Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Oct 2018
"Ilabas ninyo ang kuya namin!" sigaw ni Mon.

"KUYA! Kami to mga kapatid mo!" sigaw naman ni Jef.

Halos magambala na ang mga kapitbahay sa kalye Casa dahil sa ingay ng pagsisigaw ng magkakapatid. Mahigit sampung taon na rin nilang hinahanap ang kanilang nakatatandang kapatid. At may nakapagsabi sa kanilang nasa kalye Casa lamang ito at kasama ang tunay nitong mga kapatid.

"Anong problema ninyo ha? Nakakaistorbo na kayo sa kabilang at sa kalye rito. Sino ba hinahanap niyo ha?" lumabas ang isang matangkad na lalaki at nagsalita sa kanila.

"Alam naming nandito ang kuya Regie naman. Ilabas niyo siya!" sigaw ni Mon.

"Walang Regie dito. At sino kayo? Ni hindi ko nga kayo kilala e," sagot ni ng lalaki.

"Kilala ka namin at ikaw ang nakatatandang kapatid namin. Magkakapatid tayo sa ama. Ikaw si kuya Ryan," wika ulit ni Mon.

"Ah ganun ba? Bakit hindi ko yata alam? Sino bang tatay ang tinutukoy mo?" takang-taka ang mukha ni Ryan nang sabihin nito na magkapatid daw sila sa ama.

"Hindi ikaw ang sadya namin dito. Ilabas mo ang kuya namin!" wika ni Jef. Agad siyang nakipagpatintero upang makapasok sa loob ng bahay. Pero napigilan ito ni Ryan.

"At anong karapatan mo, ninyo na pumasok sa bahay ko? Kayo ba ang may-ari?" mataas na ang boses ni Ryan nang mga sandaling iyon pero nanatili pa rin siyang mahinahon dahil ayaw niyang gumulo pa. "Ang mabuti pa ay umuwi na lang kayo. Walang Regie dito. Nagkamali kayo ng pinuntahan."

"Hindi kami aalis dito. Alam naming nasa loob ang kuya namin. Ilabas niyo siya?" nagpupumilit pa rin si Mon at bigla na lamang niyang iwinaksi ang kamay ni Ryan na nakaharang sa pintuan ng kaniyang bahay. Hindi naman hinayaan ni Ryan na makapasok ito at doon ay ibinuhos na ang kaniyang galit.

"SUBUKAN NINYONG MAGPUMILIT PA NA MAKAPASOK! Ipapa-barangay ko na kayong lahat!" halos kita na ang mga ugat sa leeg ni Ryan sa pagsigaw nito sa kanila. Pero hindi pa rin natinag ang magkakapatid.

"Wala kaming pakialam kung iyan ang gusto mo!" bulyaw naman ni Mon.

Magsisimula na sana ang matinding kaguluhan sa pagitan ni Ryan at ng magkakapatid nang isang boses ang kanilang narinig.

"Sino ba ang hinahanap ninyo ha?" wika nito at mula sa likuran ni Ryan ay nakita nito ang kaniyang kapatid na inaalayan ng isa pa niyang kapatid. Mangiyak-ngiyak naman ang magkakapatid na Mon at Jeff nang makita ang pakay nila.

"Kuya! Kuya Regie!" magkasabay na tawag nila sa pangalan nito.

"Sinong maysabi sa inyo na lapitan ang kuya Ron ko ha?" sigaw naman ng isang binata na nakaalalay kay Ron.

"Hayaan mo muna sila Anghel," saway nito sa kapatid na patuloy pa rin sa pag-aalay kay Ron.

"Kuya, ako ito, si Mon at kasama ko si toto Jef. Kuya, miss ka na namin. Uwi na tayo, please!" nang mga oras na iyon ay nanatiling walang emosyon si Ron sa mga salitang kaniyang naririnig.

"Hindi ako si Regie at lalong hindi ako ang kuya ninyo. Wala akong kapatid na Jeff at Mon. Anghel lang at kuya Ryan ang mayroon ako. Kaya, pakiusap umalis na kayo rito!" wika ni Ron.

"Kuya, bakit? Ano ba ang nangyari? Anong ginawa niyo sa kuya namin ha?" nagtatakang tanong ni Mon nang mapansin sa iisang direksyon lang ito nakatingin.

"Bulag ang kuya Ron namin. Naaksidente siya. Kaya kung maaari ay lisanin niyo na ang bahay namin dahil hindi ito makabubuti sa kaniyang pagpapagaling. Pakiusap," sagot ni Anghel.

"Kuya. Alam naming ikaw iyan. Ikaw si kuya Regie namin. Ikaw ang tumulong sa amin nang mga oras na kailangan ka namin at nandito na kami upang kami na ang mag-alaga sa iyo. Please bumalik ka na sa amin. Nakikiusap kami kuya Regie. Kuya Ryan, payagan niyo na po kaming iuwi kuya namin," parang gripong sunod sunod sa pag-agos ang mga luha ni Mon.

"Walang isasama! Hindi niyo siya kuya. Kuya namin siya! Umalis na kayo rito!" bulyaw ni Anghel. Naitulak ni Anghel si Mon at muntik na itong matumba. Nang makabawi ay sinuntok niya si Anghel sa mukha at nakipagsuntukan na rin ito kay Mon. Pilit namang nakikinig at nakikiramdam si Ron sa mga pangyayari.

"ITIGIL NINYO 'YAN!" sigaw nang sigaw si Ron pero tila walang nakakarinig. Panay naman ang awat ni Jef at Ryan kina Mon at Anghel. Hindi na nakatiis si Ron at muli itong sumigaw.

"TITIGIL KAYO O AKO ANG AALIS!" lahat ay napalingon kay Ron at maagap na bumalik si Anghel sa tabi ng kaniyang kuya upang pigilan ito.

"Sorry, kuya," pagpaumanhin ni Anghel.

"Kayong dalawa, Jeff at Mon, pakiusap. Ayaw ko ng gulo. Umuwi na kayo dahil walang Regie sa pamamahay na ito. Hindi ko kayo kilala at lalong wala akong matandaang tinulungan ko kayo bago pa ako maaksidente. Kaya, umuwi na kayo!"

Hindi naman nakapagsalit sina Jef at Mon. Mabibigat ang mga paang nilisan nila ang bahay na iyon na patuloy pa rin sa pag-iyak dahil nabigo silang iuwi ang kanilang kuya Regie.

Habang papalayo naman ang magkapatid ay doon na bumigay si Ron at hindi na napigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Ang totoo ay kilala niya sila ngunit ayaw na niyang matali pang muli sa nakaraan. Masaya na siyang malaman na ang kaniyang mga step brothers ay nasa mabuti nang kalagayan. Kahit sa kaloob-looban ng kaniyang puso ay sabik din itong mayakap sila pero naipangako niya sa kaniyang sarili na kalimutan na niya ang kaniyang pinagmulan at ang mga taong naging bahagi ng kaniyang nakaraan. Nais niyang ituon na lamang sa kaniyang tunay na mga kapatid ang pagmamahal na hindi niya naiparamdam sa mga ito buhat nang sila ay nawalay sa isa't isa.
JOJO C PINCA Nov 2017
“Wake up and live”
― Bob Marley

Mga mukhang tao pero ugaling hayup,
hindi naman aso pero laging kumakahol.
Mga bastos magsalita,
mas salaula pa sa baboy ang mga putang-ina.
Matataas ang kanilang pinag-aralan
pero bagsak ang grado pagdating sa kagandahang asal.
Sa maiksing salita mga MAL-EDUKADO sila.

Ayaw nila nang sinasagot sila kahit nambabastos sila.
Gusto nila na galangin sila pero wala silang galang sa kapwa nila.
Masyadong mataas ang tingin sa kanilang sarili
kaya sobrang baba kung ituring nila ang iba.
In short, mga HIJO at HIJA DE PUTA sila.

Ang kanilang libangan ay ang pagalitan ang mga nasa ibaba nila.
Hindi sila kailanman pweding magkamali
at hindi nila tatanggapin ang kanilang naging pagkakamali.
Ang ipasa ang sisi d’yan sila dalubhasa na tila ba sanay na manggahasa,
manggahasa ng damdamin ng iba.
Ang paborito nilang motto ay ito “THE BOSS IS ALWAYS RIGHT”.

Mga bossing na saksakan ng kupal hindi pa kayo tamaan ng kidlat.
Sana bumuka ang lupa at lamunin kayong lahat.
Kung totoo ang aswang sana dagitin kayo ng mga manananggal.
Bakit kasi hindi pa kayo dukutin ng mga Tamawo?  

Ang mga katulad ninyo ang nagpapahirap sa buhay ng mga maliliit na tao. "You're adding insult to injury."
Dinadagdagan ninyo ang sugat sa kanilang mga dibdib.
Ipinamumukha ninyo lagi kung gaano lang sila kaliit.
Hindi kayo marunong umunawa at maawa
kasi ang alam lang ninyo ay ang mag-utos.
Puro lang pakinabang ang laman ng utak ninyo.

Hindi ninyo alam kung paano mabuhay ng marangal
kasi wala kayong dangal.
Salapi at posisyon ‘yan lang ang gusto ninyo.
Kapag hindi na ninyo napapakinabangan ang isang manggagawa
hindi na n’yo ito pinapansin,
walang pagsalang na inyong binabaliwala.
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
JK Cabresos Nov 2013
Kabalo ba mo nga ang love, pag-ibig,
gugma o unsa bay tawag ninyo ana
kay muabot ra nag iyaha?
Di lang jud nuon magsaba
kay wa man gud siyay baba.

Bitaw, unsa man jud tuod diay ng
TRUE LOVE?
O basin THROWN LOVE na ha?

Ana man gud na oh,
sakto na unta!
Siya na unta!
Eh, shunga-shunga man gud ka,
gibuy-an pa jud nimo siya.

Dayon magdangoyngoy ra ba,
maghinuktok ug muingon nga
"Sayang kaayo!"
Apan wa na jud kay mabuhat pa
para ibalik inyong napakyas nga
LOVE STORY.

Sumo biya usahay paminawon
inyong mga pagmahay!
Wa lang jud mi mabuhat
kay bespren biya mi ninyo!

Sige na lang dayon ug hilaka
ug kadugayan PEANUT BITTER na,
hay naku!

Busa, mao ni akong advice sa inyo...

Ana man gud sila nga...

Ang gugma daw mura ra nag itlog...

Basta hugot ra kaayo ang paggunit,
mabuak...

Apan basta luag ra pud,
mahulog ra ug mabuak japun...
busa kanang sakto ra jud...

Unya ako?
Kay danghag man jud kaayo,
busa naa ra ko diri karun
nagsubo ug nag-inusara...

Busa sa di pa mahuman ni akong balak,
naa lang unta koy ipangutana...




Gusto ba ninyo gunitan ang akong itlog?
Eugene Jul 2016
Pipigilan ko ba kung hindi ko na kaya?
Hahayaan ko na lang bang umagos ang mga luha?
Tatahimik na lamang ba ako at hindi magsasalita,
Kung puso ko ngayon ay mabigat na mabigat na?


Ano ba ang kasalanan ko at ako ay pinagkaitan?
Nagkamali ba ako, kaya pasan ko ang kapighatian?
May magagagawa pa ba ako kung dalawa na kayo ang nang-iwan,
At isisigaw na lamang sa hangin ang lahat ng aking pinagdaanan?


