Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
dannyjoe May 2019
Pagbasa at Pagsulat

Bata pa lamang ay lubos ng namulat.
Ako’y walang ibang kakayahan bukod sa pagbasa at pagsulat,
Ang aking marka sa agham at sipnayan ay maalat pa sa dagat,
Ang guhit ko naman ay tila panggatong na kalat.

Di ko naman ninais na ito lang ang kayang gawin.
Madami din akong kakayahan na nais maangkin,
Ngunit sa ibang bagay ay hindi naman nakikitaan ng galing.
Sa sarili nagtataka na rin, bakit ba pagbasa at pagsulat lang ang kayang gawin?

Naisip ko na maging mang-aawit, tinig ko naman ay pilit minsan ay pipit.
Naisip ko na maging pulitiko, ngunit ayokong mabansagang mangungupit.
Naisip kong maging ****. kaya kong magturo ngunit, ako ay masungit.
Naisip kong maging arkitekto ngunit, guhit ko naman ay walang kasing pangit.

Sa kakulangan ko ng kakayahan sa madaming bagay, ay sa sarili ay nagtataka na.
Siguro ako ay may isang malaking sumpa.
Sumpa na sa akin ay nagbibigay ng makalangit na biyaya.
Sapagkat sa pagbasa at pagsulat lamang ako lubos na lumiligaya.
Tama na. ilang beses ko pa bang uulitin sa sarili ko ang tama na. Tama na sa pag-asa na maaaring mahalin rin niya ako. Tama na na lagging ako lang ang nagmamalasakit pero sa huli’y masasaktan ka lang. Tama na na lagi akong nagbibigay at siya’y kuha nang kuha lang. Tama na na lagi akong talunan sa bawat paglundag. Tama na na lagi akong umiibig at sa dulo’y sasabihing “kaibigan lang kita”.
Tama na siguro na marami nang beses na lagi akong nagpakatanga para sa’yo. Tama na siguro na lagi na lang akong umaasa na darating ka sa pintuan at sasabihing iba na ang iyong nararamdaman. Tama na rin siguro ang lagi kong pag-aalala kung “nasaan ka na?”, “kumain ka ba?”, “may payong ka bang dala bilang pananggalang sa malakas na ulan?”. Tama na siguro na lagi akong naging yaya, ina o alalay mo sa bawat bagay. Tama na siguro yung ginawa kong paninilbihan sa among ‘di naman ako sinuklian ng kahit ano. Tama na siguro na tigilan ko na itong ambisyon na ipinaiiral ko, ilusyon na maaaring maging tayo.
Naaalala ko, oo naaaalala ko ang mga bagay na pinagsaluhan natin. Naaalala ko noong una kitang nakilala, naaalala ko kung papaanong wala kang takot na sumama sa akin upang tuklasin ang isang lugar na ‘di ka pa pamilyar at ‘di mo pa alam. Naaalala ko ang pagtataya mo at tiwala na totoo ang mga pinagsasabi ko at dadalhin kita sa tamang lugar na ipinangako ko. Naaalala ko kung papaanong naloko ako sa kakatawa sa mga corny **** jokes. Naaalala ko yung panonood natin ng pelikula nang sabay at tititigan mo ako at tititigan din kita nang palihim. Oo naaalala ko pa ‘yun, at oo tinititigan kita kasi nabihag ako ng mga mata **** mapungaw, tila humihingi ng atensyon at pagmamahal. At oo, naaalala ko pa yung araw na tinext mo ako at agaran kang pumunta kung nasaan ako kahit malakas ang buhos ng ulan at dumating kang basang-basa. Naalala ko kung paano ako tuluyang nahulog sa’yo sa ginawa **** sakripisyo na maaari ka namang pumunta sa iba, ngunit pinili mo akong makasama.
