Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"paluhain" poems
Hi! Tuwang tuwa ako sa salitang ito. Lalo na't mula sa'yo. Bakit gano'n? Isang Hi mo lang di mapigilang bumilis ang tibok nito. Isang Hi mo lang nabubuhay ang dugo kong ito. Hayyysssss… Hello! Di'ba sinaktan at iniwan mo ako? Di'ba sabi mo ayaw mo na? Di'ba? Niloko Pinaiyak Dinurog. Niloko Pinaiyak Dinurog. Ang puso kong ito, noong masayang magkapiling pa tayo. Tama bang bumilis ang tibok nito kapag ikaw ang kaharap ko? Tama bang tumibok ulit ito para sa'yo? Tama nang sinaktan mo ako ng isang beses. Ayaw ko nang dumalawa pa. Ayaw ko nang saktan mo pa. Ayaw ko nang ganito'ng nadarama. Ayaw ko na. Sa'yo. Oo, tama ang narinig mo na Ayaw ko na sa'yo. Kaya kung maaari lang layuan mo na ako. Oo, gusto pa kita at alam ko rin na gusto mo pa ako. Oo gustong gusto mo pa ako. Oo gusto mo pa ako. Oo gusto mo ako. Ano? Gustong gustong saktan, paluhain, durugin. Ano pa ba? Ano pa ba ang gusto **** gawin sakin? Pero hindi mo na muling magagawa pa dahil ayaw ko na. Tama na, sobra ka na, itigil mo na. Mauubus din ang nararamdaman kong ito para sa'yo.
0
Sep 14, 2015
Sep 14, 2015 at 8:40 AM UTC
Hi
Sa iyong pagbabalik, nadarama ulit ang iyong halik Galing sa biglaang pag-alis, nagdulot pa rin sa puso'y malalim na daplis Tulang sinulat at inialay sa akin ay naglalaman ng mga dahilan Mga dahilan na aking intindihin ngunit ako'y masasaktan Ayaw mo akong lisanin ngunit ayaw mo na rin akong angkinin Maaari ba iyon? Parang hindi nagkatugma sa totoong depinisyon Ng tunay na pagmamahal pero yun ang iyong opinyon Hindi mo ako gustong kalimutan, hindi ako kayang paluhain Mahal mo akong lubusan, at ayaw **** makasakit ng damdamin Sana'y malaman mo na natatawa ako sa iyong mga salita Nang sinabi **** iwanan ako at hayaang sumaya sa iba Siguro sasaya ako, oo alam ko Pero asahan mo darating ang panahon na kung kailan pinalaya mo ako Doon mo na rin malaman na ang bobo mo masyado Sapagkat minahal kita nang higit sa aking buhay Inialay ko lahat, kahit minsan ay sumablay At para na rin pinatunayan **** hanggang salita ka lang naman Ayaw mo akong saktan? Pero handa mo akong iwanan. Binulag mo ang sarili sa kaisipang sasaya ako kapag wala ka Yan ang kamaliang gusto ko sanang itama Bali-baliktarin man ang buong daigdig, umiiral pa rin sa puso ko ay pag-ibig Bakit hindi na lang natin isipang tayo na lang dalawa? Ang natitira sa mundong ibabaw at wala ng iba pa Nang sa gayon ay hindi mo maisip na ako'y makahanap ng iba Higpitan mo ang paghawak sa akin at ako'y iyong-iyo na.
0
Dec 16, 2019
Dec 16, 2019 at 11:28 AM UTC
Azzy
Sa mga araw na di kita pinansin, pinilit ko ang sarili na hindi ka kulitin, Hindi dahil Gusto na sana kitang limutin, Hindi dahil sa gusto na kitang lisanin, Kundi Dahil ayaw kitang angkinin, Dahil ayaw ko nang saktan ang iyong damdamin, Dahil ayaw na kitang paluhain, Dahil sa mahal kita ng lubusan, Pipilitin kitang iwanan , Upang ang tunay na pagibig at kaligayahan, Iyong matagpuan Kahit itoy sa ibang tao naman mangaling, titisin ko ang sakit, Para lang ikaw ay lumigaya
0
Dec 16, 2019
Dec 16, 2019 at 11:27 AM UTC
ikaw ay lumigaya