihahalintulad mo sa sinaing sa rice cooker, ok lang kahit hindi mo bantayan..

Minsan hindi mo inaakala na magkakagusto ka sa isang tao ng ganon kadali o sa ganon kaigsing panahon, kaya siguro hindi mo matanggap na nagkagusto ka sa taong hindi mo pa gaanong nakakausap, nakikilala't nakita manlang. Yakapin ang katotohanan at walang hanggang saya ang idudulot sayo nito.

Ang namumuong pagtingin ay sobrang hirap pigilan. Pero sa palagay kuy di mapipigilan ang pilit na sumisigaw at naninibughong nararamdaman na nagtatago sa takot na dumadaloy sa bawat laman at kasukasuan ng iyong katawan.

Sana'y wag mo ng pigilan dahil lalo ka lamang mahihirapan, hayaan at wag pigiling umibig ang pusong nanghihingi ng tamis ng aking pag ibig. Ialis sa isip ang takot, at pabayaang puso ang mag desisyon. Baka sa paraang iyon ay lumaya at maging masaya ka sa araw araw na lilipas.

Hindi ko nga magawang makipagusap sa iba ibang babae o tumingin kase alam kong meron akong ikaw.

Meron nga ba akong ikaw? Ako'y umaasa.
Alam kong maluwag pa ang pagkakatali at hindi pa kita pagmamay ari. Kaya sanay hayaan mo akong mahalin ka, at mahalin ako pabalik.

Kilometro man ang layo natin sa isat isa. Pero hindi nito mapipigilan ang pagmamahal ko sayo. Ang ninanais ko lamang ay tanggapin mo at ilais ang pangambang bumabalot sa iyong isipan.

Masasabi kong sugal nga ang pag ibig. Dahil maaari kang matalo at masaktan. At sa kabilang dulo naman ay mananalo ka at walang hanggang saya.

Minsan sa buhay naten pumapasok ang takot at pumipigil sa mga bagay na maaari tayong mas maging masaya.

Ang takot ay kasinungalingan lamang na lumalason sa ating isipan, kaya siguro hindi natin nagagawa ang mga bagay na maaari tayong sumaya.

Hayaang ating puso ang magpasya. Nang sa gayoy mawala ang tinik sa lalamunan, at hayaang lumigaya at guminhawa ang nararamdaman

Ang takot ay panandalian lamang. Pero habang buhay na bumabasag sa ating kasiyahan. Sanay ialis ang takot, nang sa gayoy hindi ang pagsisisi ang manirahan sa iyong puso.
Sorry di pa po masyado revised
Euphoria Mar 2016
Kakalimutan ang wakas
Walang maiiwang bakas
Ng panandalian **** pag-alis
Sa puso kong tumatangis.

Maghihintay ako
Sa muling pagbalik mo
Walang alaala ng mga pangako
Na natiling nakapako

Kaibigang aking mahal
Patuloy akong magdarasal
Lilimutin ang kahapon
Wag lang akong itapon.
Kahit sa tula nalang...
Sy Lilang Nov 2017
Nagtagpo ang ating mga salita
Higit sa isang sandali
Yung isang sandaling hindi panandalian
At kalakip ng ating tila kaytagal na hintayan
Ang sinasabi nilang heto na
Heto na pala ang pangmatagalan.

Nagtagpo ang ating mga ulirang mga puso
Kasama ang bawat sakit na hanggang ngayo'y pasan-pasan pa rin natin.
Kasama ang bawat agam-agam,
Kasabay ng kanyang pagluwas buhat sa mga makakapal na ulap
Ang pagtanghod ko sa muli nating pag-uusap.

Nagtagpo ang ating mga damdaming
Marupok pa sa kahoy na hinayaang anayin.
Kung saan ang bawat pako'y nag-iwan ng mantsya at kalawang.
Nagtagpo ang ating mga basag na pangarap
Ang mga pangakong hinayaan nating
Matunaw sa likido ng galit at pait.