Pero kung akala kong masaya at wala nang makakapigil sa ating dalawa, nagising ako mula sa isang realidad. Nagising akong ‘di pala totoo ang mga nakita ko. Nagising ako na wala ka sa piling ko. Nagising ako na ang lahat ng iyon pala ay isang malaking ilusyon. Nagising ako, masakit ang damdamin at namamaga ang mga mata mula sa paghimbing dahil sa kaiiyak. Nagising akong ‘di pala totoo ang panaginip na pinaniwalaan kong totoo. Nagising ako na ‘di mo pala mahal ako. Nagising ako sa tinig ng boses **** nagsasabing “mahal kita, pero kaibigan lang”.
Kaya ganun, wala akong magawa kun’di ang magmukmok sa sulok ng kuwartong dating puno ng saya at tawanan nating dalawa. Nanatili ako sa lugar kung saan tayo nanood at nagtabing dal’wa. Nanatili ako sa lugar kung saan mo ako pinuntahan kahit napakalakas ng ulan. Nanatili ako at nag-isip bakit kaya at bakit ikaw pa. nananatili at mananatili ako rito hangga’t ‘di pa rin malinaw sa akin ang lahat.
Bakit ba ng hilig kong magmahal? Bakit ba mahilig akong tumaya o sumugal? Bakit ba lagi ko na lang napagkakamalian ang galaw ng iba bilang isang mas malalim pa? Bakit ako nabibihag sa mga salita at gawa na ilusyon lamang pala? O baka naman sadya lang akong tanga. Baka sadya talagang kaibigan lang ang ipinakikita mo noong una, pero mali ang pagkakaintindi ko dahil ‘di ko pa nararanasan ang umibig nang mas higit pa.
Pasensya na sa mali kong pagbasa. Pasensya na at nagawa kitang mahalin bilang kaibigan. Pasensya dahil inakala kong mamahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sa’yo. Pasensya na sa aking damdaming tila mahilig lang talagang magmahal nang lubusan. Patawad na ‘di nabasa ang nais mo. Patawad na ‘di ko pa rin matanggap na hanggang magkaibigan lang tayo. Patawad marahil dahil ang sinasabi ng puso ko’y hanggang “magKA-ibigan” lang tayo.
supman Jul 2016
Hinihikayat po namin kayong lahat na magbasa patungkol sa panitikang mediterranean. Ang panitikang mediterranean ay patungkol sa ibat ibang uri ng panitikan na nagmula pa sa ibat ibang bansa. Ang inyong pagbasa at pag like nito ay katumbas ng inyong pagmamahal sa amin at nangangahulugan na kayo ay magbabasa na patungkol sa nasabing tema. Kaya  basahin na ito at i click na po yung "heart" sa ibaba. Ito po ay para sa aming proyekto sa filipino.
Filipino project
Taltoy Jul 2019
Wala akong maisip na pamagat,
Wala akong maalala sa kabila ng lahat,
Pero alam kong ikaw yan,
Nakilala kita dyan aking kaibigan.

