Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
w Nov 2016
18
Lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot
Lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan
Pero ang pinaka nakakalungkot sa lahat e yung puno ng tao sa isang kwarto
Puno ng tunog at salita
Puno ng biruan at tawanan
Pero ramdam **** nag-iisa ka
Ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka
Sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang
Kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman
Nakakapagod ano?
Nakakapagod magkunwaring masaya
Nakakapagod magkunwaring kaya mo pa
Pero alam naman natin
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan
Etong yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya
Eto yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa
Eto yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam
Iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran
Kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa
Yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan
Isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan
Alam ko,  pagod ka narin
Sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay
Sa mundong malawak at mapaglaro
Sa mga tulang isinulat pero walang laman
Sa mga nasambit na salitang wala man lang naantig
Sa mga matang blanko na walang ningning
Sa mga patok na banat pero hindi naman nakinabang
Sa mga mensahe sa inbox na puro lang chain messages ang laman galing sa kakilala **** di na umahon sa pagiging jejemon
Sa mga text ni Baby aka 8888 na pinapaalala kang expired na pala ang iyong load
Talaga namang nakakapagod ang mundo
Minsan nga nakakagago
Itulog nalang natin 'to, ano?
Ayan tayo e, dinadaan sa tulog ang lahat
Pero malay mo nga naman, baka sakaling sa mahabang paglimot sa mundo, isang panaginip lang pala ang lahat ng sakit
Hindi lang siguro dahil tamad kaya natutulog pero eto na marahil yung senyales ng pagsuko sa laban
Sa pagpiling takasan panandalian ang buhay at baka sakaling sa panaginip matupad ang nais ng puso
Kasi sa totoong buhay ang hirap tanggapin ang bawat sampal ng pagkabigo
Yung bang dalawang klase ng pagkabigo
Yung todo bigay ka sa una pero bokya ka parin
At yung isa naman, yung natatakot ka ng sumunggab at tinikop ka na agad ng takot
Beterana na nga ata sa larangan ng pagiging olats
Nganga kung nganga
Nada kung nada
Itlog kung itlog
Pero hindi pa tapos ang kwento
Malayo pa ang lalakbayin
May natitira pa naman sigurong alas dyan na di pa naitataya
Positibo naman ako na sa negatibong sitwasyon makakaalpas din
Lahat naman ng bagay lumilipas, parang yung paboritong pantalon na sa kakasuot unti-unting kumukupas
Tulad ng chika ng karakter sa pinapanood kong korean nobela, Fighting daw!
Minsan may pakinabang din pala ang pagharap sa telebisyon sa ganitong pagkakataon
Ngayon, alas otso medya ng gabi sinusulat ang mga katagang nais ilabas ng puso
Habang wala pang tugon mula sa itaaas
Salamat sa oras na tibok ng puso
Kakapit muna ako kay Captain Yoo
Sa seryoso pero nakakakilig na ugali,
Sa swabe niyang mga the moves,
Sa grabehan niyang mga titig,
At sa mala-fairytale nilang storya,
Captain, ako nalang please!
Ang huling pagkapagod kong nais ireklamo
Siguro sa paghihintay na may isang Captain Yoo Shijin na darating, na kikiliti sa pagod kong puso at magbibigay ng rasong ipagpatuloy ang labang kinapusan na ng dahilan.
Gat-Usig Oct 2013
Masiglang-masigla ang anino ng mga poste ng MeRalCo.
Nagmamadali ang mga oto,
Hinahabol ang matulin na tik-tak ng alas-otso.
Maingay ang mga gusali.
Maraming mukha ang bawat bintanang parihaba.
Ang mga mata ng Umaga
Ay waring mga hinog na mangga.



- P.T.Simon
CharmedlyJynxed Apr 2019
alas otso ng gabi.
nakatayo't naghihintay sa tabi.
mga letterang pilit inaaninag,
na ilaw ng poste ang tanging liwanag.

isa, dalawa, limang minuto,
hanggang umabot sa alas otso imedya
Nang sa wakas sa harap ko'y huminto.
nagmadaling sumakay kaya't ikay nabungo ng di sadya.

ako'y komportable sa pagkakaupo,
habang ika'y ngalay sa pagsabit.
nang ika'y nakaupo ako'y iyong kinalabit.
ngumiti ng kay tamis sabay sabing "bayad po".

natulala't nabighani sa iyong ngiti,
kaya't sinadyang madampian ang iyong palad.
puso'y di mapakali tila ba kinikiliti
napakasarap sa pakiramdam, walang katulad!