Nagtagpo ang ating mga paningin
Sa hindi inaasahang tambayan
Sa tambayan ng damdaming
Akala nati'y wala nang lusot para sa kinabukasan
At kasabay ng minsan nating pag-aaksaya ng panahon
Sa pagpapaligaw sa mga mabubulaklak na salita,
Tayo ay nagtagpo na may iisang luha sa iisang garapon.

Nagtagpo tayo sa basag na nakaraan
At hinapo sa bawat piyesta ng masasakit na mga salita
Bagkus sa likod ng bawat "ayoko na" at "bahala ka na"
Ay sabay tayong nagtagpo at nagtago ng ating mga dala-dala.

Doon ka sa kaliwa at ako naman sa kanan
Doon tayo sa magkasalungat na landas
Kung saan ang oras ay posibleng di na magsipaglihis pa
Na ang aking umaga ay di mo na gabi
At ang aking gabi ay di mo na umaga.
Kung saan ni isa'y di na aalis
At kung saan ang lahat ay posibleng di na magmintis.

Baka doon --
Baka sakaling matagpuan nating muli ang isa't isa.

---

Minsan, napadpad ako sa karagatan
Kung saan ang bawat hampas ng alon
Ay tila kumpas na lamang ng nakaraan
Na ang dating puting buhangin
Ay unti-unti nang nanumbalik
Akala ko'y isang panaginip
Pero doon ay may subalit --
Subalit na napakaganda.

Ako'y saksi sa pagluha ng langit nang pabaliktad
Na parang ang lahat ng maganda sa dalampasigan
Ay unti-unting inanod
At akala ko'y di na makababalik.
Sy Lilang Jan 2017
012717 #PPCToManila

Uso raw ang pilahan sa dilaw na hintayan. Aalis ako -- aalis nang panandalian. Hindi ako mamamahinga at oo, babalik at babalik ako sayo.

Ayokong maniwalang ito na ang huling sandali sa pinakasandaling pagkakataon ng una't huling pagpili. Kalilimutan ko muna ang kahapon at kasalukuyan at magsasabit ng bandila patungong kinabukasan -- paaalabin ang puso na may panalanging walang paghinto hanggang sa dulo ng pinakadulo'y pananampalataya'y di mabibigo.

Ikaw ang piyesang paulit-ulit na babasahin, ang tulang kakabisaduhin at kahit pa lumiko patungong Timog ang hanging mula Norte, sana'y sa pagbalik di'y ako'y iyong salubungin -- salubungin pagkat kakaiba ka -- iba ka sa kanila; oo, ibang-iba talaga.

Pansamantala -- ika'y di masisilayan ngunit mananatili sa bawat piyesa -- sa bawat piyesa kung saan tayo'y iisa. Tinig mo'y sapat na; tila nalalangoy na maging himpapawid; tila nalilipad na ang karagatan -- oo, parang hindi angkop, pero ganoon ang pag-ibig, minsa'y di mo wari kanyang pagsakop.

At oo, hindi kita bibitawan pagkat ang tayo'y nakatali -- nakatali sa sinulid ng ating pagmamahalan. Itago natin ang kanya-kanyang gunting pagkat ang ating antaya'y bukas na -- bukas at sa susunod na paggising.

