Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagtangi" poems
*Kaibigan, naalala mo pa ba? Ang araw na lagi tayong magkasama? Ikaw at ako, tayong dalawa, ay masayang naghahabulan sa may kalsada. Kaibigan, natatandaan mo pa ba? Nagkasakit ka't sa iyo'y walang nag-alaga? Mabuti na lang naroon ako. Walang araw at gabing inalagaan kita. Kaibigan, hindi mo ba nakalimutan? Ang pagtangi kong mahal pala kita? Nagulat ka, at napaurong ang dila. Natigilan, natahimik, at mulagat ang mata. Kaibigan, sa tingin mo ba? Naiwaksi ko sa aking isipan na, Mahal mo ako noon pa, At hindi mo iyong sa'kin ipinagkaila. Kaibigan, sampung taon na pala? Ikaw at ako ay buhay pa. Kahit uugod-ugod at matanda na, Pagmamahalan natin ay tunay na dakila. Kaibigan, mahal na mahal kita...*
0
Dec 26, 2015
Dec 26, 2015 at 2:56 PM UTC
Tunay Na Kaibigan
Tuwing balikan ko ang nangakaraang araw na nagugol noong kabataan. Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay, na minsang dinanas niring abang buhay. Ang bawat nagdaang aking mga araw, doon sa luntiang ating paaralan gunita ay pawang dusa't kapanglawan, ang bumabalot niring balintataw. Subalit ang dusang nakapanghihina, pilit napapawi ng mumunting saya. Ang isang bituing kahali-halina'y naging hugot-lakas niring pusong aba. Hindi ko mawari noon yaring dibdib, tuwing binabaybay ang daang matinik. Anong ubod sayang naglaro sa isip, ang sinintang Musa ng aking pagibig. Simula nang ikaw ay aking mamasdan O! hangad kong tala sa sangkalangitan, hindi ko malirip at di na maparam tila nanggayumang lagi sa isipan. At magbuhat noo'y aking hinahangad; ang sangkalangita'y aking malilipad, upang mahahaplos ang talang pangarap at isang dahilan niring pagsisikap. Subalit ang hangad wari'y panaginip at tila'y malabo itong makakamit. Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit, at kutad ang pakpak at walang pangsungkit. Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan. Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang, at kung anong siglang sa akin nanahan, ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal. Iyon ang gunita't aking kabataan, doon sa mahal kong ating paaralan. Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan, subalit tiyak kong sa puso ay bukal. Sumapit ang yugtong di ko na namasdan ang tanging bituing aking minamahal. Pagkat ay nalayo ako sa tahanan, upang susuungin ang bago kong daan. Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago, paghanga'y aayon at ito'y maglaho. Tulad ng magapok ang buhay na bato, kung saan inukit ang puso't ngalan mo. Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas, ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas. Hindi ko maarok na lalong nagningas, nang muling magtagpo ang ating nilandas. Kaya ninais kong maipapahayag, ang mga damdaming sa puso'y nailimbag. Limang ikot-araw ang mga nagwakas, magpahanggang ngayo'y laging umaalab. Ikaw ang bituing aking hinahangad, isa sa nagtanglaw niring aking landas. Ang Musa sa puso't tanging nililiyag, ang umakay niring diwa na sumulat. At ngayon ay aking naipapabatid, dito sa talatang nagsalasalabid. Mula sa paghanga't tungo sa pagibig, ang hindi maihayag niring dilang umid. Papalarin kaya itong abang lingkod, at mula sa langit ikaw'y pumanaog? Diringgin mo kaya yaring tinitibok ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog? At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap, ipaguumanhin ang pusong sumulat. Ninanais ko lang na maipahayag, ang aking pagtangi sa'yo at paglingap. At kung kasadlakan nito'y pagkabigo, sa aking paglapit, ikaw ay lalayo. Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo, nawa'y di burahin ang mga yapak mo. ©Raffy Love Canoy |March 2020|
0
May 10, 2020
May 10, 2020 at 7:53 AM UTC
Gunita ng Paghanga

Continue reading...