Tinutusok ang puso ko, nadudurog na parang yelo.
Nanghihina ako, kulang na lang ako ay mag-deliryo.
Ano ba kasi ang kasalanan ko at ako ay pinaghiwalay ninyo?
Nasaan ang pagmamahal na matagal kong hinintay na maramdaman sa tunay na ina ko?


Tatlong dekada akong nagtiis sa pag-aakalang tama kayo.
Tatlong dekada akong naghirap para maiahon ko kayo.
Tatlong dekada akong nagbigay ng purong pagmamahal para ipagmalaki ninyo ako.
Pero bakit kailangang itago ninyo ang katotohanan sa tunay na pagkatao ko?


Sinubukan kong tuklasin pero pinagbawalan niyo ako.
Tinangka kong alamin pero ayaw ninyo.
Nang tangayin ang pag-asang mayroon ako,
Hindi niyo sinabing may tunay na kapatid pala ako.


Hahalikan ko na lamang ang hangin.
Pakikinggan ko na lamang ang boses ng kalikasan.
Sasayaw sa tunog ng kalembang sa kung saan,
Hanggang sa buhay ko ay tuluyan maparam.
John AD Aug 2018
Kailan kaya mamumulat ang mga pilipino at iwasan ang pag ka ganid sa salapi
Kailan kaya matutupad ang pangarap kong mahirap mangyari
Sa sarili , bayan , at sa aking mga kababayan na masarap ang tulog sa gabi
Nasan na kaya ang mga kaibigan ko dati na nagbibigay saya palagi?

Puno parin ba nang hinagpis at sakit ang mga puno na puno ng kalungkutan?
Kamusta na kaya ang mga taong hindi na nakaalis sa kalungkutan at patuloy na nahihirapan?
Ang konsensya kong patuloy na gumagambala sa akin tuwing ako'y nagiisa
Hindi ko naman gusto ang mga nangyari , tuloy parin ang paggalaw at hindi paralisa

Bigo man ako sa mga bagay , patuloy parin at sinubukan gumawa ng paraan para makatulong sa bayan
Wala man dumating at magpasaya sa akin , patuloy parin sa pagrespeto sa kapaligiran
Malabo nga bang imulat ang isipan ng aking mga kababayan o nasisilaw lang sila sa kayamanan
Na nanggaling sa kasakiman ng iilang gahaman sa ating bayan

Ang sarap sa pakiramdam mamuhay ng simple at walang ipinaglalaban kundi ang pamilya at minamahal
Mga simoy ng hangin na sariwa at walang teknolohiya na gumugulo sa ating mga isipan kailanman.
Huni ng ibon , magagandang tanawin sa bakuran at paggalang sa nakakatanda na bihira nang mangyari sa kasalukuyan
Ang daming pangarap na mahirap matupad , kapag hindi natupad ang aking mga pangarap hanapin ninyo ako sa lupang aking tinamnan ng puno na aking  inukitan,habang lumulutang ang aking katawan na nakatali ang abaka sa aking leeg dala ng kabiguan.
George Andres Jul 2016
PAG-ASA/ISKOLAR NG BAYANG DUKHA
Madilim na sulok,
Kung san nagdurugo ang mga palad habang rosaryo’y hawak
Gunita’y lumipad habang likod’y dumaranak
Naalala ko pa no'y si Inang ingat na ingat sa isang batang mataba,
Matabang pitakang puno ng libo-libong kwarta
Sahod nilang mag-asawa na sa akin lang ginagasta
Para sa tuition ko, para sa pagkain, pamasahe't libro
O inang minamahal ako nang labis
Kung ang buwaya pa kayang tumatangis
Di maantig sa iyo’t tumalilis?
Sa pagligo sa likod ay laging may langis
Langis ng niyog na kinayod ng ‘yong nginig at mapupula nang kamay
Kung sa gabi’y rinig na rinig ko ang iyong pusong lukso nang lukso
Sa ilalim ng kulambong dinusta na ng panahon
Di mo magawang umalis kung dapuan ako ng sipon
Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis
Sa loob ng tahanan di makitaan itlog ng ipis

Ako ang pasakit ng aba ninyong buhay
Pakiusap, pilitin **** lumakad parin gamit ang 'yong saklay
Hintayin **** mabigyan rin kita ng magandang buhay
Kung pagiging matiwasay ay dahil sa pagkakawalay
Tila di narin kaya ng loob kong patpatin
Sa ideya lamang nito’y tiyak na lalagnatin
O inay! Patawad kung pagod nang tumaas-baba pa aking baga
O Lubid sa inaanay na dingding  na tinitingala
Sa halip ng makikinang at mala diyamanteng mga tala
Huwag mo akong paglawayin sa iyong panlilinlang
Di magagawang sakupin ng depresyon ang tino kong nawawala
Ni ihulog ako nang tuluyan sa mahabaging grasya
Dahil kung sa pag buhos ng kamalasan ay patakan ang huling pasensya
Sa baha na isang pagtaas na lamang ay lulunurin na
At saka lamang ako sa huli'y makakahinga

Isa na akong kawalan na nilagyan ng katawan
Saksakin man, wala na akong maramdaman
Walang kikirot na laman
Walang dugong dadaloy nang luhaan
Sundalong natuyot na ng labanan
Binalot na ng kahihiyan at pagtataka kung mayroon ba akong kakayahan?
Biningi na nga ako ng mga sigaw sa aking isipan

Mas dukha pa akong di makakita pa ng liwanag
Liwanag na sa Bilibid natitikaman miski mga nag-aagawan
May hangin ngunit ako lang ang nalulunod
May dagat at ako lang ang di makalangoy
Mas preso pa akong walang makain nang di hamak
Mata kong bagsak at pula na, tighiyawat na parang sunog at di na maapula
Kakapalan lang ang ipakita ang mukha sa labas
Dahil kailan ba ang mundo'y naging patas sa batas?
Batas ng pag-iral ng matibay na loob
Ito na ang mga taong noo'y tinawag kong ungas
Bumubuhay na ng pamilya't may pambili na ng bigas

Sa loob ng maliit na kwadro
Sapat ang isang upua't mesa at isang kabayo
Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan
Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan
Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan
Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan?
Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan
Salamin ng ninakaw na kabataan, ng inuman at kasiyahan
Repleksyon ng mga desisyong sa nakaraa'y napagpasiyahan

Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan
Bakit call center lang ang aking babagsakan?
O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan?
Piso lang ba  halaga ng lahat ng aking pagsisikap?
Ito ba ang direksyon ng matamis na buhay na sa huli'y inalat?
Madali pa pala ang unibersidad
May kalayaan, oo tao'y mga mulat
Marami umano  ang buhok ng oportunidad
Hatakin man ay nasa harap ang bagsak

Kahapon itlog at pancit canton,
Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon
Inakalang sa tren isa akong bagon
Sa bilis ng oras ay papadayon
Isang buwan nang matapos na ako
Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon
Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon
Interbyu sa opisinang may pagka-amoy baygon
Ugali sa trabaho’y ako raw ay patapon
Kaklase sa hayskul aking nakasalubong
Nagsimula sa wala, ngayo’y umuusbong
Eh ilang beses ba ‘yong umulit ng ikatlong taon?!
Di maatim ng sikmura sila'y yumayabong
Habang ako rito sa kumot ay nakatalukbong

Hawak ko ang kwintas na mistulang ahas sa aking leeg
Nawalang pag-asa ng bayang tinakasan
Sasablay ako hanggang sa huling sandali
Kagitingan at kagalingan ang aking pasan pasan
Taas ang kamao habang dama ang gasgas ng tali sa aking lalamunan
Hinding hindi ninyo ako magiging utusan

Ito na ang mga huling salita sa aking talaarawan
Sinimulan kong isulat nang matapakan bukana ng Diliman
Bitbit ang banig at walang pag-alinlangan sa kinabukasan
Tilapiang pinilit sumagupa sa tubig-alat
Hinayaang lamunin ng mga pating na nagkalat
Nag-iisang makakaalis sa aming bayan
Dukhang nakita ang yaman ng Kamaynilaan
Dustang panliliit ang aking naging kalaban
Gabi-gabing basa aking banig sa malamig na sahig
Paulit-ulit sa aking pandinig ang salitang isang kahig!
Sa huli'y ano bang idinayo ko sa pamantasan?
Oo! Oo! Kaaalaman at pag-ahon sa kahirapan
Sa agendang ito ako pala ay tumaliwas
Sa mumurahin ako’y umiwas
Anupa’t sa aking kabataan, naging mapangahas
Ginamit nang ginamit pag-iisip kong nawalan na ng lakas
Sumama sa lahat ng lakara’t laging nasa labas
Tinapos agad-agad mabalanse lang ang lahat
Gabi-gabing sunog kilay pati balat
Waldas dito waldas doon, yan lang ang katapat
Sa huli’y doon na nga natapos ang lahat

Singsing ng pangako sa kanya,
Sa pamantasang sinisinta
Sa kahirapan di niya ako makikita
Bayang yayapusin mala linta

Ako raw ang pag-asa, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan
Oo, naghikaos ang pamilya makalusot lang
Taas ng pinag-aralan, kung sa ibang bayan, sahod lang ng bayaran?
Mamamatay akong may dangal at pagmamataas sa aking kinatatayuan
Tatalon sa bangko't idududyan sariling katawan
Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
Patawad sa bayan kong di na mapaglilingkuran!
Paalam sa bayang di pa rin alam ang kahulugan ng kalayaan!
7816
Edited this again for a schoolwork.
M e l l o Jul 2019
Simpleng aya lang pero alam ko na kung ano ang naglalaro sa isip mo.

Ano na? Sasama ka ba?
Wag kang mag-alala hindi ako magtatanong kung
"open minded ka ba?"

Kung matagal na tayong magkakilala
alam na alam mo na kung ano ang aking sadya.

Umpisahan natin sa simpleng kamustahan,
madalas pag ako nag-aya malamang matagal tayong hindi nagkita
Saan ba tayo magkakape?
Ayos lang ba sayo
kung d'yan lang sa tabi tabi?
Pero alam kong mas maganda
ang usapan natin sa loob ng magandang café
pero pag wala tayong budget
baka naman pwede na iyong nescafé?
Ano ba mayroon sa pagkakape?
At bakit tila ba napakaimportante?
Ang tanong ano ba ang iyong forté?
Oh natawa ka mali pala ang aking sinabi
Ang ibig sabihin ko ay ano ba
ang gusto mo sa kape?
Malamig o maiinit?
Latté ba o yung frappe ang gusto mo
okay na ko sa brewed o americano
sorry medyo lactose intolerant ako
kaya bahala ka na mamili ng gusto mo
may kwento ako habang ika'y namimili
kwentohan kita tungkol sa mga taong
minsan ko nang inaya o di kaya'y nag-aya sakin na magkape
at sana mabasa niyo din ito
alam niyo na kung sino kayo dito,
wag kayong kabahan sa pagkat
ang inyong mga pangalan ay hindi ko
ipaglalandakan masyado akong concern sa pagkakaibigan natin
baka ako ay inyong biglang iwanan wag naman.


Simulan natin ang kwento sa kaibigan kong mga lalaki,
special 'tong dalawa kasi kakaiba
yung isa ang lakas ng loob niyang ayain ako
nang makapasok kami sa café
akala ko magkakape kami
akala ko lang pala yun
aba'y pagkapasok umorder agad ako ng kape
pero siya'y umorder ng tsokolate
loko 'to na scam ako
habang yung isa well,
ako yung nag-aya medyo matagal na din kaming hindi nagkita
kaya naman ako'y nabigla bagong buhay na daw siya
at umiiwas magkape sabi niya
gusto pa daw niyang matulog
nang mahimbing mamayang gabi
kaya ayun tsokalate din ang pinili
Ano?
Alam mo na yan kung sino ka d'yan.

