Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagbibigyan" poems
Kung sakaling pagbibigyan, Ako ba'y iyong hahagkan At hinding-hindi bibitiwan Hanggang sa pagtila ng ulan? Kung sakaling may pagkakataon, Ang pag-ibig mo ba'y ipababaon Tuwing lumalakad sa ambon At pati narin sa habang panahon? Kung sakaling itatadhana Ng Makapangyarihang May-likha, Ikaw ba'y hindi mag-aalintana Na ako'y habangbuhay makasama? At kung sakaling tayo'y hahadlangan, Ako ba'y hinding-hindi mo iiwan, Sasamahan mo ba ako sa digmaan Upang tadhana'y ating labanan?
0
Mar 12, 2018
Mar 12, 2018 at 8:45 AM UTC
Kung Sakali
Ano ba ang mayroon sa iyo? At bakit ako nagkakaganito? Sa tuwing ikaw ay may kailangan Agad kitang pinagbibigyan. Lahat na lang ng iyong ipakiusap Aking ginawa ng buong sikap Kahit na alam kong sa iyo'y wala lamang Ginawa ko ito nang walang pagkukulang Ngunit ngayon ay akin nang natutuhan Hindi sa lahat ng panahon, ika'y aking pagbibigyan, Nang sa aking sarili ay makapaglaan rin Ng pag-ibig na hindi kayang maibalik sa akin.
0
Mar 3, 2015
Mar 3, 2015 at 9:39 AM UTC
walang pamagat
Nakakatawa isipin na sinubukan natin mangahas sa maiksing oras, tumaya sa natatanaw na dulo, at maniwala sa pangitain ng bukas. Pero, Mahal, hahayaan ko na ang mundo at pagbibigyan itong manalo. Bulsa ang sagot sa mga tanong na walang katiyakan kung saan aabot. Kabilang ang mga gusot na sa panaginip na lang maitutuwid. Sa panaginip, sa tabi mo gigising. Sa paggising, ibubulong na lang ang hiling. Dahil kahit ulit-ulit natin ang lahat, baliktarin man ang aking unan, sagutin man ang mga natitirang palaisipan, at kahit manatili man saglit, hindi magdadalawang-isip na dayain tayo ng langit. Ngunit, kung sakaling malinlang ko ang taas magsisimula muli ta'yo sa bagong espasyo na ta'yong dalawa lamang ang huhulma ng bukas. Kung saan walang pwersang hihila. Kung saan, Mahal, katabi ka paggising tuwing umaga.
0
Dec 3, 2019
Dec 3, 2019 at 11:31 PM UTC
Dinaya ng Langit
Kung ikalulugod mo at ako'y pagbibigyan at iyong tatanggapin ang aking pag-aalay. Ang buong kagalingan ko'y iyong maasahang ihahandog sa yapak mo aking Paraluman. Hindi ko maibigay sa'yo ang katiyakang sa iyong mangingibig ako'y nakakalamang. Ngunit maasahan **** ang hangaring dalisay ay walang makakadaig kahit sino pa man. Nababatid kong ikaw ay may pinipithaya, kung gawing panukat ko'y aking kinabahagya. Ngunit kung papalaring lilingunin mo Sinta'y hindi ko sasayangin ang matatamong tuwa.
0
Sep 6, 2020
Sep 6, 2020 at 8:32 AM UTC
Pangakong Handog
Hahawakan pa ba ang iyong mga kamay Kung sabi nila’y di tayo bagay Hahalik pa ba sa iyong mga labi Kung isusukli mo ay ang mapagpanggap **** ngiti Sarili ko’y di na ipipilit Kung iba naman ang iyong ginigiit Pwede bang magtanong? Kase ako’y nagsasawa na din Nagmumukang-tanga, Nagmumukang gago sa harap ng madaming tao Bawat patak ng ulan, bawat agos ng tubig Hanggang kelan kita’y mahahagkan muli Kahit anong gawing kasalanan Ika’y aking pagbibigyan Huwag ka ng umalis Please, huwag ka lang umalis Sapagkat sa puso ko, Kailan ma’y hindi ka maalis
0
May 14, 2017
May 14, 2017 at 4:21 AM UTC
Rx.