Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nilason" poems
Kaya Mo Ba Akong Panagutan? Nilason mo ako ng iyong mapanlinlang na balat-kayo. Pinaniwala sa mga mapanuksong katagang pagbabago. Hinayaan ko ang labi **** puno ng kasinungalingan, Na dungisan ang aking minamahal na bayan. Naging biktima ako sa kulungan **** puno ng promiso, Isang harding pinamamahayan ng mga bulaklak galing sa impyerno. Ako’y bingi’t takip-mata sa reyalidad ng iyong tunay na pagkatao. Mistulang manikang salat sa kasarinlan; kumukubli, nagtatago. Ginawa mo akong biktima ng iyong kasakiman! Mga anak ko’y ginamit mo para sa iyong makasariling kaligayahan. **Isa kang malaking hipokrito sa sarili **** lipunan!** Labis na Kinasusuklaman, Higit na Kinamumuhian.
0
Mar 10, 2015
Mar 10, 2015 at 9:13 AM UTC
Inang Bayan
ikaw at ako pagsamahin mo at ito'y makakabuo ng isang salitang tayo oo tayo na inakala ko hanggang dulo pero salamat,dahil sa puno palang Ginising mo ako sa katotohanan na ang dulong pinangarap ko'y mag isang lang pala ako dahil ang isang tayo ay meron palang kayo oo kayo at hindi na tayo salamat nakalaya ako sa isang tayo na kailanma'y hindi nmn pla totoo oo hindi totoo,dahil ito'y puno ng panloloko puno, oo aun hitik na hitik ang mga bunga bunga na mga salitang iyong sinambit sumanga,yumabong na sa kalaunay nalanta oo nalanta pero hindi ko na pinangarap na isalba pa dahil alam kong ikaw mismo ang lumason sa masanga at mayabong na puno ng tayo dahil mas gusto mo palaguin ang puno na meron kau.. pero salamat dahil ang punong nilason mo ay binigyan aq ng binhi oo binhi,binhi ng pag-asa panibagong buhay panibagong ako na walang nang tayo na ilalaan ko, para sa isang taong kayang payabungin ang binhi ng pag-ibig namin hanggang dulo..
0
Oct 11, 2019
Oct 11, 2019 at 9:30 AM UTC
Ikaw at Ako
Alam ko,ikaw sa kaniya ay unos, sinimulan ng mga munting patak na nagsalba mula sa pagkauhaw ng puso,niluklok ang kaluluwa sa sukdulan, panandalian **** nilunod ang mga pighati’t galit sa dibdib ay umaapaw. Ngunit ako,ako ang katapusang gugunaw ng mundo–mundong puro pait ang pinadadampi sa pusong nagpapakatatag anumang paggiba sa bintana’t pinto nito ang gawin ni realidad . Ako ang susunog sa bawat ala-alang nilason : mga litrato’t tula na iyong kuha’t akda. Ako ang tatapos at ito ang aking simula.
0
Apr 10, 2022
Apr 10, 2022 at 2:44 PM UTC
0954