Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
011717

(Para sa lahat ng mga tumatakbo, mga napilayan at napaltusan. Para sa mga gusto nang huminto pero may humihila sayo pabalik na hindi mabuo-buo ang loob **** lumisan kasi pagod ka na rin sa katatakbo. Oo, ayos lang maging totoo't amining pagod ka na. Natakot kang humarap sa mundo pagkat napuno ka ng sari't saring mga isyu sa buhay mo, kaya akala mo walang saysay ang bawat salaysay. Akala mo, wala nang nais makinig sa bawat kwento **** tila paulit-ulit na lang. Akala mo, tuldok na at wala nang kasunod pa. Wala kang matakbuhan at lagi ka na lang tumatakas. Oo, nasanay ka na at akala mo ayos lang at tama yun. Nagtatago ka sa dilim at ayaw **** lumantad, natakot kang makita yung totoong ikaw kasi ayaw **** mahusgahan o makaani ng masasakit na salita. Natakot kang magtiwala ulit pero pag lumantad ka, doon ka lang pala makalalaya. Saksi ang lahat ng nilikha sayong pag-amin na hindi mo kayang mag-isa, na ayaw mo nang mamuhay nang may paglihim. Na gusto mo nang magbago at patuloy na lumaban -- lumaban nang patas at ayaw mo nang talikuran ang nakaraan. Na gusto mo nang harapin ang mga hindi matapus-tapos na mga isyu sa buhay mo -- mga isyung tila mga sundalong kalansay buhat sa nakaraang kailangan mo nang sugpuin. Oo, kaya mo. Oo, kaya Niya sa buhay mo. Buhay ka pa, humihinga ka pa. Kaya mo yan!)

Ayokong palipasin ang sandali nang pagpikit -- habang nakasandal ka sa kalangitan. Habang iniisip **** hindi mo Ako kayang abutin. Iniisip mo sigurong kinaligtaan Kita, na hindi na Kita tinitingnan pagkat mas pinili **** magtago sa dilim. Akala mo siguro'y hindi ko alam kung nasaan ka -- kung saan at paano mo isinantabi ang sarili mo kaya't hindi Ko maibuhos ang pagpapala Ko sayo. Oo, kasi umiiwas ka, umiilag ka at nilalayuan mo Ako.

Hindi Ako nakikipaglaro ng Tagu-taguan sayo kung saan ay ihahatak mo ang iyong sarili palayo sa Akin at itatatak sa puso't isipang hindi ka na pupuwedeng lumantad hangga't wala pa ang liwanag. Naghihintay lang Ako, naghihintay Ako kung saan mo Ako pinasandal at sa bawat melodiya't pag-indak ng mga ulap na wari mo'y nagtatago rin Ako, noon pa ma'y inilantad Ko na ang Aking sarili sayo. Hinihintay Kitang magpasakop sa Ilaw Ko, nang magkusa kang magpataya sa Akin gamit ang Aking mga yakap.

Pagkat hindi mo na kailangan pang magtago -- hindi mo na kailangang maghintay nang napakatagal para lamang masabi **** nahilom ka na. Ang paglantad mo ay siyang pagsuko mo at bagamat ito'y pagsuko, makinig ka: naging matapang ka na. Hindi mo na kailangang yumukong tangan-tangan ang hiya pagkat sa iyong pagpapakumbaba'y itataas Kita gamit ang aking Ngalan at titingala ka na. Matititigan Mo na rin Ako, makikilala mo na rin Ako.

Iba't iba man ang anyo Ko'y Ako pa rin ito. May ipinapaabot lamang Ako sayo nang mas maging malapit tayo sa isa't isa. Igagawad Ko sayo ang aking lakas kasabay nang pagbitaw Ko ng mga Salita. At kahit gabi na'y mag-iilaw at mag-aapoy ka pa rin pagkat ikaw na ang magiging taya. Ikaw na ang maghahanap sa mga nawawala't magbubukas ng pintuan para sa mga nagtatago't nagpabaon na sa dilim.

Wag **** tulugan ang dilim pagkat parating na ang Umaga kung kailan at kung saa'y mas magiging lantad na ang lahat. Babangon Ako hindi bilang Buwan na may pakislap na liwanag ngunit bilang Haring Araw at susugpuin ang dilim. Wala nang makapagtatago pa pagkat magiging hayag na ang lahat.

Kaya Anak, wag kang matakot at ngayon pa lang ay ihayag mo ang iyong sarili sa Aking liwanag -- sa Aking liwanag na papandong sayo at uutos sa dilim nang tuluyan mo nang masilayan ang iyong sarili -- ang iyong sariling may pagpupunyagi. Maghanda ka, malapit na ang pagdating Ko. Maghanda ka, magkakasama na rin Tayo.
Eugene Aug 2017
Sandaling tumigil ang oras
upang ipikit ko ang mga mata
sa alaalang nais kong balikan
mula sa isang taong kailanman
ay hinding-hindi ko makakalimutan.

Sinimulan ko sa isang eksenang
bibigay at bibigay na ang aking puso
sa kalungkutan at kapighatiang
aking nadarama noong kailangan
ko ng kausap at siya ang aking nasandalan.

Alam **** hindi madali para sa akin
na bigyang katuturan ang bawat hiling nila
kahit pa alam **** maling mali na
ang mga desisyong aking nagawa
dahilan upang katawan ko ay bumagsak sa pangungulila.

Ikaw ang naging gabay ko
no'ng mga panahong ilang ulit akong
nakaramdam na may mali na
pero ipinagpatuloy ko pa rin ito
at hindi mo ako hinusgahan sa naging desisyon ko.

Sa mga sandaling ito ay nakapikit pa rin
ang aking mga mata upang balikan
ang mga nakaraang lagi ay takbuhan kita
at isisiwalat ang mga pangyayaring hindi ko inakalang
magagawa ko pala kahit ang sakit sakit na.

Ang kathang ito ay isinulat ko at
gustong ialay sa iyo dahil isa ka
at hindi lang basta kaibigan, ka-trabaho,
kung hindi ay isang inang itinuring akong
isang anak na nawawala at kailangan
ng pag-intindi, pang-unawa at pagkalinga.

Muli kong binuksan ang aking mga mata
at doon ay napagtanto kong wala ka nga pala
sa aking harapan upang bigkasin ito nang malakas
sa iyo na nagbigay pag-asa sa puso kong
hanggang ngayon ay nalulumbay pa rin at pilit na nagpapakatatag.