Isang cringey na namang tula ito
Hahaha sa rami ba namang naibigay ko sayo,
Baka paulit uli na nga ang mga laman,
Pero galing talaga sa puso ang mga laman. (Yieee cringe moment nambawan)

Ilang araw nalang pasukan na naman,
Makikita mo na naman ex ni kwan, (u be like pagbasa mo “jether foul!”)
Pero alam kong wala kang galit sa kanya,
Kasi di ka naman yung tipong nagtatanim ng kawayan diba?

Parating maging mapagpakumbaba,
Wag mo nang patulan ang mga alam **** mababaw nga,
Wag **** kalimutan ang iyong mga makakapitan
Magulang kapatid, kaibigan, at higit sa lahat ang iyong kasintahan. (Chour, sabihin mo lang sa akin na “sya man rason ba”)

Ang tulang ito ay lumalabas na aking mga kamay,
Getting out of hand ika nga,
Diba parang wala lang akong malay?
Sabog, tulad nitong aking tula.

Parating maging positibo,
Wag kalimutang kasama mo ang Diyos,
Kahit ang elbi man ay daanan ng  lindol o bagyo,
Alam kong malakas ang pananalig mo.

Hindi kita makakalimutan,
Nandito lang ako kaibigan,
Nasa kabisayaan,
Pero isang chat or text lang naman.

Isang maligayang kaarawan,
Parating ngumiti sa bawat araw na dadaan,
Alam kong nakakapagod mag-aral pero kaya mo yan,
At naway sa muli nating pagkikita di mo ako makalimutan.
Bortdiiiiii! Ahahaha
Marcilyne Mar 2016
May gusto akong isulat
isang kwentong hindi klaro
yung tipong pagbuklat mo ng libro
nakaguhit na sa mga letra ang gusto ko sayo

May gusto akong isulat
isang kantang wala  sa tiyempo
yung tipong pag-play sa radyo
siguradong makukuha ko ang atensyon mo

May gusto akong isulat
isang pelikulang walang pondo
yung tipong pag napanuod mo
matatawa ka na lang sa mga cheesy lines ko

May gusto akong isulat
isang tulang walang tugma at liriko
yung tipong pagbasa mo ng school paper niyo
nakalantad na ang damdamin ko

May gusto akong isulat
isang liham na maglalaman ng puso ko
yung tipong pagtanggap mo
maririnig mo na agad ang pagtibok nito.

<3
Euphrosyne Mar 2020
Madami na akong nabasang libro
Ngunit ikaw parin ang hinahanap kong kwento na nais balik balikan
Na hindi magsasawang basahin muli
Mga pahinang ikaw lamang nagbigay sa mga labi ko ng ngiti.

Bawat kabanata nitong libro bawat pagbasa ko ng mga pahina, pinapangiti mo ako muli,
Na para bang andiyan ka lang sa aking tabi.
Pinapa ulan mo ang aking mga mata tuwing....
binabasa ko ang kahapon.

doon ko lang natuklasan na kaya ko palang magmahal ng tapat sa mundong ibabaw na puro kalokohan lang ang inaatupag ko.

Hindi ka ba masaya? Na binabalik balikan ko ang  hindi makatotohanang kwento,
Na hanggang pahina at kabanata nalamang sila magiging totoo.

Masakit, pero kailangan natin tanggapin, ako, ako lang pala, ika'y lumisan na
Napunta ka na sa ibang pahina
Ako, ako andito pa
Iniwan mo sa alaala nating dalawa

Pwede ba magsabi ng totoo?
Kahit na sobrang gulo,
sasabihin ko sayo
Ikaw ang nag-iisang tahanan ng naliligaw kong pagkatao.

Etong mga pahina... nagiwan ng bakas sa puso kong bukas
Na inalay ko sayo gamit pa ang aking mga kamay na kitang kita ang bakas,
Bakas ng kahapon na sinaktan ako
Sinugatan ako ng taong minahal ko
Na pinalitan lamang ng saksak sa puso.

Itong mga pahina't kabanata
Na nagpapakita
Na mahal parin kita
Subalit nasa ibang libro ka na.

Alam kong tapos na
Wala nang tyansa
Kaya't ibabalik nalamang kita
Sa aking istante
Na madaling hanapin
Kapag nais ko muling basahin
Ang kahapon na sinulat natin.

Mga pahinang babalik balikan,
Mga kabanatang hindi makakalimutan,
Librong tayong dalawa na ako nalamang
Ang gagawa ng paraan para protektahan
Konting comeback lang sa tagalog. Spoken word poetry talaga siya pero nahihiya ako magsalita kaya hanggang dito lang hahaha.
Chit Jun 2020
Hay naloko na
Nasira ang cellphone
Ubos na rin ang ipon
Pano na ang FB, IG at ang ibon

Sumaglit sa kanto
Internet ang dinayo
Nang may kaba sa puso
Sa pagbasa ng iyong komento

"Musta? Tara kita tayo!"
Walong pantig
Na sa aki'y nagpanginig
Ngunit saglit lang ang kilig