Kinakabahan ka na ba?
Ikaw na kasunod nito.

May dalawa pa akong kaibigan
na lalaki,
pareho silang pag nag-aaya magkape
kailangan ko pang bumyahe
yung isa mailap at andyan lang
sa makati
at yung isa kailangan ko pang mag mrt kasi nakatira siya sa quezon city
sobrang weird lang ng isa kasi
yung bagong flavor sa menu nang café
tinatry niya parati
banggitin ko yung nasubukan niyang
flavor sa teavana series ng SB
Hibiscus tea with pomegranate
nasabi mo lasang gumamela
at yung matcha & espresso fusion
na nagmadali kang umuwi pagkatapos **** uminom
Hulaan mo kung sino ka rito?


Lipat tayo sa mga kaibigan
kong mga babae
pero bago ko simulan ang kwento,
madami akong kaibigang babae na sobrang mahilig din magkape
pero pasintabi sa mga lalaki
may gusto lamang akong ipabatid
pag kaming mga babae
ang magkakasamang magkape
pag ikaw ang nobyo ng isa dito'y
malamang lovelife ninyo ang topic
wag mabahala kapatid kasi
madami dami din naman kaming
napag-uusapan maliban sa lovelife niyong medyo kinulang
minsan may nangyayari pang retohan
pero lahat yun biro lang baka mapagalitan
pag ang topic na yan ang hantungan
kung ikaw ay nasa tabing mesa lang
malamang mapapailing ka na lang
sa mga topic namin na
punong puno ng kabaliwan
minsan pinaguusapan pa namin
kung sino yung couple
na naghiwalayan kamakailan, inaamin ko
songsong couple kasama sa usapan.

Dalawang grupo 'tong kasunod.

Eto yung mga kaibigan ko na kung kami'y magkape puro deep talks ang nangyayari,
mga bagay sa mundo na hindi mo akalain nakakagulo sa taong akala mo hindi pasan ang mundo.
Mabibigat na usapan na may kasamang konti lang naman na iyakan
sama ng loob, pagkabigo at sobrang pagka stressed sa trabaho.
Ilang mura ang maririnig mo
pag sensitive ka at hindi nagmumura
hindi ka kasama dito.
Eto yung deep talks na walang tulogan
alam mo na yan part ka dito
mga usapan na kung iyong pakikinggan ay
masasabi mo sobrang weird naman
ang mga topic ay everything
under the sun yun nga lang dudugo tenga mo sa technical terms at englishan.

Eto yung grupo ng deep talks yung topic ay puro pangarap, eto yung deep talks na masasabi kong very inspirational at educational. Hindi tulad ng naunang grupo
sa ganitong usapan madami kang malalaman.
Dito lalabas ang mga katagang
"Wag mo kasing masyadong galingan"
at yung "baka hindi mo ginalingan"
Sasakit ang tiyan mo kakatawa at sasakit mata mo sa kakapigil ng iyong luha eto yung genres ng deep talks na may humor, drama, slice of life, at shoujo.
Mga usapang trabaho katulad nang parang naging monotonous at routinary na ang buhay:
Need mo lang ng new environment?
Mag bakasyon ka?
Career growth?
Feeling stagnant?
At
Mga usapang gigil sa ganitong mga tirada:
Ilang taon ka na?
Kelan ka mag-aasawa?
May boyfriend ka na ba?
Nagpapayaman ka ba?
Bakit si ano may ganito na ikaw kelan?
Naka move on ka na ba?

Ano asan kayo d'yan?
Wala ba?

May grupo din na sila laging nag-aayang magkape, mga kaibigan ko na ang usapan lagi ay magkita
sa ganitong oras ay palaging
hindi sumasakto ang dating
Pag eto yung kasama ko puro usapan namin ay mga memories noong elementary
minsan lang magkakasama pero ang samahan solid naman ang lalakas mag kulitan o ano kelan ulit tayo pupunta ng mambukal?
Sino na ang ikakasal?


Sa sobrang dami kong nabanggit
muntik ko nang makalimutan ang dalawang babae na 'to
pag kami nagkikita bakit puro ako yung napupurohan sa asaran
ang layo namin ngayon pero sana
pag-uwi ay magkakape ulit tayong tatlo
sobrang dami ko nang baong kwento malamang yung isa dyan isang maleta ang hila niyan
sagot ko na ang kape pero pakiusap
hayaan niyo muna akong makaganti.


Ang dami ko nang naikwento pero hindi mo ba naitanong
kung saan nanggaling ang pagkahilig
ko sa kape? Walk through kita sa buhay ko, mahilig magkape ang papa ko, mas naunang nakatikim ng kape ang kapatid ko, yung isa hindi mo mapipilit magkape at madalas magsimsim ang mama ko sa kape ko.

May mga tao din akong nakasama magkape, may mga sobrang ganda ng topic. Dali na kwento mo na. May mga taong tatanungin ka din kong ano ba ang hilig mo pati pagsusulat ko kinakamusta ako.
Hindi lahat alam na nagsusulat ako yung iba na may alam, kabahan kana alam **** andito ka.

Salamat sa pagbabasa, ngayon lang ako lumabas para isama ka sa obra na 'to.
Asahan mo na marami pang kasunod na iba,
nakatago lang sa kahon kung saan memoryado ko pa.


Lahat nang naikwento kong tao mahalaga sa buhay ko, yung iba nakilala ko lang nang husto dahil sa simpleng salita na "kape tayo"
Alam mo na kung bakit importante sakin ang pagkakape?
Alam mo na ang aking sadya?
Kung hindi pa baka hindi mo pa ako kilala. Handa akong magpakilala sayo, makinig sa kwento mo. Nag-aalala ka na baka isulat ko?
Sasabihan kita ng diretso kung oo.
Hindi mo pa ba ako nakasama magkape?
Ngayon pa lang inaanyayahan kita, taos puso kitang iniimbitahan.

"Kape tayo"

Sana sumama ka.
Poetry appreciation piece for my family, friends & coffee buddies
Jeremiah Ramos Jun 2016
Pwede bang pakisabi mo sa akin kung ano ang pag-ibig?
Pakiramdam ko kasi ako na lang ang hindi makahanap nito.
Pakiramdam ko kasi hindi sapat yung mga salitang nakalimbag sa diksyunaryo para maintindihan ko,
Hindi din siguro sapat yung mga gabing 'di ako makatulog dahil sa'yo,
'Di din sapat na kasama ka sa mga salitang lumalangoy sa isipan ko tuwing susulat ako ng tula
Hindi pa rin ba sapat,
na nakilala kita?
Para maintindihan ang pag-ibig?

Para akong isang musmos na batang hinahanap ang kahulugan ng isang matalinghagang salitang nabasa niya sa isang tula.
Nahihiyang itanong sa mga magulang at kaibigan,
Kailangan ang sarili lang ang maka-intindi at makaramdam.

Hindi ako makahinga,
Sinasakal ako ng mga walang katapusang tanong,
Kung ano nga ba talaga ang pag-ibig?
Kung hinahanap nga ba 'to, o kung kusa nga ba 'tong dadating.

Kung ang pag-ibig ba ay...
Yung sandaling tumigil ang oras nang nakita mo siya sa unang pagkakataon?
Yung nalaman ninyo ang pangalan ng isa't-isa at inukit mo na agad 'to sa isipan mo, at lumipas ang ilang araw may rebulto na siya sa puso mo.
Ang pag-ibig ba ay...
Ang mga saktong puwang ng inyong mga kamay?
Ang bilis ng tibok ng puso mo nang una mo siyang nayakap?
Nang nagsalubong ang inyong mga labi at nalaman niyo ang bawat sikretong tinatago sa katahimikan.
Nang makita mo ang mga mata niya at naalala mo noong una kang nakakita ng mga kuliglig.
Natakot ka at nabighani.
Ang pag-ibig ba ay...
Ang pagpapakatanga sa isang taong niloko ka na ng tatlong beses?
Ang mga guhit sa braso mo?
Ang mga natuyong luha mo?

Ang pag-ibig ba ay ang pagmahal sa isang taong may mahal din na iba?

Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi nangyari ang lahat ng napanood mo sa pelikula at nabasa sa libro?
Hindi ba pag-ibig ang pag-ibig, kung hindi ka nasaktan?

Natatakot ako,
Na baka sa sobrang tagal ko sa paghanap ng mga kasagutan,
Mapapagod ako at susuko.
Nabuklat ko na ata lahat ng mga talahuluganan at tesauro,
Tila bang kaya ko nang gumawa ng tula para sa bawat salitang nakilala ko,
Pero pinili kong mag-sulat sa isang salitang hindi ko nahanapan ng kahulugan.

Limang beses ako nag-akala na nakilala ko ang pag-ibig,
Limang beses akong nagkamali.
Hindi ko alam kung tama pa bang kuwestiyonin ang pag-ibig,
Ang ano, bakit, kailan, at paano.
Siguro mananatili na lang 'tong matalinghagang salitang walang kahulugan at kailangan maramdaman para maintindihan.

Pangako,
Sa sandaling maramdaman natin 'to.
Magmamahalan tayo ng higit pa sa pag-ibig.
Probably my last love poem, I'm gonna take a break writing about love for a while.
derek May 2016
Napapagod na akong tumingin sa Facebook ko.
Sa dingding ng mga masasayang larawan ng mga kaibigan, katrabaho
Sa dingding ng mga opinyon na nagdudulot ng masalimuot na pagtatalo
Sa dingding ng mga tagumpay na nakamit mo sa pagsusumikap mo
Sa dingding ng mga narating **** lugar na sobra na ang layo
Sa dingding ng mga video ng pagbigkas mo ng tula sa harap ng maraming tao
Sa dingding ng mga sandaling iginapos mo para ipamukha sa akin na ang buhay ko ay pagkabaho.

Salamat sa mga larawan ng masasayang sandali kasama ng iyong kabiyak
ng inyong matamis na pagmamahalan, na sa sobrang tuwa gusto mo nang umiyak
Nang matuloy kayo sa simbahan, oo na, marami na ang nagagalak
Eto na ang puso ko, wag ka nang mahiya, tuhugin mo na ng itak.

Salamat sa mga opinyon mo tungkol sa paborito **** kandidato
Wala ka na atang ibang ginawa kung hindi halughugin ang Internet para sa bawat artikulo
Para isulat sa dingding mo kadikit ng mga opinyon **** walang humihingi, kahit na sino
Para kang teacher ko na may dalang nutri-bun na isinasaksak pilit sa akin kahit sukang-suka na ako.

Salamat sa mga salita ng pasasalamat na binibigkas mo
kung gaano kadaming biyaya ang ipinagkaloob ng Bathala sa iyo
Sa bawat tagumpay na nakamtan mo sa napili **** trabaho
Naitatanim ko tuloy sa aking isip, kung bakit ang layo mo gayong sabay lang tayo?