(Agwat lang, antay lang -- hindi pa panahon)
Para sayo, magbabalik ako.
Crissel Famorcan Oct 2017
Nagsimula ang lahat sa simpleng pag uusap
Hanggang sa dumating yung puntong lagi na kitang hinahanap
Kasa-kasama ka na sa bawat kong pinapangarap
Ikaw ang nagbibigay lugod sa  kalooban Kong naghihirap
Kaya akala ko noon ikaw na ang sagot sa pusong sugatan
Ngunit ginamot mo lang din pala ito ng panandalian
At sa pag alis mo, mas malalim pa ang sugat na iyong iniwan
At ngayon Hindi ko na alam kung sino pang lalapitan
Magagamot pa ba ang sugat na iyong idinulot?
Sa nabasag Kong puso mayroon pa kayang pupulot?
Magawa ko pa kayang kalimutan ang lahat ng sakit
O mananatili na lang sa puso ko ang lahat ng inggit?
Ayoko na.
Ayoko nang mabuhay sa mundong binago mo
Ayoko nang mabuhay sa mundong kinalalagyan ko
Ayoko nang mabuhay pa sa mga pag-asang walang patutunguhan
At Sa mga pantasya't pangakong sinusubukan ko nang kalimutan
Ayoko na.
Hindi na maghihilom ang sugat na idinulot mo
Kahit ilang band aid pa ang ilagay dito
O kahit Ilang taon man ang lumipas
Sakit ay hindi kukupas
Sugat dito sa puso'y mananatiling isang marka.
Na lagi saking magpapaalala
"Nagmahal ako at Nagpakatanga
Para sa pag-ibig na walang pinatunguhang maganda."
VJ BRIONES Jul 2017
siguro magtatagpo ulit tayo kapag tayo ay handa na para sa isat'isa
hindi...
mali...
tangina ng linyang yun!
minahal kita ng buong buo gamit ang tangina kong puso pero hindi mo manlang ako minahal
ginamot ko ang sarili ko
kahit ngayon ginagamot ko pa
at gagamutin ko bukas
at gagamutin ko sa isang araw
hanggang sa isang linggo
sa susunod na buwan
hanggang sa isang taon
gagamutin kopa ang sarili ko
at gagamutin ko pa habang nabubuhay pa ako


kaya pakiusap...
mga tatlong taon
bago matapos ang ngayon
kung magkita man tayong dalawa
sa tambayan na dati tayong magkasama
ay sana wag ka nang lang lumapit
ilalabas ang apoy sa iyong pagbati ng "kamusta"
sisindihan ang pag-ibig na sumunog sa aking pusong natusta
na ginawang abo ng iyong pagmamahal
wag ka nalang lumapit...
ipagpatuloy mo lang ang iyong paglakad kung saan ka man papunta


iniwan mo ako nung sabi ko "teka lang"
iniwan mo ako nung sinabi kong "pahinga muna"
humiling ako ng panandaliang paghinto
sa giyera ng ating mga puso
dahil sa walang tigil nating pagaaway
na ikaw ay biglang bibitaw dahil sa simpleng bagay
iniwan mo ako nung sinabi kong "sandali lang"
iniwan mo ako nung sinabi kong "itigil na natin"
napagod sa pagtakbo sa paghabol sa nauunang hindi naghintay
sumuko sa batuhan ng ako ang tama at ikaw ay mali
-
-


kahit kailan hindi ka magiging sapat para sa akin
kahit kailan hindi mo magagamot ang nasirang ako
ang nawasak na pag-ibig
ang nawalang pagmamahal
kahit kailan hindi na mababalik ang dati
kahit kailan hindi mo mapapapoy ang abo
hindi mo maaalis ang sakit na pinagdaanan nito
hindi mo matatanggal ang pilat na naging sanhi mo
maitatago mo lang ito
magpapanggap na hindi nangyare ito
lolokohin ang sarili


pakiusap lang..
papakawalan na kita
na ito ay hindi panandalian
na ito ay panghanggang dulo
papakawalan na kita
na ito ay hindi biro
na ito ay totoo
na ito ay ang katotohanang palagi **** isusuka
pasensya na mahal..


