Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagiyak" poems
Babalik ka pa ba? Ilang makukulimlim na araw na ang nagdaan At ilang malalamig na gabi na ang lumipas Ngunit narito pa rin ako Nakaupo sa pinangakong tagpuan Binibilang ang bawat oras na wala ka Humihiling at bumubulong sa hangin na sa bawat paglingon ko ay katabi na kita Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nga bang lumuha ang nga ulap Kasabay ng aking pagiyak Dahil sa nararamdaman kong pighati at pangungulila sa iyo Hinhintay mo rin ba ako tulad ng paghihintay ko sayo? Nasaan ka na ba? Babalik ka pa ba?
0
Jun 4, 2017
Jun 4, 2017 at 12:40 PM UTC
Hintay
nanghihikayat nanaman ang mga ulap na sabayan ko siya sa kanyang pagluha; dahil sa lakas ng patak ng ulan kaya niyang balutin ang aking pagiyak sa pighati na aking nararanasan.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:51 PM UTC
ulan
Tuwing dapit hapon nagsisimulang umalingawngaw ang mga tinig. Mga alitaptap ay nangingimasok sa mga bukas na sugat. Maaligasgas na mga tunog ay maririnig sa duguang trumpeta. Hindi mawari ang pagsilay ng buwan sa mga matang nakapikit ngunit nakatingin. Pagiyak ng punong kahoy sa pagkabali sa bagyo ng mga pasanin ay siyang namamayani sa gitna ng gabi. Ang bawat pagpunit ay kasabay ng pagikli ng mga pahina. Kumpas ng orasan sa takipsilim naghahayag ng taglagas nang kaunting saya sa isang linggong kalumbayan. Papatayin ng unti unti at iiwang sugatan ng mga pangungusap na hindi maawat. Mapagkunwaring uwak na suwail sa hangin ay hindi na makalilipad. Ang pagwawagi ay bihira lamang.
0
Aug 19, 2021
Aug 19, 2021 at 10:34 PM UTC
"Musika sa gitna ng Dilim"