Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sirsison Feb 2017
Unang pagkikita natin sa ating pinasukan
Parang hangin lamang na dumaan
Tuloy tuloy pa rin sa paglalakad
Na parang may importanteng lakad.

Ako ay parang isang sirang mata
Na walang kakayahang makakita
Nang isang rosas na putuloy na bumubuka
Dahil sa taglay nitong glamorosa.

Subalit sa mga sumunod na araw at tayo’y nagkakilala
Para kang isang ilaw na hindi maalis sa aking mga mata
Na kahit saan magtungo ang aking mga mata
Ikaw pa rin ang nakikita.

Ako’y nagagalak
Sa tuwing tayo ay humahalakhak
Na parang ang puso’y pumapalakpak
Ang paglisan ay hindi ko minsang binalak.

Sa sandaling tayo’y magkausap
Pakiramdam ko ako’y nasa ulap
Na kung maaaring hindi na kumurap
Upang ang pag-uusap ay lalong sumarap.

Subalit ang oras ay napakabilis malagot
Kaya’t ako’y nakaramdam ng matinding takot
Na mangyari ang isang bangungot
Na baka sa susunod hindi ka na sumagot.

Nagpatuloy ang mga araw na dumaan
Ika’y patuloy kong pinagmamasdan
Na habang ako’y  umiisip ng daan
Upang ika’y malapitan.

Nagdaan ang araw at buwan
Habang ika’y aking pasekretong pinagmamasdan
Ako’y lubusang naguguluhan
Kung bakit laging ganyan.

Di nagtagal ako’y may naramdaman
Na pakiwari ko’y dahil ika’y nasilayan
At nakilalang lubusan
Na pilit kong inaalis sa aking isipan.

Subalit ako’y nabigo
Sa aking pagtatago
Nang nararamdamang nabuo
Sa palagiang pagtatagpo.

Isang araw ako’y humantong sa isang pagtatapat
Na isang daang pinag-isipan kung ito’y nararapat
Kahit na natatakot na ako sayo’y di pa sapat
Pero ito’y aking nilabanan dahil ang layunin ko sayo’y maging tapat.

Sa  aking pagtatapat lubha akong nalungkot
At natakot;
Na baka ako’y masangkot
Sa isang pangyayaring masalimuot.

Nang ika’y makilala mahal na kita
Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka pa lang iba
Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman
Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan.

Ilang araw ang nakalipas ako’y di mo na pinapansin
Mga matatamis na ngiti na dulot natin
Unti unti nang nagiging asin
Na sa alat di na maatim.

Iniisip na lang na ika’y natatakot akong mahalin
Na baka saan pa tayo dalhin
Na sana’y aking dasal ay dinggin
Na ako’y iyong mahalin.

Nagdaan ang mga araw
Ako’y nahumaling makinig ng malulungkot na kanta
Na nagpapabalik ng masasaya nating alaala
Na sa isang iglap lamang nawala na--na parang bula.

Ito ang nagdulot sa akin ng pighati
Dahil simula pa noon ikaw na ang tanglaw sa aking mga gabi
Ikaw ang liwanag sa araw kong hinahabi
Na ikaw lamang ang makakapagbalik ng kulay sa pusong nagbigti.

Paano kung sabihin ko sa’yong ayoko na?
Hindi ko na kaya kung patatagalin pa
Sapagkat ga’no man kalalim akong nahulog
Natatapos din ang himig ng awit at tugtog.

Paano kung sabihin ko sa’yong napapanahon na
Na ako’y lalayo na
Dahil kahit gusto ko mang kumapit pa sa’yo
Pareho tayong mahihirapan kung ‘di lalayo.

Sa totoo lang, marami akong ayaw sa sarili ko,
Kaya’t malalim na takot ang nararamdaman ko
Kahit na sabihin ng iba noon na gusto nila ako
Dagli kong iisiping, “Sino niloloko mo?” .

Subalit puso ko’y ikaw ang pinili
Na kay tagal kong itinago sa aking sarili
Sa isang iglap at sandali
Ako’y napapili kung ikakasaya mo ba o ikasasaya ng aking sarili.

Labis man akong nasisiyahan pag ika'y nakikita
Labis man akong natutuwa na ika'y nakikita kong masaya
Kahit nasasaktan,
basta masaya ka Okay na!

Dahil ang pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit
Pag ibig na handa siyang palayain
Pag ibig na nasayang at napuno ng kalungkutan  
Pag ibig na nauwi sa masakit na paalam.