Pasensya na, malamang sa inyo ay may natatamaan ako
Wala akong planong durugin ang kahit na anong ugnayan ko sa inyo
Gusto ko lang banlawan, langgasin ang nalalasong utak at puso ko
na pinapatay ng Facebook sa tuwing titignan ko ang mga dingding ninyo.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na sa paninindigan ako ay wala
Na hindi ko kaya maglahad ng opinyon kasi walang papansin, walang maniniwala
Dahil maraming beses na akong naging tapat noong ako ay nasa highschool pa
Wala akong naging kaibigan. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na hindi na ako makakarating kahit saan pa.
Kasi pinili kong manatili, kahit mainit, kumpara sa ibang bansa
Dahil nanuot sa aking dila na hindi ko kayang makipag-usap sa kahit na sinong banyaga
Kasi palpak ang Ingles ko. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Kung gaanong ipinararamdam sa akin na mamamatay akong mag-isa
Na hindi ako magkakaroon ng pagkakataong lumigaya
Dahil sa pinalagpas kong sandali, ay hindi na mauulit pa
Dahil wala akong kwentang lalaki. Narinig mo? Wala akong kwenta.

Sobrang baba na ng pagtingin ko sa sarili ko.
Ang tanikalang gamit sana para makipagugnayan sa mga kakilala ay tila naging isang angkla na humihila sa mga paa ko
pailalim sa karagatang puno ng mga pusong natalo
Nabigo sa pag-ibig, sa buhay, at sa kahit na ano.

Kaya lalayo na ako sa mga dingding ninyo.
Hindi na ako papayag na manatiling tumatanggap na lang ng kahit na anong ipapaskil mo.
Tatakas ako sa mga rehas na nilikha ng mga masasaya ninyong minuto
Magtatayo ako ng sarili kong dingding. Bubuuin ko ang aking pagkatao mula sa pagkakapira-piraso.
Bryant Arinos Aug 2018
Ako si Juan

Para kanino ba ang pangalang yan?
Para sa taong may pinag-aralan?
Para sa taong may pinaghirapan?
O para rin sa mga taong nahihirapan?

Mga tanong yan na umiikot sa mundong kinabibilangan ko.
Hindi ko piniling maging ganito pero ito na ata ang isinulat sa tadhana ko.
Ang maging di kanais-kais sa paningin
At mas lalong di maging kapansin-pansin.

Ako Si Juan

Pilipino rin ako pero bakit tingin niyo sa akin walang kwentang tao?
Pilipino rin ako at hindi ko ninais na maging ganito ang buhay ko.
Oo pilipino rin ako pero bakit parang ayaw niyo akong tanggapin bilang tao sa lipunang ito?

Dahil ba marumi ang damit ko?
Dahil ba nangangamoy araw ako?
Dahil ba wala akong napagaralan?
O dahil di na ako katangap-tangap?

Ako si Juan

Pakiusap wag niyo akong husgahan dahil sa ako'y mahirap
Di ko pinili ang takbo ng buhay na mayroon ako.
Di ko piniling maging pulubing palaboy-laboy
At higit sa lahat

Di ko piniling mawala ang lahat.

Ang pera, ang pagkain, ang tirahan, ang pamilya, ang inumin ang kaibigan.

At hindi ko pinili ang maging mahiral.

Pasensya ate, kuya, kung lagi ko kayong kinukulit para sa kaunting pansin.
Pasensya na ate at kuya kung kinakalabit ko ang mga damit ninyong mamahalin.
Pasensya na ate at kuya kung sa bawat pagdaan ninyo'y nababahuan kayo sa akin.

Pero maliban sa pera, palimos naman po ng panalangin.

Panalangin na sana'y hindi ako sumuko sa ibinigay saking pagsubok
Panalangin laban sa lahat ng bagay na nagdala sakin sa pagkalugmok
Panalangin na hindi ako paano sa daan kapag ako ay natutulog
At panalangin na sa paggising ko'y may lakas pa rin akong bumangon.

Pasensya kung gagamitin ko pa ang pangalang Juan na simbolo ng pagiging likas na Pilipinong may pinagaralan

Pero sana maisip niyo na di ko kailangan ng mga bagay na sa aki'y magpapayaman

Ang kailangan ko ay ang intindihin niyo ang aking kalagayan

Kung makikita niyo man akong naglalakad o nakaupo sa lansangan

Maaari bang sumigaw kayo o tawagin niyo ako sa pangalang Juan?

Dahil minsan rin sa buhay ko ay katulad niyo rin ako

Napaglaruan lang ng tadhana at nawala lahat ng meron ako.

Pulubi ako, mabaho, konti ang nalalaman, walang panligo, pangkain, perang pambili ng gamot pangotra sa sakit na dala ng paligid.

Pero ito ang tandaan ninyo,

Huling mensahe ni lumang Juan para sa mga makabagong Juan

Ako si Juan

Pagnakita ninyo ako wag niyo akong pandirian
Subukan niyong kilalanin ako maliban sa aking pangalan

Wag niyo akong husgahan na ipambibili ng droga ang naipon kong barya

Wag niyo akong husgahan na nagtatrabaho ako sa isang sindikatong galawan.

At sana'y ako'y inyong alalahanin at wag niyo sana akong kalimutan

Na minsan sa buhay ko na nakapagpakilala ako na "Ako Si Juan ang dating Pilipino na ngayo'y tinatakwil na ng lipunan."
Jun Lit Jan 2020
Tinuruan po ninyo kami
kung paano magsalita at sumulat nang taas-noó
sa isang wikang inampon,
na hindi naman namin Ina.
Ang balumbon ng panuntunan
at talaan ng mga tanggap na kataliwasan
kabisadung-kabisado po ninyo
at ipinagpakasanay po ninyo sa amin,
buung-tiyagang inalagaan
ang mahiyaing mga buko
masikap na hinamon kami
araw-araw, at ang iyong tinig
hanggang ngayon sa diwa’y naririnig –
“Correct practice makes perfect!”
Higit pa sa mga tugmaan ng simuno at panaguri
Ang inyo pong mga aralin sa balarila, na tila gintong may-uri
Ay tinuruan ang mga batang puso, bata sa puso,
Ang mga malambot pang isip:
the malleable minds:
Bawat lalaki o bawat babae ay – “Every man or every woman is”
Pero
Lahat ng lalaki at lahat ng babae ay – “Men or women are”
Anuman – “regardless or irrespective”
Ng pinagmulan – “of beginnings”
Ay kailangang malaman:
1. May mga panuntunang dapat sundin.
          - at isinabuhay namin ang bawat sinabi mo,
          At hindi lang sa aming mga saknong at pangungusap
2. May mga taliwas o eksepsyon na dapat isa-alang-alang.
          - di-tuwirang tinuruan po ninyo kami,
          Kilalanin ang mga pagkakaiba-iba
          At ang mga hirap sa pag-aaral at pagsasalita ng Ingles
          Ay katulad lamang ng mga kahinaan ng mga tao
          At mga katangi-tanging pag-uugali ng aming mga kaibigan
3. Mabuting magpakadalubhasa sa balarila
          - Pero katapatan sa sarili at sa kapwa ang pinakadakila!

Kung kaya, ang mga aralin **** pinakamahalaga
higit pa sa maayos at pusturang pananamit at sapin sa paa
at mga ebanghelyo ng tamang paggamit ng mga salita, syntax,
at ibang hiyas lingguwistika
ay naghatid ng mabuting pagkamamamayan
at butil ng paano maging mabuting kaibigan
Ang mahusay ng pag-i-Ingles na aming natutunan
ay mga aral ng araw-araw na pamumuhay
Mga kayamanang walang katapat na perang kabayaran.
Translation into Filipino (Tagalog) of a poem I wrote last year entitled "Beyond Grammar [https://hellopoetry.com/poem/2958926/beyond-grammar/], in memory of our teacher in English Grammar, Ms. Araceli M. Katigbak, in The Mabini Academy, Lipa City (Batangas Province, Philippines).
Lyka Adlawan May 2018
Tagu-taguan,
Maliwanag ang buwan
Munti kong tula,
Inyong pakinggan

Ito'y patungkol
Sa kabataan
Na inaakalang
Pag-asa ng bayan

Wala sa likod,
Wala sa harap
Ano ang kabataan
Sa hinaharap?

Handa na ba kayong
Malaman ang totoo?
Pagbilang ng sampu,
Malalaman na ninyo

Isa, dalawa, tatlo
"Tara, pre! Dota tayo!"
Isa, dalawa, tatlo
"Kyah, pa-like ng DP ko"

Isa, dalawa, tatlo
"Naka-hithit na ako"
Isa, dalawa, tatlo
"Tara, shot na tayo"

Mga kabataang nakikiuso
Mga kabataang lulong sa bisyo
Kabataang imbis na ang dala'y libro
Ang palaging hawak ay sigarilyo

Apat, lima, anim
Wala nang ibang alam gawin
Apat, lima, anim
Kung hindi gadgets ay pindutin

Apat, lima, anim
"Babe, walang tao sa'min"
Apat, lima, anim
"Babe, pwede na nating gawin"

Mga kabataang napapariwara
Mga kabataang sa tukso'y nadadala
Kabataang tinuturing na Maria Clara
Na ngayo'y mas kilala na sa Maria Ozawa

Pito, walo, siyam
Nasirang kinabukasan
Pito, walo, siyam
"Aking pinagsisisihan"

Pito, walo, siyam
"Ako'y nanghihinayang"
Pito, walo, siyam
"Ibalik niyo 'ko sa nakaraan"

Totoo nga ang kasabihan
Ang pag-sisisi'y nasa hulihan
Ang ating nakaraan
Ang siyang madidikta ng kinabukasan

Ngunit hindi ko naman nilalahat
Ang nais ko lang, kabataa'y mamulat
Ang buhay natin ay parang aklat
Tayo ang gumagawa ng sarili nating kwento at pamagat

Hindi ko tatapusin ang bilang sa sampu
Dahil hindi ako ang magdidikta ng kinabukasan niyo
Ngunit sa pagtatapos ng munting tula ko
Sana'y makapagsimula kayo ng panibagong kwento

Kwento na kung saan kayo ang bida
Kwento na kung saan kayo ang pag-asa
Salamat sa pakikinig mula umpisa
Ngayon ang tulang ito'y tinatapos ko na
solEmn oaSis Dec 2015
may mga dahilan kung bakit
di ko nagagawa ang isang bagay,
may mga bagay naman na wala akong
makitang dahilan para di ko ito magawa !!!
kung kailan naman abot-kamay ko na ang pangarap
at tsaka naman di natuloy na parang isang panaginip
siguro nga kasi may mga pagkakataon
na hindi pa kayang ibigay ng panahon
kwento ng rima ninyo
historya ng batikos ko
mula sa puso ang pinaghugutan ko
mga mensaheng patalinghaga
sistemang kamumulatan ninyo
gintong aral ng tula yumabong sana!
sa likod ng himpapawid na tanawin
malaya ninyo na po itong hahawiin!
hindi ko na nga ikukubli ang tunay kong damdamin
sapagkat sa kanyang pangalan ay akin nang inamin**




[6 of 12 marked voices of a dozen clusters of letters]
batikos ~~~ seizure
seven-letter word
< 7 DAYS before X'MAS
© copyright 2015 - All Rights Reserved
use your illusion!
don't ever jump into impulsive conclusion
don't get me wrong with your  right assumption
for my pen have no blue ink but started again
to draw a shape of apparition.
HYA Jul 2017
Ang aking pinakamatalik na kaibigan noo'y gustong bumalik
Ngumiti lang ako sa kanya at binigyan siya ng halik
Gustong bumawi ng unang lalaking nang-iwan sa akin
Niyakap ko nalang siya sapagkat ayoko na kahit na pilitin
Makikipag-ayos sana sa'kin ang aking kaaway
Pero hindi ko na kayang maubusan pa ng laway

Ito ay dahil... ayoko na.
Tapos na ang pakikipagplastikan ko sa madla
Ayoko ng sabihin na okay lang ang lahat kahit na hindi
Tapos na ang aking pag-iyak nang sobra katindi
Kung sana, sila'y nanatili at hindi bumitaw,
Hindi na sana napilitan ang panahon na pumataw
Tama na, tapos na dahil nangyari na
Ang utak at puso'y sabay sa pagsabi ng 'hindi na kaya.'