sa sumunod na araw, di nag atubiling magmadali,
pigil hininga sa pag aakalang ika'y makikita muli
pagdating ko'y hinanap ka ngunit wala ka na
tila ba sinasabing hindi tayo tinadhana.
Donward Bughaw Apr 2019
Nalalanghap ko
ang panghi sa nadaanang
eskinita,
napapansin sa sementadong pader ang mga salitang
nakasulat sa malalaking letra,
mga simbolong nagpapabatid ng huwad na kapatiran
marka,
pinta,
guhit
na nakakaakit,
nakakaantig
ang mga pasamano at pagbabating maririnig
na pinatatamis nang labi
pasimulan ang lahat sa beynte
hanggang sa umabot ng siyento-kensi
upang maipambibili ng pulang bote
at yosi
na kukuha nang huwisyo
ng sinumang magpaka bato
at sunod na inilabas,
isang matalim na kutsilyo
na isinaksak
sa sikmura ng kapatid ni Ka Ambo.
Naroroon ako ng matanaw
ang malungkot na pangyayaring ipininta ng gabi.
Isa ang fraternity sa mga pinaka-trend sa kolehiyo. Pero, minsan ba naitanong mo ang kahalagahan ng fraternity sa iyong sarili. May mga fraternity na ang hangad ang tunay na kapatiran at pagkakakilanlan pero may iba rin na ang gusto ay gulo lang. Pero hindi layunin ng isang samahan ang gumawa ng mg kalokohan, bagkus pagkakaisa at katahimikan. Depende ito sa kung paano dalhin ng isang miyembro ng kapatiran ang dinadalang sagisag ng pagkakapatiran.
Masaya ako nasa pagmulat ng aking mga mata ay mensahe mo agad ang aking makikita
Hindi namn nabago dahil simula umpisa ay binabati mo na ako ng "magandang umaga", " kumusta ang tulog mo"? "Kumain kana ba"?Hindi bat masarap sa feeling? Nasa bawat palitan ng ating mga mensahe ay kinakailangan ng paggalang animoy bumabalik sa nakaraan.
Parang Lola't lolo mo lang na nangangaral sayo tuwing ikay sasagot ng pabalang.
At kapag nawala ang "po" at "opo" sa mga pangungusap na ating binibitawan ay siguradong away na ang labanan, tampuhan, at suyuan.
Bakit hindi ka nag "oopo"? Bakit walang "po"?
Galit kaba? Ano bang ginawa ko sayo?
Mga palitan ng salita na hindi natin sigurado kung may patutunguhan paba.
Naalala ko pa nga nung gabing hindi ka nagrereply sa mga message ko. At mga ilang minuto, hindi ako nakuntento sa tagal ng reply mo. Napa-call na ako, baka bukod sa busy ka e baka may kausap ka ng iba. Para ba akong nahihibang parang sirang plakang hindi ko maintindihan, at hindi ako matatahimik hanggat diko alam ang dahilan ng ilang minutong iyong pananahan hanggang umabot ng ilang oras ay hindi parin nagnonotif...
Ang pangalan mo sa phone ko.
Hindi na ako nag-atubili hinawakan ko na ang aking telepono, tinawagan kita at naka-ilang miss call ako sayo pero tanging ring lang yung naririnig ko.
Hinayaan ko lang ang sarili ko sa panonood sa yt ng mga palabas na nakakatawa. Tulad na lang ng mga prank na walang kwenta. Yung tipong matatawa ka na lng sa kanila.
Matatawa ka na lng kasi kahit anong paglimot ang gawin mo ay maiisip mo parin kung bakit wala pa siyang reply sa mga text at calls mo. Sayang naman yung unli call and text na pinaload ko, kung hindi mo rin sasagutin mga tawag at text ko.
Hanggang sa umabot na ang umaga, heto ako't mulat parin ang mga mata.
Hindi ako dinalaw ng antok dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala.
At ngayon ko lang narealize na alas otso palang pala kagabi e tulog kana.
Nakakasira ng bait ang bumagtas ng isang puzzle na daan, nawala ni isang bakas man lang ang iniwan.
Felice Apr 2019
Aaminin kong may kasalanan ako
Subalit ako ba ay masisisi mo?
Kung s'yang puro pagdududa ang puso
Sa isang gaya **** parang ‘di seryoso

Totoo ba ang pagmamalasakit mo
Dahil sa t'wing pagpatak ng alas otso
'Yong tatanungin kung nakauwi ba 'ko
At kukumustahin din ang s'yang araw ko

Totoo ba ang iyong mga pangako
Na 'kaw ay ang taong maaasahan ko
Sa oras na nahihirapan na ako
At 'di ko na kinakaya pang tumayo

Ngayong sa panahong ika'y kailangan
Bakit abutin ka ay tila kay hirap?
Wala na ang mga pangakong binitaw
At akong nasa ere ay 'yong iniwan

Bakit ba ako laging namamalimos
Kahit iyong lang katiting na atensyon
Masyado yatang nakampante ang puso
Na 'di ko namalayang ika'y naglaho
Wrote this after I ended my connection with someone I used to like. This is the last poem I created about him. I hope that he's already happy right now.
Enero Diez y Otso, Dos mil Kinse
Kayrami paring mga sumalubong sa kalye
Unang tinungo Unibersidad ng Santo Tomas
Tuloy parin ang pangaral at pagbasbas
Nakipagkita mga pinuno ng ibang relihiyon
Humingi ng pag-unawa at kapayapaan sa mga nasyon
Nakinig sa hinaing ng mga kabataan
Inalo isang batang babaeng luhaan
Huling tinungo ang Grandstand sa Quirino
Kung saan may pinakamaraming dumalo
Tinig ng koro nakapangingilabot
Mensahe ng Dios abot na abot
Oh anong saya nang tawagin ng Santo Papa
Na dakila ang aming munting bansa
Ngayong kapistahan ni Santo Niño
Kanyang ipinaalaala halaga ng mga bata sa mundo.

-01/19/2015
(Dumarao)
*Pope Francis Fever Collection
My Poem No. 319

— The End —