Dahil sa’yo natutunan kong maging matatag
Natutunan ko ang tunay na pagmamahal
Pag ibig na minsan, nagsisimula sa katapusan
Na sanay pagmamahal ay mapalitan.

Kaya’t ngayon dahil sa ako’y lubusang nasaktan
Akin munang kakalimutan ang magmahal
Dahil sa luha kong mahal
Kinalimutan kong magmahal dahil baka ikaw at ako’y di magtagal.
Naka-tadhana bang masaktan o naka-tadhanang makahanap ng taong gagamot sa pusong nasaktan?
O, ang daang aking tinahak ay unti-unting kumikitid,
Ang daluyan ng hangin sa paghinga ay sumisikip.
Ang paningin ay nahati sa dalawang lagusan,
Isang madilim na madali, isang mahirap na naliliwanagan.
Ano ang pipiliin? Ano ang susundin?
Ang bulong ng isip? O ang tibok ng damdamin?
  
Ang landas na inakalang magdadala sa tagumpay,
Lulan ng isang bangkang inaalon sa karimlan.
Tinahak ang karagatan ng apoy na nagliliyab,
Nagsaya, nagpakasasa, nagsilbing ulap sa kawalan.
Ang daang binalewala ay bumubulong ng salita,
"Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita".
Pilit na sumisiksik sa masikip na lagayan,
Ang katotohanang wala kang paroroonan.
  
Ikaw na ninais ang siyang iginapos,
Ng aking katauhan sa pusong naghihikahos.
Sa pagdama ng kasiyahang ikaw lamang ang magbibigay,
Aking tinalikuran pag-asang hinihintay.
Ang lahat ay tinalikuran, itinapon sa kawalan,
Upang makapiling ka sa matatamasang kaligayahan.
Subalit matapos ang gabi ng panaginip,
Ako ay nagising ang kasuota'y lagunit.
Ang lalamunan ay wasak, ang mata ay mapula,
Sa aking paglabas, kinatatakutan nila.  
  
Sa aking paglalakad sa mundong umiikot,
Mga mata'y nagsasabi na ako ay nakalimot.
Nang mapadpad ako sa kuwadradong silid,
Ay nanlaki, nagulat, sa sarili nakatitig.
"Sino ka?" "Sino siya?"Aking pagsusumigaw,
Nilisan ng katinuan, ang kaluluwa'y inagaw.
Nagpatiluhod at doon ay nagnilay,
Ako'y patay na, sinayang ang aking buhay.
  
Isang katauhan ang nababalot sa liwanag,
Nagsasabing " Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita".
Ang nakaabang ang kamay ako ay hinihintay,
Bago pa man mahawakan ay isang dilim ang bumalot,
Sa likod ng aking isipan, sa harap ko ay may inabot.
Supot na naglalaman ng buhanging Kristal,
Kristal na nagpapasaya at wawasak ng ligaya.
  
Kukunin ba kita at titikmang muli?
Itatapon ba kita at sa liwanag kakapit?
Ano ang gagawin ng isipang sabog,
Sa sayang dulot sa pagkain ng durog?
Jor Jul 2015
I.
Pangalawang pagkakataon?
Karapat-dapat ka pa ba para doon?
Matapos **** saktan ang damdamin.
Ganun-ganun nalang ba ‘yun?

II.
Hindi mo alam ang dinanas kong hirap,
Habang ikaw, hayun at nagpapasarap.
Ang hirap mabuhay ng wala ka,
Dahil sanay na akong nasa tabi kita.

III.
Pero pinilit kong tumayo para mabuhay!
Sinanay ko ang sarili na wala ka,
At lahat ng pagkalimot nagawa na.
Pero ang sugat sa puso'y naghihilom pa.

IV.
Matapos ang isang taon,
Landas natin ay muling nagkita.
Akala ko lahat ng ala-ala'y wala na.
Akala ko nakaraos na ako sa sakit, hindi pa pala.

V.
Iiwasan sana kita kaso braso mo'y ibinuka,
Para tayong nagpapatintero sa kalsada.
Pagkat humihingi ka ng sandali,
Para makapag-usap tayong maigi.

VI.
Pumayag ako,
Kahit alam kong masasaktan lang ako.
Kahit alam kong 'di pa kaya ng puso ko.
Pumayag ako!

VII.
Bakas sa mukha mo ang pagkatuwa!
Dahil sa wakas masasabi mo na,
Kung bakit ka nalang nangiwan bigla.
Aaminin ko, ako rin ay nakaramdam ng kaunting tuwa.