para sa iyo binigay ko ang lahat
alam ko hindi pa yun sapat
pero ginago mo ako
kaya nagbago na ako
kaya pakiusap..
wag mo nang gamitin ang oras
hindi makakalimutang ang dilim ng nakalipas
hindi mapapaltan ng bagong memorya ang masamang ala-ala
hindi tayo magiging handa para sa isat isa
hindi tayo para sa isat isa
isa kang magandang halimbawa
na kailan man hindi ko matututunang paghandaan
kung pwede lang ibalik ang nakaraan
ikaw ay aking tatanggihan
Pj Aug 2017
Noong una hindi ko namalayan, hindi ko pinansin ang iyong presensya
Na mismong dahilan, para iyong kagandahay aking di masilayan
Di nag tagal ikaw ay sakin pinakilala, ngunit ipina-walang bahala dahil ikay  kasamahan lamang
Hanggang sa tinakdang tayoy lubos na mag kakilala
At binigyan ng pagkakataon bilang maging aking kaibigan
Nang nasundan ay aking nasaksihan, ang simpleng ngiti mo pala'y tuluyang nakakahawa
Ako ay sumasaya tuwing sa akiy nasisilayan, ang isang ngiti mo pala'y nag dudulot ng kaligayan
Sa araw araw na ikay aking kasama, ako ay nagbibiro upang aking masilayan
Ngiti **** kay ganda pati na iyong mga mata, hinahanap-hanap sa tuwing ikay aking nakakasalamuha
Di ko napapansin na akoy unti-unting nabubuo at sumasaya, sa mga oras na ikay aking napapatawa
Hanggang sa isang araw biglang napagtantong kulang ako, kung walang ikaw sa buhay ko
Nang pinagtagpong muli, biglang nagpahayag ng aking saloobin
Hindi man masyadong napaghandaan, hindi rin inaasahan ang kinalabasan
Napaka-saya lang, na nag simula ang lahat sa simpleng pag kakaibigan
Lumala at tumibay ang nararamdaman, dahil sa suporta at pang-aasar ng mga kaibigan
Ngunit noon din natin napag pasyahan na tayoy isang ganap na, na magkasintahan
Ipinagpapasalamat sa DYOS ang lahat ng kinahinatnan
Sa umpisa inisip na nag bibiro lamang, pero habang tumatagal napagtanto na ito ay hindi panandalian lang
Dumating ang panahon na parehas nabibigatan, pero sa huli pinili parin lumaban
Hanggang ngayon pinipili pa rin buwagin, ang lahat ng pader na puno ng hindi magandang isipin
Noon ko napagtanto, na ang mga hiniling sa panginoon ay binigay at pinagkatiwala na sa akin.
Pangako hindi mo na sasambitin sa iyong sarili na ikay nakahandusay muli,
sapagkat ako mismo at ang aking mga kamay ay mag sisilbing nakaalalay sayo hanggang huli
Mahal ko (loves ko) gusto kitang batiin ng maligayan kaarawan, palaging **** tatadaan na akoy laging nasa iyong likuran
Makakaasa ka na hindi ka na muling maiiwan, at mula ngayon ang tangi **** mararamdaman ay ang mamahalin ka ng walang kasawaan.
GIFT FOR MY GIRL
Taltoy Jul 2017
Ang lahat ay may umpisa,
Ang lahat ay may pinagmulan,
Kalungkutan man o ligaya,
Ang maaaring kahahantungan.

Sa bawat pagsubok na haharapin,
Tagumpay o kabiguan ang aabutin,
Ito'y pagsisikapan,
Kahit sakit man ay umulan.

Pero lahat ay gagawin,
Hanggang sa kayang abutin,
Hanggang sa huling patak ng dugo,
Ibubuhos hanggang sa huling yugto.

Tatanggapin ang kalalabasan,
Tatanggapin kahit ano man yan,
Kahit masaktan man,
Tatanggapin ng aking kalooban.

Dahil ito ang aking destinasyon,
Sa byahe ko kasama ka,
Sa panahong nakasama ka,
Ngayon, ang oras ko para bumaba.

Salamat aking sinta,
Salamat sa ligayang iyong dala,
Salamat, kahit ito'y panandalian,
Maraming salamat, aking kaibigan.

Ang kwentong di natin inakala,
Ay nasa huli na palang kabanata,
O kay rami kong natutunan,
Mula sa mga bagay na nagdaan.