Bumalik kasi ang kahapong kay pait
Na muling nagpasikip sa aking dibdib

At sa wakas, tama na
Naunawaan ko na si tadhana

Sa nasirang cellphone
At ubos na ipon.
MarLove Jun 2020
AKING TULA

Para lang sayo aking ginawang tula
Na aking tulay sayo lang nakatalaga
Na ikaw lang ang pinaghugutan nang aking sigla
Na ang bawat linya sayo lang tanging nakalaan

Mga salita ay sayoy pinagmulan
Itoy hindi malabas sa isipan
Kung sayoy walang nararamdaman
Ikaw ang tanging inspirasyon nang aking puso at isipan

Ang bawat nakasulat na titik
Ay sa puso nakaukit
Mga tulang sinulat
Tanging sayo lang sinta inuulat

Mga matatamis na salita
Ang tanging handog sayo aking sinta
Mga tulang ginawa
Sayo lang iaalay na puno nang diwa

Sa bawat araw nais kong ipadama
Na sa lalim nang nararamdaman
Sa tula ay gustong idaan
Maipahiwatig ko lang ang pag-ibig na sayoy nakalaan

Kay sarap sa pakiramdam
Kung akoy makabuo nang isang talata
Na ito ay nakalathala
At tanging sayo lang ibabalita

Nais palagi na sayong paggising
Mabasa mo ang nararamdamang lambing
Na itoy nagmula sa kaibuturan nang aking damdamin
At pagmamahal mo lang tangi kong hiling

Sanay laging magustuhan
Tulang sayo lang nilaan
Sanay sa pagbasa nang bawat salita
Maramdaman mo ganu kita kamahal aking sinta
At Aking tulay ay para lang sayo nilikha💋😘
raquezha Aug 2020
Nagpoon sa pagbagsak kan dáhon
An mga istoryang dai mo huhunaon
Na makakaabot sa susunod na henerasyon
Dai dapat pundohon an pagsurat
Kan satuyang tataramon asin
Dai dapat malingaw sa kagayonan
Kan pagbasa nin mga surat na hali
Sa mga utak kan satuyang mga pag-iriba
An oras na tinaya mo sa paggibo
Nin obra, surat, tula man o kanta
Basta nilaagan **** puso
Sigurado na iyan matalubo
Arog kan káhoy, daí pirming nahihiling
An pagdakula pero maabot an aldaw
Igwang saróng tawo an matambay
Sa limpoy kan hawak niya
Igwang sarong tawo an masirong
Ta makusogon an uran
Mahihiling mo an dáhon na nagbabalyi
Kapot kan duros pasiring sa banggi
An mga káhoy nagtatalubo, haloy magadan
An úbak sa hawak niya
An patunay na sinda nabubuhay
Dara-dara an mga istorya na sinurat ta
An mga piyesa na nakadukot na sa dugo ta
Sinda an giya
Na kita dapat an maprotekta
Sa palibot ta
Daí matatapos an buhay
Sa pagbagsak kan dáhon
Sa daga na iniistaran ta
Daí matatapos an buhay
Maski sadiring dugo ta
An magkugos
Sa daga na pinadangat ta

—𝐔𝐛𝐚𝐤,  a Bikol poetry
· Úbak;
1. Bark (of a tree) also,
2. To Peel (as fruit) also,
3. To PEEL (as skin)
-
4. https://www.instagram.com/p/CEHemKMh6Yy/
Taltoy Aug 2017
Tila ilog na walang katapusan,
Ang mga emosyong aking nararamdaman,
Walang preno, walang busina,
Walang tigil sa pag-agos ng malaya.

Akala ko'y walang humpay,
'tong mga pinanghuhugutan sa buhay,
Ang halos lahat ay may hangganan,
Ang mga bagay nga pala'y may katapusan.

Sabihin mang ako'y makata,
Isang manununula,
Manunula kasama ang kanyang pluma,
Ngunit pluma nya'y wala nang tinta.