VIII.
Pero hindi ko yun ipinahalata,
Sapagkat, kung iyon ay iyong makikita,
Marahil ika'y umasa na pinatawad na kita.
Mali! Maling mali!

IX.
Napa-usog ka bahagya at nagbuntong hininga pa.
Napahawak ka saking braso, tumingin sa aking mga mata.
Sinabi mo lahat ng dahilan kong bakit ako iniwan,
Ako ay naliwanagan sa iyong mga tinuran.

X.
Humihingi ka ng pangalawang pagkakataon,
Pero hindi ko yun ganun-ganun.
Tugon ko'y: “Aking pag-iisipan” at umalis na lamang.
Hinabol mo ako’t sinabing: “Mahal kita 'di kita kinalimutan.”

XI.
Hindi ako sumagot at sa paglalakad diretso lamang.
Pero alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita.
Alas dose na at diwa ko’y gising pa,
Dahil sa aking naaalala ang ating muling pagkikita.

XII.
Napag-isip-isip kung dapat pa bang pagbigyan kita.
Kahit na alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita,
Nagdadalawang isip pa rin ako baka masaktan na naman ulit ako.
Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako.

XIV.
Dumaan ang dalawang linggo,
At sinipat mo na ako sa bahay ko.
Halatang nasasabik ka na sa isasagot ko.
Niyakap kita ng mahigpit sumigaw ng “Oo!”

XV.
Sa una'y nagtataka ka pa sa kinilos ko,
At hanggang sa unti-unti kang nangiti.
Dahil naliwagan na ang loko.
Matagal ko ng pinag-isipan 'to at “Oo” ang sagot ko.

XVI.
At dahil mahal pa kita, hindi ko na natiis pa,
Hindi sapat ang mga daliri ko kung gaano ko,
Lubos na pinag-isipan ang isasagot ko sa'yo.
At magmamahalan tayo muli, sa pangalawang pagkakataon.
Jowlough May 2016
Dumaan saglit sa bilihan ng damit
Kahit sakto ang dala ay aking pinilit
Pagkat pawis ay malala dahil mainit
Sa pagkikitang ito lahat ay sulit.

Sa harap ng salamin maiging sinipat
Kung okay ang buhok at marapat
Konting talsik ng pabango sa kwelyo
Hindi muna ko maninigarilyo.

Upang ako'y perpekto sa pagdating
Lahat ay maayos sa iyong paningin,
hinahanap hanap ang 'yong awitin
Ng boses **** maliit ako'y bitin.

Nagmamadali at baka mahuli
Ayokong maghintay ka aking binibini
Kahit hasel sa lahat basta dumating
Sinira ang ipon para may pang sine.

Kamusta ka na? Kumain ka na ba?
Unti unting pinaplano ang sasabihin.
Sa paglalakad ako'y napapaisip
Ano ang uunahin, saan papupuntahin

Sa di kalayuan aking nakita
Maamo at maaliwalas **** mukha
Sabay nagising sa katotohanan
Sa noo ko ay biglang pinawisan.

Nang biglang nauntog sa totoo
Na ito ay panaginip lamang
Hawak ang lakas ng loob
Napalunok at parang..

Nabilaukan sa pagkakita
Sa kamay **** may humawak
Sa di bandang kalayuan
Pumatak ang luha ng uwak

At sabay bati ng kamusta
Habang hagkan ka at yapos
Ako ay kinakain ng sistema
Ng matinding pagseselos

At binalewala ang pagpapakilala
Sa kasama mo'y ikaw'y hinayaan
Sigaw ng puso'y nagaklas
Batid na "Dapat ako ang nandiyan".
Brent Apr 2016
Isang kaluluwang
Naglalakad na liban.
Naghahanap ng makakausap
Ngunit walang makitang
makaka-huntahan.

Ngunit may agad na nakapansin
"Ah! Panibagong biktimang aabusuhin!"
Tumawag ang temptasyon sa akin
Pinag-isipan kung agaran kong sasagutin

Ang sigaw niya'y labis na mapang-akit
Kahit alam kong dala-dala niya'y sakit.
Huwag daw akong magpadala;
Konsyensya ko'y sa'kin iginiit
Ngunit ang temptasyon ay kaydali akong napilit.

Isang gabi, habang naglalakad sa kahabaan ng España
Ako'y lumapit sa matandang tindera.
Nag-abot ng konting barya
At kinuha ang lasong mahaba.

Nilapit ko sa aking bibig
At idinaan ang apoy sa dulo nito.
Hinigop ang usok nitong malamig
At ibinuga ito sa aking anino.

