"pagkabahala" poems
naririnig mo ba?
ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream.
ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon.
ang mga harurot ng mga ikot jeep.
naririnig mo ba?
ang mga tawanan ng mga magkakaibigan
mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan.
naririnig mo ba?
ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante
na kumakayod sa mga papel:
husay
sa bawat ukit.
naririnig mo ba?
ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino
sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia
dangal
sa bawat apak at kumpas ng kamay,
sa bawat hinga.
naririnig mo ba?
ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta
ang mga sigaw sa sakit,
hiyaw sa hapdi, dahil sa
mga hampas at palo
ang mga tama ng mga kamao
naririnig mo ba?
ang mga iyak
ang mga hikbi ng mga kaibigan
para sa mga kapatid nilang nasaktan.
ang mga hagulgol ng mga magulang
na nawalan ng anak:
mga puso, mga pamilyang
hindi na buo.
wasak,
nasira na.
naririnig mo ba?
ang mga boses na nananawagan na
"tama na"
"utang na loob, itigil niyo na"
kasi
hanggang kailan pa
tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit
ang sirang plaka ng karahasan
na patuloy na naririnig sa panahong ito
mula pa sa mga nagdaang dekada?
nakakalungkot, hindi, nakakasuklam
ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari
sa ating mahal na pamantasan.
ang tawag sa atin ay mga
iskolar ng bayan,
para sa
bayan
pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba
kung paminsan hindi nga makita ang
pagmamahal at respeto sa atin mismo,
mga kapwang magkaeskwela.
hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili
na magpadala sa indak ng
karumaldumal na kanta ng kalupitan?
hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog.
hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid.
kailan pa?
tama na!
nabibingi na ang ating mga tenga.
nandiri. nagsasawa.
oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota.
oras na para tapusin ang karahasan.
oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala.
oras na para sa hustisya.
oras na para sa ating lahat,
estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala
na tumayo, makilahok at umaksyon
para pahilumin ang sakit,
para itama ang mali.
oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman.
oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
Jul 5, 2015
Jul 5, 2015 at 7:47 AM UTC
Nagkaroon ng gana
Na magkaroon ng
Sana
Ganito kami
Sana
Ganyan din kami
Sana
Ganoon lang kami
Sana
Eh hanggang sana lang ba lagi
Ang hantungan ng tao?
Hindi
Sana
Feb 5, 2015
Feb 5, 2015 at 10:46 PM UTC
Kabado;
Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan.
Ang malumanay na ihip ng hangin ang naging pampakalma.
Bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa
ay seryoso.
Walang pagkukubli ang puso
Ang hindi mapirming mga yapak
ay katumbas ng pagkasabik sa’yong yakap.
Gabi, muli akong tumingala
Walang palya ang ihambing ka sa mga tala.
Kinukwento sa’kin ng mga kuliglig
kung paano tatahakin ang ‘yong pag-ibig.
Hindi ko kabisado;
‘Di alam kung pa’no babagtasin ang dagat na ito.
Wari nila’y diyan matatagpuan ang pagmamahal mo
ngunit, paano?
Sinasamahan akong maglakbay ng inggit at takot
Hindi madaling pamamangka ang sa aki’y bumabalot.
Ang bigat ng pag-aalala ang maaaring magpalubog
at malunod
sa luha at panaghoy.
Paano mapapanatili ang ningas ng apoy?
Ano’ng solusyon sa pagkabahala upang magpatuloy?
Hanggang sa itulak ako ng sapat na panahon.
Muling humakbang ang hindi mapirming mga paa
Humina panandalian ang ihip ng hangin
Marahan ang pagkulbit ng mga buhangin.
Matapang kong nilisan ang pampang
Lakas ng loob, isang bangka’t panagwan
Sabay naming idinawdaw ang aming mga sarili sa karagatan.
Hayagang ibinubulalas ng langit na ako’y maging handa
Malayo na ako sa pampang ngunit tanaw ko pa rin ang kaba.
Ang pagkulog ay nagsimula na.
Biglang pumatak ang ulan ng pagbabanta
Dinig ko ang bulungan ng mga isda.
Sambit nila’y masasayang ang pagbabakasakali
Hantungan ng pakikipagsapalara’y wala.
Galit na sumasayaw ang alon
Ang kidlat ng kawalan ng pag-asa’y sa aki’y humahabol
Pataas nang pataas ang sumasalubong na alon.
Ang ‘di mawalang pagdududa ay nakikipag-unahan
Umaakyat ang mga tanong sa’king isipan
Kailan ko ba matatagpuan?
Sabik na akong salubungin ang pag-ibig mo…
… ang pag-ibig **** nasaan?
Subalit, naghintay ako;
Walang humpay ang paghampas ng mga alon
Hindi natatapos ang pagtaas.
