Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Mar 2018
Tag-araw na naman at tuwing sasapit ang buwan ng Marso, Abril at Mayo ay malimit pumunta sa isang hindi pamilyar na lugar ang magkakabarkadang sina Potsi, Tapsi, at Seksi.

Ang pagpunta sa baybayin o beach ay nakagawian na nilang gawin taon-taon. Ito rin ang kani-kanilang paraan upang pansamantalang makalayo sa napaka-abalang lugar sa Kamaynilaan.

"Pots, Sek, saan naman ang destinasyon natin ngayong taon? Malapit na ang holy week. Kaya dapat mayroon na tayong napagkasunduan," tanong ni Tapsi.

Tapsi ang palayaw na binigay sa kaniya ng kaniyang magulang dahil paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng tapa na may sinangag. Ang totoo niyang pangalan ay Mateo Paulo Sibucay.

Dahil dalawa lang naman silang lalaki, siya ang may pinakaguwapong mukha maliban na lamang kay Seksi na maganda dahil babae ito. Itinuturing din siyang hunk sa kanilang kompanya sa matikas na pangangatawan nito kahit hindi naman siya pumupunta sa gym.

"Perfect ang Laiya, Taps, Pots! Ano agree kayo?" namumungay ang mga mata ni Seksi nang sagutin nito ang tanong ni Tapsi.

Si Seksi, gaya ng palayaw niya ay kakikitaan naman ito ng kakaibang kaseksihan sa katawan. Malakas man itong lumamon ay hindi naman ito tumataba. Mahilig siya sa mga matatamis at paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng keyk. Ang tunay naman niyang pangalan ay Katarina Sek Javellana.

"Basta may mabibilhan ng pagkain kapag nagutom ako, okay na okay sa akin ang lugar, Taps at Sek," sagot naman ni Potsi habang may hawak-hawak na dalawang jolly hotdog sa kaniyang mga kamay.

Kulang na lamang ay mabilaukan ito dahil panay ang lamon nang lamon nito kahit may nginunguya pa sa bunganga. Siya ang mataba sa kanila pero ayaw niyang tinatawag niyang tawaging mataba. Mas gusto niya ang salitang chubby dahil cute daw ito sa pandinig niya. Ang tunay naman niyang pangalan ay Pocholo Travis Sigalado.

"Nakakahiya ka talaga, Potsi. Mabilaukan ka oy!" wika ni Tapsi.

"Heto, tissue o! Sahurin mo ang mga nahuhulog. Sayang din iyang pagkain. Alalahanin mo na maraming mga bata ang nagugutom sa kalsada," sabay abot naman ng tissue ni Seksi kay Potsi.

"Kaya nga sinisimot ko ang pagkain kasi sayang 'di ba?" ngunguso-ngusong sagot ni Potsi habang nagpapatuloy sa pagnguya sa kaniyang kinakain.

"Saan ba ang Laiya, Sek?" ani Tapsi.

"Sa Batangas lang naman siya. Mga isa't kalahati hanggang dalawang oras ang biyahe mula sa Maynila. Set na natin?" nakangiting sagot naman ni Sek habang ang dalawang hinlalaki ay naka-senyas ng aprub.

"Sa Black Saturday tayo pumunta para madami tayong makikitang mga tanawin!" gulat naman ang dalawa sa sinabi ni Potsi at pansamantala pang nagkatitigan sina Sek at Tapsi. Pagkatapos no'n ay nagsipagtawanan sila.

"Agree ako diyan sa Sabado de Gloria. Teka, 'di ba sa susunod na linggo na iyon?" ani Tapsi.

"Okay lang iyon, handa na rin naman tayo palagi e. Kaya walang problema. Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin para makatipid tayo sa gasolina," si Potsi na ang sumagot matapos uminom ng mountain dew.

Tumango na lamang ang dalawa dahil alam naman nilang sa kanilang tatlo ay si Potsi ang laging handa. Minsan nga ay si Potsi na ang taya sa kanilang summer outing taon-taon e.

