Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"niligtas" poems
*Ang daya-daya mo Sabi mo kasi, mahal mo ko Sabi mo, totoo Ang daya-daya ng kalawakan Hindi niya ako niligtas mula sa kasinungalingan mo Ang daya-daya ng mundo Sabi niya, mayroong isa na nandyan para sa’yo Sa dinami-dami ng tao Sa lahat pa ng tao Ikaw pa ang nakilala ko Tarantado O siguro nga, Hindi pa nga ikaw ang taong hinahanap ko Sinadya lang na tayo ay ipagtagpo Para makilala ko kung sino man Ang taong sa akin ay nakalaan Pero madaya pa rin ang mundo Dahil nandito ka sa harap ko Ang amo-amo Na akala mo Wala kang ginawang mali sa tulad ko Ang sa’ya-sa’ya mo Ang daya-daya, gago Nginitian mo pa ko Kung alam mo lang Gusto ulit kitang sampalin At yakapin… Tangina, ang daya ng puso ko Ayaw maki-cooperate sa utak ko.*
0
Jan 7, 2016
Jan 7, 2016 at 8:04 PM UTC
Not Fair (Stef's Poem)