Taos-puso akong nagpapasalamat,
at kung kailangan ay paulit-ulit, gagawin ko
upang malaman mo na kahit tayo man ay malayo sa isa't isa
o magkakalayo ay hinding-hindi ka mawawaglit
dito sa aking pusong labis kang hinangaan at minahal.
President Snow Dec 2016
Sampung rason kung bakit dapat mo akong balikan

Una, dahil ikaw  ay nangako
Sabi mo walang hanggan pero bakit may dulo?
Ang pangarap nati'y hindi dapat mawala
Pangalawa, dahil sa bawat pagpikit ng mga mata
Ikaw ang unang nakikita
Ang mga alaala ng iyong magandang mukha ang muling nasisilayan
Pangatlo, dahil ikaw ang laman ng bawat hiling ko
Sa bawat 11:11 na dumating ay ikaw ang hinihiling
Na sana'y muling mapasaakin
Pang apat, hindi na kita bibitawan.
Panglima, dahil sa bawat araw na wala ka ay parang mga gabing walang tala
Walang ilaw, walang ganda
Pang anim, dahil kasabay ng pagkawala mo ay ang pagkawala ng langit na dahilan ng pagngiti.
Ang langit na minsan kong nilipad kasama ka.
Pang pito, alam **** seryoso ako
Seryoso ako pagdating sayo, sa atin.
Sa mga bagay na sinasabi ko kaya ito ang
Pang walo, ayoko na ng laro
Hindi ako magaling maglaro
Hindi ko na kayang makipagsabayan sa mga laro mo dahil alam kong talo na ko
Talo ako sa lahat pagdating sayo.
Pang siyam,  nandito lang ako.
Naghihintay, nag aabang, ni hindi makausad
Sa sulok. Pira-piraso nagdurugo
Nagiintay na pulutin mo ang mga bubog
Nagiintay na bumalik ka sa bisig ko.
Pang sampu, balikan mo ako dahil mahal kita
Oo, mahal pa rin kita
Mula sa mga bubog ng nabasag kong puso
Ikaw parin ang nilalaman nito
Ayoko sa ng iba
Kaya mahal, Bumalik ka na
Balikan na kaseee
Maria Navea Mar 2019
Naaawa ako saiyo, Binibini
Karumaldumal ang pamamaslang na iyong sinapit
Luha mo’y nagpaparamdam ng hapdi
sa pag tulo nito sa iyong mga pisngi.

Ginahasa ka ng sarili **** pinuno
Minulestya ka at pinagsamantalahan
Ibinenta ka sa banyaga na parang isang bayaring babaeng matatagpuan mo sa daan.

Ninakawan ka ng sarili **** tagapaglingkod
Binigyan mo na ng palay at lupain
Ngunit ang hindi na para sakanila’y nagawa pang angkinin.

Pamilya mo’y nagawa kang saksakin sa iyong likod
Sa kanilang pananahimik at hindi pagkinig
Sigaw **** “tulong”, sa lakas ika’y nawawalan na ng tinig; at
Sa pananatili nilang pagpikit sa mga karumaldumal na katotohanang sa harapan nila’y nakahain.

Ipagpaumanhin mo ang mamamayan mo, Binibini
Tao mo’y masyadong nasilaw sa kayamanang iyong binahagi
Pasensya ka na at sila ay naging makasarili
Hindi nila inisip ang dulot nilang hinagpis.

Binibini,
Sa kahit anong gamot ang iyong ipahid sa mga sugat **** natamo
Malinaw na hustisya ang sigaw ng puso at isipan mo
Hustisyang malabo mo nang maabot
Sapagkat tunay kang hindi inibig ng tao
Kundi ginawa ka lang instrumento sa pagkamit ng kanilang makasariling plano.
untoldstory Mar 2017
Pangako.
Sing lalim ng dagat ang pagiisip ng sandali
Sa mga susunod na tinginan,
Ngiti,
Mo ang umaaya,maghintay,suungin ang mga alon ng pagsubok,
Kasabay ng ibat ibang mandirigmang sumubok makuha ang perlas ng iyong karagatan,
Natututo akong makidigma,kahit nagmamanhid na ang mga braso,lumaban,ako dahil mahal kita.

Maghihintay ako

Kahit ilang araw o buwan ang lumipas,wala ka sa tabi akoy narito palagi, ang makita kang masaya,
Ang ngiti, sa yong mga labi ay sapat na upang akoy maghintay.
Ang mga bulak **** kamay na nagaayang lumapit, saakin habang nakatitig ako sa bawat pagpikit, ng iyong mga mata na nagsasabing kumapit.

Nagsisimula palang ang paglalakbay,
Pagpasok, sa ibat ibang hamon mo,
Pagsuko,takot?
Hindi yan ang sagot sa tanong na inaantay,sa tanong na matagal ko ng hinihintay,ang sagot.

Mangangako ako sayo pero mangako karin saken

Pangakong hindi ako mananakit ,pero mangako kang hindi mo ako ipagpapalit.

Pangako kong ang pagpili mo saken ay hindi mo pagsisisihan, atipangako **** hindi mo ko isasama sayong pagpipilian.

Pangako kong hindi lahat ng oras mo ay aking kukunin,pero ipangako **** mag lalaan ka ng attention para saken.

Pangako kong walang iba kungdi ikaw,at ipangako **** di ka bibitaw.

Pangakong magiging importante ka para saken,pero ipangako **** hindi mo ako paaasahin.

Na ang pangako ko ay hindi basta pangako,na ang pangako ko ay handang maglakbay, na maging alalay na laging nakasunod,
Sa ikatakda na ikay maging handa,
Maghihintay ako,pangako.
Jeremiah Ramos Aug 2016
Sa unang pagkakataon,
Inabangan ko ang pagsikat ng araw
Pinili kong hindi matulog,
Kasi mas madaling magising hanggang umaga kaysa sa bumangon ng maaga

Naging isang malaking kanbas ang langit
Nagsimula sa unti-unting pagkawala ng buwan at mga bituin,
Naging asul, nadagdagan ng kahel,
Nagkatabi
Unti-unting naghalo

Sumilip ang araw,
Inabot ang kanyang sinag sa mga matang malalim at nag-antay
Unti-unti, at sa tamang oras sinakop at niliwanagan ang langit.

Narinig ang mga busina ng mga bus,
Ang tren na para ng tilaok ng manok sa umaga sa aking mga tainga,

Nakita kita,
Sa pag unat mo,
Sa pagbukas ng iyong mga matang hindi nag-antay,
at sa pagpikit nila muli dahil alam **** hindi mo kailangan bumangon ng maaga

Narinig kita,
Ang hilik na pilit **** itinatanggi,
Ang mga unang salitang binabanggit ng isip mo,
Ang pag-sabi mo sa kanya ng mga salitang ako dapat ang makakarinig tuwing pag-gising,
Magandang umaga, mahal kita

Sa unang pagkakataon,
Inantay kita,
Pinili kong hindi magmadali,
Kasi mas madaling abangan ang tamang oras kaysa sa habulin ito,

Mahal,
Sinta,
Ikaw ang sining na nagbibigay dahilan kung bakit ako yung kanbas na kinalimutan **** pinturahan,
Nagsimula sa unti-unting pagkawala ko,
Naging masaya ka, nakalimot ka,
Lumipas ang ilang taon,
Unti-unti akong 'di hamak naging pangalan at alaala na lamang sa'yo

Sumulyap ako sa huling pagkakataon,
Inabot ang aking mga kamay sa'yo, sa nakalimot at nagmahal ng iba
Unti-unti akong naging alaalang nawalan ng pangalan.

