"nilapitan" poems
Nung araw na nagtapat ako
Totoo ba yung sinabi mo?
Nalaman ng buong klase
Alam mo bang nasaktan rin ako?
Kinabukasan nagulat ako dahil di nagbago ang tingin mo
Kahit na inaasar ka ng mga barkada mo
Nilapitan mo pa nga ako
Ngunit ako 'tong si tanga na umiwas sayo
Ilang araw ang nakalipas
Patuloy pa rin ako sa pag iwas
Pilit nila tayong pinag usap
Ngunit ayoko pa ring kumalas
Sa bawat paglapit mo saakin
Mas lalong naguguluhan ang aking damdamin
Bakit ba patuloy mo pa rin akong pinapansin?
Kung sinabi mo nang wala kang pakialam sa'kin
Feb 26, 2016
Feb 26, 2016 at 10:13 AM UTC
kailan ba nabuhay ang mga manunulat?
sa lahat pagkakataon, kumukuha lang sila ng materyal, ng inspirasyon, ng hangin sa baga ng apoy.
kung iniisip **** ibinigay na nila ang lahat sa'yo, pakaisipin mo ring marami silang nakuha mula sa'yo: ang alon ng buhok mo, ang tsokolate **** mata, pantay na mga ngipin, nakakaakit **** ngiti
ngunit higit sa lahat nang 'yon, ikaw pa rin ang talo, bakit?
dahil minahal ka nila upang iguhit nang tulad nang sa mga pintor: delikado, misteryoso at orihinal.
kahit pa ilang tauhan na ang nagdaan, makikita mo ang pagkakaiba ng oras, panahon at lugar; pagkapusyaw at pagkalamlam, katingkaran o putla ng kulay mo sa tuwing magkahawak kayo ng kamay.
ikaw ang talo, dahil kahit sinong gagawa ng sariling istorya, ikaw; na tinutukoy niya ay ang laging kontrabida. 'hanggat hindi natututong magsulat ang leon, palaging papupurihan ng mga istorya ang mandirigma.'
ikaw ang nang-iwan, unang nilapitan, unang bumitaw sa magpakailanman,
ang hindi lumingon
sa bawat pagtawag sa pangalan **** kirot na ngayon ang katumbas
para bang kalamansing piniga sa sugat na kailanma'y di naghilom at naglaho.
pero sa panahong bumakat na sa papiro ang mga letra, hindi na lamang siya ang luluha sa pagkawala mo, ni maiihi sa kwentong una kayong nagkatagpo
kailan ba nagkaroon ng pagkakataong inisip lamang ng manunulat ang ngayon at hindi ang bukas na isusulat niya ang mga nangyari nang araw na 'yon?
ang unang beses mo siyang halikan sa pisngi, ang panay na pagdantay mo sa kanyang balikat at pagkahawak sa kanyang braso?
kailan ba niya malilimutan at ilang beses pa niyang pauulit-ulitin ang gunita ng pagpatak ng mga luha mo sa harapan niya nang walang dahilan kundi dahil masaya kang kasama siya?
kailan ba nabuhay ang isang eskribo?
sa simula pa lamang ng panahon, kasiping niya gabi-gabi ay ang tinta ng pluma at papel sa harap ng init ng gasera at nagbabagang puso.
mamahalin ka niya gamit ang buhay na mga salita
papatayin ka niya hangga't di ka na makaahon sa lalim ng bangin kung saan inimbak ang pagtingin niya sa'yo
nabuhay siya nang dumating ka
nang mga panahong ang mga oras ng kabataan ay itinatapon na, ikaw ang naging gasolina
upang magliyab siya
oo ikaw na irog niya
nabuhay siya upang buhayin ka magpakailanman
Jan 9, 2017
Jan 9, 2017 at 4:20 AM UTC
Naglalakad ako pauwi nang makita kita sa isang tabi.
Umiiyak.
Humahalakhak.
Lumalaklak.
May hawak na bulaklak.
At humihiling sa bawat talulot na pipitasin ay sana hindi ka niya iniwan nang wasak.
Nilapitan kita agad at tinabihan.
Dinamayan ka sa lamig.
