"pagtitiyak" poems
Umahon ang buwan mula sa kanyang pagtulog. - sabik na sabik sinagan ang sanlibo't isang nayong naghihintay sa kinang niya.
Madilim at malamig; makapal ang mga ulap sa langit. Higit ang pagnanais sa kanyang pagdampi.
At siya'y lumiwanag.
Kumislap.
Ang kinang ng sigurado sa alon-along pagtatanong-tanong.
Ang nag-iisang tiyak sa langit ng duda.
Buong gabi niyang niyakap ang mga pueblong hitik sa pangamba. Winalis ang takot na dala ng langit na obskura.
Buong gabi niyang tangan ang bawat pulgada ng bahala.
Hanggang sa bumangon ang araw mula sa kanyang paghimbing
- sagisag ng kanyang muling paggilid.
Sa gilid.
Sa gilid ang kanyang pedestal.
Ano ang laban sa kinang na hatid ng araw? Lunduyan ng liwanag, sastre ng pagtitiyak.
Sa gilid ang kanyang pedestal.
Pagkat alam ng buwan na iba ang kislap niyang hatid - kinang na kikinang, ngunit 'di maglililimlim.
Kinang na pupuno lamang sa langit ng dilim; sa gilid
ang kanyang pedestal.
Pagkat iba panghabambuhay na paghalik sa pandaliang pagtangan;
na iba ang gusto
sa kailangan.
Sep 12, 2016
Sep 12, 2016 at 12:28 PM UTC
Wala naman sigurong mawawala, kung
Aasa ako sa wala,
Guni-guni man ito o hindi.
Kundisyon ba ni bathala
Ang pagtitiyak,
Na mangyari man o hindi,
Aasa ako sa bukas?
Ngunit nakakapagod na,
Gumuguho na ang dating
Umaapaw na pag-asa.
Mangyari man o hindi
Ano bang magagawa?
Sino ba ang nagtala...?
Aasa ka pa ba?
Aug 12, 2012
Aug 12, 2012 at 1:04 PM UTC