Mas madali mag-antay ng pagsikat ng araw kaysa sa kalimutan ka.
Pagka't ikaw ang unang simoy ng hangin na malalanghap sa umaga,
ikaw ang sinag ng araw na unang nakikita ng mga mata ko,
ikaw ang umaga ko.

Ikaw ang unang umagang hinintay ko.
Wala pa akong tulog.
Hindi man naisin
Ikaw ay nasa isip pa rin
Sinubukang limutin
Damdamin para sayo ay di kayang tiisin

Lahat ng lungkot na sa aking puso'y, iyong iniukit
Nakasulat sa papel, sa dingding doon nakadikit
Mga saloobing puno ng hinanakit
Itatago at kikimkimin, isasabay na lamang sa aking pagpikit

Sabi mo "hindi mo ako iiwan"
Tugon ko "ikaw lang magpakailaman"
Subalit ngayon ako'y nangungulila
Hindi malaman kung bakit laging nakatulala

Sinta, ano ba ang aking nagawa?
Hindi ko sukat akalain, na ang pag ibig natin ay biglang mawawala
Sa aking pag-iisa, susubukang isagawa
Ang paglimot sa ating masasayang ala-ala

icm
Kasabay ng aking pagpikit
Ang pagsilip ko sa panaginip sa aking isipan.
Namumukod tangi ang Iyong kagandahan
At Ikaw ang nag-iisang kumikinang sa aking paningin.

Napapasilip ako
Sa likod ng lahat ng napakagandang palamuti,
Pagkat nariyan pala ang tunay na may-akda ng lahat.
Pagkat sa kabila ng naghihiyawang palakpakan,
Sa kabila ng mga ngiting bumabandera sa aking harapan --
Ang dahilan ng aking kalakasan.

Pagdilat ko'y tila bukang-liwayway na,
Hindi kumupas ang Iyong kagandahan.
Muli kong kinapa ang aking bulsa,
At muling naghagilap ng anumang umiingay sa aking kalupi.
Dahan-dahan kong pinakiramdaman
Ang magaspang na katauhang gawa sa pilak.
At buhat sa pagkakamulat,
Ay dahan-dahan akong pumikit
Na tila ba sumasabay sa unang pagpatak ng ulan.

Nangungusap sa aking konsensya
Ang tinig **** matagal ko nang hanap-hanap.
At sa naudlot na istorya sa entablado'y
Nagpatuloy ang aking paghahanap.
Hinahanap ko kung saan nagmumula
Ang tinig **** humihele sa akin
At nagbibigay galak sa puso kong
Uhaw sa malasakit at pag-ibig na tunay.

Nasaksihan ko ang paglisan ng bawat katauhang
Kailan lamang ay nasa akin ang pagtingin,
Ngunit ang lahat pala sa kanila'y
Syang palamuti at hindi tunay na kabahagi
Ng aking istorya.

Patuloy silang nalusaw
Gaya ng krayolang nilalaro ko sa apoy
Noong ako'y paslit pa lamang.
Na ang akala kong bubuhay sa pinipinta kong larawan
Ay hindi pala sapat sa magandang imaheng
Aking nasasaklawan sa aking imahinasyon.

Kusa silang naglaho na tila ako'y tinakbuhan lamang
At marahan akong napaluhod buhat sa aking kinatatayuan.
Gusto kong magsalita, gusto kong may masambit..
Gusto ko silang pigilan sa paglisan
Pagkat hindi ko ninais na mapag-isa
At patuloy na mangulila sa pagmamahal.

Kung pwede lang na sa gitna ng katahimikang ito'y
Kaya kong marinig ang sarili kong boses.
Kung pwede lang sa gitna ng aking paghihintay at pagsusumamo'y
Wag muna silang kumilos at aking mahanap
Ang tinig na akala kong susundo sa akin
Buhat sa paglimot ko sa aking sarili..

Namukod-tangi ang boses na aking hinahanap,
Naririnig ko na ang Kanyang mga yapak
Na tila ba patungo at palapit na sa akin.
Ngunit hindi ako makagalaw buhat sa pagkakayuko.
Ni hindi ko na masilayan pa kung sino ba ang paparating.
At dahan-dahan pa rin ang pagpadyak
Ng Kanyang sandalyas patungo sa akin.

At habang Siya'y lumalakad,
Ay dahan-dahan ding nagbago ang senaryo
Na aking kinalalagyan.
Narinig ko ang napakalakas na pagpaubaya ng alon,
Ang tunog ng kampanang magaan sa aking pakiramdam,
At ang mga humiheleng tila mga anghel
Na naging mitsa ng pagtatayo ng aking balahibo.

"Nasaan na nga ba ako?" Tanong ko sa aking sarili.
At muli kong narinig ang mga nagpupuring anghel
Na tila ba walang katapusan ang kanilang galak
At ako'y nadadala kung saan.

Hindi ko pa rin mabuksan ang aking mga mata
At wala akong masilayan maliban sa dilim
Na pilit kong nilalabanan at alisan.
Hinahanap ko pa rin ang tinig Nya
At nais kong tanggapin ang bawat salita mula sa Kanyang bibig.

Maya-maya pa'y narinig ko
Ang isang pamilyar na boses na tumawag sa aking, "Anak."
Habang ang aking kamay ay hawak-hawak pa rin
Ang pilak na muli ko sanang itatapon sa balon..

"Anak, halika na.. sabi ng doktor, may donor ka na raw.."
Sambit ng aking ina habang ako'y akap-akap
Sa kanyang mga maiinit na mga bisig.
Kusang tumulo ang aking mga luha
At sya nama'y humagulgol sa saya.

Walang salita ang sinambit naming dalawa,
Ngunit ang kanyang yakap ay humigpit.
At naramdaman ko ang kanyang mga luhang
Dumadampi sa aking balikat at sa aking damit.

At sa mga oras na iyo'y
Ang kanyang yakap ay higit pa sa lahat ng yakap sa mundo
Ang luha nya'y tila ba binabalot ng isang hiwagang
Nagpapakalma sa aking paghihirap.
Ang gaan ng aking pakiramdam,
Ang saya ng aking kalooban.

