Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
aL Jan 2
Kaluluwa **** pagod na pagod na sa karereklamo sa mga mali **** desisyon. Utak ay gusto nang magsara at ikaw ay talikuran ng tuluyan.

Tanging pinanghahawakan lang naman ay ang pasya ng puso. Magulo sa kanilang paningin ngunit sigaw ng iyong damdamin ay kasiyahan.

Bawat tibok na lamang ay naliligaw sa kinaloob-looban ng iyong pananaw. Marahil hindi na importante sa ilan. Walang didinig sa iyong pagsinta sa kaibahan.

Gandang taglay na hindi kita ng lahat ay iyong hinahanap hanap. Sa paligid na iyong pagtuklas ay napakasalat. Ang ginto ay hindi pangkaraniwan.
AUGUST Jan 3
Ibubulong nalang sa hangin,ang bawat pagsumamo
Paano ba maipaparating, ang nadarama ng puso
lagi kitang inaalala malayo ka man sakin
Kelan ba tayo magkikita ang hangad nitong damdamin

Sa panaginip nalang makikita matutupad ang pangarap
Sa panaginip nalang ang pagsinta duun nalang magaganap
Mga pangako at sumpaan paano na matutupad
Walang kasiguraduhan kung saan ba mapapadpad

Tadhanang mapaglaro, magkalayo at di pinagtagpo
Ba't Sadyang mapagbiro kahit may lalim bawat pagsuyo
Dating hawak ang ‘yong kamay, ngayon sa guni guni
Buhat ng ikaw ay mawalay, nasisilayan sa muni muni

Sinagot ma’y marami paring Katanungan
Lahat ba ng tanong? wala pa ring kasagutan
Kung may dulo ang daan, Saan ba ang hantungan
Kung ito’y may hangganan, Ano ba ang pupuntahan

Sa kapalarang magkatugma, kahit na isa kang dayuhan
Ng pagmamahalang mahiwaga , na tayo ay nagkaunawaan
Tunay nga na ang pagibig may isang diwa
Tayo’y Itinadhana, Magkaiba man ang ating pananalita

Andito lang ako, Malayo parin ang distansya,
Naghihintay sayo, Malapit nang mapuno ang Pasensya
Dito sa kaganapang di mapapaliwanag ng sihensya
Kung ba't ikaw, ikaw ang hinahanap ng konsensya

Kahit wala ka.....

Di na makapaghintay sa panahon ng iyong pagbabalik
Pagkakataong tayo’y muling magkita, ako’y nananabik
Minsan pa sanay lumantay ang yakap mo’t mga halik
Nang sana ang sigaw ko’y tuluyan nang matahimik

*Para sa mahal kong si Reina
Ngunit sana maunawaan nya ang tula ko.
kingjay Dec 2018
Ang tuyo na lupa sa kapatagan ay naghihikahos
Kahit diligan ito ay hindi mangabubusog
Sa tigang na kaanyuan

Puso'y parang pipi
Patulak ang mga lumalabas na salita
Silakbo ng pag-ibig ay huwag pigilin
Datapwa't bulagin ang mga mata
Si Dessa ay di na makita

Ibinuhat ang korona
Sa hari kung saan nakatungtong
At ang hiling habang buhay na magkapiling
Di palalampasin ang sandaling magkasama

Kahangalan ang sabi ng pari
Halikan ang paa di ang labi
Laging nabibiyak ang kasunduan
Pinermahang papel isampal at ihati
Ang hinihinging kapalaran sa isang panig ibig

Ang dating pakiramdam ay laging bumabalik
Sana'y tanggapin ang handog na na nanggaling sa kaibuturan ng pagsinta
Ngunit hindi maalis ang ligalig
kingjay Jan 7
Pusong bingi'y naaantig ng awit
Ganun pala sa unang pagsinta
Sa sombra niya'y laging nakabuntot
Paglumingon ay siyang paglinga-linga sa paligid
Ni ayaw mahalata kung saka-sakaling mapansin