Ito'y aking kayamanan,
Umabot man ang katandaan,
Itong karanasan,
Di matatanggal sa isipan.

Heto na ang huling pahina,
Huling pahina ng ating kabanata,
Ang kabanatang ito'y lalagyan ko ng bantas,
Isang tuldok: katapusan ng aking kalatas.

Ang kalatas ng aking paghanga.
Ito ang sa tingin ko'y huli na, para sa'yo aking sinta, bilang iyong tagahanga.
twenty-six Nov 2018
ang mga larawan **** aking paboritong pagmasdan
ang mga ngiti **** umaabot sa buwan
ang sakit isipin na hindi pala ako ang dahilan
ng mga ngiti sa labi **** kay sarap halikan

puso't isip ko'y nagtatalo
ako ba'y kakapit pa sa mga binitawan **** pangako
hindi ko alam saan ako nagkulang, mahal ko
ipinagpalit mo ako nang panandalian para sa ibang tao

ngunit hindi ko alam paano ko nagagawa
ang patawarin ka kahit ako'y lumuluha
bawat umaga'y unti unting nanghihina
bawat gabi'y unti unting hindi makahinga

gustuhin ko man kumapit para sa ating dalawa
ngunit oras na para ako'y magpaalam na
huwag ka na mag-alala
malalampasan ko rin ito at kakayanin ko rin mag-isa

hinihiling ko'y maging malaya ka at masaya
sa huling linya na ito
paalam na,
aking sinta.
oras na siguro.
Brian Sy Oct 2019
mga tao sa kasalukuyan
mga dayukdok sa kapayapaan
pagkat bitbit sa kung saan ang paroroonan
hatid na bigat ng ating kapaligiran

oo, patuloy ang progreso
nating mga tao
taon-taon may mga bagong
mapangusad na mga plano
unti-unting nasasagot
mga sigaw ng pagbabago

...kahit papano
kahit gaano
ito katagal
lahat ng baraha
para dito'y handang isugal
pagkat lahat ng mga
dumadaan na pagsusulit
ang bawat paglagpas at wakas
nama'y lubos ito na sulit

sa ginagalawang mundo na abala
sa munting paglabas,
di na maiwasan ang pagalala
bawat pilak parehong pang-hulma
at resulta para sa mga gyera
marami namang mas makahulugan pa
upang igasta bilyon-bilyon na mga pera

panloob na kapayapaan
sa paghanap nito'y
isang paghahanap sa karagatan
lumulutang lamang ay katanungan
kung ito'y katotohanan
o isang kasinungalingan

makakamit ba hangga't may natatapakan
o madadama lamang ba
pag tanaw mo na tanaw ng kalangitan
o habang sa paglalakbay ba matututunan kung papano hulihin ang nasusulyap panandalian

sumisikip, napupuno mga kulungan
sumasagitsit ang mga bulong-bulungan
kaysa sa tulungan, pinagtutulong-tulungan
humihinga pa aking paniniwala
sating patutunguhan, wala pa tayo sa kalahati
sa nagmamasid sa itaas, aking tiwala
pagkat hindi pa ito ating wakas

patuloy mabubuhay ang pagasa
hangga't may nabubuhay na umaasa
simulan sa sarili, wag sa iba i-asa
pagmamahal sa sarili't sa iba'y ipasa

di kahinaan ang pagtakas
minsa'y kinakailangan
din nating maghilom, kumalas
sa mapangwasak na mundo,
patunayang ika'y mas malakas
hindi upang ipakita'y pagkamanhid
kundi magkaroon ng sapat na lakas
upang kayanin pang hatakin
sarili't ibang tao pataas
Poti Mercado Jan 2018
Puno ng init ang unang higop ng kape
Nakakapaso ngunit ramdam mo ring gumuguhit ito sa iyong mga ugat
Hanggang sa umabot na ito sa iyong pusong bumibilis na ang pagtibok
Sa iyong mga kamay na walang tigil ang panginginig
Sa iyong mga matang mulat na mulat sa hating-gabi
At sa iyong mga bibig na nananatiling bukas at handang sabihin ang lahat ng ninanais