At doon ko natagpuan ang aking hinahanap,
At sa aking muling pagmulat
Kung saan may liwanag nang maaaninag,
Alam ko kung kanino na ako muling lalapit pa..
Alam ko, hindi ko man nasilayan ang lahat
Ngunit ang pakiramdam na iyo'y
Habambuhay kong nanaisin
At pasasalamatan.
alvin guanlao Nov 2010
gusto kitang maniwala
sa mga sasabihin kong salita
ang luha ay ubos na

kalungkutan ko'y nasasabik
gustong magbago at umagos sa pisngi
at hinding hindi maabutan ng bagsik
ang mga tainga **** nagkukunwaring bingi

tuyot sa kailaliman hanggang kaibuturan
o hangin wag mo akong hipan
baka di ko kayanin dala **** ginaw
lamigin ang aking gabi habang ang utak ay natutunaw

ang pagpikit ay gumagarantya sa sariling mundo
walang makakaalam at makakapasok kundi ikaw at ako
magdidilim sa tawag ng reyalidad papunta sa kamang lundo
aking panaginip, bakit hindi kita mailagay sa isang sako?

sa isang buntong hininga madarama ang tinik
sakit na dulot ng panghihinayang at di madaan sa wisik
tinatanong ang sarili kung saan nagkasala
maglalaho ka pala, bakit wala man lang babala?

gusto kitang maniwala
sa mga sasabihin kong salita
ang luha ay ubos na
akin ito
Ito ang umagang
Nanaisin kong huminto muna ang Araw nang saglit.
Kung pwede bang manatili muna Sya
At ako'y hayaang pagmasdan
Ang kanyang kariktan.

Nais kong bumilad sa sinag ng Araw
At magpasakop sa Liwanag Nyang taglay.
Nais kong malusaw ang bawat kamalian,
Ang bawat pagkukunwari.

Pagkat ayoko na..
Ayoko nang magpanggap pa..
Na kaya kong mag-isa
Mag-isa na wala ang mga kamay Nya --
Ang mga gabay Nya.
Na maging sa gabi'y
Nasisilayan ko pa rin
Ang kanyang anino sa aking pagpikit,
Ang nakasisilaw Niyang Liwanag
Na nagiging mitsa ng aking pagluhod.

Gusto kong huminto ang Araw,
At ako'y makita Nya..
Kahit isang iglap..
Kahit isang saglit lang..

Kung pwede lang,
Wag Mo akong iwan
Na sa gabi'y
Ikaw ang magbigay Ilaw sa aking landas
At ako'y Iyong yakapin
Habang ang Iyong sinag
Ang magsisilbing lakas
Sa bawat pagbangon ko sa Umaga.

Sayo ako magsisimula,
At ayokong ito'y magwakas
Na para bang hinahayaan ko lamang
Na malimot ko ang lahat --
Ang lahat ng mga misteryong
Iyong ipinakita na,
Iyong ipanaranas na.

Ayokong dumating sa katapusan
Na ako'y walang muang
Na Ikaw ang aking Simula..

Ayokong magtagpo tayo
Sa gitna ng aking mga kamalian --
Mga kamaliang hindi ko itinama
Kahit na pinagbuksan Mo na ako
Sa panibagong Umaga.

Kung ang bawat araw na lumilipas
Ay siya ring mga pahina ng aking buhay,
Bakit pa..
Bakit ko pa hahayaang
Dilim ang magsilbing umaga?
Kung Ikaw naman ang tunay na Simula ng lahat..
Kung landas ko nama'y
Kayang-kaya **** bigyang liwanag
At lahat ng masasaklawan ng aking mga mata
Ay simbolo ng Iyong paghahari.

Lilikumin Mo ang lahat
Gamit ang Iyong Liwanag.
Ang Iyong mga Salita'y
Hindi na mangungusap pa,
Ngunit Ikaw na mismo ang darating.

At buhat sa Iyong bibig,
Ang lahat ay handa nang makinig..
Nang buong puso..
Na may tunay na pagpapasakop.

At ang lahat ng mga naggising
Buhat sa pagkakahimbing
At mga bangungot na tila walang katapusan
Ay sabay-sabay na babangon
At lalakad sa Liwanag na Iyong hain.

Masisilayan ko rin ang mga ngiti
Ng pagpupunyagi at tagumpay
Na walang balot ng anumang pagkukunwari,
Walang tampo't galit.
Kung saan hubad ang lahat
Ngunit tanggap Mo
Ang bawat kamalian.

Ang Iyong paghuhusga ay darating --
Darating nang patas;
Patas at pawang katotohanan.
Ang lahat ay darating sa katapusan,
At Sayo ay handang magpaubaya.

Ang lahat ng mga nabago ng Iyong Liwanag
Ay kusang sisibol at uusbong
Nang may papuri
At hindi parang mga paupos na kandila
Na nauubusan rin ng lakas.
Ngunit sila'y tila mga tanim
Na Iyong dinidiligan sa bawat araw --
Mga ginintuang araw
Na hindi gaya ngayong kukupas din..

Balang araw, ang lahat ng salitang
Mamumutawi sa bawat labi'y
May iisang sigaw
May iisang palamuti na ibabandera
At susuko sa Iyong kabutihan.

Ang bawat nilalang
Ay mabinihag sa Iyong kaluwalhatian
At hindi na..
Hindi na mauubusan pa ng Liwanag,
Ikaw mismo ang magkukusang
Punasan ang mga matang lumuluha,
Lumuluha buhat sa paghihintay..
Pagkat nariyan ka na..
Nariyan na ang Iyong kaligtasan.

Ikaw, sa bawat oras
Sa bawat sandali'y
Ikaw pa rin ang maging dahilan
Ng pagtibok ng aking puso
Ang magiging sigaw
Ng aking napapaos na lalamunan.

Ikaw ang maging dahilan..
Ng aking pagtaas ng kamay
At sa ere'y hindi Mo ako iiwan,
Ni hindi Mo ako kinalimutan..
Ikaw, ang Araw at Gabi..
Sayo ang aking papuri!
Naglalakad ng palayo ng kita'y nilingon
Nais kang hilahin mula sa kahapon
Sinabi sa sarili, tama na at tigilan na
Ngunit paanong gagawin, mahal pa kita?

Anong gayuma ba ang ibinigay sa akin?
Sa pagpikit man o paggising, ikaw ang nais mahalin.
Bakit mo ako hinila at niyakap?
Kung sa huli, ikaw mismo ang iilap?

Sa tuwing lalayo, tatakas, iiwas
Nandiyan ka, pati ang pag-ibig kong awas-awas
Gusto ko ng limutin at tapusin nalang lahat
Ngunit ang nais matapos ay ang tangi kong hangad

Paano ko ba sasabihing paalam na?
At sa aking paglayo. wag na akong tawagin pa...
Hayaan mo na akong umusad, mag-isa
At huwag **** iparamdam na ako'y mahal pa...

Ayoko na, tama na. Sobra na ang sakit
Sa tuwing nakikita ka, puso ko'y hinihigit
Oo, nangingiti, natutuwa, sumasaya
Dahil ang totoo, mahal pa rin kita
Celaine Dec 2016
Sa bawat paggalaw ng mga kamay sa orasan
Naitatala nito ang takdang oras.
Ito ang mga kamay na sumusukat sa bawat
Segundo, minuto at oras sa bawat araw
na lumilipas.