"At kung may problema kayo sa budget, ako na rin ang bahala ha? He-he," tatawa-tawang sabi ni Potsi na ikinatawa na rin naman ng dalawa.

"Maasahan ka talaga, Potsi! Gusto mo order pa kami ng pagkain sa iyo?"

Masayang nagtatawanan ang magbarkada sa Jollibee nang mga oras na iyon dahil sa kaibigan nilang si Potsi. Pare-pareho na rin naman silang may mga trabaho. Kaya wala nang problema sa kanila ang pera.

#TravelFriendsGoals ang motto nilang tatlo. Si Tapsi ay isang Real Estate Broker agent habang si Seksi naman ay isang Fashion Model at si Potsi ay isang Food Blogger. Lahat sila ay iisa ang hilig--ang maglakbay at libutin ang mga natatagong lugar sa Pilipinas.

*

Lumipas ang isang linggo, araw ng Sabado ay maagang umalis mula sa Quezon City ang magkakaibigan. Gamit ang sasakyan ni Potsi na Toyota Revo ay bumiyahe na sila. Si Potsi ang nagmamaneho, si Seksi naman ang tumitingin sa mapang dala niya habang si Tapsi ay panay ang kuha ng litrato sa sarili sa likuran ng sasakyan.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha mo, Taps? Guwapong-guwapo ka sa sarili a!" tanong ni Potsi habang tumitingin-tingin sa rear-view mirror ng sasakyan. Nginitian na lamang siya ni Tapsi.

"Hayaan mo na 'yang broker nating kaibigan. Alam mo namang siya lang ang may magandang mukha sa inyong dalawa. Ha-ha," asar ni Sek kay Potsi.

"Anong guwapo? E kung pumayat ako 'di hamak na mas may hitsura ako kay Taps!" depensa naman ni Potsi.

"Oo na, Pots. Mas guwapo ka naman sa akin ng kalahating paligo lang naman kapag pumayat ka 'di ba? Bakit kasi ayaw mo akong samahan sa gym para makapag-work-out ka na rin at mabawasan ang bilbil mo?" ani Tapsi kay Potsi.

"Gusto mo ibaba kita sa gitna ng kalsada, Taps? At saka, hindi ko na kailangan mag-gym. Food is life. Enjoy life, enjoy goya sabi ng commercial ni Kim Chiu," naiinis na nagpapatwang sagot naman ni Potsi habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa kalsada. Lihim na lamang na natawa si Seksi sa dalawang kaibigan.

"Ikaw naman, hindi na mabiro. Alam mo namang love kita e lalo na nang malaman kong love mo abs ko! Ha-ha," pang-aalaska na naman ni Tapsi.

"Mukha mo! Mas marami akong abs sa iyo, tabs nga lang at malalaki pa! Ha-ha," napuno na naman ng tawanan ang loob ng sasakyan. Asaran kung asaran. Iyan ang nakasanayan na nila.

Lumipas ang isang oras na biyahe ay nakatulog na sina Tapsi at Seksi habang si Potsi ay gising na gising ang diwa dahil habang nagmamaneho ay panay ang dukot nito sa baon niyang mga pagkain malapit sa kaniya.

Dumaan pa ang isang oras ay napansin ni Potsi na parang may mali sa direksyong tinatahak nila. Agad niyang kinuha ang mapang dala ni Seksi at tiningnan ito. Dahil hindi niya kabisado ang nakapaloob sa mapa, ginising na lamang niya si Seksi.

"Sek! Sek! SEEKKK!" tulog-mantika ang babae, kaya sumigaw na lamang si Potsi na ikinagulat din ni Tapsi sa back seat.

"Sorry. Naliligaw yata tayo. Tingnan mo ang mapa, Sek," agad namang tiningnan ni Seksi ang mapa at sinipat-sipat ang kinaroroonan nila.

