Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pahinging" poems
Mama wag mo’kong iwan Gusto ko pang makita ang totoong mundo At malaman ang katotohanan. Mama wag mo’kong bitawan Ang lahat ng ito ay hindi ko kasalanan. Mama pahinging buhay Gusto pa kita makita at mahaling tunay Kalimutan mo na ang sakit at galit Mama ako’y iyong mahalin Gusto ko pong maranasan Ang totoong pagmamahal. Kaya pakiusap ako’y iyong palabasin Hayaan mo’ko alagaan kita At makasama habang buhay. Pero kung hiling ko ay di kayang tuparin Sana isipin mo munaang desisyon mo bago ito gawin At sana isipin mo rin ang akong kinabukasan.
0
Sep 28, 2019
Sep 28, 2019 at 10:36 AM UTC
Abortion