Panahon ko na upang intindihin ang aking sarili
Panahon ko na upang bumitaw sa 'di mabitawan na tali
Panahon ko na upang magkaroon ng sarili kong panahon
Panahon ko na upang sa kalungkutan, ako'y makaahon

Ayoko ng makipaghalubilo sa mga tao sa paligid
Sapagkat alam kong buhay ko'y magsisimula nanamang tumagilid
Uunahin ko na naman sila kesa sa aking sarili
At kapag ako ang mangangailangan, sila'y mag-iinarte
Ano nga ba ang silbi sa aking pagtulong
Kung sila mismo sa'kin ang magpapakulong?
Oo, alam ko. Wala naman akong ginawang mali
Sapagkat kahit anong gawin ko, para sa lahat, wala naman akong silbi

Kaya, kaya. Kaya uunahin ko ang aking sarili kesa iba
Mamahalin ko ang sarili kagaya ng pagmahal ko sa mga tala
Aking papatunayan sa lahat na kahit ako'y ganito
Kaya kong makipaglaban gamit ang utak ko
Isasara ko muna ang aking nakabukas na pinto
Upang mas mabuti kong mapagmasdan ang aking anyo
Tatanggapin ko ang mali sa'kin na hindi na pwedeng baguhin
Alam kong ito ay makakaya kahit na hindi pilitin

Huwag mag-alala sapagkat babalik din naman ako
At 'pag nangyarin 'yon, mas malakas na ang damdamin ko
Magiging marunong na sa mga bagay na dapat gawin
Kung ano ang nararapat at anong kailangan panatilihin
Ngunit, sa ngayon, alam kong hindi iyon magagawa
Hanggat hindi ko maibalik ang dati kong saya
Babalik ako, tandaan ninyo iyan
Hindi naman pwedeng aawat ako magpakailanman
Hello!
Mysterious Aries Nov 2015
Ang katotohana'y di ko batid kung paano ko susugatan itong papel
Kung aling sandata ba ang gagamitin, itong punyal ba o kaya'y baril
Mithi kong bawat panitik na bibitawa'y mapatakan ko ng sariling dugo
Dahil bawat papel na masusugata'y tiyak unti-unting hihilum sa puso kong bigo

Ang bawat isasalaysay ng taong malapit na sa kanyang dapit-hapon
Dadamhin alaala ng lumipas, na para lang itong naganap kahapon
Umaasang maaklat ninyo ang aral na nais ihatid
Pulutin ninyo ang ginto, ang bato'y iwanan sa sahig

Maraming salamat kung sakali mang makikilangoy kayo sa aking ilog
Kulay pula man ito'y lilikhain ko itong may kalakip na pag-irog
Mula sa susugatan kong papel magaganap ang lahat
Lapis na punyal at baril ko'y nakahanda nang gumawa ng aklat....



04-10-15

mysterious_aries
Paper Wound

The truth is I do not know how I will smite this paper
Which weapon to be use, this gun or this dagger
Every letter that I will let go, I’ll blend my own blood
Each paper that I’ll wound slowly will cleanse my hearts mud

A chronicle will unfold by one person who is close to his gray
I will feel the memories of my past as if it just happened yesterday
Expecting that you will learn the lesson that I will serve at your door
Gather up the gold, left the stone on the floor

Thank you if ever you will swim at my river
Though its color is red, I will create it along with a love that is forever
I will wound some paper by hook or by crook
My pencil knife and quill gun are now ready to create a book


Translated: 11-23-2015, not so accurate to create a rhyme
Eugene Feb 2016
Kung bibigyan ba kita ng tsokolate at bulaklak, sasagutin mo ba ako?
Kung gagawin ko lahat ng ipag-uutos mo, maririnig ko na ba ang iyong 'Oo'?
Kung magsusulat ba ako ng 'love letter' para sayo, tatanggapin mo na ba ako?
Kung yayain ba kitang lumabas araw-araw, magugustuhan mo ba ako?


Kung luluhod ako sa harapan mo, sasabihin mo na ba sa akin ang nararamdaman mo?
Kung mamamanhikan ako sa bahay ninyo, papayagan ba ako ng magulang mo?
Kung liligawan ko ba ang nanay at tatay mo, may pag-asa ba ako?
Kung isisigaw ko sa buong mundong mahal kita, lalabas na ba sa bibig mo ang salitang 'I Love You'.
Reina Franco Oct 2015
GABI (Night)*

Ayan nanaman si araw,
iniwan nanaman niya ako.
Tinapos nanaman niya
ang maghapon sa paglubog.
Tinanggal nanaman niya
ang liwanag sa paligid ko.
At iniwan nanaman niya akong
nakatanaw sa malayo, sa tabi ng bintana,
minamasdan ang pagpasok ng dilim,
hinahanap ang buwan at mga bituin.

Ang tanawing ito ang nagpapa-alala sa akin
na “There is always light, even in the darkest times”.
Kasabay ng pagpasok ng dilim
ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Nasaan si Paulo? ang tanong ko sa sarili ko.
Hinahanap ko nanaman siya,
sa tuwing sasapit ang ganitong oras.
Kailan ko kaya siya ulit makikita?
Kailan kaya kami ulit magkakasama?

Lumipas nanaman ang isang maghapon
na hindi ko nasilayan si Paulo.
Ipinikit ko ang aking mga mata ng mariin,
kasabay pa rin ang mga munting luha
na patuloy lang sa pagpatak habang
iginuguhit ko ang kanyang mukha sa aking isipan,
habang ninanais ko na mahawakan
ang kanyang kamay sa sandaling iyun.
Nangiti na sana ako, kaso pagdilat ko,
ako lang pala mag-isa ang nandito, at
kathang isip ko lang ang lahat.

Napabuntong hininga ako ng napakalalim,
at sa paglabas ko ng hangin sa aking katawan
naisipan ko nalang na pumikit ulit at manalangin.

“Ama, kung anuman po ang Inyong
ginawang plano sa amin ay Siya pong masusunod
at malugod ko pong tinatanggap.
Alam ko po na may magandang dahilan ang lahat
ng nangyayari sa amin na ayon sa Inyong kagustuhan.
Ang dasal ko lang po ay Nawa sana
tulungan Ninyo kaming makita at malaman
ang dahilan ng lahat ng ito.
Bigyan Ninyo kami ng lakas ng loob at sapat
na pananampalataya upang kumapit pa,
huwag sumuko at hawak kamay na harapin
ang pagsubok na ito. Hayaan Nyo po kaming
patuloy na manalangin, gawing sandalan ang isa’t-isa,
at gawin Kayong sentro ng aming pagmamahalan
sa kabila ng lahat. Amen. ”

At tuluyan ko ng ipinikit ang aking mata
sa pagtulog, nagbabakasakaling kahit
sa panaginip man lang ay mahagkan ko siya at makasama.
solEmn oaSis May 2017
Intro (1st stanza)
Sa lahat ng kung sino o ano ka man,
at maging sa lahat ng di mo tunay na pagkakilanlan,
madalas nga ikaw ang sa puso ko'y nananahan,
Sa iyong balikat ako ay iyong pinapatahan,
Sa twing Ako'y nababalot nitong karimlan,
Liwanag ka sa aking nagugulohang isipan.
pagsinta mo sa aking nararamdaman,
ang siyang tangi kong tangan-tangan!

1st refrain
kapag nais kong lumuha
laging naririyan ka
Sa pighati at saya
laging naroon ka
karamay nga kita
Ano man ang aking dala
wala pa man akong problema
ako na ay iyong hila-hila
sa lugar kung saan pila-pila
ang mga nakahain na di basta-basta
pagkat ang sisidlan,laman ay sobra-sobra!

2nd stanza
hindi tulad sa liwasan na aking pinanggalingan
doon sa may gawing silanganan
na di raw kailan man lumulubog ang araw
ngunit wala naman akong liwanag na matanaw
Subalit ngayon
binago mo
aking kahapon
Sinama mo ako
Sa iyong patutunguhan
pinanatili sa 'yong kandungan
bagamat ang haring araw ay walang masikatan
at kay panglaw man nga dito sa kanluran

2nd refrain
Maliwanag kong Naaaninag
ang pinaka-marilag na sinag
na tila ba nagsasabing,,,
halika dito sa aking piling...
hawiin mo ang ulap na tabing,
at tutuparin ko ang 'yong hiling.

adlib
DAMDAMIN MO'Y 'WAG NANG IKUBLI,,
SA AWITIN KONG ITO 'WAG KANG MAG-ATUBILI,,
BASAHIN MO ANG AKING MGA LABI
TIYAK DARATAL SA IYO  MATATAMIS NA NGITI
SABAYAN MO AKO SA AKING HIMIG,
'DI BA'T ANG MUSIKA'Y ATING TINIG.
NA TILA BA DAYAMI DOON SA KAMALIG.
SA BAGYO'T SIGWA WALA ITONG LIGALIG!

3rd stanza
'pagkat alam Niya may isang Ako
na mangangalap ng Kanyang piraso
upang sa muli nga'y mabuo
ang taglay nitong komposo
hanggang sa ang naturang Ikaw ay mapagtanto
na hindi lang Sila kundi pati na rin Tayo
ang sa Kanila ay siyang dapat magpayo
"ano man ang galit Mo sa Mundo,,,
at sa Iyong buhay ay di Ka makontento
'wag na 'wag kang sa Pagsubok ay magtampo
Tandaang Ninyo na ... Nasa Puso ng Tao
masisilayan ang Ilaw na nagpapatingkad
Sa Daigdig Natin na animo'y di na sumisikad
na halos hikahos ang MARAMI sa pagtingkayad
mamataan lamang Nila ang tanglaw sa pagsayad"

repeat 1st refrain except last 5 lines

chorus one
ohh Sanlibo't Isang Awit
sayo ako'y kakapit
hawakan mo nga akong mahigpit
sa twing mensahe mo'y kinakawit
mga damdamin na hugot
sa aking pag-iisa ay sagot
napapawi mo nadaramang poot
tuwa man o isang lungkot
ang hatid na iyong dulot
mga liriko mo sa akin ay nanunuot
dagliang naiibsan itong pagkabagot

repeat adlib

chorus two
Lalo't kapag ang 'yong melodiya,
sa pusong umiibig ay kaiga-igaya,
umasa kang ang iyong ritmo ay lampas ilaya.
di man pakawalan matataas na nota... tono mo ay malaya!
At patuloy kitang pakikinggan
taimtim ko ngang susundan
mga letra mo sa Dalampasigan
kahit pa kahit na paulit-ulit mo akong talikdan,,
batid ko naman ang koro mo'y walang hanggan
tangayin ka man at mapadpad sa Laot ng tagdan
di maglalaon muli kang dadaong sa may Pantalan
para ikumpara ang luma sa bago **** kasarinlan

repeat 2nd refrain
do the bridge (3x)
repeat Intro
repeat chorus one and two
repeat bridge once again in a fading away voices