Bawat pulgadang nadadagdag ay ang mga sagot sa’king katanungan
At bigla ang pagtaob;
Tama ang bilin ng mga kuliglig
Ito nga ang natatangi **** pag-ibig
Mapanghamon;
ngunit presko sa pakiramdam.
Ang sarap palang makamit ang matagal mo nang inaasam
Pipiliin ko ritong manatili hanggang
ako ri’y iyong matagpuan
papagingdapatin **** ako rito’y manahan
‘pagkat kahit sa daluyong, kalmado akong magsasagwan.
Kabado;
Habang ginagala ng sarili ko ang dalampasigan.
Ang malumanay na ihip ng hangin ay naging pampakalma.
Seryoso ang bawat buhangin na kumukulbit sa’king mga paa.
Walang pagkukubli ang aking puso
‘pagkat dito pa lang sinta, mahal na kita.
May 3, 2020
May 3, 2020 at 1:03 AM UTC
Isisigaw nang pasukdol ang pangalan-hirang
Lalaya na kasabay ng paglisan
Dadalhin ang mga kinikimkim
Mahapding man parating bukambibig
Sumisingaw nang matamis
Kahapong ligaya ngayon lumiligalig
Nalimbag ang pangyayaring ayaw mawaglit
Sana masaya sa piling ng iba
Kahit naririto na inaalala pa
May saliw ang bawat salita nang ginugunita ang yaong nakalipas na
Tukso ba na para kabigin
Bakit parang bitag na inihain
Sana'y habso ang pagkakabigkis
Sa paghayo tungo sa paraiso
Iiwan nang may pagkabahala
Sana sa eklipse na magaganap
Mag iiba ang daan bukas
At di muna aalis pa
Hihintayin sa pintuan ng wakas
Kung saan ang mga bagay bagay ay may kanya kanyang lunas
Kung nararamdaman ay di na maibsan
Tatanggapin nang pagkagiliw
Kahit ililibing nang di naagnas
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 1:55 AM UTC
Lumipas ang Mga Taon,
Sa sulyap ng isang mata,
Mga sandali ng kalungkutan,
At ang kagalakan ay lumipad.
Mga taong mahal ko,
Dumating na at wala na,
Ngunit hindi tumigil ang mundo,
At nagpatuloy kaming lahat.
Hindi madali ang buhay,
At ang mga pakikibaka ay naroon,
Napuno ng mga oras na mahalaga ito,
Mga panahong hindi ko lang pinansin.
Nakatayo ako sa sarili ko,
At natagpuan ko pa rin ang aking daan,
Sa ilang gabi na napuno ng luha,
At ang bukang-liwayway ng mga bagong araw.
At ngayon sa katandaan,
Ito ay naging napakalinaw,
Mga bagay na nalaman ko na mahalaga,
Hindi kaya kung bakit ako narito.
At kung gaano karaming mga bagay,
Na pinamamahalaang kong bumili,
Hindi kailanman kung ano ang gumawa sa akin,
Mas mabuti ang pakiramdam sa loob.
At ang mga pagkabahala at takot,
Ang araw na iyon ay sinaktan ako,
Sa katapusan ng lahat,
Gusto lang mawala.
Ngunit kung gaano ako nakaabot,
Sa iba kung kinakailangan,
Ay ang tunay na panukala,
Sa kung paano ako nagtagumpay.
At kung gaano ko ibinahagi,
Sa aking kaluluwa at puso,
Sa huli ay,
Ano ang naghiwalay sa akin.
At kung ano ang talagang mahalaga,
Ang aking opinyon ba sa akin,
At kung o hindi,
Ako ang pinakamahusay na maaari kong maging.
At gaano pa karaming kabaitan,
At mahal na maipakita ko,
Bago sabihin sa akin ng Panginoon,
Ito na ang oras ko.
Jun 13, 2020
Jun 13, 2020 at 2:04 PM UTC
Kay tagal kitang pinagmasdan,
Habang ika'y nahihimbing sa kawalan,
Pagkahalong emosyon at pagkabahala,
Sa aking puso't isip ay hindi nawawala.
Araw-araw 'kong kay Bathala'y dumadalangin,
Sa puso **** sana'y hindi tangayin ng hangin.
Nangangarap ang mga mata,
Pag-ibig mo sana'y sa akin 'di malanta.
Irog kong kay tamis,
Pumapawi ng aking hinagpis.
Magkasamang maghapon,
Bawat saya ay aking iniipon.
Mula noon hanggang ngayon,
Ika'y iniibig saan man pumaroon.
Sino man ang makasalubong,
Saiyo pa rin nais humantong.
Feb 9, 2020
Feb 9, 2020 at 5:59 AM UTC