"paglitaw" poems
Lulubog ang araw
Maaalala kang muli
Alaala natin'y babalik
Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari.
Habang nakatitig sa langit,
Sa buwan at bituin
Ika'y andito sa puso't isipan
hindi na maalis
Sa bawat oras na lumilipas
Lungkot saya ang nararamdaman
Ngingiti, Luluha
Dahil sa alaala nang nakaraan
At sa paglitaw ng Araw
Panandalian kang makakalimutan
Ngunit sa muling paglubog nito
Andito ka ulit, sa puso't isipan.
Mar 31, 2016
Mar 31, 2016 at 5:53 AM UTC
Sa dinami-rami ng mga tala sa kalangitan,
sa bilyung-bilyong bilang nilang hindi malaman,
sa paglubog ng araw at paglitaw ng buwan,
ikaw ang tanging bituin na nais kong masilayan.
Aug 15, 2019
Aug 15, 2019 at 10:02 AM UTC
Sapagkat ako'y bigo,
Bigo na mailarawan ng buo,
Di ko alam kung paano,
Sa palagay ko'y di tama ang masasabi ko.
Sabihin mo mang ako'y nagbibiro,
Sa kasamaang palad, ika'y mabibigo,
Dahil wala akong balak magpatawa,
Nasa tamang katinuan, alam ang tama.
Talagang may nagbago,
At namangha ako,
Alam na kong meron nga talaga,
Ngunit bakit huli na nang aking nakita?
Ako ba noo'y nakapikit?
Di ba kita natitigan kahit saglit?
Nasa ibang mundo ba ako?
Noong mga taong nagkasama tayo.
Bakit di ko agad napansin,
Kaya ngayon, di ko akalain,
Ang paglitaw ng iyong ganda,
Ginulantang ang aking mga mata.
May 21, 2017
May 21, 2017 at 3:46 AM UTC