BRIDGE:
sabihin man nila na ako sayo'y baLiw
ligaya kong natatamasa, di na magmamaLiw
wala man akong instrumentong isinasaLiw
itong Sanlibo't Isang Awit,alay ko sa'yo giLiw

Inspired By Sally Bayan
my very first particular song in its parts
that comes from the bottom of my heart

© solEmn oaSis
Hymns of my Soul is now ....
the soul of a thousand and one song
that i promised to dedicate
before the uncontrollable twilight
just like by the time i am here
sometimes, conquering the darkness of night
thru the lit of candle that brightens
the whole day of our everyday presence!
Presence which we wanna end it up yet!
Yet we prepared always to get started once we must!
HYA Nov 2017
Patawad kung  ang aking mga likha ay hindi masasaya
Patawad kung ang aking mga piyesa'y hindi nakakatawa
Patawad kung hindi magaganda ang aking isinusulat
Patawad kung ginagawa ko ang mga iyon habang ang mga mata ay hindi nakamulat

Hindi ako magaling ngunit pinipilit ko
Pinipilit kong sumulat upang maipalabas ang nararamdaman
Ang mga pighati na noon pa nakakulong sa isipan
At kung ito lamang ang nag-iisang paraan

Subalit ang aking mga sulat ay mananatiling sulat lamang
Kung wala namang nag-aabang
Kaya salamat na rin pala
At binasa mo ang aking mga salita

Dahil sa iyo, nabibigyan sila ng halaga
Ang mga sinisimbolo ng bawat letra
Iba't ibang kahulugan ang iyong nabibigay
Iba't ibang kahulugan kung bakit ito nabubuhay

Kaya salamat at pasenya
Ngunit ito ay ang aking hustisya
Kung ayaw nyo na, sana'y wag ninyo ng ipilit
Sana ay may naramdamang bago saglit

Pasenya, mambabasa
Ngunit hindi ko babaguhin ang mga piyesa
Ako ay isang makata
Makatang meroong sariling hustisya
Hahahahaha emoooo
Jandel Uy Mar 2017
Ikaw na babaeng sumasayaw sa dilim,
   Ikaw na nakakapit sa patalim:

Di ba nasusugat ang porselanang palad
    Na kasing lambot ng puwit ng sanggol?

Sa matalim na kutsilyong kinakapitan
      Ano mang oras hahatulan ng lipunan?

At sa higpit ng piring mo sa mata,
     Pasasaan pa't mabubulag ka na

Ikaw na babaeng gumigiling-giling,
   Iba't ibang laway ang pinanghihilamos gabi-gabi

Ang sugatan **** puso'y walang gamot
    Ngunit ang kandungan mo'y sagot

Sa mga problema ng mga lalakeng–
      Naghahanap ng panandaliang saya.

Ikaw ba, babaeng hubad,
   Naranasan mo na ba ang lumigaya?

Kumusta na ba ang anak mo sa una **** nobyo?
     Balita ko'y di ka na niya kilala.

Hindi ba't may tatlo ka pa sa probinsiya
   Na pinagkakasiya ang padala **** barya?

Naalala mo ba ang bilin sa 'yo
     Ni Karla na siyang una **** bugaw?

"Huwag **** bigyan ng puwang sa utak mo
      Ang sasabihin ng Inay mo.

Sasampalin ka niya, di ng palad niya,
     Kun'di sakit na dama ng isang Ina.

At iyon ang pinakamasakit
    Sa lahat ng puwedeng sumakit."

Ilang ulit mo na bang tinanong ang sarili
   Kung saan ka nagkamali?

Kung ilang liko ang ginawa
     Para mapunta sa hawlang 'sing dilim ng kuweba

Na pinamamahayan ng mga paniking
     Takot sa liwanag na magpapakita ng mga galos

Na bunga ng mga gabing kinukurot ang sarili,
     Tinatanong, hinihiling na sana'y bangungot lamang

Ang buhay nila sa dilim,
    Pasasaan pa't nasanay na rin.

Ikaw na isang mabahong lihim
   Ng mga mister na may misis na bungangera

Ha'mo na't sa iyo naman sila panatag
     Sa mga suso **** malusog, pinili nilang humimbing.

Ikaw na pantasiya ng karamihan,
   Ano ba ang pakiramdam ng pinagsasalsalan

Ng mga nagbibinatang hindi pa tuli,
      Ng mga lalakeng di kaya ang presiyo mo,

O ng matandang libog na libog sa mabango **** kepyas
      Ngunit nanghihiram ng lakas at tigas sa ******?

Saan ka na ba nakapuwesto ngayon?
    Sa Malate, Morayta, Quiapo, o Aurora?

Ilan na ba ang napuntahan mo?
  Ilan pa ba ang bibiyayaan mo ng iyong alindog?

Sa Makati Ave, Pasay, o sa Parañaque?
      Ha'mo na't langit pa rin naman ang dala mo

Kahit na alam ninyo ng Diyos
    Na nakaukit na ang pangalan mo sa impyerno.

Ikaw na babaeng walang pangalan,
   Ano ba ang itatawag ko sa 'yo?

Ilan na ba ang nahiram mo sa tabloid
  O sa mga artistang iniidolo mo?

Kathryn, Julia, Nadine, Meg, Yen, Anne
    Yna, Katya, Ara, Cristine, Kristine, Maui

Daria, Pepsi, RC, Susan, Gloria, Lorna, Aida, Fe
    Vilma, Sharon, Nora, Maricel, Dina

Ikaw na babaeng 'sing nipis ng balat ng sibuyas ang saplot
   Di ka ba nilalamig sa pag-iisa mo?

Ikaw na babaeng marumi,
  Sadsad na sa lupa ang lipad, saan ka pupunta?

Wala ka nang kawala sa dilim,
     Pasasaan pa't malalagutan ka rin ng hininga
        at  magpapasalamat sa biyaya.

Ikaw na babaeng bukod tangi,
   Ginawa **** lahat pero hindi naging patas ang mundo.

Lunukin mo na lang ang mga hibla ng pagsisisi
    Ipagdadasal kong huwag nang magdilim sa hawla mo.
Sy Lilang Dec 2015
112815 #3:50PM #ISIS

“Kami’y may balitang
Banta ng kaimbihan
Lipon nami’y
Ni hindi ninyo matitiktikan!”

“Humihikbi kami’t di titikim sa pauso.
Lisan ninyo ang bayang hindi pag-aari!
Baya’y pangako, kayo’y hindi kasapi!”

“Nakatalaga ang bala
Para sa hindi patitikom-bibig,
Walang bantulot buhat sa grasya
Kaya’t kami’y gawaran!”

“Langit ang uukil sa inyong pagtataksil!
Hukom ay dalisay at may patas na tingin.
Kung dugo ang kapalit,
Kami’y hindi patitikom,
Ni hindi yuyuko
Sa nabinat nyong kariktan.”

“Patiyad kayo’t magmakaawa,
Humiling na sa Hari nyong may dunong!”

Naghihilakbot sila bagkus di paaayon,
Sa yungib ng kaluluwa’y
Ginagagap ang pangako.
Sila’y bayaning tigmak sa pakikibaka’t
Bilang ang mga martir na Maharlika.

Naulinigan ang mga sumirit na armas,
Kanilang patibong
Na may nanlilisik na batas.
Bagkus ang atungal ng lupon ng Liwanag,
Espada’y tatangayin
Hanggang sa huling paghinga.
Gwen Pimentel Jul 2014
Pinapanood malunod ang mundo
Mula sa aking bintana'y natatanto
Bayan ko'y dahan dahang inaanod
Inaanod na rin ata ang puso ko

Walang daang madadaanan
Walang makatutulong sa nasasaktan
Dahil ang tutulong dapat, ay nasaktan na rin

Sinagasaan ng bagyo ang ating bansa
Binanyagang may pinaka-masayang mga tao
Bakit kaya tayo pa ang napili ng Panginoon?

Siguro dahil alam Niya na makakabangon tayo
Siguro dahil matibay ang ating pananampalataya
Siguro dahil may leksyon tayong dapat matutunan

Kahit ano pa man ang dahilan, salamat Panginoon na muli Ninyo kaming ibinangon
Song turned poem (or is it poem turned song..) during the supertyphoon Yolanda. #throwback


Creds to Marco for the first stanza
Ikaw ang dahilan kung bakit kahit gabi'y hindi pa din madilim ang kalangitan,
Para bang palaging may liwanag kapag ika'y nasisilayan,
Ikaw ang magiging sandalan ng mga takot at pangambang hindi ko mapakawalan,
Gusto kong lagi kang nandiyan, upang mga dalahi'y palaging gumaan.

Sayo ko naramdaman na kahit hindi tayo mag-usap ay nagkakaintindihan,
Yung tipong isang ngiti mo lang, kahit el ninyo'y iihip ang amihan,
Oo, ikaw ang nagbibigay sa akin ng ginhawa,
Isang yakap mo lang parang ako'y nakauwi na.

Mahal, sa daang tatahakin nati'y sa isa't-isa tayo'y kumapit,
Walang bibitaw kahit na ang dadaanan nati'y minsan ay magiging masakit,
May lungkot, maraming takot, maraming alaala ng kahapon,
Pero hindi tayo susuko, madapa ma'y palagi tayong tatayo.

Ikaw ang magiging inspirasyon, sa pagpapagal at pagpupuyat dahil sa edukasyon,
Ikaw ang magiging sandalan sa mga hinaing ko at mapapagdaanan,
Ikaw ang siyang magbibigay lakas sa akin upang ipagpatuloy yaring takbuhin,
Hanggang sa araw na masabi ko sayong, "mahal ko, doktor na tayo."
ESP Mar 2016
Lasapin ang bunga ng paghihirap
Puso, isip at kaluluwa lang naman
Ang iyong nilaan para ikaw ay
bigyan ng kaunting sahuran.

Kung minsan, napapagod
Ay, madalas nga palang pagod
Ang katawan man ay bumabagsak
Gagaling ka rin at
Itutuloy ang paghihirap

Sabi ko noong bata pa ako
"Inay, gusto kong maging doktor
pagkalaki ko.
Pagka't gusto kong pagalingin
ang bawat maysakit na tao."

Hanggang sa nagpagtanto ****
Habang lumalaki
Ni hindi naman pagiging doktor
ang gusto mo paglaki

Ako ay sinanay upang maging alipin
Upang siyudad ng sikat na
Politiko ay yumaman sa aming kamay
Ngunit salapi'y nadudulas sa aking palad
Nalilipad-lipad at napunta sa
"tagapaglingkod ninyong totoo,
kami ay kasangga ninyo."

Sabi nga ng ilan ay
Buhay ay sadyang gulong ng palad
Hindi ako naniniwala dahil,
ikaw mismo na nabubuhay ang
siya lamang makapagsasabi at
makapagdidikta ng iyong kapalaran
Nasa iyong kamay ang kasagutan
Kaya pakilusin na ang mga paa
Buksan ang iyong mga mata
Pakinggan ng iyong mga tenga
ang bawat hinaing
Ito ay magbabago rin
kung bawat katawan ay kikilos
sabay-sabay muling galawin

Tayo ang sagot
sa hirap na dinaranas
Tayo rin mismo ang makapagbabago
Ng kung ano mang ang nakasanayan
Ng kung ano mang gawaing katakwil-takwil
Tayo lamang
Tayo lamang ang pagbabago.
Eugene Nov 2016
Ilang buwan na lang at ako'y lilisan na.
Lilisanin ko na ang mapapait na alaala.
Alaalang nagdulot sa akin ng pighati at pagdurusa.
Pagdurusang hiling ko ay malimot-limot na.

