Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
040120

Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan nga
Langhapin mo ang sariwang hanging pabaon Ko sayo,
Kasama ng mga pangakong kalasag at kalakasan mo,
Mga pangakong magsisilbihing pahingahan mo,
Mga pangakong ilaw mo sa dilim
Na mas maliwanag pa sa Buwan at mga bituin
Mas maliwanag kaysa sa mga alitaptap
Na sinusundan mo ng tingin.
Na sa tuwing tiyak ang ligaya o lungkot **** taglay
Ay napapawi nito ang sakit
Ang hikbi ng puso **** walang ginawa kundi umiyak
Ang bilis ng tibok na puso **** paulit ulit na kinakabahan —
Kinakabahan na mahuli ang iyong kamalian
At hindi tanggapin at akayin ng kahit na sinuman.
At habang pasan mo, tagumpay man o kabiguan
Ay matikman mo rin na hindi ka lang basta-basta
Hindi Basta-bastang buhay lamang
At nagtatago sa dilim.
Hindi ko hinayang madala ka ng dilim
Hindi kita dinala sa dilim para ikay maging sakim
At mapuno ng kirot ang kawalan mo ng pag-ibig.
Huminga ka na may gayak,
Huminga ka nang May pag-asa.

Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan, paulit ulit hanggang sa makuha mo ang tamang tiyempo
Nang masabayan mo ang binabato kong mga ritmo
Ibuga mo ang iyong mga kamalian
Ibuga mo ang iyong mga kasalanan —
Mga kasalanang tila isang kumunoy na humahatak sayo
Pabalik sa kadiliman
Mga kasalanang minsan mo nang iniwan
Tama na ang paghinga sa walang kasiguraduhan,
Tama na ang pagsambit na kasalanan mo naman
Tama na ang paulit-ulit na bersyon mo ng “Ayoko na ng kasalanan at gusto ko na tong iwan,”
Ngunit nariyan ka pa rin,
Humihinga ka pa rin sa iskwater na minsang ika’y parang sardinas na nakasiksik
Tama na, tama na Anak.

Hinga, buga
Hinga buga,
Naghihingalo ka na
At paulit-ulit **** nasasaktan ang iyong sarili kahit Sabi Kong tama na
Naghihikahos ka na —
Ngunit wag **** isiping napapagod ako
Na sa tuwing nakikita kita sa iyong kahinaan
Ay napapagod na rin akong gamutin ka.
Pagkat hindi ako nagsasawang mahalin ka,
Na sa tuwing sinasabi ko sayong
Umuwi ka sa akin ay naghihintay ako sa pagbabalik mo
Na hindi ako nagsasawang maghintay sa pagsabi ****,
“Ama, narito na ako.”

Hinga, buga,
Hinga, buga
Malayo pa Lang ay nakikilala ko na maging ang iyong anino
Ang iyong pagsisisi buhat sa iyong paglisang makasarili
Ngunit buo ang aking pagpatawad
At ang pag-ibig ko’y dalisay at wagas
Na sa Krus ay dumanak ang dugo ng bugtong kong anak
Ang Anak ko si Hesus na nagpalaya sa iyo
At nagbigay sayo ng daan patungo sa katiyakan
Naririnig ko na
Ang mga padyak **** sabik sa aking paglambing
Ang mga pandinig **** naghihintay sa aking mga Salita
Na pinuno ko ng siksik, liglig at umaapaw kong pag-ibig
Maging ang pagtambol ng puso mo sa kaba
Nakikilala ko ang lahat sayo at sana alam ****
Sanang alam ****
Matagal nang bukas ang ating pintuan para sayo,
Oo ating pintuan at hindi pintuan Ko lamang.
Tahan na Anak, tahan na at nakauwi ka na
Nakauwi ka na sayong tahanan.

Hinga, buga,
Hinga, buga
Tayo na anak,
Sa akin ka na mamahinga.
Matagal - tagal na rin noong ako'y iyong iniwan
Ngunit hanggang ngayon ay umaasa pa ring mababalikan
Sino nga ba ang unang nakalimot?
Pagmamahalan ba nati'y napalitan na ng poot?

Tahanan kong nagsilbing kanlungan
Pagkahapo sayo'y naging pahingahan
Maraming salamat sa taong nagdaan
Lalaya ng muli sa gapos ng nakaraan
"I know now how heartbreaking it is. And I end up making a poem for him."
Gwyn Biliran Nov 2016
Samahan mo akong kumawala, iwanan natin ang mundong ito sinta.
Ikaw ang nais makasama sa pag-iisa, ikaw ang aking pahinga.
Maglakbay tayo patungo sa kawalan, ang ingay at gulo ng mundo'y ating takasan.
Hanggang kailan ito magtatagal?
Walang kasiguraduhan, pero pinapangako kong hindi kita bibitawan.