"Ihinto mo nga ang sasakyan muna, Pots," sinunod naman nito si Sek at pansamantalang itinigil ang sasakyan.

"Ano, naliligaw na ba tayo, Sek?" binali-baligtad pa ni Seksi ang mapa para lang siguraduhing tama ang tinatahak nilang lugar patungo sa isang sikat na resort sa Laiya, Batangas. Ngunit, may napansin siyang kakaiba.

"Nasa Laiya na nga tayo, guys pero bakit tila napadpad tayo sa isang gubat na ito?" lahat ay napatingin sa itinuro ni Seksi sa mapa at binasa ang nakasulat doon.

"Satur-Death? Ano iyan? Hindi mo ba nakita ang lugar na iyan diyan sa mapa, Sek?" tila may kung anong kakaibang simoy ng hangin naman ang dumampi sa mga balat ng magkakaibigan ng mga oras na iyon matapos sambitin ang katagang Satur-death.

"Patingin nga? Kinilabutan ako sa pangalan e. Satur-death, tunog saturday o sabado tapos may death? Kamatayan? E 'di ba sabado ngayon? Don't tell me may mangyayaring hindi maganda sa atin?" sabay-sabay na nagkatinginan ang tatlo habang nakatigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada na hindi pamilyar na lugar. Tahimik ang lugar na iyon at ni busina, tunog o mga sasakyan ay wala kang maririnig o makikitang napapadaan.  

"Ang mabuti pa, bumalik na lang tayo sa kung saan tayo kanina nanggagaling. Baka mali lang talaga ang napasukan natin. Baka shortcut lang ito, guys," nagtatapang-tapangang wika ni Seksi.

"Ang sabi sa pamahiin, kapag naligaw daw tayo, hubarin natin ang mga damit natin," nagpapatawang wika ni Potsi.

"Anong hubarin? Baka ang ibig **** sabihin, baligtarin!" pagkaklaro ni Tapsi.

"Pareho lang naman silang may 'rin' sa dulo e," dagdag pa ni Potsi. Napailing na lamang sina Tapsi at Seksi at naghubad na lamang upang baligtarin ang kanilang damit.

Matapos baligtarin ang damit ay pinaandar na ni Potsi ang sasakyan. Dahan-dahan na lamang niya itong minamaneho upang makabisado ang kalsadang kanilang tinatahak.

Tatlumpung minuto na ang nakalilipas nang matagpuan nila ang isang karatula sa gilid ng kalasda na nakadikit sa isang puno.

"THIS WAY TO LAIYA!"

Agad na nabuhayan ng loob ang magkakaibigan dahil sa nakitang sign board na nang tingnan nila sa mapa ay nakaukit naman iyon.

"Deretso na lang tayo, Potsi at mararating na natin ang mismong resort sa Laiya," iyan na lamang ang nasabi ni Seksi nang mga oras na iyon.

Nang malampasan nila ang karatula ay bigla na lang naging makulimlim ang kalangitan at biglang bumuhos ang ulan. At hindi nila inasahan ang isang palasong bumutas sa kaliwang gulong ng sinasakyan nilang Toyota Revo.

Gulat na gulat ang mukha ng magkakaibigan nang biglang gumewang-gewang ang sasakyan at nabundol ito sa isang puno. Mabuti na lamang at hindi sila napuruhan. Kaunting galos lamang ang kanilang natamo kaya agad din nilang inayos ang mga sarili.

Nang mga oras na iyon, sa side-mirror ng sasakyan ay may napansin si Seksi na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanilang sasakyan ay nakita niyang may hawak itong pana at palaso. Pinakawalan niya ito at tumama kaliwang bahagi ng side-mirror.

"BABA! LABAS! Takbo na tayo! May gustong pumatay sa atin. Labas na!" sa taranta ay isa-isang nagsilabasan sa loob ng sasakyan ang magkakaibigan. Napasubsob pa ang mukha ni Potsi sa damuhan pagkababa nito. Agad na inalalayan siya ni Tapsi upang makatayo habang si Seksi naman ay sumisigaw na.