Tila ba binaon sa nakaraan,
Ang minsang nakahiligan,
Pilitin ma'y walang maisulat,
'tong makatang naging salat.

Iyon ay kanyang alaala,
Naiisip sa bawat pagbasa,
Ng mga tulang sya din ang gumawa,
Mga tulang di nya na ngayon magawa.
kenny Jul 2018
Librong matagal na binuksan sa madla,
Ngayon ay ipipinid ko na,
Maraming salamat sa pagbasa ng aking mga obra,
Sa inyong aking mga taga suporta.

Ngunit ngayong gabi wawakasan ko na,
Hindi na kailanman masisilayan pangalan ng may akda,
Hindi ko na kayang sumulat pa,
Sapagkat kadilima'y tuloyan ng nakapasok sa puso ng manunula.

Nahihirapan ilimbag itong huling tula,
Kahit alam kong dito'y walang magbabasa,
Ito na ang huling tulang aking isusulat,
Paalam ito'y iaalay sa inyong lahat.

'Wag ka sanag tumigil sa paglikha,
'Wag **** hayaang mawala ang tinta ng iyong pluma,
Gawin **** inspresyon ang pagsasara ng aking libro,
Ipinapangako kong ako'y gagabay sa'yo.

Hindi man kita lubosang kilala,
Ngunit ibibigay ko sa iyo ang aking dugo upang ika'y makasulat pa,
Maraming salamat,
Ako'y magpapaalam na.
Sa iyong simpleng paningin
Masaya ang aking damdamin,
At sa puso ko ay ikaw pa rin
Hanggang dulo ikaw ang hihintayin,

Sa loob ng apat taon na ito
Ang damdamin ko ay para lang sa iyo,
Mga nadama na hindi magbabago
At mananatiling totoo,

Ang iyong liwanag ay isang kagandahan
Punong puno ng kaligayahan,
Sa ibang tao, binigyan mo ng kasiyahan
Ang ala-ala na hinding-hindi makakalimutan,

Panahong tayo ay nagsama
Ako ay punong puno ng saya,
Araw araw nating pagkikita
Hindi kayang tigilan na tignan ka,

Kahit sa isang pag-uusap
Pakiramdam ko ay isang ulap,
Nahahanap ng isang ganap
Para magkaroon ng balak,

Ako ay nahihiya pa din
Sa aking sariling damdamin,
Pero gusto lamang isipin
Ikaw ang liwanag sa dilim,

Mensahe na gusto kong sabihin
Ikaw pa din ang aking pipiliin,
At ngayon kong aaminin
Ikaw ang aking iibigin,

Kahit ang iyong simpleng biro
Ang mga kasiyahan na punong puno,
Na sanang manatili na dito
Katulad ng ala-ala sa iyong regalo,

Ako na natutuwa sa iyong pagbasa
Sa aking binigay na mga tula,
Binigyan pansin, at di sinira
Sapat ang kapalit sa iyong tuwa,

Nung simula, hanggang dulo
Ikaw lamang ang nagbubuo,
Sa liwanag ng aking mundo
Na mananatiling totoo.
Wala nang piglas sa bakal na gapos
Gigil na pangil ‘di pigil pagyapos
Poot ay lubusan kong natatalos

Kahit patuloy paring minumulto
Ng anino ng pumariwarang pagkatao
Huwag pong ikukubli mahabaging puso

Kahit ako’y salat na sa lakas
Dahil sa mga sugat ng nakalipas
Huwag po tutulutan na tuluyang malagas

Ako’y nakikinig sa pagbasa ng sentensiya
Mga tenga’y bukas, piniringan man mga mata
Dustain man sa yamot, sa away Mo’y tiwala

Talim ng ‘yong dila sa puso tusok
Mga aral nito’y pinapapasok
Sa bulwagan ng diwang ‘di pa bulok.

-11/26/2011
(Dumarao)
*sentimental mood
My Poem No. 59

— The End —