Tara roon sa dalampasigan kung saan mistulang ang mundo'y tayo lang ang nilalaman.
Hayaan **** ang iyong mga kamay ay aking hawakan habang tayo'y nagsasayaw sa ilalim ng buwan.
Ipikit ang iyong mga mata at damhin ang pag-ibig ko, sinta.
Ituloy natin ang pagsasayaw na walang ibang musika kundi ang aking pagkanta.
Mga noo'y magkadikit habang ang mga mata'y nakapikit.
Higpitan ang iyong kapit, huwag kang matakot lumapit.

Sa maiksing panahong tayo'y nagkakilala, ako'y iyong tunay na pinasaya.
Ikaw sa akin ay tunay na mahalaga. Hindi kayang ipaliwanag ang nadarama.
Huwag kang mangamba, sa puso ko ay mananatili ka.
Halika sa mga bisig ko, mahal.
Panahon natin ay di na magtatagal.
Ang pagtatapos ay nalalapit, yakapin mo ako nang mahigpit.
Nalalabing oras ating sulitin, pangakong ito'y ating uulitin.

Huwag ka nang malungkot, huwag nang sumimangot.
Huwag nang pumiglas sa aking yakap, damhin ang ihip ng hanging kay sarap.
Kasabay nang pagtatapos ng gabi ay ang pagtatapos ng ating nakaw na sandali.

Dahil tayo ay alon at dalampasigan, tinakdang magtagpo kahit panandalian.
Tayo ay alon at dalampasigan.
Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan, ang lugar na aking pahingahan, aking takbuhan, aking pansamantalang tahanan.
Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan; ako sa'yo ay lumalapit, pilit kumakapit, ngunit kailangan kong lumisan.
Ako ang alon, ikaw ang aking dalampasigan; malayo man ako saglit, ako'y babalik at aasang tadhana'y pagtatagpuin tayo ulit.
ESP Apr 2015
Umaga
Gigising at babangon
Ni hindi ko man lang
Narinig ang huni ng mga ibon

Umaga
Isusubo ang kakarampot
Na kanin
Na parang di ko nalasahan

Umaga
Na walang kapeng nahigop
Dahil kailangan ko ng
Pumunta roon

Umaga
Na makikita kong
Nakakunot sila
At hindi ko na napapansing
Ako na rin pala

Umaga
Uupo sa silya
Sisimulan ko na
Gusto ko ng matapos na

Tanghali
Parang ayaw ko na
Hindi ko na kaya
Tanghali pa lang pala

Tanghali
Hihigop ng kape
Walang tama
Isa pa

Tanghali
Bakit hindi pa matapos
Ang araw na ito
Wala pa palang kalahati itong
Tinatapos ko

Hapon
Ang saya nila
Anong pinag-uusapan nila?
Pwede bang sumali sa saya?

Hapon
Tangina
Wala na bang katapusan?
Sino ka para sabihan ako
Na tapusin ko na ito?

Gabi
Sa wakas
Malapit na
Kaunting tiis pa

Gabi
Na
Umalis na sila
Ako, nandito pa

Gabi
Ako na lang mag-isa
Pahingi ng tulong
Di ko 'to kaya mag-isa

Gabi
Nagpapasalamat sa langit
Pinatay ang ilaw
Buhay ang diwa
Masaya ang kaluluwa

Gabi
Kay raming tao
Hindi lang pala ako
Marami pala akong kasama
Hindi ako nag-iisa

Gabi
Nang maisip ko
Marami pa pala kaming
Nagpapaalipin
Sa lugar na ito
Sentro kung saan
Ang mga tao
Nagmamadali
Walang pansinan
Walang pakialamanan
Walang buhay
Walang kaluluwa

Gabi
Nang mapagtanto ko
Ayaw ko nito
Kasama nila
Nasaan ang kaligayahan ng puso?
Nasaan ang kalayaan ko?
Nasaan ang kalayaan nila?
May mararating ba?
Sila
Ako
Tayo
Itong tanong na ito
May mararating ba?
Tanong na lang ba talaga?

Gabi
Nang makarating ako
Sa aking lugar pahingahan
Nag-iisip
Natulala...


Umaga.
Bagay na ayokong mangyari sa susunod na mga taon.
elea Sep 2016
Ano na gagawin natin?
Pagod kana ba?
Mag papahinga ba muna tayo?
O pag-ibig ang magiging pahingahan natin?

Apat na natatanging sagot na hindi ko masagot.
Ngunit kailangan ko.

"Gusto mo na ba mag pahinga?" Aniya.

Hindi ako napapagod.
Ayoko lang mapagod ng husto.