Nagpatuloy ako sa paglalakad
At inalala ko lahat ng pangyayari.
Sa bawat kasalanan ko sa'yo'y aking mawawari,
Ako ay hihigop muli.
Sa bawat 'di nasolusyonang pagsubok,
Ako'y magpapasakal sa malamig nitong usok.
This is my second Filipino poem and probably my longest work yet. It looks unfinished really. As much as I want to finish it, I ran out of words and creative juices. This basically sums up the experience of my first cigarette. And it was... not bad.
Joyce Nov 2010
Dumaan ako sa Nagtahan
at doo'y nanahan
aking diwang gising
at minulat,
pilit binulag
ng isang dakot
na Asin.
Rumampa sa Laong Laan,
pilit inabangan
ang pagtila,
tila Luha
ang tanging pakinabang.
Tumawid sa Lacson,
nadapa --
bumangon.
Sumakay ng traysikel
sa Ocampo,
pumara sa Crisostomo;
nangapitbahay sa Maria Clara
nagpalamig sa Ibarra
hanggang Simoun,
Quintos, Dapitan.
Hindi ka matagpuan.
Tila silyang marupok
na walang pakinabang;
Tila laway na muntik
masayang
ang paglalakad ng pusong
minsan nasagasaan
noong binagtas ang kahabaan ng Dimasalang.

Umuwi sa Sampaloc,
kumuha ng gamit.
Palihim na naglakad
papuntang Blumentritt.
Pinagpawisan sa pagsakay
sa Recto.
Anong ginagawa ko rito
sa Quiapo?
Isang makipot na sangandaan
kailangang mairaos daanan.
Isang hakbang palayo
sa maputik na Ocampo;
minsan nang bumagyo dito.
Meron pa bang tayo?
inggo Feb 2016
Gusto kitang makausap muli
Habang naglalakad tayo pauwi
Nais mapakinggan ang iyong mga kuwento
Habang nakatingin sa mapupungay na mata mo

Ikkuwento ko sayo ang parte ng buhay ko
Baka sakaling magustuhan **** maging parte nito
Ikuwento mo rin ang parte ng buhay mo
At magbabakasakali ako na maging parte din nito

Bagalan sana natin ang paglalakad
Nang masulit ko itong pagkakataon
Kasi baka hindi na ito maulit pa
Darating pa nga ba ang tamang panahon?

Humantong na tayo dito sa lugar
Kung saan dapat ng maghiwalay
Hindi ko man gusto matapos oras na ito
Sana bukas ay muli kang makasabay
Eon Yol Sep 2017
Ikaw.
Ikaw.
Ikaw ang naging inspirasyon ko para magpatuloy.

Binigyan mo ako ng lakas para muling humakbang, maglakad.. umakyat.. tumakbo..

Sa mga araw na sunod sunod ang dagok ng panahon na tumulak sa akin padapa..
Sa mga oras na panay ang udyok ng mundo na tumigil ako sa pag galaw..
Sa mga sandali na nasimulan ang pagdududa sa aking sarili na baka nga hanggang doon nalang ako.. Na tila may gumagapos sa aking mga paa at humihila sa akin pailalim..

Dumating ka.

Iniabot mo ang iyong kamay.. at isinama mo ako.
Isinabay mo ako sa paglakad mo.. kumapit ako sayo at
Ipinakita mo na marami pa palang daan.. Na kaya ko pang bumangon at maglakbay kaya't isinama mo ako.

Kahit na may ilang beses na matarik ang daan at hindi ako makasabay, nagsilbi kang gabay sa aking unahan at hindi mo hinayaang maiwanan ako sa paglalakad pasulong.

Binigyan mo ako ng pagkakataong sumunod sayo.. at humabol.. Kahit kapalit nito ay ang pagbagal ng lakad mo.. kahit na para bang naaabala na kita..

Ipinaalala mo na normal lang ang mga bato at putik sa ating nilalakaran.. Normal lang na ika’y pawisan.. Magalusan.. Magkamali at maligaw ng daan.. at minsan pa'y sasabayan ito ng ulan kaya't may mga panahon na hindi mo makikita kung saan ka na ba patungo.

Madudulas ka.. Matitisod.. Madadapa.. Ngunit hindi dapat dito magtapos ang paglalakbay dahil ang hirap at pagod ay may kasunod na dalisay na ginhawa.. Doon sa tuktok.. kasama ng mga ulap at ng hangin..