"Takbo! Takbo na! Bilis!"

Walang lingon-lingon ay agad na silang nagsitakbuhan ngunit hindi pa man sila nakakahakbang ay isang palaso ang tumama sa kaliwang binti ni Potsi dahilan upang mapabitaw ito sa balikat ni Tapsi at natumba.

Napahiyaw sa sakit si Potsi. Gulantang naman ang mukha ni Seksi. Nagmadali siyang balikan ang kaibigan at tinulungang makatayo si Potsi dahil malapit na malapit na ang salarin sa kanila.

"Iwan niyo na ako, Taps, Sek!" kitang-kita na sa mga mata ni Potsi ang panghihinat at takot nang mga oras na iyon. Kahit umuulan ay pansin na pansing naluluha na ang kaibigan.

"Hindi ka namin pwedeng iwan dito, Pots! Sama-sama tayo! Sek, bilis iangat natin si Pots. Isa, dalawa, tatlo!" kahit mabigat ay nagawa pa rin nila itong itayo upang makatakbo at makalayo sa kung sino man ang gustong pumatay sa kanila.

Nang muli na silang hahakbang ay hindi nila napansin ang paglapit ng hindi pamilyar na nilalang at itinarak sa likuran ni Potsi ang matulis na palaso. Agad na lumingon sina Tapsi at Seksi sa salarin nang sumigaw nang malakas si Posti.

Doon ay mulagat silang pareho nang isa na namang palaso sana ang tatama at itatarak kay Sek. Mabuti na lamang ay maagap si Tapsi. Binitawan niya si Potsi at agad na sinugod ang salarin.

Parang torong iniuntog ni Tapsi ang ulo niya sa tiyan nito at pareho silang natumba sa magkabilang direksyon. Nang mga sandaling iyon, habang patuloy sa pagbuhos ang ulan ay naaninag ni Seksi ang mukha ng gustong pumatay sa kanila.

May suot itong maskara sa mukha na ang tanging makikita ay ang mga mata lamang niya. Ang mga balat sa leeg, kamay at paa ay parang bangkay na naagnas. Matatalim din ang mga kuko nito sa mga kamay at paa.

Itinuon ni Sek ang atensiyon sa kaibigang si Potsi na nang mga oras na iyon ay tila nawalan ng malay. Niyugyog-yugyog niya ang kaibigan. Pinakiramdaman niya rin ang pulso nito at pinakinggan ang tibok ng puso. Doon ay napagtanto niyang may pag-asa pa si Potsi.

"Taps! Buhay pa si Potsi!" sigaw niya sa kaibigan.

"Tumakas na kayo, Sek! Ako na ang bahala rito! Alis na!" agad na sinugod si Sek ng kaharap at nahagip ng tulis ng palaso ang kaniyang braso dahilan upang makaramdam siya ng hapdi.

Hinila-hila naman ni Sek si Potsi upang dalhin sa ligtas na lugar. Kahit hindi kaya ng kaniyang mga braso ay pinilit niya pa ring hilahin ito.

Samantala, dinampot ni Tapsi ang palasong nabitawan ng may sa kanibal na nilalang at pinatamaan ito sa pamamagitan ng pagtarak ng palaso. Parang gutom na gutom naman ito dahil naiilagan niya ang bawat pagtarak sa kaniya ng palaso.

Animo ay isang baliw na nakakita ng kaniyang laruan ang kaharap ni Tapsi. Hindi naman nagpatalo ang huli. Nang muling itatarak sa kaniya ang palaso ay napigilan niya ito at sinipa sa gitnang hita ang kaharap. Napahawak naman ito sa kaniyang hinaharap. Hindi na rin sinayang ni Tapsi ang pagkakataon upang makaganti.