Mahal, hindi ako titigil.
Hindi naman kita kakalimutan,
Kailangan lang talaga natin mag pahinga.
Ipahinga ang mga puso nating kinatatakutan kong mapagod.

Ayokong maubos ang pagmamahal ko.
Kailangan ko lang muna maging buo.
Kailangan bumalik tayo sa dati.
Kailangan natin ulit maging bago.

Yung gaya ng tayo noon.
Walang kahit ano at sino ang nakakapag pa hinto.
Hindi na tatakot sumugal.
Hindi iniisip ang mangyayari na pano kung ganyan,
Na paano kung ganito.

Ayokong aalis ako kung kelan wala na.
Yung matapon ang dating puno.
Maging abo ang dating nag aalab.
Mag papahinga lang ako habang mahal padin kita.

Mahal, wag ka masanay na wala ako.
Wag **** kakalimutan na sayo at saiyo parin uuwi at igagapos ang mga braso.
Tanging mga labi mo padin ang hahanapin ko.

Babalik ako ng buong buo,
Handa na muli sa kahit ano.
Babalik ako ng hindi nag babago ang ritmo ng puso.
Babalik ako na Ikaw parin ang tanging kanta na aawitin nito.

Mag kikita tayong muli.
Mag hahawak ng kamay.
Ngingiti at tatawa.

Mahal, ayoko lang mapagod kung kailan malapit na tayo sa dulo.
Ayokong masayang ang lahat.
Ayokong mawala ang Ikaw at ako.

Babalik tayo.
Kasi ayun ang mangayayari.
Naka tadhana na iyon.
Tayo naman lagi.
Tayo lang palagi.
9/8/16 pbwf
- Ikaw lang palagi.
Ikaw naman lagi. -
051922

Sa loob ng ilang taong paghabi ng mga tula’y
Nagsilbi pala itong aking pahingahan.
At sa pagpili kong isantabi nang pansamantala
Ang pag-ibig ko sa pluma’t papel
Ay unti-unti rin palang gumuho
Ang mga pader na naging proteksyon ko
Laban sa mga kumunoy ng aking damdamin.

Sabi ng iilan,
Gusto nila ng kalayaan —
Ngunit naiiba ata ang aking kagustuhan.
Pagkat mas ninanais ko pang
Punuan nang matataas na pader ang sarili kong bakuran.

Siguro nga, tama sila
Na takot akong buksan ang aking pintuan.
Siguro nga, ayokong sinu-sino lamang
Ang daraan sa aking paningin.
At baka sila mismo ang magtirik ng kandila
Para sa paghimlay ng aking mga pangarap
Na nais ko pang makamit at maibahagi.

Naisip ko biglang —
Wala naman palang masama
Sa pagtakip natin sa ating mga sarili.
Pagkat kung ang sinasabi nilang pagtago
Ay palatandaan ng kaduwagan at pagiging makasarili'y
Baka araw-araw na rin tayong nagugulantang
Sa mga nakahanay na mga kalansay at mga bangkay
Sa ating mga pintuang pinangangalagaan.

Ang bawat nilalang
Ay may sari-sariling paraan
Sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap.
At ang bawat katauhan di’y
May iba’t ibang paksang ipinaglalaban
At patuloy na pinaninindigan.

Kung ang mga pader nati’y
Hahayaan na lamang nating matibag nang basta-basta’y
Tila ba tinalikuran na rin natin ang ating mga sarili.
Pagkat ito’y hayagang kataksilan
Sa ating mga mga sinusungkit pa lamang
Na pangarap na mga bituin.

At kung minsang mapadpad na tayo
Sa pampang ng ating paglisan,
Ay tayo na rin sana ang kusang maging taya
At patuloy na lumaban at manindigan.
Para rin ito sa atin,
Para sa sariling kaligtasan
Laban sa walang pasintabing pagkukutya
Ng mga dayuhan sa ating mga balintataw.

Sana'y kusang-loob tayong magsisipagbalikan
Kung saan natin naiwan at naisantabi
Ang apoy ng ating pag-irog sa ating mga adhikain.
At kung pluma’t papel muli ang magsisilbing armas
Para sa muli nating pagkabuhay,
Ay patuloy rin tayong makikiindak
Sa bawat letra’t magpapatangay sa mga ideolohiyang
Kusang nagtitilamsikan buhat sa ating mga pagkatao.

At hindi tayo magpapadaig at magpapatalo
Sa mga ekstrangherong walang ibang ninais
Kundi yurakan ang ating pagtingin sa ating mga sarili’t
Sila mismo ang gagapos sa ating mga kamay
Upang hindi na muling  makapagpahinga
Sa piling ng ating mga pluma’t papel.

— The End —