At kahit na ika’y hingalin ay mapapawi ito ng ligaya na iyong madarama sa oras na tumapak ka na sa pinaka itaas.. Sa wakas.. Nakita mo na kaya mo palang lagpasan ang mga hirap at pagod na ngayo’y iniwan mo na sa ibaba.. Sa lupa.. Kasama ng kay gandang mga balangkas ng tanawin na hinubog ng mundo upang ipakita sa iyo sa mismong pagkakataong ito.. Sa entablado ng daigdig kung saan abot kamay mo ang himpapawid.

Ipinaalam mo sa akin na ito ang kapalit ng mga pagsubok na araw araw nating hinaharap.
Ito ang sandali na ipadarama ng kalawakan na katulad ng oras.. Ay lumilipas din ang lungkot.. At ang kailangan ko lang ay kumapit pa ng mahigpit.. Manalig.. At maghintay at di maglalaon ay darating ang pagkakataong ito.

Kung saan magkasingkahulugan ang sandali at kailanman..

Dito sa tuktok.. Kasama ng mga ulap at ng hangin..

Sinabi mo na hindi ako nagiisa.. Dahil kasama natin ang langit.
kingjay Jan 2019
Nang makasabayan sa paglalakad,
napatingin at napangiti
Ang hubong sintido ay naghimok para mauna na pansinin
Kapagkuwan ay kumaway sa kanya at lumapit

Simpleng nagpakilala bilang kamag-aral
Talastas niya na isang taon nauna sa kanya
Naging mausisa tungkol sa mga ****
Naisagot lang ay baka at siguro
kahit balot ng kainitan ng puso

Nang naghiwalay ay lalong nanabik
Masigasig sa pag-aaral
Nagrerepaso ng mga aralin sa bakasyon
Isinabay din sa mga pagpupuri sa dikit ng gabi

Sa kulay abo na panaginip ay lumaboy
Maraming kumpul-kumpol ng mga orkidya at iba pang bulaklak
Matao sa merkado subalit nakakabingi ang katahimikan
Sa paglilibot, naging lila ang nasaging kagamitan

Tumayo sa katre na pinaghihigaan
Kahit wala pa sa ulirat
parang nasa alapaap
Umaangat kahit walang pakpak
Nagbubunying pakiramdam sa taas
lovestargirl May 2015
UWIAN:
Unang hakbang pagpasok sa tarangkahan.
Pangalawa, at tumingin sa daan.
Pangatlo, at tumingala sa kalawakan.

Saka naglakad pa ng isang daan at tatlumpung hakbang,
Sa apat, hanggang lima narinig ko ang andar ng jeep ni Ama
Sa anim hanggang pito narinig ko ang pagkukwenta ni Ana.

Sa walo hanggang siyam nakita ko ang tongitsan ni Manang.
Sa sampu hanggang labing-isa umiwas sa konstrukyon ni Saavedra.
Sa labing-dalawa at hanggang labing- tatlo ay narinig ang sigawan nina Agnes at Cito.

Sa bawat bahay, at taong nadadaanan
Tanging pagkaway at ngiti lang ang nadadatnan.
At ilan lang ito sa mga bagay na inuuwian.

Nagpatuloy sa paglalakad hanggang umabot sa abandonadong bahay,
Madilim man, at magulo sa loob. Ngunit amoy na amoy pa rin
Ang buhay na puno ng sampaguita.

Pumitas ako, inamoy pa ito, at nagbaon ng ilan nito.
Ipinikit ang mata ko, at saka linanghap ang mabangong amoy nito.
Saka naglakad pa at pumapasok sa aking tahanan.
072821

Hayaan **** magsimula ako
Kung saan ang mga salita'y wala pang ugat
Kung ang lahat ng salitang ibinibigkas,
Ipinipintig ng puso't damdamin
Ay nagmumula Sa'yo.

Gusto kong sabihin Sa'yo nang harapan
Lahat ng nararamdaman
Gusto kong sambitin
Yung bawat tugma ng salita
Na pilit na kumakapit, kumakalas, gustong kumawala
Sa katauhan kong hindi alam
Kung saan nga ba papunta.

Hindi ko masilayan kung saan nga ba ang mga bituin
Ngunit siguro ako na ang Norte'y mararating din.

Sa paglalakad ko,
Patuloy na nangungusap ang Iyong mga matang
Hindi ko pa nasisilayan.
Ang mga mata **** luha'y ibinubuhos ng kalangitan
At sa bawat pagpatak nito'y
Pilit kong iniaabot ang bawat butil
At sinasabi ko sa sariling,
"Balang araw, wala ng luhang matitira pa."

Maging sa pagkilos ng mga bituin
At pag-ihip ng hangin,
Ay masasabi kong panandalian lamang ang mga ito.

