Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nilangoy" poems
Pabalik balik ako Nagiisip kung paano Ilang araw na ang lumipas Sa tuwing dilim ako kumukumpas Mahal paano ko isusulat Natatakot ako sapagkat Baka magkulang ang mga salita Baka hindi sumakto ang titik at letra Susubukan ko Kasi ayokong sumuko Sa pagibig at pagtula Kasi ikaw, ang ihaharap ko sa tala Handa naman ako Sabihin **** languyin ko ang dagat para sayo Nilangoy ko na upang makarating sayo
0
Mar 1, 2019
Mar 1, 2019 at 3:03 AM UTC
Pag ibig at Pagtula
Nakayanan **** mag-isa, Nalagpasan **** hindi lumuha, Bakit sasabihin **** pagod na ako? Hinarap mo ang bagyo, Nilangoy mo ang delubyo, Ngayon, sasabihin **** pagod na ako? Sinangga mo ang naglalakihang sibat, Inilagan mo ang sunod-sunod na bala, Bakit ngayon, napapagod ka? Tinakasan mo ang dilim, Hinabol mo ang liwanag, Ngayong matatag ka na, saka ka pa mapapagod? Isipin **** hindi lang ikaw ang tao sa mundo, Alalahanin mo ang pamilya't kaibigan mo, Sila rin pasan-pasan ang bigat na dala mo. Buong buhay ka mang mapagod, Basta't sa Diyos huwag kang tatalikod, Dahil Siya ay laging nasa iyong bakod.
0
May 15, 2016
May 15, 2016 at 5:16 PM UTC
Huwag Kang Mapagod