Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pakisabi" poems
Pwede bang pakisabi mo sa akin kung ano ang pag-ibig? Pakiramdam ko kasi ako na lang ang hindi makahanap nito. Pakiramdam ko kasi hindi sapat yung mga salitang nakalimbag sa diksyunaryo para maintindihan ko, Hindi din siguro sapat yung mga gabing 'di ako makatulog dahil sa'yo, 'Di din sapat na kasama ka sa mga salitang lumalangoy sa isipan ko tuwing susulat ako ng tula Hindi pa rin ba sapat, na nakilala kita? Para maintindihan ang pag-ibig? Para akong isang musmos na batang hinahanap ang kahulugan ng isang matalinghagang salitang nabasa niya sa isang tula. Nahihiyang itanong sa mga magulang at kaibigan, Kailangan ang sarili lang ang maka-intindi at makaramdam. Hindi ako makahinga, Sinasakal ako ng mga walang katapusang tanong, Kung ano nga ba talaga ang pag-ibig? Kung hinahanap nga ba 'to, o kung kusa nga ba 'tong dadating. Kung ang pag-ibig ba ay... Yung sandaling tumigil ang oras nang nakita mo siya sa unang pagkakataon? Yung nalaman ninyo ang pangalan ng isa't-isa at inukit mo na agad 'to sa isipan mo, at lumipas ang ilang araw may rebulto na siya sa puso mo. Ang pag-ibig ba ay... Ang mga saktong puwang ng inyong mga kamay? Ang bilis ng tibok ng puso mo nang una mo siyang nayakap? Nang nagsalubong ang inyong mga labi at nalaman niyo ang bawat sikretong tinatago sa katahimikan. Nang makita mo ang mga mata niya at naalala mo noong una kang nakakita ng mga kuliglig. Natakot ka at nabighani. Ang pag-ibig ba ay... Ang pagpapakatanga sa isang taong niloko ka na ng tatlong beses? Ang mga guhit sa braso mo? Ang mga natuyong luha mo? Ang pag-ibig ba ay ang pagmahal sa isang taong may mahal din na iba? Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi nangyari ang lahat ng napanood mo sa pelikula at nabasa sa libro? Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi ka nasaktan? Natatakot ako, Na baka sa sobrang tagal ko sa paghanap ng mga kasagutan, Mapapagod ako at susuko. Nabuklat ko na ata lahat ng mga talahuluganan at tesauro, Tila bang kaya ko nang gumawa ng tula para sa bawat salitang nakilala ko, Pero pinili kong mag-sulat sa isang salitang hindi ko nahanapan ng kahulugan. Limang beses ako nag-akala na nakilala ko ang pag-ibig, Limang beses akong nagkamali. Hindi ko alam kung tama pa bang kuwestiyonin ang pag-ibig, Ang ano, bakit, kailan, at paano. Siguro mananatili na lang 'tong matalinghagang salitang walang kahulugan at kailangan maramdaman para maintindihan. Pangako, Sa sandaling maramdaman natin 'to. Magmamahalan tayo ng higit pa sa pag-ibig.
0
Jun 27, 2016
Jun 27, 2016 at 6:32 AM UTC
Higit Pa Sa Pag-ibig

Continue reading...