Wala Akong gusto at iba pang hangarin
Kundi paliwanagin ang mga nakikita ng iyong mga mata.
Gusto Kong patuloy kang tuamakbo,
Patuloy kang mangarap
Kahit na pakirtamdam mo'y ikay nag-iisa.

Ngunit sa paniniwala **** iyon
Ay dahan-dahan Kitang aakayin at tutulungan --
Tutulangan papunta.. Patungo tayo
Sa pangarap Kong laan sa'yo.

At kung Ako..
Kung Ako man ang pinipili mo,
Hayaan **** ika'y bihisan ko --
Bihisan nang walang pag-aalinlangan.
Yung pag-aalinlangan mo sa sarili **** hindi mo kaya,
Yung pag-aalinlangan **** wala nang pag-asa,
Na 'yung sinimulan mo noo'y tapos na.

Pagkat sa bawat pahina,
sa bawat letrang inihahagis sa Akin patungo sa'yo
Na para bang ito'y pulang laso
Na patuloy Kong ikinakabit sa puso mo --
Sa puso **** patuloy na lumalayo..
Patuloy na nanganagmba
Sa kinabukasang hindi mo naman makita.

At sa kurtina ng Liwanag
Kung saan masisilayan ang tronong kumikintab
Ginto at pilak at kung anu-ano pang makikinang ay balewala
Pagkat sa presensya Mo'y tanging lahat
Ay masasabi kong may lunas na.
Ang liwanag ng Iyong pagtitiwala sa akin
Ay nasilayan ko na.

Salamat, salamat Ama.
Salamat Panginoong Hesus
Dahil sa krus tayo'y nagtagpo.
Patungo ako, tumatakbo sa kung saan man --
Sa kung saan mang lupalop na hindi ko maintindihan
Na lahat ng bagay sa mundo'y patuloy na dumadampi sa akin
Patuloy na pinipilit na sila yung makita 'ko.
Na sila 'yung magliwanag sa mga paningin ko.
Ngunit sa pagku-krus ng ating landas,
Ay masasabi kong,
"Masaya ako, guminhawa ang buhay ko,"
Yung pangarap Mo, sana ay pangarap ko na rin..
Yung kagustuhan Mo, sana magustuhan ko rin..
Sa na'y maisunod ko ang mga yapak ko..
Patungo Sa'yo.
Nagsimula akong mag-record ng spoken word poetry after devotion.
Lahat impromptu; lahat random at kung ano lang ang masambit ko. Yun na yun. Salamat, Panginoon!
Paulo May 2018
Sayong paglalakad sa kalagitnaan ng daan ika'y nakita
Mga mata **** mapungay at mukhang **** maamo
Posturang natural at ngiti **** hindi nagbabago
Na para bang lagi akong tinutukso

O bakit ka ganyan, binibini?
Para bang sa 'yong mga mukha ay walang problemang namumutawi
Kada salubungan ng ating mga mata ay talaga namang pagod ko ay napapawi
Nagsusulat ako ng bigla kang dumaan saking harapan

Ako'y napatingin at napahinto sa aking lugar na ginagalawan
Para **** niyanig ang mundo kong tahimik
Puso kong parang gustong muling umibig
Handa kong ika'y haranahin at gawan ng isang awit

Ngunit paano pala kung puso mo ay meron ng nag mamay-ari?
Mga bagay sa aking isipan na nawari
Hanggang tingin nalang ba ako sayo
Kahit na parang ako'y pinana na ni kupido?

Handa akong sumugal malaman mo lamang na ang pag ibig ko ay tunay
Nais mahagkan ka at mapakilala saking Nanay
Mga mata kong kislap ay talaga namang tunay
Kaya sana hayaan mo kong iyong buhay ay bigyan ng kulay

Magpapakilala ako sayo ng walang pag iimbot
Irerespeto ka kahit magsuot ng maigsing saplot
Unang hakbang ng puso mo'y maabot
Ihahatid sundo sa inyo pag uwi sa tahanan
Hindi ka hahayaang mabastos ng kung sino sa daan

Liligawan pati iyong mga magulang,
Nangangako sa magandang intensyon at hindi magkukulang
Sa Itsura man ako'y salat
Akin nalang ibabawi sa matatamis na sulat at ugaling tapat
cherry blossom Jan 2018
Ang kailangan ko lang naman ay malaman na hindi ako nag iisa
Na sa layo ng paglalakad ay nandiyan ka pa
Sapat na sa akin ang maging mahalaga
Alam kong ilang beses mo nang nabanggit sa ‘kin ‘to
Pero nasaan ka na ngayon?
Alam kong madalas **** sambitin na nandiyan ka lang
Na hinahanap mo rin ako paminsan minsan
At akala ko kuntento na ako
Hinahagilap ko ang titig mo
Natatakot ako
Na hindi mo mapansin ang pagkawala ko

