Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"paghihilumin" poems
pilit **** iginuhit ang mga ngiti sa aking labi kirot at hapdi sa puso ko'y pilit **** ikinubli saksi ang kwerdas ng iyong gitara kung pa'no **** ako'y napasaya sa mga musikang liriko'y animo'y asin sa sugat--masakit ngunit ito'y aking kinakaya. saksi ang langit kung paano mo akong inayos at binuo sa isang iglap basag mo din akong iniwan--ika'y lumayo hindi ko man magawa nais kong tumakbo 'pagkat puso ko'y umasa sa pagibig **** yun pala'y balat-kayo. ginoo, kung ako'y iyong sasaluhin at pagkatapos ay bibitawan lang rin mabuti pang ako'y 'wag mo ng gambalain 'wag mo na ring tuksuhin at sarili kong sugat ay magisa kong paghihilumin ng sa gayon sarili ko muna ang sisikapin kong mahalin. —thana evreux
0
Dec 6, 2020
Dec 6, 2020 at 11:36 PM UTC
sarili muna.