Ang mga binti **** sa sobrang tagal nang nakaupo ay namimintig.
Walang salita o tunog na lumabas sa aking bibig.
Kundi ang mga tenga lamang para makinig.
Sa pagkwento mo habang ang boses mo'y nanginginig.
Sabay nating pinanood ang pagbaba ng araw.
Kasama sa paglubog ang galit na umaapaw.
Napatitig ako sayo at napabulong na wag ka sanang matunaw.
At nagtataka na bakit mayroong tao na sayo ay umayaw.
Biglang tumibok ang puso ko ng laktaw-laktaw.
Nagpapasalamat na natanaw kita at ako ay naligaw na parang langaw.
Kinalaunan ay napatahan ka kahit saglit lang.
Napasaya kahit saglit lang.
Nabawasan ang sakit kahit saglit lang.
Nakalimot sa problema kahit saglit lang.
Nakasama ka kahit saglit lang.
At naging parte ng mundo mo kahit saglit lang.
Hinatid ka para ligtas na makauwi at nagtanong ka kung paano makakabawi.
Makita ka lamang ngumiti, ang abala ay mapapawi.
At sana, kung okay ka na talaga.
Kapag natulog ka at ipipikit na ang mga matang namamaga.
Ay malaman mo na ang iyong tunay na halaga.
At matuklasan ang pagmamahal na pang-sayo lamang ng buong buo.
Jul 5, 2016
Jul 5, 2016 at 8:37 PM UTC
Sa isang hardin ako ay may namataan
Isang dahong nakatungo at tila may dinaramdam
Matagal kong pinagmasdan subalit di ko maunawaan
Kaya naman nilapitan at nagsimula ng isang usapan….
Munting dahon, aking bungad, ikaw ata’y matamlay
Sukli nya’y ngiting may kahalong lumbay
At napansin ko ang pighati sa kanyang mata
Hanggang tuluyan nang umagos ang saganang mga luha…
At sinambit nya…
“Oh ang rosas na puno ng ganda
Lahat sa kanya ay nahahalina
Subaling akong palagi nyang kasama
Ni minsan di nabigyan ng importansya"
Dagdag nya...
"Ako’y nanliliit sa aking sarili
Lahat ng suporta, sa iba ay ibinahagi
Kay rosas, kay tangkay, sila ay aking tinulungan
Sa abot ng makakaya, sila ay aking dinamayan
Subalit sa malakas na ihip ng hangin
Dulot ng bagyong kayhirap pahupain
Tila yata akoy’ nag-iisa at nalulugmok
Ako ba’y pagkain lang ng uod na gutom?”
Oh kaibigan, akin na lang nasambit
Huwag kang bibitaw at higpitan ang yong kapit
Ang mundo ay di perpekto, ang laban ay di patas
Panalangin sa Taas, gawin **** sandata at lakas.
Kung ikaw ay susuko, tagumpay ba'y makakamtan?
Ang iyo bang paglisan ay kaligayahang inaasam?
Tumayo ka nang matatag at sa buhay ay lumaban
Ano ba't ang lumbay ay sadya ren paparam...
Feb 15, 2018
Feb 15, 2018 at 6:06 AM UTC
Pinagmamasdan ko siya.
Nilapitan ko ng dahan-dahan.
Inamoy-amoy ang kanyang buhok.
Kinuha ko ang kanyang mga damit.
Hindi ko mapipigilan... siguro nasisiyahan lang akong malaman na akin lang siya.
Hindi siya sumigaw, hindi nanlaban.
Nakaupo lang siya pero nakatungo.
Ako ang una mo ako rin ang panghuli.
Ako lang dapat, wala nang iba.
Wala na siya...
Habambuhay.
Siguro nasobrahan lang ako sa selos.
Kaya ngayon wala na siyang emosyon.