Hindi malaya sa demokratikong bansa
Alila ng iniibig na panauhin
Ano nga ba, di alam ang gagawin
Sa pagpikit ng mata,
mukha niya'y nagniningning

Sa pantasya'y nahuhumaling
kahit na  gising, lumulutang sa hangin
Kaya ganun na lang sa pagsasalamin
sa mga nangyari - medyo pagmamalabis

Hinabol ang bawat galaw
Sa utak ay walang hinto na sumasayaw
Disente sa pananamit
Mayumi kahit sa anong bihis

Di man lubos nililimi ang mga katangian at ugali
Pabayaan pagkat mapagkumbaba
Hahamakin ang lahat
Dahil ang dibdib ay lumilingas
kingjay Dec 2018
Mahal kita

Di ko maintindihan
Ako ay lagi **** iniiwasan
Simula lang noong inamin
ang pag-ibig na matagal ko sa iyo nilihim

Bigay kong mga rosas sa akin ay ibinalik
pati ang puso ko na aking inihati
Nang hindi na sumugpong ang isang piraso
Nalaman ko na kay sakit pala mabigo

Tatlong beses nanalamin
Hinanap ang sariling kapintasan
Buo kong kalooban ay naranasan
na madurog nang lubusan

Ngayon nagmukmok sa loob ng madilim na kwarto
Liwanag ng buwan ay tumungo sa silid
at nakapagsulat ako gamit ang hinanakit

Mahal, ang una kong salita na  magdudugtong ng aking pagsinta
Kita, ang kasunod para malaman mo na ang saklaw ng aking mundo ay tayo lang dalawa

Di magtatatapos sa tuldok ang mga huling taludtod
at ang ningning ng estrelya
ay susundo sa wikang pampag-ibig
na puno ng mga ninanais

Nais kong tanggapin mo ang aking pag-irog
at malaman mo na sa iyo lang ito nakalaan
Ikaw ang pinipintuho ng mga ulap at sa ibaba ako'y makikipagsapalaran

Nais kong kipkipin mo ang mga rosas
na minsan nahiya
Dalawang puso natin na sabik
Nais ko rin basbasan ito ng langit

Gusto ko tumaglay ng katangian na sa iyong mga mata ay kagigiliwan
Di man matipuno, may galaw sana akong magalang

Nais ko sa isang kubo tayo ay mamituin
Sa labas ng bintana, sabay natin ipanalangin
na ang pag-iibigan ay pagpalain

Tulad ng pananalamin ng mga letra
gayun din ang pangyayari sa unang apat na saknong ay kabaliktaran ng aking mga kagustuhan
At ang huling mga salita
Ang Hiling sa Pasko na tula ko'y pakinggan
kingjay Dec 2018
Ang panggagaway ay sinukat na plano
Nadinig ang umanas na demonyo
Marahil di itinadhana
Patawarin sana ang kaluluwa na binahiran ng tintang itim

Nanawagan sa iba't-ibang uri ng engkanto
Sila'y maging alipin
Lumagablab ang raya
Naupod parang sigaro ang katinuan
Walang sumansala sa hangad

Lumapit na  ang liyag
Tulala habang bumalisbis ang luha
Dinukot ang puso niya't nilunok
Mamamatay kung hindi maaangkin

Ang nag-udyok ay ang nilalaman ng diwa
para tumahi ng isang hiraya
Sapagkat di maipahayag nang harap harapan
kaya ang hinanakit ang naghari sa gitna ng pagsinta

Pinalipad gaya ng saranggola
Ang guryon ay mahigpit na tinalian
Sa kalaunan, napugto ang sinulid
Nakalaya sa pagkabigkis
kingjay Dec 2018
Ang haplos ay malamig
di man naninigas
nanatili walang kibo
Sa paghagok ay naninibago
-walang malay parang nag-iidlip

Isigaw ang pangalan ng mga santo, patron at lalo na  ng Diyos
-magbigay pugay
Ang pulso muna ay hanapin mula ulo hanggang binti