Ilang beses na rin ako nagpaagos sa alon
Ng walang nakapansin ng pagtangay sa ‘kin
Sagipin mo ako sa nagbabadyang pagkalunod
Hindi na ako magkukunwaring maalam lumangoy
Sagipin mo naman ako

Naiintindihan ko na hindi lang ako ang iniisip mo
Pero sana alam mo na ikaw lang ang kinakapitan ko
01/17/18h
Paulo May 2018
Sa bawat meron laging may wala
Bulsa kong butas at walang makapa
Balang araw ako'y magsisikap at di na ulit madadapa
Pagkat lahat tayo'y hindi biniyayaan dito sa lupa

Ngunit lahat ng bagay ay di hadlang
Sa pag-abot ng aking mithiin at punan ang mga gatlang
Kung mamamatay tayo ng mahirap ayun ang malaking kasalanan
Pagkat isa lang yun sa patunay na di natin pinagbutihan

Pasalamat dahil merong ikaw
Na handang umalalay sakin at laging pumupukaw
Ang aking natatanging yaman na hindi matumbasan
Ng kahit anong bagay dito sa kaibabawan

Marahil sa aking paglalakad ika'y handog
Ng nasa itaas upang ako ay mamulat
Na kung pano maging mayaman sa ngiti **** buhat
At kung pano lumabas sa sariling pugad

Hindi ko man maibigay ang mga gusto **** materyal
Inibig mo pa din ako ng buong puso at bukal
Pinakita mo sa akin ang ugali **** natural
Iyong pagmamahal ang aking maituturing na mataas na aral

Sa tulad **** walang kapantay,
Ibibigay ko ang aking buo at pipiliting di sumablay
Ng masuklian ko naman ang pag-ibig na dulot mo
Sa aking puso at isipan iuukit ang pangalan mo.
Eugene Aug 2017
Tirik na tirik ang araw nang mga sandaling iyon. Nakatingin ka lamang sa isang direksyon. Hindi ka lumilingon. Ni ayaw **** tumingin sa kaliwa o sa kanan habang naglalakad.

Lutang na lutang ang iyong isipan. Nakatingala ka pa sa nakasisilaw na kalangitan habang binabagtas ang bawat sementado at konkretong daan sa iyong harapan.

Hindi mo rin pansin ang mga taong nakakasabay mo sa iyong harapan, likuran, at tagiliran.

Wala ka na sa wisyo.

Manhid.

Walang pakiramdam.

Hindi mo man lamang narinig ang sipol ng nakatokang alagad ng batas trapiko. Hindi mo rin naririnig ang mga sigawan ng mga taong sumisigaw sa iyo na tumigil ka sa paglalakad maging ang mga busina ng mga sasakyang iniiwasan kang mabangga.

Nakatuon pa rin sa isang direksyon ang isipan at mga mata mo. Hindi mo na napansin ang isang itim na kotseng sumalubong sa iyo, Sa gitna ng kalsada, doon ay tumilapon ang iyong katawan.

Tirik ang mata.

Duguan ang noo at mukha.

Bago ka panawan ng ulirat ay tumulo pa ang mga luha sa magkabilang pisngi mo at nag-usal ng mga kataga sa iyong isipan ng...


"Mahal na mahal ko kayo, mga kapatid ko."
Euphrosyne Feb 2020
Ikaw.
Ikaw.
Ikaw ang naging inspirasyon ko para magpatuloy.

Binigyan mo ako ng lakas para muling humakbang, maglakad.. Magsulat.. Bumangon...

Sa mga araw na sunod sunod ang dagok ng panahon na tumulak sa akin padapa..
Sa mga oras na panay ang udyok ng mundo na tumigil ako sa pag galaw..
Sa mga sandali na nasimulan ang pagdududa sa aking sarili na baka nga hanggang doon nalang ako.. Na tila may gumagapos sa aking mga paa at humihila sa akin pailalim..

Dumating ka.

Iniabot mo ang iyong kamay.. at isinama mo ako.
Isinabay mo ako sa paglakad mo.. kumapit ako sayo at
Ipinakita mo na marami pa palang daan.. Na kaya ko pang bumangon at maglakbay kaya't isinama mo ako.