Ngunit sino ba ang iyong kape?
Ang nagbibigay sa’yo ng panandaliang lakas?
Sino ba siyang nagiging rason para manatili kang gising sa gabi kahit gustong-gusto mo nang matulog?
Sino ba siyang nagdudulot ng matinding panginginig sa iyong mga kamay at tuhod sa tuwing nakikita mo siya?
Sino ba siyang nagpapabilis ng pagtibok ng iyong pusong naghahanap lamang ng panibagong taong mamahalin habang inaantay **** mawala ang paso sa iyong dila na nadulot ng iyong nakaraang baso ng kape na punong-puno ng pait?

Ayan na’t naglalakad na siya papunta sa’yo
Inaantok ka pa at walang kamalay-malay na nariyan na pala siya
Papalapit nang papalapit hanggang sa nauwi nang magkahawak ang inyong mga kamay at ayan na naman
Ang pagbilis ng tibok ng iyong puso
Ang walang tigil na panginginig ng iyong mga kamay
Ang pananatiling bukas ng iyong mga mata
Kahit gusto na nitong pumikit, magpahinga, at mamaalam na sa ginagalawang mundo

Ngunit tulad ng epekto ng kapeng iniinom mo araw-araw
Papawi rin ang pananabik at pagkamulat ng iyong mga mata
Mapapagod din ang iyong pusong nalasing na sa dami ng kapeng iyong nainom na akala mo’y matamis ngunit nag-iiwan din pala ng mapait na bakas sa iyong mga labi
Titigil din ang panginginig ng iyong mga kamay
Sadyang panandalian lang at hinding-hindi na tatagal
Sapagkat siyang kape na nagbibigay sa’yo ng lakas
Ay siya ring kape na inubos mo hanggang sa huling patak
Pluma Feb 2018
Pumarito sa aking tabi kung saan ang mga salita ay hindi laging kakailanganin,
Batid ang 'yong mga hinaing at hinagpis ngunit hindi na kailangang sabihin.

Dito na lang kung saan sasapat ang pagdausdos ng ating mga palad, higit na ang pagsulyap sa mga mata **** iba ang tinatangan,
Dito kung saan hindi kailangang magpaliwanag -- kahit hindi naiintindihan ay mamahalin ka sa paraang nararapat bagama't lingid sa'yo.

Pumarito na lamang kung saan ang bawat paghinga'y tulang ikinukubli ang hapdi, kirot, at sakit,
Mga agam-agam at handusay ng lumbay.

Sino nagsabing hindi ka maaaring ibigin mula sa kalayuan? Kalokohan.

At kung sa wakas ay matunton mo ang daan patungo rito,
Sana'y manatili ka.

Manatili tulad ng pananatili ko sa walang kasiguraduhan,
Manatili na parang aking mga mata sa tuwing nakatitig sa'yo na tulala sa kawalan, sa kanya,
Manatili ka sana,
Manatili kahit panandalian.

Kung sasapit ang unos at nanaisin **** lumisan, ang dagliang pagbitiw ay hindi maipapangako ngunit hindi kita pipigilan,
Sapat sa akin ang pinagtagpi-tagping kapos at maikling panahon, ang mga nakaw na sandali ng kahapon, ang pakikipaglaro sa tadhana na kunwari, ikaw na talaga.

