Unti-unti hinahayaan mo lang ako na maka wala sa mga yakap mo
At ako’y tuloyang nahulog ngunit hindi mo naman ako sinalo
Unti-unti humahakbang ka paatras palayo ng palayo mula sa kinatayuan ko
Ako’y naka tayo lang dahil baka sakaling hahakbang ka pabalik at ako’y yakapin mo
Ngunit wala ka man lang ginawa para manatili ako sa piling mo
Subalit hinayaan mo lang ako namawala at ako’y tuloyang maglaho
Pagod na ako dahil ako lang ang lumalaban sa kung anong meron tayo
Mahal kita pero nakakapagod na dahil kaagad ka nalang sumoko
Alam kung masakit dahil mahal pa kita at ayaw kung mawala ka
Pero sapat na ba yong salitang mahal kita kung ikaw susuko na
Alam kung hindi madali na kalimutan kung ano meron tayo noon
Oo hindi madali. Pero susubokan ko at sisikapin ko ulet na bumangon
Akala ko ba matibay tayo dahil sabi mo di mo na ako pakakawalan
Pero isang araw bumitaw ka na at ako’y iyo nalang hinayaan at binitawan
Saan na ba yong pangako mo na mamahalin mo ako habang buhay
Dahil sa nakikita ko ngayon araw-araw parang unti-unti mo narin akung pinatay