Agad niyang kinuha ang palasong nabitawan niya at itinarak iyon sa leeg. Makailang beses niyang hinugot-baon ang palaso at itinarak muli sa iba pang bahagi ng katawan nito. Sa leeg, sa mata, sa butas ng tainga maging sa bunganga at ang panghuli sa puso nito.

Hingal na hingal man si Tapsi ay nagawa pa niyang tanggalin ang nakabalot na maskara sa mukha ng kaniyang kalaban at doon nakita ang inuuod-uod ng mukha. Hindi niya nasikmurang pagmasdan kaya nasuka si Tapsi. Kinalaunan ay pinuntahan na lamang niya si Sek na hindi pa rin nakakalayo sa kakahila sa kaibigang si Potsi.

Punong-puno ng dugo ang mga kamay, mukha at kasuotan ni Tapsi nang makita siya ni Sek. Nahuhugasan lamang iyon sa bawat patak at buhos ng ulan.

"Kailangan na nating makaalis dito, Taps. Kailangan maisugod si Potsi sa ospital!"

"Saan tayo hihingi ng tulong e, nakita mo namang mukhang halimaw ang nakalaban ko, Sek,"

"Si Potsi, Taps. Anong gagawin natin? Marami ng dugo ang nawala sa kaniya,"

"Hindi ko alam pero sana tumila na ang ulan nang makita na natin ang dinadaanan natin para makahingi tayo ng tulong. Tulungan mo na akong buhatin si Potsi. Siguro naman--"

Hindi pa natatapos ni Tapsi ang kaniyang sasabihin nang maramdaman niyang may matulis na bagay ang tumusok sa kaniyang batok na tumagos sa kaniyang lalamunan.

Sigaw naman nang sigaw si Sek at hindi na malaman ang gagawin. Nakita niyang may papalapit naman sa kinaroroonan nila. Kailangan na niyang iwanan ang mga kaibigan at iligtas ang kaniyang sarili para makapagtago.

Sa isang malaking puno sa 'di kalayuan ay doon nagtago si Sek. Tanging mga mata na lamang niya ang nagmamasid sa kung ano ang puwedeng gawin ng mga ito sa kaniyang mga kaibigan.

Katulad ng napatay ni Tapsi ay ganoon din ang mga hitsura ng kani-kanilang balat at mukha. Katulad sila ng mga kanibal na gustong pumatay ng tao. Isang babaeng may mahahabang buhok ang may hawak na tabak ang walang kaabog-abog na tumabas sa leeg ni Tapsi.

Gustuhin mang sumigaw ni Sek ay hindi niya magawa. Tinakpan na lamang niya ang kaniyang bunganga at parang gripong sunod-sunod naman sa pag-agos ang kaniyang mga luha nang makita ang sinapit ng kaibigang sina Tapsi at Potsi.

Gamit ang tabak ay isa-isa naman nilang pinagtataga ang katawan ni Potsi. Pinutulan nila ito ng braso at ibinigay sa isang maliit na batang sabik na sabik na kainin ito habang ang isang may katangkarang lalaki ay panay ang sipsip at dila nito sa ulong-pugot ni Tapsi.

Duwal na duwal na si Sek nang mga oras na iyon at agad na nagsuka. Sa kasamaang palad ay matalas ang pandinig nila at narinig siya ng isang matangkad na lalaki at inamoy-amoy ang paligid upang malaman ang kinaroroonan niya. Pigil-hininga naman si Sek at isiniksik ang sarili sa punong pinagtataguan niya. Takip-takip na rin niyang muli ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi.

Nakiramdam pa si Sek sa kaniyang paligid kung naroroon pa ang mga halimaw. Tanging ang pintig na lamang ng kaniyang puso ang kaniyang narinig nang mga sandaling iyon kaya naman ay marahan siyang tumingin sa direksyon kung saan naroon ang kaniyang mga kaibigan.