Sapat sa akin ang pumarito,
Sa pagdausdos ng mga palad mo sa mga palad ko,
Kung saan ang mga salita ay hindi na kakailanganin,
Dito sa walang akin.
lorainne Apr 2019
nag-iba na naman ang
ihip ng hangin,
lumalamig na naman,
tila ako yata’y giniginaw?
giniginaw? giniginaw sa tag-init.

palagi naman na ang pagmamahal
ay nagsisimulang nagbabaga,
mainit, sobrang init na tila ika’y pagpapawisan sa tuwing makikita siya, kinakabahan at kinikilig,
ah ganun na nga. sabi nila panandalian lang naman ‘yan.

subalit sa kasamaang palad,
palagi naman nagtatapos
na kaylamig na tila
maninigas ka sa sakit
sa lungkot at sa kaiisip
saan?

saan nga ba ako nagkamali?
saan nga ba ako nagkulang?
pero wala.
wala run ang sagot.
ginalugad na lahat,
ngunit sa’yo lang pala mahahanap ang tanging kasagutan.

sa kabila ng lahat,
hindi kita masisi,
hindi ko makuhang tuluyang magalit sa’yo dahil ako mismo
ay awang-awa sa sarili
hindi maipaliwanag
ano ba itong nararamdaman.

hindi ko masabi
hindi ko mawari,
pero dito ako ay sigurado,
sa’yo.
Black Sunshine Apr 2018
Natatakot ako baka sa pag

gising mo may 'siya na';

Natatakot ako baka sa pag

gising mo siya ang nag aalaga sayo;

Natatakot ako na pag nakita

mo siya iwanan mo ako;

Sige kung siya ang mahal mo;

Mag paparaya ako;

Kahit alam kong masakit kakayanin ko;

Ako na lang mag paparaya;

Kasi alam ko sakaniya ka sasaya

Sasaya ng lubusan na di ko man lang nagawa para sayo;

Alam kong hindi na ako ang mahal mo

Pero ikaw parin ang mahal ko;

Alam kong hindi mo ako papaglaban;

Ako na lang ang lalaban;

Alam kong masakit para sakin;

Pero kakayanin;

Okay sige, siya na ang maganda,siya na ang mabait, siya na ang mayaman siya na ang perfect, Oo siya, siya na.;

Malaya kana;

Malaya kana dahil pinalaya na kita;

Kasi alam kong hindi kana sasaya;

Pinalaya na kita kasi may 'siya na' sa buhay mo

At ako naman ang naiwan na luhaan;

Di bale salamat parin sa pag mamahal na binigay mo;

Ang swerte ko dahil nag karon ng tayo;

Kahit pansamantala lamang

Salamat ah?;

Nag papasalamat ako sayo ng lubusan;

Dahil ako'y minahal mo ng totoo;

Kahit panandalian lang ang salitang 'tayo';

Tangap ko;

Dahil may siya na;

SIge papalayain na kita

Sana maging masaya ka;

Paalam aking sinta.
Bryant Arinos Jan 2018
Di ko inaasahan ang naibigay **** saya,
Dahil ang inasahan ko ay ang pagiging panandalian mo.
Kasama kita sa maikling panahon,
Napaka-ikli, tila kisapmata, lahat nawala.

Mga pagsasamang nahinto dulot ng isang tuldok,
Tuldok na nagsasahad ng pagtatapos.
Oo, ang sakit na di na magkakaroon ng dalawa pang tuldok…
Nagsasaad na mayroon pang kasunod ang lahat at di pa tapos

Kaso wala na, tapos ang lahat dulot ng isang tuldok.
Akala ko tatagal tayo dahil napakarami natin kuwit,,,,,,,
Nagsasabing di pa tapos, sandali lang, opps charot lang meron pa.
Pero wala eh, tinapos mo na gamit ang isang tuldok.

Marahil nga hanggang doon nalang ang istorya nating dalawa
Alam ko namang hindi napipilit ang tadhana,
Pasensya na mahal ko kung pangit ang kwentong naibigay ko.
Oh ito na ang huling tuldok at magsimula ka na ng panibago **** kwento.
Tayo'y nagkita nang magdapit-hapon
Bilis ng araw ay tila lamang kahapon
Puso nati'y sabik na parang alon
Di naging handa sa anumang daluyong

