Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kapagka ang yeso ang ipinambato
Doon sa madaldal na estudyante mo,
At saka-sakaling tamaan ang ulo,
Bala ang babalik sayo mismong noo!

Kapagka pambura'y ipahid sa mukha
Niyong mag-aaral na tatanga-tanga,
Pakaiwasan mo't baka maging kawa
Yaong igaganti sa iyong ginawa!

Kapagka ang pluma ang siyang ginamit
Sayong panghuhusga'y mag-ingat na labis;
Sapagkat di tinta yaong ipapalit,
Kundi ang dugo **** mas nakakahigit!

Kapagka ang luha'y mamatak sa lupa
Niyong estudyanteng labis na nagdusa--
Pakaasahan mo't gaganti ang bata,
Ika'y sisingilin hanggang sa pagtanda!
Wala hong personalan, trabaho lang!
solEmn oaSis Dec 2015
Anak ng poocha naman o oh
Sa lahat naman ng ayaw ko...
Anigma pasubali...fliptopan ba'to
Pooja' una pa lang pinagsabihan na kita,
Pero ngayon... malamang magtanda ka na!!!

Unang banat.. wala akong ganang mag ingles
Nakakawalang galang ka! Hinde naman sa naiines
Hinde na lang talaga kasi ako makatiis
Sa pigura **** pagkakinis-kinis
Kahit tuwalya wala ka man lang tapis
Daig mo pa nakatihayang ipis
Pasalamat ka walang pambura dala kong lapis
Kundi aabutin ka sa 'kin ng walang humpay na daplis
Sa patuwad **** nakalilis
Landas ko'y nalilihis.

Pangalawa..hinde pa ito ang huli...
ayoko sanang maging arogante
Sa lubot **** mala elepante...
Ambot sa imo wag kang makampante
Sa postura **** naka bra lang at panti
Naturalmente 'pupusta pa ako ng mil bente
Magsusumbong ka...magagalit ang mga higante
mapapagbigkas ka sa iyong linguwahe
'lintek lang ang walang ganti
Hinde ako intelehente...
dati lang akong ahenteng galante.
anong gusto mo diamante o brilyante
hahaha!! nganga!,, parehas lang yun impertenente!!!

Pangatlong banat,
.... ito ang tutuo
Pinoy Ako!!!
Purong tagalog den ako...
Pero kung iinglisen mo ako..
Then go ahead..english-san na 'to...ehheemmh,,,
=Do you understand the word that coming out of my mouth
You're some kindda liberated there in the south
Don't sample me (huwag mo akong subukan)
...perhalps change me'''' (ibahin mo ako)
YOU CAN NOT EYES ME ANYMORE!!! (hindi mo na ako kayang mata-matahin)
i will "the rich zoo" you! ("diretso"-hin na kita)=
Hey What's up Pooja Sweety?
Nose bleed??? I don't care if i look scary
To you i'm not being pity'
Real talk''' ...i'm not heavy
But you won't be able to carry
This trash talk of my tongue full of messy
Even your closest bessy
In your ***..shall be freaky
Mabuti pang nag selfie ka ng wacky !!!!!
I'm sure .....you gonna be pretty!!!!
Garantisado.....Madlang b-side...tuwa pa nila so plenty
......TIME ;)
rebut

balagtasan noon
fliptop-pan doon

sa lawak ng mundo ng hiphop lahat ay kasya!
Brent Sep 2017
lapis
gamit panulat
sa dulo'y pambura
pantanggal ng sulat

lapis
pinapatulis
gamit ng maliit na pantasa
panlinaw ng sulat

hapis
pilit pinipiga
mula sa pusong sumusuko na
papunta sa dulo ng pansulat

lapis
wala na
tinasahan at pinilit buuin
ngunit nabali na
VJ BRIONES Jul 2017
Wala akong ideya kung anong iguguhit ng mga kamay ko.
Wala akong maisip kung pano ko sisimulan to
Buti nalang nasa puso kita
Nasa puso kita para ikaw ang idradrawing ko.
Idradrawing ko
Ang magaganda **** mga mata na tila kumikinang pag nakikita kita.
Idradrawing ko ang babaeng tila minahal ko ng lubos ngunit..
Teka
Sandali lang
Hindi ko alam ehh
Hindi ko alam kung tama patong ginuguhit ko.
Hindi ko alam kung ipipilit ko pang itama ang mga maling linyang iginuhit ng mga kamay ko.
PEro minsan mahirap nang ipilit ang bagay na dina magbabago
Parang isang maling linyang binura mo pero makikita mo parin
Mahahalata mo parin
MAraramdaman mo parin
Ang mga pagkakamali.
Parang isang maling drawing na pilit **** binubura. Pero tangina wala akong pambura.
Siguro nga kailangan ko na din ng bagong papel
Siguro nga kailangan kona ding ihinto ang drawing na ito

— The End —