Ngayong araw na ito,
tila sadyang nagmamadali ang
yaring mga kamay
na parang bang may hinahabol.
Hindi naman sila mga paa
Ngunit sila’y parang kumakaripas ng takbo

Sa aking pagtingin sa mga mabibilis na kamay,
nabagabag ako sa pagkaripas nilang ito.
Na kung sila’y magkakabuhay lamang
Ay aking itatanong,
“’Hindi pa ba kayo napapagod?”

Akala ko ba’y
Bilog man o parisukat ang hugis ng orasan
Ay ito’y patuloy na tatakbo?
Tatakbo at tatakbo.
Tatakbo lamang sa lugar na iniikutan nito
at hindi lalayo.
Iikot ng iikot.
Tulad ng ating mundo na hindi naiisip na tumigil.
Liban na lamang kung mayroong sadyang pipigil,
kung sadyang naubusan ng batirya,
kung nawalan ng dahilan para hindi pumalya.

Ngunit
sa isang saglit na pagpikit ng aking mga mata,
'Di ko nabatid kung isang panaginip
o isang realidad na nga ba ang aking narating.
Ang mga kamay na laging kumakaripas ng pagtakbo
ay bigla na lamang huminto.
Ang pagkumpas ng oras ay nabigo.
Ang panahon natin ay naglaho.
Habang aking isinusulat ang tula na ito, aking biglang sabi sa sarili,  "Dami **** time, girl. May research paper ka pa." HAHAHA how ironic
Eugene Jul 2018
Palagi na lang ganito ang ikot  ng buhay ko;
maniniwala sa kasinungalingang sinasabi ng puso,
pinipilit magpakatatag kahit walang kasiguraduhang ang katotohanan ay sadyang totoo,
lumalaban sa sakit na kailanman ay hindi na malulunasan,
pilit pinapasaya ang puso sa kalungkutang matagal nang naipunla,
at nagbabakasakaling ang katiting na pag-asa ay magkatotoo pa.

Saksi ang buwan sa bawat pag-iyak ko.
Saksi ang araw sa bawat pag-ahon ko.
Saksi ang hangin sa bawat buntong-hininga ko.
at saksi ang Panginoon sa bawat pighati, kirot, dalamhati, pangungulilang napakabigat sa puso ko.

Nananalanging sa bawat paggising ko ay bagong simula,
Sa bawat paghinga ko ay panibagong buhay pa,
Sa bawat pagpikit at paghinga ko ay nakaapak pa rin ang mga paa ko sa lupa,
na sana... maliban sa Panginoong nakikinig palagi sa akin ay may isang taong handang samahan ako sa hirap o ginhawa.
raquezha Feb 2019
Dae ibig sabihon
na tuninong
dae na maogma.

Dae ibig sabihon
na itom,
demonyo ka na.

Dae ibig sabihon na
habo mo sa tao,
mayo ka ng kwenta.

Kung dae mo siya
maintindihan,
respetohan mo
an desisyon niya.

Dae mo pwersahon
an sadiri mo
sa sarong tao.

Ako an tao
na mas gustong
hilingon an kinaban
sa mata kan taong
nasasabatan ko,
arog kan pagabot mo,
yaon ka nanaman
pinapagirumdum sako
na an buhay kan tao
halipot lang.

An duros na hali
sa langit pasiring
sa itom na háwak
asin nagsasakop sa
palibot kan kandila,
An makakan hanggan
sa madiklom
an palibot.

Hanggan sa pagpikit.

Tuninong na boses,
Magian na háwak,
Matagas na boot,
Magayon na numero,
asin kanta na dae
mo mapugolan itao
saimo kan mánlaén-láen
na tao.

Hanggang sa maghinghíng
saimo an kinaban nin:

"Maogmáng Compleaño, Ermano!"
Birthday Poem, Bicol Language, Poetry
Sa pagpikit ng mata, pilit kong kinukubli.
Baka ang luha ay mapigilan, tulad ng iyak, naging hikbi
Pilit na ikinulong ang mga tubig ng pait
Pilit na nilululon ang sakit, ang hapdi

Gumuguhit ang sakit sa puso kong nagmamahal
Hinihiwa ito, tila di na tatagal...
Nanataling pikit at luha ay pinipigilan...
Tulad mo sa pusong ayaw kang pakawalan.

Hindi na ba talaga ako mahal?
Kung hindi na'y, huwag na akong gawing hangal...
Hindi na ba talaga ako iniibig?
Kung ganun, pakawalan na sa iyong bisig.

Hindi ko alam ang mahikang dulot mo.
Hindi ko alam, bakit ikaw ang mahal ko.
Hindi ko alam, bakit ikaw ang sinisinta.
At ang mahalin ka, sadyang kay sakit pala.

Pagmulat ng mata, alam ko, ito'y bubuhos
Mga luhang kubli, sa pisngi, aagos
Ang hikbi ay magiging hagulgol
Mga sasabihin ko'y nakabubulol

Patuloy ko na nga kayang ikukubli ang sakit?
Patuloy na nga lamang ba ako na pipikit?
O hahayaan na lamang kumawala ang tubig?
Baka sa pagbuhos, mahugasan ang pusong umiibig...
kingjay Jan 2019
Pusong bingi'y naaantig ng awit
Ganun pala sa unang pagsinta
Sa sombra niya'y laging nakabuntot
Paglumingon ay siyang paglinga-linga sa paligid
Ni ayaw mahalata kung saka-sakaling mapansin

Hindi malaya sa demokratikong bansa
Alila ng iniibig na panauhin
Ano nga ba, di alam ang gagawin
Sa pagpikit ng mata,
mukha niya'y nagniningning

Sa pantasya'y nahuhumaling
kahit na  gising, lumulutang sa hangin
Kaya ganun na lang sa pagsasalamin
sa mga nangyari - medyo pagmamalabis

Hinabol ang bawat galaw
Sa utak ay walang hinto na sumasayaw
Disente sa pananamit
Mayumi kahit sa anong bihis

