Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagiingat" poems
Saksi ako sa bawat tingin. Saksi ako sa lihim na pagdapo ng paru-paro sa iyong bukirin. Saksi ako sayo at sa kanya. Saksi ako sa pag-aari mo sa kanya, gamit ang iyong mga mata. Saksi ako sa lihim na pagsulyap. Saksi ako sa labis na pagiingat. Saksi ako sa lahat. Pero ako, nasaksihan mo ba ako? Napansin mo ba ang bawat tinging binabato ko sayo ? Naaninag mo ba ang pusong dumadapo sa mga ito? Nasaksihan mo ba? Ang pagtago ko sa likod ng mga pahina, Ang paghikbi ko gamit ang musika, Ang sakit? Nasaksihan mo ba? Na sa tuwing napapagod ka kakahabol, ganon din ako? Na sa tuwing masaya kang tinititigan siya, ako naman, umaasang tititigan mo? Nasaksihan mo ba? Ang pag-asam kong sana, Sana ako nalang siya. Sana ako nalang... Sana ako.. Sana... Hanggang kailan ako kakapit sa mga natitirang sana? Hanggang kailan ko panghahawakan ang paniniwala kong "baka"? Ang paniniwala kong baka ikaw... Ikaw na tama at ikaw na Mali, Ikaw na oo at ikaw na hindi, Ikaw na meron at ikaw na wala.. Ikaw na tanong, at ikaw na sagot. Ikaw na. Paano ko nga ba mapapakawalan ang mga titig kong biglang nakulong sayo? Paano ko nga ba mapipigilan ang kamay na pipigil sana sa pagtakbo mo? Paano nga ba? Kakayanin ko pa bang saksihan ang bawat ngiti, bawat tingin, bawat paghikbi na hiniling ko sa bituin pero sa iba dumating? Kakayanin ko pa kaya? Kakayanin ko pa.. Kakayanin ko.. Kakayanin.. M.U (Mag-isang Umiibig)
0
Jul 17, 2016
Jul 17, 2016 at 9:57 PM UTC
M.U
1. Kamay Heto, kung mararapatin lamang. Ipagkakatiwala ang sandali tungo sa laman ng salita. Heto, kung ipagdaramot lamang, at ipagsasawalang bahala ang dambana ng iyong katawan. 2. Kurba Kung abot-kamay lamang din naman ang buwan ay ipagdaramot na lamang ang natitirang liwanag. Sa palad ko nakahimlay ang talim ng iyong buto. Hindi na mangingiming pang ibalik pa sa tahimik na daluyong ng oras ang mga kamay na ito na walang pagpapatawad. 3. Mata May tupok na anghel na bagong hirang sa loob ng malaking puwang. Walang paglalagyan ng ligalig, marahang pagiingat lamang, kung tatanaw sa kabilang kuwarto ng halinghingan na para bang nagtatalik ang nais sa hindi maangkin nangungusap nang walang karampatang pagmamalabis.
0
Mar 26, 2016
Mar 26, 2016 at 11:36 PM UTC
Iilang Mga Parte
May mga relasyon na masyadong masalimuot at halos ayaw mo nang pasukan. At meron ding katulad ng sa atin. Payapa. Walang pagmamadali. Hindi tahimik ngunit hindi ipinaalam sa mundo dahil alam natin pareho na ang sikreto ko ay sikreto mo. At iniingatan ko ang mga sikreto mo na para bang sa akin din ito. Hanggang hindi na sila sikreto ko o mo lamang kundi natin. Hanggang ikaw at ako ay hindi na ikaw at ako lamang kundi tayo. May mga sulat ako na para lamang sa mga mata mo. May mga awit ako na para lamang sa mga tenga mo. Ingatan mo silang lahat gaya ng pagiingat ko sa puso mo. Mahal kita. At patuloy na mamahalin pa.
0
Apr 19, 2017
Apr 19, 2017 at 3:59 AM UTC
02/19/2017 (6:19am)