Aug 19, 2019
Aug 19, 2019 at 3:28 AM UTC
Sabik na sabik sa bawat sandali na makita ka
Puso kong galak na nagsusumayaw sa tuwa
Mga mata kong nangungusap binabanggit na sana'y ikaw na nga
Ang tanging iibigin at sa puso ay sana di na mawaglit pa
Ika'y nakatalikod ng biglang lumingon
At ako ay nabighani na para bang wala ng kahapon
Sabay sigaw ng aking pangalan
Ako naman ay tumungo at ika'y nilapitan
Sa bawat pagdaan ng araw tayo'y nagkakausap
Mga mata kong di maipaliwanag ang kislap
Ako naman tong sobrang tuwa at laging nagsisikap
Upang mapasaya ka at balang araw ay mayakap
Gitara't awitin para sa unang akyat ng ligaw
Tsokolate at rosas para sa ikalawang dalaw
Ililibre ka ng paborito **** mangga at isaw
Lahat ng yan di ako mapapagod gawin
Umaasa sa matamis na oo na isasagot mo sakin
Mangangakong hindi ka sasaktan at lolokohin
Sa lahat ng kaibigan at magulang ay ipapakilala
Irerespeto kita ng taos puso at walang pagdududa
Ngunit lahat ng yan ay tila nagbago
Dumating ang isang umaga at ika'y biglang naglaho
Hindi nag paalam kung saan patutungo
Hanggang ngayon eto ang aking pusong nagdurugo
Ako ay di magsasawang mag hintay sa iyong pagbalik
Umaasang sayong pisngi ako'y makakahalik
At igugugol lahat ng oras at sandali
Di na mag dadalawang isip at mag aatubili.
May 17, 2018
May 17, 2018 at 2:11 AM UTC
"Akin na pera mo."
"Dali, ilabas mo pati cellphone mo, lahat!"
"Babarilin kita!"
Hindi ako nakapagsalita.
Hindi nakagalaw. Natulala.
Ang bilis ng pangyayari.
Nakakatakot. Na wala man lang akong nagawa.
Gabi ng lumabas ako sa aming tahanan,
Kinailangan kong bumili ng ulam para sa hapunan,
Naglalakad ako ng isang kilometro,
Makabili lang ng pagkaing ihahain sa mga anak ko.
Madilim na. At walang ilaw ang kalye.
Mas pinili ko na rin maglakad para tipid pamasahe.
Medyo malapit lang din kasi nakasanayan ko na.
Ang maglakad ng malayo na walang saplot ang paa.
Malamang hinihintay na nila ako.
Kaya binilisan ko ang lakad ko.
Excited na rin akong makain nila ang paborito nilang ulam.
Tortang talong na masustansya para sa aming hapunan.
Ngunit nang malapit na ako sa pamilihan,
Dalawang lalaking nakamotor, ako'y nilapitan.
"Akin na pera mo."
"Dali, ilabas mo pati cellphone mo, lahat!"
"Babarilin kita!"
Napaluhod ako sa kalsada.
Nanghinayang sa karampot na baryang aking kinita.
Buong araw ako nagtrabaho,
Holdaper lang pala ang kukuha ng pinaghirapan ko.
"Mga anak, pasensya na, wala akong nabili eh"
"Ayos lang yan Pa, may asin at toyo pa naman eh"
"Bukas babawi ako mga anak ko."
"Hindi po papa, kami po ang babawi sa inyo."
Nawalan ako ng pera sa araw na ito,
Pero salamat at ganito ang pananaw nila sa mundo,
Na ang lahat ng ginagawa para sayo,
Ay sakripisyong dapat pinagpapasalamat mo.
Nov 9, 2019
Nov 9, 2019 at 11:25 AM UTC
Noon halos magtiklop-tuhod ako sa paghanga
At inaasam na ang pag-ibig mo'y makuha
Tila ang isang tulad mo'y napakailap
Ang ibigin mo'y isang pangarap
Hanggang sa ikaw'y dumating
At ako'y iyong natutunang mahalin
Ngunit sa paglipas ng panahon
Puro bangayan at galit ang sa aki'y itinuon
Ikaw'y nilapitan at tinanong kung bakit
Ngunit pagkibit ng balikat ang aking nakamit
Walang gatol na ikaw'y sumagot
Sinabing ako'y iyo nang nalimot
Biglang nahinto at di alam ang gagawin
Ito'y napakasakit sa damdamin
Mga mata'y nagtatanong at masinsinang nag-uusap
Bakit ganon, mawawala ang lahat sa isang iglap?