Di man lubos nililimi ang mga katangian at ugali
Pabayaan pagkat mapagkumbaba
Hahamakin ang lahat
Dahil ang dibdib ay lumilingas
inggo Jan 2016
Pwede ba ako ang kumuha ng mga litrato mo?
Sa mga lugar na gustong gusto **** puntahan
Kung saan ang tanawin ay puno ng luntian
At sa mga bundok na nagtataasan
Pwede ba ako ang kumuha ng mga litrato mo?
Kapag hindi ka nakatingin
Kapag niyayakap mo ang hangin
Kapag naglalaro ka ng buhangin
Nais kong maalala mo ako
Na parte ako sa bawat pagngiti mo sa mga litrato
Sa pagpikit ng iyong mata
Sa pagdipa ng iyong kamay na para bang ika'y lumilipad na
Pwede ba ako ang kumuha ng mga litrato natin?
Maaari bang sabay natin yakapin ang hangin?
Hawak kamay sana tayong maglalaro ng buhangin
At ang mga mata mo ay sa akin na titingin
Andy May 2020
Matagal-tagal na ang nakalipas mula sa huling beses kong magsulat ng tula
Pag sinabi kong matagal, ang ibig kong sabihin
Ay ilang araw na ang nakalipas
Nang hindi ako nakabubuo ng tula
Nasanay kasi akong halos araw-araw akong may naisusulat
Kung di man buong tula
Kahit ilan mang linya
Nasanay kasi akong lahat ng aking nakikita
Ay ginagamit kong inspirasyon
Sa pagbangon
Sa paghugas ng pinggan
Sa pagkain ng hapunan
Sa pagsampay ng labada
Hanggang sa pagpikit ng mga mata
Hindi ako nauubusan
Ng salitang nais isulat o ibigkas
Ngunit sa mga nakaraang araw
Ay hindi ko yun naramdaman
Pareho lang naman ang kaganapan
Pero tila nawala ang aking mga salita
Pareho lang naman ang aking ginagawa?
Bakit nawala bigla ang aking pagiging manunula?
Ang pagbangon ay nanatiling karaniwan
Hanggang pagpikit nang mata
Wala namang mahalagang kasulat-sulat ng tula
Hindi ko mawari
Kung ano ang nangyari
Hindi ko matukoy
Katamaran ba ito? Pagod? Antok? Ano ba itong nararamdaman ko?
Hindi ko matukoy
Kasi wala akong maramdaman
Alam mo yung pakiramdam ng paang manhid?
Aba syempre hindi, kasi wala naman itong nararamdaman.
Sa totoo lang, hindi ko alam
Kung ano ang punto ng tulang ito
Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi ko
Sa simula hanggang dulo
Pero kahit papaano
Mabuti at nakapagsulat muli ako
I barely wrote anything last week and it frustrated me so much. I don't even know how or why it happened, but I'm currently trying to overcome this slump.
kingjay Dec 2018
Ibabaon sa limot ang inaasam
Sa pagpikit ng mata'y di mapakali
Ang malikot na lagyo dumikit
sa kumot na pantabon
Nahihiya na makita na duguan
Alisan sana ng pandamdam

Sa karsel masilip ang sulat
Di maipalabas sa kinalalagyan
Inekisan ang mga araw noong sa bilangguan
Sona ng mag-uumpisang kalbaryo
Nakiusap na madala ng hangin

Ang Antigong pag-ibig ay kumukurap
Madudulas ang babaeng di marunong makiramdam
Matisod nang kanyang malaman
Naaagnas nang labing-isang taon,
Maghihintay hanggang sa malagutan

Ibahin ang pananaw sa sanlibutan
Mga bagay na nakakasiya ay ito rin ang sanhi ng paglagapak
Hayaan ang oras na lumipas
Maghintay sa uusbong na babala
Bago dumating sa hantungan ay gumala

Kailan mailadlad ang dahilan ng pananangis
Sa tuwing sumisipol, sumisingit ang rekyem
Kung may siruhia't kapalit sa nabasag na pangarap
ay madaling ngumiti kahit na kay pait
Ito ang umagang
Nanaisin kong huminto muna ang Araw nang saglit
Kung pwede bang manatili muna Sya
At ako’y hayaang pagmasdan
Ang kanyang kariktan.

Nais kong bumilad sa sinag ng Araw
At magpasakop sa Liwanag Nyang taglay
Nais kong malusaw ang bawat kamalian,
Ang bawat pagkukunwari..
Pagkat ayoko na..
Ayoko nang magpanggap pa..
Na kaya kong mag-isa
Mag-isa na wala ang mga kamay Nya
Ang mga gabay Nya
Na maging sa gabi’y
Nasisilayan ko pa rin
Ang kanyang anino sa aking pagpikit.

Gusto kong huminto ang Araw,
At ako’y makita Nya..
Kahit isang iglap..
Kahit isang saglit lang..
Kung pwede lang..
Wag Mo akong Iwan
Na sa gabi’y
Ikaw ang magbigay Ilaw sa aking landas
At ako’y yakapin
At ang Iyong sinag
Ang magsisilbing lakas
Sa bawat pagbangon ko sa Umaga..

Sayo ako magsisimula,
At ayokong ito’y magwakas
Na para bang nalimot ko
Ang lahat ng mga misteryong
Iyong ipinakita
Iyong ipanaranas.

Ayokong dumating sa katapusan
Na ako’y walang muang
Na Ikaw ang aking Simula..
Ayokong magtagpo tayo
Sa gitna ng aking mga kamalian —
Mga kamaliang hindi ko itinama
Kahit na pinagbuksan Mo na ako
Sa panibagong Umaga.

Kung ang bawat araw na lumilipas
Ay siya ring mga pahina ng aking buhay,
Bakit pa..
Bakit ko pa hahayaang
Dilim ang magsilbing umaga?
Kung Ikaw naman ang tunay na Simula ng lahat..
Kung landas ko nama’y
Kayang-kaya **** bigyang liwanag
At lahat ng masasaklawan ng aking mga mata
Ay simbolo ng Iyong paghahari.
Lilikumin Mo ang lahat
Gamit ang Iyong Liwanag
At ang lahat ng mga naggising
Buhat sa pagkakahimbing
At mga bangungot na tila walang katapusan
Ay sabay-sabay na babangon
At lalakad sa Liwanag na Iyong hain.

Masisilayan ko rin ang mga ngiti
Ng pagpupunyagi at tagumpay
Na walang balot ng anumang pagkukunwari,
Walang tampo’t galit
Na bumabalot sa bawat katauhan
Kung saan hubad ang lahat
Ngunit tanggap Mo ang lahat
Ang lahat ng mga nabago ng Iyong Liwanag
Ay kusang sisibol at uusbong
Ng may papuri at hindi parang
Mga paupos na kandila
Na nauubusan rin ng lakas.
Ngunit sila’y tila mga tanim
Na Iyong dinidiligan sa bawat araw —
Mga ginintuang araw
Na hindi gaya ngayong kukupas din..

Balang araw, ang lahat ng salitang
Mamumutawi sa bawat labi’y
May iisang sigaw
May iisang palamuti na ibabandera
At susuko sa Iyong kabutihan.
Ang bawat nilalang
Ay mabinihag sa Iyong kaluwalhatian
At hindi na..
Hindi na mauubusan pa ng Liwanag,
Ikaw mismo ang magkukusang
Punasan ang mga matang lumuluha,
Lumuluha buhat sa paghihintay..
Pagkat nariyan ka na..
Nariyan na ang Iyong kaligtasan.