Sa aking paglisan, magagandang alaala ay hindi ko kakalimutan.
Kakalimutan ang mapait na karanasan,
Pero hindi ang taong naging bahagi ng aking nakaraan.
Makakakilala man ako ng ibang tao sa kasalukuyan,
Hinding-hindi ko naman ipagpapalit ang pagmamahal mula sa inyo na aking naramdaman.


Sana ay ako'y inyong ipanalangin,
Na maging matatag sa darating pang pangarap na aabutin,
Maging masaya sa bago kong buhay na tatahakin,
At maghilom sa puso ang sugat sa nakaraan kong masakit sa damdamin.


Magiging malayo man tayo sa isa't isa,
Napakalapit pa rin ninyo sa aking alaala.
Matagal man bago tayo ay muling magkikita-kita,
Asahan ninyong sa pagbabalik ko ay ako'y maligayang-maligaya na!
JOJO C PINCA Nov 2017
ang sabi ng pulitiko habang nakatayo sa entablado:

mga minamahal kong kababayan pag ako po ang inyong inihalal pinapangako ko na iaahon ko sa kahirapan ang bayan at magiging matapat po ako sa aking paglilingkod sa inyo.

sabi naman ng lider ng relihiyon habang nasa pulpito:

mga kapatid itong ating pagsasama-sama at gawain ang tunay na sa diyos; tayo po ang tunay na mga anak ng diyos at tinubos ng mahal na dugo ni Kristo; tayo po ay nakakatiyak sa kaligtasan. amen po ba?

sabi naman ng kapitalista habang nasa podium:

mga kasamang manggagawa mahalin ninyo ang inyong trabaho at ang kumpanyang ito sapagkat pag ito ay bumagsak kayo ang unang maapektuhan; pag umunlad naman ito ay kayo rin ang makikinabang. Kasama ko kayo sa pag-unlad.

yan ang sabi nila.

ito naman ang sabi ko habang ako ay nagsasalsal sa loob ng CR:

mga P_ Ina kayo, puro kaulolan at pang-uuto ang sinasabi ninyo - mga animal kayo. Puro kayo daldal ang gaganda ng mga binibigkas ninyong mga salita pero ang totoo puro kayo mapagsamantala at gahaman sa salapi. pweeeeh.
Angela Mercado Apr 2017
Isa, dalawa, tatlo
Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo
Apat, lima, anim,
Magmadali, papatak na ang dilim
Pito, walo,
sa rimarim na ito sa’yo’y walang sasambot
siyam, sampu
pipindot na sila sa gatilyo

Naaalala ko pa noong matiwasay pa ang lahat
tahimik bukod sa sipol ng hangin na rinig na rinig
walang ingay sa paligid
puti ang sahig – linis hanggang gilid

Naalala ko pa noon,
walang pangambang tahi
sa bawat isa sa t’wing pumapatak ang gabi
Madilim ang lansangan,
ngunit may liwanag ang daan
Di mag-aalalang umuwi,
‘di magugulumihanan

Naaalala ko pa
nung una silang pumindot sa gatilyo
Nayanig ang paligid,
nagulo ang tahimik
Tintado na ang sahig na dating puti
ng dugo mula sa bago nilang kitil.

Naalala ko pa noong nagpasabog sila ng bomba
Nabingi ang lahat sa ingay na likha,
mga tarantang mukha,
mga takbong halos ikadapa
mga matang labong labo na
ng mga luha

Naalala ko pa noong kinuha nila si itay
lupa raw namin ay ayaw niyang ibigay
pinuno ng latay,
inuwing akay-akay -
muntik na siyang mamatay

- walang kamalay-malay
na kami’y unti-unting pinapatay

ni walang panahong
makinig saming salaysay

May dugo

ang bigas
na iginagatong ninyo

May bakas ng dahas
ang pagkaing hapag sa kainan ninyo

Mga sigaw
na busal ng kasadong gatilyo

May namamatay na dito
makinig naman kayo!

Isa, dalawa, tatlo
Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo
Apat, lima, anim,
Magmadali, papatak na ang dilim
Pito, walo,
pipindot na sila sa gatilyo
Siyam, sampu
Shan Coralde Dec 2015
Ako
Hindi ito isang tunay na kwento, hindi ito galing sa iba, ngunit sa akin lamang, isa itong imahinasyon na naisip ko, isang sitwasyon na inasam ko, isang mundo na magkasama tayo, ngunit kahit anong gawin ko, sa huli ay napaghiwalay tayo, wala akong maisip na pagtatapos na kung saan masaya tayong nagsasama, kung kahit ang simula nating dalawa ay hindi manlamang nag-umpisa.

Ako ay isa sa mga bilyong bilyong binatang umiibig, naghahanap, nag aasam, at nangagarap sa isang maliit na chansang sa akin ay may magmahal. Matagal man itong darating ako'y handang maghintay, basta't sa aking pag antay ika'y darating. Ayoko umasa, ayoko masaktan, ayokong umiyak, humagulgol na parang tanga sa loob ng kwarto ko. pero susugal ako kahit gusto kong sumaya, ngumiti, tumawa, at nais kang makasama. dahil nangako ka sa akin na tayo'y magsasama, maaring hindi ito mangyari dahil hindi tayo tinadhana, pero pipiliin ko ang masaktan bukas basta makakasama kita ngayon, siguro sa mata ninyo tatanga ako, pero kahit sino mang matalino, sa oras na inalay ng pag-ibig ang kamay niya, tayo ay isang mangmang na hindi na natuto sa paulit-ulit na naranasan natin at ng iba.

Kung kaya't makikiusap ako, sa diyos na may kapal, sa mundong umaastang kupal, na sa pag alis mo ika'y huwag nang tumalikod, upang sa buhay natin ang sakit ay ating malimot, kung kaya't nakikiusap ako, sa susunod na may dumating, ako'y iyong ibigin at ika'y aking mamahalin, Huwag mo akong iwan at ika'y aking sasamahan. Kung ito ay magagawa mo pangako ko sa'yo, lahat ito ay gagawin ko.
Second tagalog poem yo
Jedd Ong Aug 2014
We aren't very different.

Konkretong kahon ang tawag
Ko sa eskwelahan ninyo,
Na puro sikreto,
Silaw—dahil sa napakaputi
Ninyong mga balat, paa,
Malambot, makinis, na halos
Binasbasan
Ng mga kayumangging kerubin—
Ayaw basagin.

Sila, ang taga-tayo ng mga
Gusali ninyo, puro pawis.
Puro naka-long sleeve, ang
Init! Noo nila’y sunog,
Kumikilabot, kumaladkad,
Kilay itim sunggab ng
Araw.

Ngayon,
Nakikita ko sila—puro trabaho,
Balikat bumabagsak dahil sa
Bigat ng mortar, laryo,
Ulo baba-taas-yuko na parang
Kumakadang sa luad,
Tapak kasing bigat ng mga konkretong
Tipak—taga-buhat ng mga
Pintang maputla.
SORRY FOR THE GRAMMAR
solEmn oaSis Jun 2017
Tatlong Bituin at Isang Araw
Isang Bandila, Apat na Kulay
Dilaw Pula't Bughaw, Puting Dalisay
muling nagugunita sa aking balintataw!
Nasaan ka na nga ba?
tanong namin minsan ni kuya
habang sa amin si Bunso
iniaabot ang papel na piraso.
Nakatupi iyon at aking binuklat
nang masilayan ko...katotohana'y sumiwalat.
Damdamin ko'y halos gustong sumambulat
sumandaling napapikit, sa aking pagmulat
agad ko siyang hinagka't niyakap
tumulo ang luha, sarili'y hinagilap
hanggang matanto sa aking hinagap
Bunso kong Anak... Ina'y INAAPUHAP
Ang kanyang mga mata'y nangungusap
huwag malungkot! ibig kong ipakiusap
unti-unti ring matutupad mga pangarap
waring singsing...hinugis ng alapaap

Kahit walang ulan, posibleng magkabahag-hari
Hangga't may pag-asa, lumbay mapapawi
balang-araw mommy ninyo siguradong babawi
makakapiling din na parang buhawi
kasi di tayo gaya dati
dapat Apat tulad nitong  Talumpati
Kaso ang nailapat ay Labis
pagkat panulat ko di Lapis
Limang salita sa Bawat Taludturan
sa mga saknong sana'y matutunan

Kulang man kayo sa Pagmamahal
tayo'y Family Three na Literal
ako man ay naging Hangal
Mga Anak Kayo'y Aking Dangal
MAHAL KO KAYO! inyong tandaan
pagkat ako'y Haligi ng Tahanan
magmula pa sa inyong kamusmosan
hanggang Mahalin ang INANG BAYAN !!!

Philippines Independence Day June 12, 1898 - 2017
Ang Pamilya ang matibay na Pundasyon ng Lipunan.
Lipunan na may Pagkakaisa upang bumuo ng Malayang Gobyerno
Gobyernong magpa-HANGGANG NGAYON hangad at Ipinagbubunyi ang Araw ng Kasarinlan!
Na siya rin namang Araw ng Kalayaan!
" i Love You Daddy " that was what is written on a piece of paper my daughter Mimi gave to me!!!
and i am so touch!

Some people believe that the families generally like a beautiful box full of things they want: love, joy, companionship and other beautiful things;
But other times the word " family "
-can compare more likely into an empty box!!!
we must first put something inside it before we could get anything unto it.
Being a single Parent i realized that if we want love and joy...
we must raise affection, service and encouragement within to fulfill whatever emptiness ! and the release of more than we put in the box can make it  vacant!
Bryant Arinos Aug 2017
"Napakaraming tao dito sa atin ngunit bakit tila walang natira"

dug dug dug

Bubuksan mo ba to o hindi?
Pag di mo to binuksan pwersahan kaming papasok!

Tatlong katok muli

Pagkatapos isang tadyak sa pinto ang gumising sibilyan na natutulog sa kama mag-isa.

Pagkapasok agad,
Sinaktan, pinuruhan, sinapak at sinikmuraan
Tinutukan ng baril, tinakot bago pakunwaring pinatakbo.
Sinigurado ang pag-asinta sabay kalabit ng gatilyo.

Patay ang hinihinalang druglord sa kanto.

Ngunit pagkatapos, walang patunay na nahanap.
Isang maling pagpatay nanaman ang naganap.

Pagkatapos ng gabing iyon, di lang isa ang namatay.
Isang pamilya ang kinunan ng walang kamalay-malay.


Kung sino pa ang nasa posisyon iyon pa ang mga kaaway ngayon.
Kung sino pa ang nakakangat, siya pa tong namiminsala ngayon.
Nasa mataas nang upuan pero hangad pa rin ay pag-angat.
Halatadong di napapansin, ay hindi! Halatadong walang pake sa mga taong nasa baba.

Pinagmukhang sirko ang mundo, pinapasunod ang bawat tao na parang aso.
Inanyaya pa ang lahat ng madla ng parang ganito.

"Mga bata, matatanda! Halina kayo panoorin ninyo ang palabas naming inihanda at ipakikilala ko sa inyo ang mga kapwa ko sirkero. Na namamahala sa sirkuhang ito."

Palakpak
Palakpak, yan ang nais ng sirkero diba pagkatapos ng palabas?
Pero lahat ng mga tinuring ninyong hayop ay nakawawa at mistulang mamatay na. Ay hindi patay na, yung iba nama'y ginawa ninyong bulag na tagasunod.
At pag wala nang kwenta iiwanan sa daan para damputin ng iilan at buburahin ang mga bakas na naiwan.