45
Umikot ang mundo Sumilip na ang buwan Lumiwanag na ang mga tala At pumikit na ang mga ulap Pero, heto ako nakatulala sa apat na sulok ng kwarto Mahal! Napapagod na ako Napapagod na akong kakaisip kung mahal mo ba ako Kaya sana na man, sana nandito ka at marinig mo ito Sana madama mo ang mga saltiang "MAHAL KITA, SOBRA" Sana makita mo ang pangalan mo dito nakaukit sa puso ko Kaya mahal, sinta, darling, babe, baby, honey, love, sweetheart, asawa ko, buhay ko, mine, moo, yam Sana madinig mo ang sasabihin ko Na ang tulang ito ay para sayo Kahit abutin man ako ng dekada dito kakahintay Sasabihin ko pa rin MAHAL KITA Hayaan mo nang lumuha ako kasama ng ulan Hayaan **** mawalan ako ng tinig kakasabi sayo ng MAHAL KITA Pero, teka, Mahal, mahal mo ba ako? Ay wag! Wag mo nang sagutin. Kasi alam ko, ALAM KO NA! Umikot ang mundo Sumilip na ang buwan Lumiwanag na ang mga tala At pumikit na ang mga ulap Pero patuloy pa rin akong nagpapakatanga Ha,ha,ha! Tanga ng kung tanga Pero, hayaan **** sabihin ko sayo Mamatay man ang ilaw, Dumilim man ang kalangitan Mahal pa rin kita Teka, teka nga Sino nga ba ang Mahal ko? Pakisabi naman oh! Pakiusap, mahalin nya ako pabalik Kasi ang sakit, sobra Sa sobrang sakit, hindi ko parin maiwasan na mahalin  sya Na mahalin sya ng sobra na kahit ang paghinga nakalimotan ko Kaya sana na man, please lang pakisabi nyo sa kanya MAHAL NA MAHAL KO SYA At sana sa huling pagpatak ng mga luha Ang huling salitang maririnig mo Ang huling hangin naakukuha ko At ang huling pagtibok ng puso ko para sayo Umikot ang mundo Sumilip na ang buwan Lumiwanag na ang mga tala At pumikit na ang mga ulap Pero, MAHAL PA RIN KITA
0
Feb 26, 2018
Feb 26, 2018 at 10:11 AM UTC
Mahal Pa Rin Kita

47
Mahal naalala mo ba ang araw na una kitang makita, agad akong nahulog sayo. Ang mapupungay **** mga mata at ang mga ngiti **** nakakatunaw. Mahal naalala mo ba ang araw na sinabi **** " Mahal din kita pero " ang apat nakatagang ayaw kung marinig mula sa bibig mo. Mahal kailangan ko pa bang maging tanga para lang mapansin mo ang nararamdaman ko para sayo! Handa akong maghintay. Bakit pero, Bakit nakita kitang may kasamang iba. Bakit siya pa? Bakit siya? Bakit di nalang ako! Bakit dina lang tayo. Mahal naalala mo ba ang mga araw na naging masaya tayo! Ang mga araw na sabay tayong nangarap, Sabay tayong nangako sa isat isa. Na magmamahalan tayo hangang sa dulo ng walang hanggan. Pero bakit siya pa talaga? Pwedeng ako naman. Tayo na lang, Tayo na lang uli. Pero ang tanong bakit mo ko pinagpalit sa tulad niya, Bakit may kulang ba ako? May mali ba ako? May mali ba sa akin? Kaya nagawa **** akong pinagpalit. Mahal may kulang ba sakin? Kaya nagawa mo akong hiniwalayan ng ganito. Pakisabi naman sa akin oh! Kung may anong kulang sa akin? Para mabago ko man kung ano ang dahilan bakit mo ko iniwan.
0
Oct 31, 2018
Oct 31, 2018 at 7:50 AM UTC
Bakit
Hindi ko lubos malaman kung saan na nga ba ang daan tungo sa walang hanggang kasiyahan Tila ako'y nabalot na ng walang katapusang kalungkutan Pakisabi naman sa akin ang araw kung kailan ito mawawakasan Patuloy na naghihinagpis Mga mata ay laging nananangis Kung iyong titingnan sa aking pisikal na kaanyuan malalaman mo ang pinagkaiba ng isang taong masaya at isang taong pilit nagpapakasaya. Oo, hindi ako ang taong kilala ninyo. Sa likod ng wangis na anyo, Sa kabila ng 'di mawaring agam-agam, Nananatili ang isang kabuuan ng pagkatao na kahit kailan, hindi ko ninais maramdaman. Oo, isa akong halimuyak ng bulaklak sa inyong paningin pero, Ni minsan hindi nagawang pitasin at nanatiling nakasulyap sa katimyasan. Isa lamang akong atraksyon na pinipiling lapitan. Isang anino sa pisikal na anyo.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:00 AM UTC
Sino... ako?