Ginto at pilak, walang katumbas
Ang hinirang na anak Niya'y di kinalimutan
Parirala ng buhay ay papintig-pintig
sa ibang dimensyon na ng daigdig

Tuldukan ang kasulatan sa Libro ng mga Buhay
Sapagkat buhat-buhat ang maputlang kamay
Sa kuko matatanto habang nakaratay
Nagiginawan pati ang laman na nasa hukay

Libu-libong ektarya ang pagpapasyalan
Maraming kakaibiganin maging sinuman
Nakikipagkapalagayan ng loob ang lahat-nagpapatawad
Pagbubuklodin ng pagsinta

Nililok ang estatwa sa dibdib ay namalagi
Paalalang ipirmi, di iwaksi
Samut-saring emosyon ng dilim ang ginamit sa pag-ukit
kingjay Jan 2
Umulan ng mga talulot sa simbahan
May palakpakan, palirit
Sapagkat pumunta sa kasiyahan
Daig pa ang fiesta at bagong taon sa lakas ng bulyawan

Katabi ng lalaki ang mahal
Puro halakhak at wala nang pag ngiti
Sa mga ka-nayon na bumabati
Inuman maghapon sa magarbong pagdiriwang
Paanyaya na natanggap na siyang pinaunlakan

Bago matapos ang selebrasyon ay
lumapit sa asawa ng maharlika
Ang pagbati ay ibinulong
sabay nakaw-halik sa pisngi niya
Tumalikod at di lumingon
Bigla na lang pumatak ang mga luha

Sa itinanim na pagsinta, ang naani'y pagdurusa
Sapat na ang hilahil upang magpatiwakal
Sapagkat di matanggap-tanggap ang pag-iisang dibdib
Tibok ng puso'y lumikat

Lumakad nang papalayo
Kahit mga paa'y mabigat iangat
Nanginig nang lumisan
Dumanas ng kulimlim ng pag-ibig
Nag-iisa sa Cariñosa sa putikan
Bumalik tayo kung saan...
Paano nga ba nagsimula?
Nagsimulang ang mga pangamba ko ay mawala,
nagsimulang pangamba ay mapalitan ng pag-asa't pagtitiwala.
Mga pagluha sa aking mata, ay tila naglaho na
Napalitan ng pagtawa, lumbay ay lumisan na.

Paano nga ba nagsimula?
Mamuhay nang kasama ka
Sa mga araw na kapiling ka—- bawat araw ay puno ng galak at pagsinta.
Tinuruan mo akong, mamuhay nang may saya
Pait ng kahapon ay naitapon na,
mula nang ikaw ang makasama ko, sinta.
Samahang walang papantay, punung-puno ng buhay!
Pag-aalaga ay damang-dama, suporatado ang isa't-isa.

Paano nga ba nagsimula?
Malalim na pinagsamahan
Masasayang ala-ala, na tila hindi maaantala—-
    ng kahit anong problema, sa atin man ay naka-amba
Magkahawak mga kamay, tayo ay hindi bibitaw.

Mga gala at lakad natin, na minsan ay biglaan pa
Mga oras na hindi natin alam, kung paano napagkasya.
Basta't alam nating... tayo ay masaya—- kahapon man o ngayon, at kahit na bukas pa!


Ngunit dumating ang panahon, tayo'y sinubok na ng pagkakataon
Masasaya nating bukas ay nagsimula na ngang kumupas
Hindi alam kung paano, tayo'y biglang nagbago
Tila nalagas na puno, hindi na lumago.

Akala ko ba ikaw ay "KASAMA?"
Hindi lang kaibigan o basta-bastang kasintahan
Kasama sa lungkot at pighati, kasiyahang hindi mawari
Pagkatalo man o pagkapanalo—- tayo pa rin ang magwawagi.


At ngayon...
Bumalik tayo kung saan...
Paano nga ba nagsimula?

