Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pamumula" poems
Hindi ko inasahan Na ako'y mahuhulog sayo, Na dati wala akong pake sayo Na dati hindi kita gusto. Kumbaga ako ang umaga at ikaw ang gabi Na kahit kailan hindi pwedeng mapag isa, pero nagkamali ako. Pinilit kong hindi mahulog sayo sa takot na hindi mo pagsalo, Pinigilan ko ang nararmadaman ko na akala ko'y may ibang nagmamahal sayo, Na akala ko'y may iba kang gusto. Pero ikaw na mismo nagbigay ng motibo nung araw na inamin mo ang nararamdaman mo. Nung inamin mo na ako'y mahal mo bumilis tibok ng puso ko nung sinabi mo, ang salitang iyon. Tumahimik ang paligid na tanging tibok ng puso ang aking naririnig. Ang paglapat ng iyong labi tila ba'y ang mundo ay sanadaling tumigil. Hindi ako makahinga na para bang nawalan ng hangin ang paligid. Ang aking bibig parang napipi dahil niisang salita hindi masabi, Ang aking mata sayo'y nakatitig Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi na dahilan ng iyong pagngiti. Na ngayon ikaw ang alon na sumasalubong saaking mga paa, ikaw ang araw sa aking umaga ikaw ang buwan sa aking gabi, ikaw dahilan ng pagngiti. Ang takot napalitan ng pagasa ang lungkot napalitan ng saya, hindi inaasahan na ako'y mas mahulog na pala, at sinabi din ang salitang MAHAL DIN KITA.
0
May 31, 2017
May 31, 2017 at 6:38 AM UTC
Ako'y nahulog sayo
Namimiss pa ba kita? Namimiss ko pa ba ang mga mensahe mo sa umaga pgkagcng at ang pinakamasaya ang mensahe mo bgo matulog sa gabi Namimiss pa ba kita? Namimiss ko pa ba ang bigla **** pgsasabi na mahal mo ko kahit kailan kahit saan basta maalala mo lng na dapat ulitin ulitin mo ang salitang yun sa akin. Namimiss pa ba kita? Namimiss ko pa ba ang pagiging malambing mo na parang halos araw araw ramdam ko na minsan napapangiti nlng ako pag nakikita kita na may kasamang pamumula ng mgkabilang pisngi ko Namimiss pa ba kita? Namimiss ko pa ba ang pagtawag m sken na may kasamang pg aalala pero ngaun wala na. Namimiss ko pa ba nga ang dating ikaw at ako at ang salitang tayo na kahit ipilit ko ay wala na dahil sa ikaw ay di na babalik dito sa piling ko
0
Aug 7, 2018
Aug 7, 2018 at 6:10 PM UTC
Namimiss
maingay ang mga mata, anumang hindi kayang banggitin ng labi o ng pagkumpas ng mga kamay, kayang iparating ng mga mata ng mga luhang nagingilid, nagbabadya ng pagpatak ng pagkasingkit at pagkapugto nila na tila magdamag ang hinagpis ng pamumula na paalala ng sakit na pinipilit mang ikubli ng labi o pagkumpas ng mga kamay ay hindi maitago ng maingay na mga mata
0
Jan 27, 2021
Jan 27, 2021 at 7:39 PM UTC
maingay ang mga mata