73
**Hanggang dito na lang ba tayo? Hanggang dito na lang ba ako?** I. Matagal na itinagong damdamin Hiniling noon na mapansin At dahil sa ihip ng hangin Tinangay sa'yo ang pagtingin. Sabay tayong lumaban Upang mapatunayang pang-matagalan Pagsuko ng isa'y 'di inaasahan Paano na ang pagmamahalan? Oras ang ipinagkait Kaya ba ayaw nang kumapit? Mahal, kay tinding sakit Ito ba talaga ang kapalit? *Hanggang dito na lang ba tayo? Hindi na ba madadaan sa suyo? Hanggang dito na lang ba ako? Pagmamasdan na lamang paglisan mo.* II. Mahabang buhok na kulot Wari ko'y hindi ka salot Muntik na akong mabuslot Sa butas ng pag-ibig na dulot. Nakapagpalagayan, loob ay gumaan Araw-araw kausap, hindi nagkasawaan Dumating ang puntong nagkalokohan Namumuong damdami'y pinaglaruan. Sinabing mahal mo ako noong lasing ka Akala ko'y totoo kaya naniwala na Ganoon na siguro ako katanga Kahit kasinungalinga'y pinaniwalaan na. *Hanggang dito na lang ba tayo? Nasiyahan ka ba sa paglalaro? Hanggang dito na lang ba ako? Sasakyan na lamang ang mga biro mo.* III. Sobrang lapit pero malayo rin Kayang tanawin at lakarin Inhinyero, hindi mo ba mapansin? Na ang puso'y nais gapangin. Sa pagdaan ay umaasa Sa eskwelahan ay palinga-linga At kapag natanaw na Ibang saya ang dala mo, sinta. Nguit dumating na ang panahon Ang panahong hindi na makaahon Pagtangi'y kailangan nang ibaon Ito na ang huling desisyon. *Hanggang dito na lang ba tayo? Na ayos lang kahit sa pagtango? Hanggang dito na lang ba ako? Aasa na lamang sa paglampas mo.* **Alam kong walang magiging tayo Kaya sawi na naman ako.**
0
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 11:20 AM UTC
Hanggang Dito

55
*Nang tumibok itong abang puso ko, Hindi napigilan ang labis na pagsusumamo. Atat makilala ka mula Lunes hanggang Linggo. Upang isakatuparan ang panliligaw ko. Mga rosas kong dala-dala, Ipinapahiwatig na ako'y may pagtangi na. Tsokolateng galing pa sa ibang bansa, Nagbabakasakaling maging tayo na. O, kaylapad ng iyong mga ngiti. Nasisilayan ko pati beloy mo sa pisngi. Mariring ko na ba kahit na sandali, Ang matamis **** 'Oo' o 'Hindi'. Isang taon kitang niligawan. Araw-araw akong nakikipagsuyuan Linggo-linggo pang hatid-sundo kita sa daan. Masiguro lamang ang iyong kaligtasan. Subalit, mali ako. Maling-mali ako. Ika'y nakipagmabutihan sa ibang kalahi ni Adan. Ilang linggo lang na sayo'y nakipagligawan, Ibinahagi mo agad ang tunay **** nararamdaman. Pinaasa mo ako. Pinaasa-asa. Porke't matangos ang ilong niya, Makisig at artistahin ang mukha, Nahulog ka na't sadyang malalim pa. Sana hindi ako nagpakatanga. Sa mga pinakita **** puro paasa. Kung ang kapalit pala, Ay damdaming kong sawi't magdurusa.*
0
Oct 29, 2015
Oct 29, 2015 at 4:33 PM UTC
Paasa
Nag-iisa ako habang pilit kinikubli ang pighati, Na sa'king puso'y mananatili. Ako'y nalulumbay ngunit pilit na ngumingiti, upang hindi nila makita ang lihim kong pagtangi. Aking itinago ang lihim kong pagtingin sa iyo, sapaggkat ayokong ako'y iwasan mo. Ako'y kuntento na lamang sa ganito, kumpleto na ang araw masilayan lang ang mga ngiti mo. Dumarating sa punto na gusto kong sayo'y magtapat. Pinapangarap na mga labi nati'y minsang maglapat, ngunit alam kong hindi ito dapat, sapagkat ayoko ang samahan nati'y biglang magkalamat. Itatago ko na lamang ang aking tunay na nararamdaman. Ayos lang sa'akin kahit ako pa'y mahirapan. Wag lang matapos ang ating pagkakaibigan. Mahal ko alam ko, ika'y hanggang panaginip na lang "At bago ko makalimutan Hindi mo parin ako maiintindihan Kahit ika'y akin ng sinabihan Ako ay nanaginip nanaman."
