"pagtigil" poems
Sa panandaliang pagtigil ng mundo,
Hindi mapigilan ang mga tanong sa isipan,
Na para bang mga sasakyan sa EDSA,
Buhol buhol at walang kaayusan.
Ang mapait na naranasan ay iiwan na sa nakaraan,
Akapin ang kasalukuyan at kinabukasan,
Patawarin ang sarili sa nagawang kasalanan,
Bitawan ang sakit na nararamdaman,
Hindi para sakanya at hindi rin para sa iba,
Para sa'yo; Para tuluyan ka nang sumaya,
Mga gabing puro luha at kalungkutan,
Balutin sana ng umagang puno ng kasiyahan.
Nawalan ka man ng kaibigan o kasintahan,
Mga memoryang hanggang isipan nalamang,
Pulutin at dalhin sa susunod na kwento,
Dahil sadyang may mga kabanata na hindi para sa'yo.
Nov 12, 2020
Nov 12, 2020 at 11:04 AM UTC
Nagpalit ang mga numero sa aking relo
Bigla itong tumunog at nabahala ako
Labing-isang minuto makalipas ang alas onse na
Oras na para humiling na ika'y muling makita
Lumipas na ang apat na buwan
Mula nung aking sinimulan
Pagtigil at pagpikit ng mga mata
Nangangarap, humihiling na magkatotoo nga
Ikaw, oo ikaw, ang rason kung bakit
Isang minuto akong nakatingala sa langit
Hiling na makasama ka kahit ilang sandali
Makita ka lang ay kumukurba ang aking lahi
Dumating ang panahong ikinalulungkot ko
Kawalang pag-asa sa buhay ay naramdaman mo
Dahil doon nag-iba ang aking hinihiling
Sana'y maging masaya ka kahit ako'y wala sa 'yong piling
Bawat hiling ko ay laging tungkol sa'yo
Hindi na iisipin kung may lugar ako sa puso mo
Sana naman hindi maaaksaya
Hiniling ko sa langit na ika'y maging masaya na
Lumipas ang ilang taon, ikaw pa rin talaga
Ang tanging hinihiling na makasama
Muli akong pumikit at humiling
Pagkamulat ng mga mata'y ika'y dumating
May 29, 2017
May 29, 2017 at 10:16 AM UTC