Dec 5, 2019
Dec 5, 2019 at 1:05 AM UTC
Sa pagitan ng isang salamin kami'y unang nagkatagpo
Tila walang ibang nakikita habang tanaw siya sa malayo
Kaunting hakbang nalang ay patungo na ako
Ngunit napuno ng kaba at hiya, sapagkat unang beses ito.
Isang binibining marilag at may kaayusan
Na ang kaniyang kaanyuan ay kapita-pitagan
Malumanay niya akong tinungo at nilapitan
Na para bang kami ay mag-uusap ng masinsinan
Lumipas ang bawat sandali na kami ay magkasama
Habang dahan-dahang inilapat ang kamay sa kaniyang palad
Nilibot ang paligid, tanging siya lang ang nakikita
Mahinay ang takbo ng oras, na sa layo ng nilakbay ay parang nagpapahinga
Malapit na matapos ang panandaliang pagsasama
Habang ako'y pilit na tinalunton ang bawat hakbang niya
Dumating ang pagkakataong magpapaalam na
Lunos ang biglang nadama, sapagkat iyon ay una.
Sa larawan na aming kinuhanan nang kami ay magkasama
Ika-pitompu't anim na araw ng tatlong daan at animnapu't lima
Siya ay aking nakausap, nakasama, at nakita
Subalit hindi nasabihan ng isang mahalagang salita
Sa nag-iisang larawan na pilit kong iniingatan
Bumalik kami sa dati na sa telepono'y nag-uusap na lamang
Kung may pagkakataon ay agad siyang pupuntahan
At sa pagkakataong iyon, ay mahigpit siyang hahagkan
Sa isang imahe ng larawan na aking itinatangis
Nag-iisang larawan na lubos kong ninanais
Subalit sa kasalukuyan ako'y patuloy na nagahis
Sapagkat ang imaheng iyon ay imaheng puno ng hinagpis
Hinagpis sa una naming pagkikita
Sa matagal na paghihintay ay muli ng nagkasama
Handa akong maghintay at maglakbay ng ilang milya
Mangyari lamang ulit ang matagal ko ng adhika.
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 9:46 AM UTC
Nung ika'y aking nakita,
pakiramdam para sayo ay wala,
Ngunit di nagtagal,
Naglaro si kupido at tadhana.
Pinana ng pana ni kupido
at binaluktot ni tadhana
landas nating dalawa
Isang araw, nakita kita sa isang tabi,
ika'y nilapitan at pinangiti,
Hnaggang isang gabi,
Puso'y di mapigilan, sinigaw sayo
Mahal kita, aking sinta!
Nung naging tayo.
Walang umangal ng kung ano,
Hanggang sa dumating ang araw na
tayo'y pinaglayo.
Hindi kinaya ang pagkukulang,
kaya winakasan,
sapagkat sandata ng kalawakan,
oras at distansiya ating kinakalaban.
Bakit kailangan ganito?
Pero anu pa bang magagawa ko?
Huli na lahat, para ipaglaban ko,
pag-ibig na binalewala ko.
Kasalanan ko,
Pagdurusang dinaranas ko.
Dec 6, 2017
Dec 6, 2017 at 4:34 AM UTC
50 Dahil sa masidhing panibugho
Ng pumangalawang natalo
51 Kung anu-anong balak na mabagsik
Ang sa isip isiniksik
52 Buong loob isasakatuparan
Ang kalapastanganan
53 Isang gabing marilim
Baon ay patalim
54 Nagtungo sa prinsipeng nagpapahangin
Sa may bandang baybayin
55 Kanila itong nilapitan
Tinutok patalim sa lalamunan
56 Ibinangka at ibinalot sa lambat
Siniklot at inihulog sa dagat.
-06/25/2012
*Gintong Lupa Series
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 10:03 PM UTC
Dungaw sa pula
Isasalaysay ng mga tula
Nilapitan sa wala
Alaala'y nagiging bula
Kinabukasan sila'y tulala
Bakit ko ginawa 'yun bigla?
Naiisip mo ba?
Nakakalula... nakakalula,
Sapagka't walang kinabukasan ang isang pariwara.
Mar 19, 2018
Mar 19, 2018 at 11:12 PM UTC