Nagsimulang mawala ang paniniwala na tayo ay para sa isa't-isa
Nagsimulang matalo sa digmaan at piniling wag na lumaban?
Nagsimulang maglaho ang mga katagang "mahal kita"
Nagsimulang magbulag-bulagan sa katotohanang
b a k a   t a y o  a y  p w e d e   p a ?

Isip at damdamin ay di makaunawa
Hirap pagalingin ang sugat na sariwa
Sugat na iwan ng ating pinagsamahan
Pinagsamahan na akala ko ay aabot sa simbahan

Paano nga ba nagsimula?
Paano at kailan nagsimula?
Nagsimulang matapos ang ating pagmamahalan?

Kahit kailan pinangarap ko, maging ikaw at ako—- hanggang sa dulo
Paano mangangarap kung ako ay gising na?
Gising sa katotohanan na tayo ay
w a l a  n a?


© LMLB
This is a poem I made eight months ago. I think it's the right time to publish it to let the public read it freely, as free as I am right now. Perhaps the feelings have depreciated and that's why I wouldn't mind if someone would read this poem, based solely on my feelings couple of months ago.

There you go, you have it. Read this poem from my broken heart that's already mended now. :)
MARGA Aug 2018
kaligayahan mo'y akin pa ring dalangin,
kahit iyon man ay wala sa akin.
kung sakali'y ikaw ay luluha,
sana'y ikaw ay mapapatahan niya.

ang magandang ngiti
sa iyong mga labi ay sana'y mamalagi;
ang kintab sa iyong mga mata,
ay sana'y laging makikita;
pagsinta niyo'y sana'y pang habang buhay,
at higit pa sa kung anong kaya kong ibigay.

kung sakaling umibig ka sa iba,
sana'y ang tunay na ikaw ay sapat sa kanya;
hangad ko sa inyo'y magagandang bagay,
at sana'y bawat araw niyo ay makulay.
sana'y ikaw ay makatamasa
ng pag-ibig na wagas galing sa kanya,
o aking sinta.
kingjay Feb 8
Pagsinta na ipinanganak
sa buwan na kulang-kulang ang mga araw
Kadalasan ay dalampu't walo at sa tuwing ikaapat na taon nagiging dalawampu't siyam

Winawangis sa tagsibol
ang panahon ng pagsilang
Kaya magiliw ang hangin,
bagong simoy hatid ng dalampasigan

Ang dapyo ng Amihan
simbanayad ng paghinga
sa pumapagaspas na dahon
sa bumabaluktot na sanga

Dahan-dahan nang nanaog
ang kaluwalhatian ng langit
sa mga batang umiibig
sa mga binatang naghihintay nang nanabik

Sa sumasangang pag-irog
dalawa o mahigit pang katipan
marami ang nagugustuhan
Walang wasto at tiyak na kamalian
sa pagmamahal

Di ang mayayabong bukirin at nagsitaasang gusali ang makapaghahadlang
Maging ang mga naging bulag na
ay matuwid kung lumakad sa daan

Sa batas ng pag-ibig
ang kalooban ang magtitiis
kung magkasala
ang damdamin ang maghihinagpis
aL May 8
Sa pagdalamhati na rin ng kalangitan
Tila may pagbadya na manipis na pagulan
Sa bawat sanag ipapatak ng mahinahong ambon
Sasabay ata ang mga luhang natago sa ipon

Wala nang katumbas na salapi at ginto para sa iyong kasiyahan

Pilit nalang sa paglimot sa malalambing na sandaling ika' naghagkan

Sa mas malayo na ang pagpunta
ng iyong mga tingin na datirati ay sa akin lamang
Hindi na sapat ang talinhaga at pagsinta
Sa panaginip nalang lagi ang pagabang
Habang tuloy ang pagsulat ko nito sa kaunting minuto parang kusa sa paglabas ang mga salita, this is how i feel and this was barely edited
-Wala lang. Share share lang.

— The End —