Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"palalong" poems
Ikubli mo ang kasinungalingan Sa ilalim ng mga basang unan Dinusta ka na ng ilan Ano ba ang katotohanan? Nakangiti ka sa umaga Ngunit pakiramdam mo'y gabi pa Tila inaantok pang kaluluwa Katawan ay naka kadena sa kama Hindi sapat ang init ng kape Maski awit ng paghele Sa silid na madilim At mga bulong na nakaririmarim Nakakalulang bangin Nagpatihulog sa hangin Pakpak ang maskarang nakatapal Alay sa mga palalong pabanal
0
Feb 29, 2016
Feb 29, 2016 at 10:10 AM UTC
Maskara
kung ito man ay dagundong ng marubdob na panaghoy tiyak din ay pabulong paghuhumiyaw nang walang saysay siguro'y pagsusuka ng mga salitang walang kabuluhan; pagaaksaya ng mga pariralang parang sitsiryang walang sustanya mainam din namang makapaghayag ng saloobin kahit paminsan-minsan ako'y halang at hangal huwad at duwag isang palalong inutil na manlilinlang tuod, tulig, nakukultang utak at bibig na pugad ng kasinungalingan kung may sasakit pa na ako'y sunugin, mainam ding ako'y balatan ng buhay, hubad na ibilad sa kahihiyan at panatilihin akong humihinga pa rin. pakiusap, gawin mo ito ng paulit-ulit hanggang sa ika'y manawa upang kahit paano'y maramdaman ko ang sakit na idinulot ko sa iyo at huwag na huwag kang maaawa dahil ang kapatawaran sa akin ay karanyaang hindi dapat naisin at panalangin kong pabalang na buhay ko'y kitilin na lamang, ngunit sa taong tulad ko, maging parusang kamatayan hindi sapat alam kong pagbabayaran ko ito ng malaki dahil hindi kita sinuklian ng mabuti kaya't marapat lang na ito'y aking pagdusahan binigo kita, babaeng pinakamamahal ko at hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung pahinulutan sana ng Maykapal na kahit huling saglit ay maibalik, batid kong imposible man din, mahal na mahal na mahal pa rin kita
0
Oct 19, 2016
Oct 19, 2016 at 3:27 AM UTC
Untitled