Kahit na may ilang beses na matarik ang daan at hindi ako makasabay, nagsilbi kang gabay sa aking unahan at hindi mo hinayaang maiwanan ako sa paglalakad pasulong.

Binigyan mo ako ng pagkakataong sumunod sayo.. at humabol.. Kahit kapalit nito ay ang pagbagal ng lakad mo.. kahit na para bang naaabala na kita..

Ipinaalala mo na normal lang ang mga bato at putik sa ating nilalakaran.. Normal lang na ika’y pawisan.. Magalusan.. Magkamali at maligaw ng daan.. at minsan pa'y sasabayan ito ng ulan kaya't may mga panahon na hindi mo makikita kung saan ka na ba patungo.

Madudulas ka.. Matitisod.. Madadapa.. Ngunit hindi dapat dito magtapos ang paglalakbay dahil ang hirap at pagod ay may kasunod na dalisay na ginhawa.. Doon sa tuktok.. kasama ng mga ulap at ng hangin..

At kahit na ika’y hingalin ay mapapawi ito ng ligaya na iyong madarama sa oras na tumapak ka na sa pinaka itaas.. Sa wakas.. Nakita mo na kaya mo palang lagpasan ang mga hirap at pagod na ngayo’y iniwan mo na sa ibaba.. Sa lupa.. Kasama ng kay gandang mga balangkas ng tanawin na hinubog ng mundo upang ipakita sa iyo sa mismong pagkakataong ito.. Sa entablado ng daigdig kung saan abot kamay mo ang himpapawid.

Ipinaalam mo sa akin na ito ang kapalit ng mga pagsubok na araw araw nating hinaharap.
Ito ang sandali na ipadarama ng kalawakan na katulad ng oras.. Ay lumilipas din ang lungkot.. At ang kailangan ko lang ay kumapit pa ng mahigpit.. Manalig.. At maghintay at di maglalaon ay darating ang pagkakataong ito.

Kung saan magkasingkahulugan ang sandali at kailanman..

Dito sa tuktok.. Kasama ng mga ulap at ng hangin..

Sinabi mo na hindi ako nagiisa.. Dahil kasama natin ang langit.
Salamat. Ikaw lamang nagpabuklat ng aking singkit na mata dahil sayo namulat anh mga mata ko na dapat akong magtino hindi lang dahil matanda na tayo kundi para sa kinabukasan ko rin. Salamat mahal ko.
Eugene Aug 2017
Kasabay ng malamig na simoy ng hanging nagmumula sa baybaying malapit sa kinatitirikan ng iyong tahanan ay naalimpungatan ka at bumaba ng iyong higaan.

Tila isang robot na tinungo mo ang pintuan palabas sa iyong tahanan at naglakad patungo sa dalampasigan. Isang nakakahalinang tinig ang iyong naririnig at sinusundan mo ito. Manhid ka nang mga sandaling iyon dahil kahit ang napakalamig na tubig sa karagatan ay hindi mo ramdam.

Patuloy ka pa rin sa paglalakad hanggang sa bigla ka na lamang lumangoy habang sinusundan pa rin ang nakabibighaning tinig upang malaman ang pinanggagalingan nito.

Lumangoy ka nang lumangoy.

Langoy dito. Langoy doon ang iyong ginawa hanggang sa unti-unti nang bumalik ang iyong ulirat. Mulagat ang iyong mukha at dali-dali **** iniangat ang iyong sarili paitaas upang makaahon.

Subalit, huli na dahil sa isang iglap may humawak sa iyong dalawang paa at hinila ka pabalik sa pinakailalim na parte ng karagatan. Naramdaman mo pa ang isang matulis na bagay na tumusok sa iyong likuran at walang awang tinanggal ang iyong puso.
Ako'y kakatok sa pintuan ng Diyos
Dala-dala ang mga kasalanang inipon

Sa paglalakad
Tangan-tangan ang pagsisisi
At labis na pangamba
Na baka sa bakod pa lamang ng hardin
Ay tanaw ko nang sarado ang
Pintuan ng Maykapal

Ako'y tatangis na parang paslit
Sa mga panahong alam kong gawin ang tama
Pero ipinilit na mali

Ako'y nagsusumamong pakinggan
Ang mga panalangin para sa kamag-anak
Gabayan sana ang minamahal na nahihimbing

Naghihikahos kong ipinagdarasal
Ang aking kaluluwa
Kasama ng bawat putik at sangsang na nakadikit
Bawat pintas at kahambugan

Ako sana'y pagbuksan muli ng pinto
O Diyos na makapangyarihan

— The End —