Mga kamay nakagapos

Walang takas

Walang lakas

Pagkahimlay

Walang naiwang bakas.

Ang galing maglinis ng krimen, mismong nangakong maglalaan ng pagmamahal ay ang mismo ring sa bansa sumasakal.

Oo, sawa na ako sa tunog ng kampana sa tuwing magmimisa dahil may isa nanamang nawala.
Rindi ang tenga ko sa paulit-ulit na hiyaw, sa paulit- na hiyaw at sa paulit-ulit na hiyaw ng inang umiiyak sa libing ng nagiisang anak.

Kelan pa ba matatapos ang pwersahang pagkitil ng buhay sa pilipinas?
Matagal nang nangangakong magbibigay sila ng kapayapaan pero kasabay nito ang paghawak ng baril sa kanilang kanang kamay.

Mga kamay nakagapos

Walang takas

Walang lakas

Pagkahimlay

Walang naiwang bakas

Makabagong istilo ng pagpatay sa Pinas
Magpapanggap na tagapagligtas, pagkatalikod mo'y

Paalam Pilipinas ang huli **** mabibigkas.

"Napakaraming tao dito sa amin ngunit bakit tila walang natira?"

Pinapatay sila....
#StopExtraJudicialKilling
Edwin Breva Jan 2014
Paano ko nga ba sisimulan ito?
Dahil ayokong malaman ninyo.
Kahit na ako’y pilitin
Hindi ko pa rin sasabihin.

Nakapagtataka,
Naku! Nasabi ko na ba?
Hindi ko talaga mapigilan.
Subalit hulaan niyo na lang.

Walang amoy ngunit napakabango
Hindi nag-iingay ngunit may tono.
Walang lasa ngunit aking inaasam
Hindi ko makitta ngunit kulay ay di kailangan

Pero ang bagay na ito
Ay nararamdaman ko
Alam kong pati rin kayo
Namamngha sa isang sinestetiko

Kaya hahayaan kong kayo ang maghusga
Iiwanan sa inyo ang pasya
Pero hindi ko sasabihin sa inyo
Na pag-ibig ang tinutukoy ko.
Eugene Oct 2018
Alam kong masakit para sa akin
ang unti-unting tuklasin ang katotohan
sa mga taong nakakaalam ng aking nakaraan,
Ngunit ito ang tangi kong paraan
upang damdamin nila ay hindi masaktan
kahit sa umpisa pa lang ay hawak ko nang ako ay isang talunan.

Kung hindi niyo kayang sagutin
ang mga katanungan kong paulit-ulit kong itinatapon,
bakit kailangang idaan sa ibang uri ng paligsahan?
Ano ba ang tingin niyo sa akin
isang laruan na kapag nagsawa na ay basta na lamang ninyong iiwan
o isang paluwagan na kapag tapos na sa pangangailangan ay ipagwawalang bahala na parang basahan?

Tunay ba ang bawat mga salitang
naisisiwalat ninyo sa tuwing nagsasabi ako ng totoo
sa tunay na kalagayan ng puso at katawan ko?
Masama bang itanong ang mga bagay na paulit-ulit
kong hinihingian ng konkretong kasagutan?

Kung hindi ako naniniwala sa inyo
bakit paulit-ulit kayong tinatanggap ng puso at isipan ko
at hindi kailanman nawaglit o isinantabi ang bawat isa sa inyo?

Bakit kapag ang taong mahal ninyo
na paulit-ulit na nagagalit sa inyo ay tila wala lang iyon sa inyo
pero kapag ako na ang magsasaboy ng mga salita, aba at bigla na lamang kayong mag-aalburoto?

Nasaan ako diyan sa mga puso ninyo?
Nasa loob ba o nasa labas?
O baka naman paulit-ulit kong huhulaan  na walang AKO kahit sumiksik pa ang aking sarili sa inyong katawan.
Eugene Nov 2016
Sa bawat salitang binibigkas ninyo,
ito ay tumatagos sa aking puso.

Sa bawat katagang binibitiwan ninyo,
nagmamarka ito sa isipan ko.

Sa bawat masasakit na salita,
ang kapalit ay pagluha.

Sa bawat nakakagulat na kataga,
pagkatao ko ay pinipintasan niyo na.

Hindi niyo ba alam na ang tabil ng inyong dila
ay matulis na matulis at nakamamatay pa?

Sana'y inyong mapagtanto na,
ang dila ay may hagupit din na dala.
Eugene Jan 2016
Mayroon akong kwento,
Sana ay mabasa ninyo.
Tungkol sa isang bobo,
Na minahal ang matalino.


Makurba ang katawan ni Matalino.
Mapungay naman ang mata ni Bobo.
Kabaitan ang ipinapakita ni Bobo.
Kamalditahan naman ang kay Matalino.

Isang araw sa may parke, nagkita ang dalawa.
Bumili ng minatamis si Bobo at ibinigay kay Matalino.
Pero hindi ito tinanggap dahil si Bobo ay hindi tao.
Sa halip na mainis, si Bobo ay ngumiti sa kanya.


Iniiwasan siya ni Matalino pero ayaw ni Bobo.
Mistulang kabute ito't lulubog-lilitaw.
Gusto niyang mahalin siya ni Matalino.
Kahit masunog pa ang balat ni Haring Araw.


Lumipas pa ang ilang linggo, buwan at taon,
Sumuko na si Matalino kay Bobong makulit.
Binigyan ng pag-asa ang pagsisikap niya hanggang ngayon,
Dahil alam niyang wala itong hihilinging anumang kapalit.



Hindi naglaon at sila'y naging kasintahan.
Ipinagmalaki si Matalino, siya'y kinaiinggitan.
Abot na niya ang langit sa kanyang harapan,
Pagka't napasagot niya ang Diyosa ng Kagandahan.
JOJO C PINCA Nov 2017
“Uncle **” utang sa’yo ng Vietnam ang kanyang kalayaan,
Ikaw ang amang mapagpalaya na sa kanila ay gumabay.
Ikaw ang dakilang liwanag na sa kanila’y pumatnubay,
Kahit sa gitna ng laksang lumbay hindi mo sila pinabayaan.
Wala kang katulad sa buong Vietnam, ikaw ang bayaning tunay.

Sa ilalim ng iyong pamumuno walong taon ninyong nilabanan
Ang mga Pranses sa mga palayan, bundok at lansangan. At
Matapos ang walong taon ng nakakapagod na pakikibaka sa
Wakas ay napasuko ninyo ang mga kaaway.

Subalit di-naglaon lumitaw ang isang bagong kaaway,
Ang Estados Unidos na s’yang bagong halimaw na gustong
Humalili sa mga kolonyalistang Pranses. Lahat ng kalupitan
Sa inyo ay ipinadanas subalit sa udyok at impluwensya mo
Hindi kayo sumuko. Matapos ang labing-anim na taon ng
Madugong pakikipag-tuos natalo din ang dambuhalang kaaway.
Isa kang tunay na rebolusyunaryo na karapat-dapat na mamuno.

Subalit isa rin palang makata na sumusulat ng mga tula,
Mga tulang gumigising sa puso’t kaluluwa ng bayan.
Sumusulat ka ng mga tula habang nakahimpil sa gubat,
Habang pinapanood ang pag-aani ng palay at nung ikaw ay
Nabilanggo dun sa Tsina sa loob ng labing-apat na buwan.
Wala kang ibang kapiling kundi ang iyong mga tula.

Binasa ko kahapon ang mga tula mo, ramdam ko ang
Bawat mensahe nito. Alam ko na sa bawat paghalik ng pluma
Sa papel ay kasama nito ang kaluluwa mo at ang sigaw ng puso
Mo. Mga tulang rebolusyunaryo ang tema at dating.

Ang dahon at bulaklak ay tiyak na malalanta pero hindi ang iyong mga tula; mananatili itong buhay at naka-kintal sa puso ng Vietnam. Wala kana nga Uncle ** pero lalagi kang buhay sa puso ng mga kababayan mo at sa bawat puso ng makatang rebolusyunaryo na tulad mo.
solEmn oaSis May 2017
buhay natin ay ano nga ba?
kung walang lagyo ang musika
kagaya ng isang A capella
ang bawat simula
ay may kataposan
ngunit sa bawat kataposan
ay may panibagong simulain
isang prinsipyo na di kayang tuldokan
isang nakaraan na di mapaparam
sapagkat ito ay binantasan ng tandang pandamdam!
kaya naman halina kayo SAGLIT
samahan ako sa pasakalye ng aking DALIT
dahil tulad ninyo...di ko rin nais na wakasan
itong himno ng aking kaluluwa na di ko mapigilan
mailapat sa papel ng aking hapag sulatan
at marubdob na papangyarihin ang taos-pusong koalisyon
ng aking Pag-asa, Pananampalataya at Debosyon
sa pamamagitan ng aking Isang Libo't isang Awit
na pinapag-sanib ng samot-saring kudlit at kuwit
hanggang sa aking maabot ang liwanag sa dilim
at kayo ay aking handogan bago ang takip-silim
What ever happens.... I will continue
what i have been started and
what i haven't yet!
What i am trying to say is...
" some have some while some have no
that's why for those who have most-
this one is also for all of you! "
because for me your Poetry is my Music!
Akala koy ako lang
pero ako pala yung kaibigan lang
yung akala koy ako ang dahilan sa bawat tawa mo
pero ang totoo ay siya pala yung nagpapatawa sayo
Yung mga masasayang pagkakataon
na naging alaala na nabaon mo sa limot
na Akala koy minahal mo ng totoo
pero puso koy pinaglaruan mo
Akala koy totoo ang lahat ng pinakita mo
pero ginamit mo lang pala ako
Yung akala koy mag-isa lang ako
Pero di ko alam na may kakambal ako
Puso koy lumundag nang masilayan ka
pero ang pagsilay mo ang pagbulag sa mga mata ko
Nagbubulag-bulagan sa mga katotohanan
Katotohanang di ko gustong paniniwalaan
Yung Ikaw at Siya ay naging KAYO
akala ko Ikaw at ako para magiging tayo
Pero bakit Naging K yung T?
Yung akala koy ako ang kasama mo sa mga pangarap mo
Kasama nga ako pero bilang taga hanga mo
Akala koy ako ang hahawakan ng iyong mga kamay habang naglalakad patungong altar
ngunit.....
Yung nasa likod ko pala ang yung hahawakan mo
at isa lamang akong bisita sa kasal ninyo.
at sa kahuli hulihang tingin mo sakin nabasa ko saiyong mga bibig ang mga katagang na
"Salamat dahil tinulongan mo ako,iingatan ko siya at pangako di ko sasaktan yung bestfriend mo"
Jun Lit Oct 2017
Marahil di n’yo po tanto
Halaga ng leksyon ninyo
Bawa’t tula, gintong puro
Pag-ibig sa wikang Pino

Bawat talatang piniho
Nagbukas ng mata’t ulo,
Florante’y bayaning nobyo
Laura’y bayang Pilipino

Gurong minahal, idolo
Parang anak kami, oo
Kahit iba’y magugulo
Di malilimot, Mam Lojo . . .
Written in Dalit style (4x8) Philippine Poetry, this is dedicated to Mrs. Corazon Maralit Lojo, our teacher in Pilipino (Filipino Literature) way back 1974-1975, during our second year as high school students in The Mabini Academy, Lipa City, Philippines

— The End —