Ikaw, sa bawat oras
Sa bawat sandali’y
Ikaw pa rin ang maging dahilan
Ng pagtibok ng akibg puso
Ang maging sigaw
Ng aking napapaos na lalamunan.
Ikaw ang maging dahilan..
Ng aking pagtaas ng kamay
At sa ere’y hindi Mo ako iiwan,
Ni hindi Mo ako kinalimutan..
Ikaw, ang Araw at Gabi..
Sayo ang aking papuri!
KLi Jul 2015
Sa pagpikit ng mata
Bago humimlay sa kama
Ang nasa isip ay ikaw
Parang bulalakaw

Humihiling na sana
Ikaw at ako
Tayo
Pag ang panahon ay naging sakto

Kapag may magkasintahan
Sa unahan man o likod ko
Ang sa isip ko ay ikaw, tayo
Pero wala palang tayo

Wala palang dapat isipin
Walang palang...
Wala...
Ilusyon
Bula

Kathang-isip lamang ang lahat
Buntong-hinga

Ikaw ang hangin
na lumabas mula sa akin
sa pamamagitan ng isang malalim

na malalim

na malalim

na buntong-hininga.
leeannejjang Dec 2017
Isangdaan at limamput limang araw simula noon kahapon na iyon.
Parang kahapon lang ang iyong mga kamay ay akin lamang.
Parang kahapon lang ang mata mo'y ako lang ang nakikita.
Parang kahapon, ang bawat daan ay tila paraiso sa ating mga mata.
Parang kahapon na ang simoy ng hangin ay ang iyong mga salita.
Parang kahapon lahat ng tala sa kalangitan ay nagniningning na parang walang umagang darating.
Parang kahapon ako'y naniwala sa walang hanggan.

Ngunit ang kahapon ay parang mga bulalakaw sa langit.
Sa iyo pagpikit ikaw'y humiling.
At sa iyong pagdilat ay nawala.
Umaasa na ikaw ay narinig ng mga tala.

Kung ako'y tatanungin kung gusto kong balikan ang kahapon natin?
Oo. Paulit ulit. Kahit na alam ko na masakit ang bukas na naghihintay.

Pero ang kahapon ay pawang kahapon na lamang.
Hindi ito pahina sa libro na pwde **** balik balikan.
Walang na ko magagawa kundi harapin ang bukas.
Ang bukas na gagawa pa ng madami kahapon sa buhay ko.

Maari ikaw ay parte ng kahapon ko.
At sa pagdaan ng panahon ang kahapon natin ay mababaon sa limot.
Kaya ito ang huli mensahe ko sa iyo,

Ikaw ang akin kahapon.
Ang pinakapaborito ko sa lahat.
Isang daan at limamput limang araw simula ng naging parte ka ng kahapon ko.
Isa kang pahina sa libro ko na pilit ko binabasa paulit ulit.
Isa kang bulalakaw na hindi nakarinig.
Darating ang araw ikaw ay mapapalitan ng iba pangkahapon na mas mahalaga
Sinulat ko ito 2 years ago.
aL Jan 2019
Dalawang mga mata sabay sa pagpikit
Ayaw pagmasdan ang iyong sungit

Sa pangkaraniwang nilalang
Nakipagusap ka ng libang

Nagpadungis ka sa sala
'Di na mababalik pa

Humahalina ang iyong halimuyak, kasabay ng hangin
Sa tainga ko ay nagrereklamo at nagsasabi ng habilin

Ang munting bulaklak na regalo para sa' yo ay kulang na sa pansin
Iyong luhang nagtagal na sa iyong pisngi ay mabuting tanggalin

Narito na nga ang iyong hinahangad na pagmamahal
symmetrical
As me
Ksh May 2020
Kay sarap sigurong matulog ng mahimbing,
Na para bang naiiwan ang mga problema
Sa simpleng pagpikit lamang ng mga mata;
Na paunti-unting naiibsan ang sakit at hapdi
sa bawat hinga, sa bawat saglit;
Na dahan-dahang nawawala ang mga
lamig-lamig ng katawan, mga kalamnan
na ang alam lang ay pagod at paninigas.

Kung ako ma'y tuluyan nang matulog,
Pakiusap -- wag mo na akong gisingin;
Pagka't ako'y masaya na sa kawalan --
ng kahirapan, ng pagdurusa sa mundo.
kingjay Dec 2019
Kay sarap ng buhay
Sa matimyas na bukang-liwayway
May gintong kumikinang
Kasabay ng liwanag ng araw

Kay gaan bumangon
Aligaga sa sandali
Na makita ang natatanging
Mata niya't mga labi

Ang lunggati sa mga alapaap
Panganorin ay maabot
Nang sunggaban ang mga bituin
Para sa tulad niya - siya ang hiling

Bago pa ang dapit-hapon
Ang takipsilim na inaabangan
May pinapangarap na sa kinabukasan
At panaginip na mapapanaginipan

Sa pagpikit ng mata
Ay nakahilata sa paraiso
Itinuturing katotohanan
Ang panaginip
Ang tanghaling hiraya ay pangyayaring hihintin

Hinga ng anghel
Ang dapyo ng hangin
Luha ng kaligayahan
Sa pagpupunyagi sa karalitaan

Walang tumitagatig
Sa gitna ng kawalan
Noong ako'y umiibig
Ang ngiti ay walang-hanggan
aL Sep 2019
Bibiguin ka na ng lahat lahat,
Tatalikuran ng iyong itinuring kaagapay
Kalilimutan ng iyong mga karamay
Ngunit sa iyong pagpikit hindi ka iiwan ng dilim,
Sa pag iisa ay siya'y iyong kapiling

Sa paghagulgol mo'y luha lamang ang hahalik sa iyong mga pisngi
Susubaybayan ka ng lungkot sa iyong  pag iisa
Sasamahan ka hangang sa huling hininga mo ng mga mapapait na alaala
Mananatili sa sugatan **** puso ang dilim ng kahapon

Hindi manhihinayang ang sanlibutan sa iyong maagang pagkawala,
Mistulang ang iyong sarili mo nalang ang dapat siyang mag akay sa iyong sangkatauhan
Tayo ay nag iisa, huwag kang palilinlang sa ilusyon.....
janel aira Mar 2020
Ibubulong sa hangin ang hiling na paghilom
Sikip ang mga alaala sa iisang kahapon
Maglalakbay sa hardin kung saan nagtagpo
Nais nang tumalikod ngunit paano

Dadapo na parang isang paru-paro
Sa mga talulot na nasa palad mo
Iidlip sa ugoy ng hanging malamig
Liwanag ng ‘yong ngiti’y baon sa pagpikit

Tinatangay ng agos ang bawat hibla ng alaala
Ngayong gabi ika’y talang tinitingala
Hihimbing kaya ako sa aking pahinga
Kung kabisado pa rin ang hulma ng iyong mukha
05222021

Hindi ko mapigilan ang himig na humihele kasabay ng Iyong tinig.
Kumakatok ang Iyong presensya sa puso kong walang laman kundi ang pagkauhaw --
Nauuhaw buhat sa mundong mapagbalatkayo.
Sa mundong sapat na ang musika ng mga palamuting may hangganan.

Sa aking pagpikit ay umuusad ang Iyong mga pangungusap,
Bagamat walang tinig sa paligid
Ay namumuo pa rin ang habilin **** tangay ng hangin.
Maging mga kulisap ay walang naggawa't nanahimik na lamang.