0
Apr 22, 2016
Apr 22, 2016 at 12:31 PM UTC
Panaginip
Tulad ng kahit sino, siya'y isa ring hamak na nilalang na naghahanap ng pag-ibig, at iibigin. Hanggang isang araw, ika'y kaniyang nakita mula sa malayo. Matangkad ka, kung kaya't agad niyang napansin ang iyong tikas. Kasing tikas mo ang damdamin, sa kanya'y umusbong alinsabay sa iyong pagdating. Sa tuwing ika'y kaniyang nakikita, siya'y lihim na napapangiti. Ang liwanag na minsan ng nakubli sa kanyang araw-araw, ay iyong ibinalik. Binigyang sibol mo ang pananahimik ng kaniyang puso na minsa'y napabayaan at nasaktan. Kaya't salamat sayo, bagama't hindi pa siguro napapanahon. Upang iyong malaman, itong espesyal na pagtangi na sa iyo'y kanyang inilaan. Marahil, sapat na muna na ika'y kanyang masilayan kahit man lamang, sa malayuan.
0
Nov 3, 2015
Nov 3, 2015 at 3:12 AM UTC
Ang Pagtangi Ni Rochelle
Oras na para malaman **** wala na. Wala na ang pagtangi kong lumipas na. Oras na para malaman **** tapos na. Tapos na ang mga gabing luha'y pumatak na. Oras na para malaman **** pagod na. Pagod na ang pusong kong masaktan pa. Oras na para malaman **** takot na. Takot na ang sarili kong magtiwala pa.
0
Mar 6, 2016
Mar 6, 2016 at 2:11 PM UTC
Oras Na
Ako'y natataranta, Sa tuwing nakikita ka. Ako'y nadadapa, Kapag tinititigan kita. Mainit pa sa kape, Ang pag-ibig ko sayo. Kasing layo ng Antlantika, Ang pagtangi ko. Sana'y iyong mapansin, Ang wagas kong pagtingin, Nang mabuksan mo na rin, Ang pag-ibig kong malalim pa sa bangin.
0
Apr 17, 2016
Apr 17, 2016 at 1:24 PM UTC
Sikreto
“Seize the moment.” ― Erma Bombeck Nagtatampo ang araw kaya hindi ito sumisikat, Hinahayaan n’yang kumapal ang ulap. Hay naku Tiyak na iiyak ang langit, babaha ang luha na Hahalik sa lupa. Nagsusungit ang buwan tila walang paglingap Sa dilim ng hating-gabi; pati ang mga bituin Walang pagtangi sa magdamag na lumilipas. Ganito ang nararamdaman ng puso ko, Nalulumbay na tulad sa araw at buwan. Gising ang diwa subalit pagod ang panulat, Gustong mag-ulat pero hindi makasulat. Naiinggit ako sa mga makatang hindi kinakapos, Hindi natutuyuan ang kanilang panulat na laging Nagmumulat. Hindi ako nagtataka kung bakit sila naging alamat. Subalit hindi ako padadaig sa lumbay, Lalabanan ko ang katamaran. Magpapatuloy ako Sa paglikha ng mga tula. Hindi ko sasayangin Ang oras na natitira sa akin.
0
Nov 25, 2017
Nov 25, 2017 at 1:38 AM UTC
NALULUMBAY