Akala ko, okay na ako.
Akala ko, magaling na ang sugat
-na iniwan mo.
Akala ko nga kaya ko nang
ngumiti ng di ikaw ang dahilan.
Pero bakit sa tuwing-
bigla kang kakatok sa isip ko.
Parang may sariling paa ang puso,
tumatakbo papalapit.
Kahit sabihin sa sariling
"Tama na"
Bakit,
Parang sa isip lang kita kayang takbuhan.
Pero ang puso ko, lagi ka pading hinahabol.