Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nilasap" poems
Lumuha ka aking / lumuluhang puso! Iluha mo'ng lahat ng kanyang larawan, / pagkasi't pagsuyo. Lumuha ka dahil / nawala't naglaho ang minsang nilasap na pag-ibig niyang / may samyo at samo. Lumuha ka puso, / lumuha ka puso! Dahil siya'y huwad na umibig sa'yong / kay raming pangako. Iluha mo'ng lahat / ng kanyang napako at hindi natupad na pangakong puro / sa lalang at biro. Lumuha ka puso, / lumuha kang lalo! Lumuha kang ganap dahil puso niya, pala'y pusong tuso. Lumuha ka aking / lumuluhang puso... Ngayon ka umiyak habang marami pang / luhang tumutulo.
0
Jul 31, 2016
Jul 31, 2016 at 1:22 AM UTC
Luha
Sa tuwing naaalala, Ako'y naluluha, Di lubos na akalain, Lahat ay mawawala, Ang pag-ibig na pinagsaluhan nating dalawa, Sadyang kay bilis limutin, Parang inihip lang ng hangin, Tila ganon lang kadali, Pipilitin ko rin ngumiti, Lalasapin ko ang pait, Titiisin ko ang sakit, Dahil wala ka na, Iniwan **** nag-iisa, Di na mababalik ang tamis, Di na mahahagkan pa muli, Di na mamasdan ang ngiti, Di na mauulit pa, Hindi na muli, Dahil wala ka na, Saan ba tayo nawala? Ba't hindi ko nakita? Di lubos na akalain, Tatangayin pala ng hangin, Ang pangako sa isa't-isa'y, Babaliin lang pala, Okay lang ako yung masaktan, Wag ka lang mawawala, Tila ganon lang kadali, Ba't ang hirap pa rin ngumiti, Nilasap ko na ang pait, Tiniis ko ang sakit, Tangi kong hiling sinta'y Nakikinig ka, Minahal kita abot langit, Hanggang maubos lahat ng "subalit”
0
Jul 1, 2021
Jul 1, 2021 at 9:35 AM UTC
Wala Ka Na