Sa una'y masaya, sa huli'y hinapo na
Nararamdaman mo sakin ay tila nag-iba
Pait sa puso ang siyang naging marka
Sa latigo ng pag-ibig, tayo'y malaya na
Para sa kaniya
alona May 2018
nagsimula ako sa kung paano mo pinakita ang mundo
kung gaano kakulay ito at namangha ako sa kulay mo
pagkat sa mundo ko walang katulad mo
ninais ko manatali sa piling mo
dahil walang sakit at parang akoy nasa tahanan ko
kung saan lalagi **** iingatan ang puso
ngunit heto ibinalik mo ko sa mundong walang tayo
sa mundong ako ang laging talo
nasaktan ako na halos lisanin ko na ang mundo
pagkat akala ko kasalanan ko
at ang lahat ay pagkakamali ko
naramdaman kong di ka mananatili dito
sa mundong ginagalawan ko
humiling ako habang tumutulo ang mga luha ko
maaring bang ikaw na ang tadhana ko
pero iba ng tugon ng lagit sakin
may iba pa lang laman ang puso mo
at ako'y ginamit mo lang ng panandalian
habang wala pa siya
habang meron pa siyang iba
habang wala pa ang salitang kayo sa mundo mo
habang wala pa siya sa piling mo
Atheidon Mar 2019
Anong oras na’t puno na naman ng puwang at kalungkutan?
Mga saya na bigla na lamang naglaho sa kawalan.

Sa paglipas ng oras,
tila ba’y nawawalan ako ng lakas at para bang gusto ko na lamang tumakas—
tumakas sa rehas na aking dinaranas.

Tahanan — ang palatandaan ng aking katauhan.
Dulot ng bigat ng kursong pinili sa kolehiyo,
ako ngayo’y malayo sa palatandaan ng aking katauhan.

Nakakamiss.

Malayo sa palatandaan ng aking katauhan,
katauhan na binabalot ng kalungkutan,
at hindi maipaliwanag na pakiramdam ng kawalan.

Paano nga ba ito?

Sa kabila ng nararamdaman,
patuloy akong lalaban at patuloy na paniniwalaan
na ang panghihinang  nararanasan,
ay pansamantala lamang.

patuloy kong tatandaan,
na ang kawalan ay panandalian lamang,
at ang palatandaan ng aking katauhan ay akin ding mahahawakan
dahil bukas, higit kong pagsisikapan
na aking pangarap ay makamtan.
Dark Dec 2018
Lagi na lang bang ganito,
Tatawagan mo lang ako pagkailangan mo ako,
Lagi na lang akong pangalawa para sayo,
Isa rin akong pampalipas oras mo.

Bakit lagi nalang akong pangalawa?
Dadating ba yung araw na ako yung pang una?
Dadating rin ba yung araw na wala kang pagpipilian saming dalawa,
Ipaparamdam mo ba sakin yung pakiramdam na ako lang sapat na.

Makakagawa ba tayo ng mundo?
Yung mundong ikaw lang at ako,
Yung walang makikisaw-saw sa ating pagmamahalan na tayo ang bumuo,
Pero natandaan ko option mo nga lang pala ako.

Alam mo ba kung bakit ko hinahyaang maging pampalipas oras mo?
Simple lang kasi gusto kong mapansin mo ako,
At masaya ako pag kausap ka,
Kahit alam kung panandalian lang.
Angel Nicole Apr 12
Sandali
bago ang paalam
maaari ko bang
hawakan ang
mainit **** kamay
panandalian?

Sandali
bago ang huling sulyap
maaari ko bang
kabisaduhin ang
makinang **** mata
at ang ngiti ****
maganda?

Sandali
bago ang huling salita
maaari ko bang
kabisaduhin
ang iyong boses
na pampakalma
sa tuwina?

Sandali
bago mamaalam
maaari ko bang
maramdaman
ang bisig ****
gustong tirhan?

Sandali
bago lumisan
maaari bang
mag dampi ang
ating mga labi?

Sandali
bago ang huling
sandali
maaari mo bang
alalahanin ang
mga pinag daanan?

Manatili kahit nahihirapan.
Monday

4/13/20

— The End —