Batid ko ang Iyong alok na ako'y tuluyang lumapit sa Iyong paanan,
Ang trono **** ni minsa'y hindi pa nasilayan
Bagkus hanap-hanap ng puso kong pagal sa paghihintay.
At kung ito ma'y panaginip, hayaan **** ako'y manatili.

Kinabig ko nang saglit ang parteng kaliwa ng aking dibdib,
Baka sakaling ang sarili'y natuluyan nang mahiwalay sa aking katawan.
At baka ako'y hinagip na rin kung saanmang lupalop --
Kung saan sa Iyong presensya'y mananatili akong akap.

Nais ko pa ring abutin ang pangarap **** inilaan
Ang sinasabi nilang imposible
Bagkus Sayo'y natagpuan ko ang katuturan.
Ang hiwaga na hindi maipaliwanag,
Ang hiwaga na tanging Sayo lamang nahanap.

Sa bawat pahinang hindi ko kayang tapusing maisulat
Ay nais kong habiin ang aking nararamdaman,
Itong pakiramdam na hindi ko masukat;
Pagkat Ikaw ang aking Pahinga, Sayo ang paghinga.
Patricia Balanga May 2017
Nagpalit ang mga numero sa aking relo
Bigla itong tumunog at nabahala ako
Labing-isang minuto makalipas ang alas onse na
Oras na para humiling na ika'y muling makita

Lumipas na ang apat na buwan
Mula nung aking sinimulan
Pagtigil at pagpikit ng mga mata
Nangangarap, humihiling na magkatotoo nga

Ikaw, oo ikaw, ang rason kung bakit
Isang minuto akong nakatingala sa langit
Hiling na makasama ka kahit ilang sandali
Makita ka lang ay kumukurba ang aking lahi

Dumating ang panahong ikinalulungkot ko
Kawalang pag-asa sa buhay ay naramdaman mo
Dahil doon nag-iba ang aking hinihiling
Sana'y maging masaya ka kahit ako'y wala sa 'yong piling

Bawat hiling ko ay laging tungkol sa'yo
Hindi na iisipin kung may lugar ako sa puso mo
Sana naman hindi maaaksaya
Hiniling ko sa langit na ika'y maging masaya na

Lumipas ang ilang taon, ikaw pa rin talaga
Ang tanging hinihiling na makasama
Muli akong pumikit at humiling
Pagkamulat ng mga mata'y ika'y dumating
sana'y pagpikit ng aking mga mata
lahat ng ito'y matapos na, ako'y pagod na

sana'y pagdilat ng aking mga mata
ay lumipas na ang marso, at abril na

sana'y ang luhang bumubuhos ay maubos
maubusan ng dahilan para umagos

sana'y ang mga mata kong mugto
ay kalimutan na ang nakaraan- kanilang multo

sana'y di ko na makita ang sarili ko
na kinamumuhian din ako

sana'y makita ko ang sarili ko
kung sino ako at mahalin ko ito

sana'y ang mga matang ito
na minsan ng lumuha ng todo
ay makitaan ko ng luha muli
ngunit ngayo'y may kasama nang ngiti
sa aking puso, sa aking labi.
February 22, 2018
i feel so anxious. i don't know if i'll still be able to graduate on time. i feel so hopeless. :(

repost.
050220

Nagbibilang ako ng mga pahinang
Ni minsa’y hindi ko binura
Ni minsan, hindi ko binasura.
Hinuhulma ko pa rin ang aking mga kamay sa buwan
Na sa tuwing pinagmamasdan ko siya’y
Sumasagi sa’king isip ang unang tulang
Binigkas ko sayo nang biglaan.

At habang pinagmamasdan ko ang aking mga palad,
Ay kumukunot maging ang aking mga kilay
Kasabay ng kumot sa gabi sa bawat paghikbi.
Hinulma pa rin ba ang mga palad para sa isa’t isa?
O ang minsang nagpahinga’y
Bawal na rin bang bumalik para magsimulang muli?

Nauutal ako —
Sa tuwing sinisigaw ko saking isip ang pangalan mo
Ang bawat letrang dahan-dahan kong sinusulat
Sa aking alaala, saksi ang pintig ng pusong may pangamba.

Nasisilaw ako —
Na sa bawat pagpikit ko’y
Tila suntok ka sa buwan kung makakamtan muli.
Nasisilaw ako —
Sa tuwing hinihiling kong pagbuksan
Ang puso **** kinakatok at niluluhod sa panalangin.
Vincent Liberato Feb 2019
Nagtawag siya ng isang espiritista
at mananalangin
na magbuburda sa bawat hibla
ng kamalayan na patuloy na binuburda
ng sugat at sakit, habang patuloy na ginigising
ang matagal na pagkakahikbi at pagkakatulog sa mga hungkag
na mangangarap.

Dali't daling sumulat ng dagli,
sa bawat pagtagaktak ng mga luhang
umaagos sa sigaw ng mga birhen at santo
na siyang nananalangin sa ikalilinis
ng tahanan laban sa mga naghuhudas
na diyablo, na itinataya ang gabi
para mag-anyong tao sa kahit sino.

Bago sumapit ang gabi.
Sa takipsilim, limang minuto,
bago paparating ang isang duyog
na magwawakas sa hindi maaaring wakasan,
kagaya ng pagtalikod at pagpikit,
na hindi maaaring maisara ng mga mata.

Magpapakarahas sa pagsigaw
at mananabla ng labing-anim na milyong mananampalataya,
ang isang estadista na kung yumapak ay walang-puknat
na magliliyab ang sahig, kung saan nakalibing
ang hindi mabilang ng mga daliri, pagkaraan ng walang
nagdaan sa pagkalimot sa kanila.

Sa gilid-gilid ng eskinita,
matatagpuan ang mga kawalang-malay
na pugot na ulo na hiniling ng mga mananampalataya,
sa isang dyini at ipinagkaloob sa kanila ito, ipinagkaloob, ngayon ay tumatanggi kung kailan naparirito ang hiling.

Ngayon ay malilinis na ang pinakamaruming
hindi nasasaksihan ng mga mata sa tahanan, pagkatapos
ipanglagas ang kaluluwa.

Sa huli, walang bumabalagkas ng daan, na sumasalamin,
pagkatapos manalamin. Sa kabila ng napakaraming salamin.
Felice Apr 2019
ako'y walang boses, nakakulong at nakagapos
angking karuwagan ay pilit ko mang tinatapos
wasak na repleksyon ay ‘di na yata maaayos

katangi-tanging hiling ay nais mang isatinig
nawa'y poong maykapal, ito'y iyong madinig
sa nagdaang panahon na binabalot ng lamig

ang sariling kapansanan ay tila walang lunas
sa aking pagpikit ay iniibig kong kumaripas
sa mapait na ilusyon na hindi yata lumilipas

— The End —