Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagtagumpayan" poems
Sa loob ng sampung buwan marami mang pagsubok ang pinagdaanan nguni wala pa ring atrasan marami na rin ang pinagsamahan at naging magkakaibigan. Isang grupo ng kabataan, na nagkaroon ng isang magangdang samahan. Kahit anong pagsubok ay hindi nila inaatrasan, kaya: kaya nila itong pagtagumpayan. Isang grupo ng kabataan na kung minsan ay may alitan pero ilang sandali, ito ay kanilang kinakalimutan at tuloy na ulit ang kasiyahan. Sa kabila ng lahat ng ito ay may nakaagapay isang **** ang na aming tagapatnubay na maaaring maging inspirasyon namin sa aming tagumpay. **** na yata sa habambuhay; motto nya siguro sa buhay. Bb. Maritess Palac ang kanyang pangalan. Kahit kailan ay hindi mo malilimutan. Salamat sa iyo aming **** na tumayo bilang ikalawang ina sa aming mga estudyante mo. Salamat po sa inyo mahal naming **** Salamat mo sa iyo mahal naming **** ng dahil sa inyo kami ay natuto. Kaalaman na galing sa aming magulang, kasama ang kaalamang mula sa inyo. Ay hindi kayang tumabasan ng anmang ginto. Salamat sa Diyos kami ay nagkaroon ng isang gurong katulad niyo.
0
Aug 8, 2015
Aug 8, 2015 at 10:37 AM UTC
Salamat Aming ****
Bagong kabanata ay nabuksan tatlong daan anim naputlimang pahina ang pupunan bawat araw ay ilalathala at susulatan maging maganda o masama man ang kalabasan Mga kalbaryo at pagsubok na kailangan pagtagumpayan Mga pagpapalang darating at kailangan nating pasalamatan Mga sakit at pighating hindi maiiwasan Ating haharapin at mararamdaman Ika'y handa na ba ngayon? Harapin ang bukas at iwan ang kahapon? Kalimutan at isara libro ng nagdaang taon Pero may mga aral ka ng nakaraan na iyong baon baon. Sa libro ng ating buhay na tayong may akda sulitin ang guhit at sulat ng ating tinta matuto sa mga karanasang mapait at maganda Bago natin bitawan ang pluma at lumagda
0
Jan 1, 2022
Jan 1, 2022 at 10:07 PM UTC
"Bagong Taon"