Isang mata pa man lang ang kaniyang nailalabas nang biglang bumulaga sa kaniya ang isang inuuod na mala-demonyo ang mukhang nakangiti sa kaniya at hinawakan siya sa buhok.

Nagpupumiglas si Sek at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa buho. Pero isang malakas na suntok sa sikmura ang kaniyang natikman. Agad siyang kinaladkad habang nakahawak pa rin ito sa kaniyang buhok at dinala sa kinaroroonan ng kaniyang mga patay na kaibigan.

Napatakip na lamang sa kaniyang bibig si Sek nang mapagmasdan ang sinapit ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang harapan.

Hawak-hawak pa rin ng lalaki ang kaniyang buhok ay agad na itinutok sa kaniyang leeg ang matulis na tabak. Pigil hininga at lunok-laway na lamang ang nagawa ni Sek nang unti-unting hinihiwa ang balat sa kaniyang leeg hanggang sa maabot ng tabak ang ugat nito. Sabay-saba
Pia Montalban Aug 2015
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang mga butil ng bigas
Ay mula sa mga butil ng binhi ng palay
Na bago pa man maitundos sa lupa
May paghahandang dapat na maisagawa
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang kailangang palipasin
Ilang mga araw at linggong magdamag
Bago simulan bawat umaga ng pag-aararo
Bawat umaga ng pagpapalambot sa lupa
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang pagkatapos ng pagpupunla’y
Mahabang takipsilim ng pag-aabang
At pagdidilig. Hindi lamang ng tubig,
Kundi pati pawis at dugo, higit na pag-ibig
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang may panahon ng paghahasa
Ng mga gulok, sundang at karit
May panahon ng paghahawan
May panahon ng paggapas at pag-aani
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang may aangkin ng lupang kanila
Batid nilang may panahon ng paniningil
May panahon ng pag-ani ng karapatan
May panahon ng pagkapatas
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Hindi sila nahihimbing sa kanilang paghihintay
Mababaw ang tulog, tiyak nila ang oras ng paggising
Ang oras ng pagtindig
Ang oras ng paghawak ng kanilang mga karit.
w Nov 2016
18
Lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot
Lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan
Lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan
Pero ang pinaka nakakalungkot sa lahat e yung puno ng tao sa isang kwarto
Puno ng tunog at salita
Puno ng biruan at tawanan
Pero ramdam **** nag-iisa ka
Ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka
Sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang
Kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman
Nakakapagod ano?
Nakakapagod magkunwaring masaya
Nakakapagod magkunwaring kaya mo pa
Pero alam naman natin
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang
Eto yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama
Eto yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan
Etong yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya
Eto yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa
Eto yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam
Iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran
Kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa
Yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan
Isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan
Alam ko,  pagod ka narin
Sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay
Sa mundong malawak at mapaglaro
Sa mga tulang isinulat pero walang laman
Sa mga nasambit na salitang wala man lang naantig
Sa mga matang blanko na walang ningning
Sa mga patok na banat pero hindi naman nakinabang
Sa mga mensahe sa inbox na puro lang chain messages ang laman galing sa kakilala **** di na umahon sa pagiging jejemon
Sa mga text ni Baby aka 8888 na pinapaalala kang expired na pala ang iyong load
Talaga namang nakakapagod ang mundo
Minsan nga nakakagago
Itulog nalang natin 'to, ano?
Ayan tayo e, dinadaan sa tulog ang lahat
Pero malay mo nga naman, baka sakaling sa mahabang paglimot sa mundo, isang panaginip lang pala ang lahat ng sakit
Hindi lang siguro dahil tamad kaya natutulog pero eto na marahil yung senyales ng pagsuko sa laban
Sa pagpiling takasan panandalian ang buhay at baka sakaling sa panaginip matupad ang nais ng puso
Kasi sa totoong buhay ang hirap tanggapin ang bawat sampal ng pagkabigo
Yung bang dalawang klase ng pagkabigo
Yung todo bigay ka sa una pero bokya ka parin
At yung isa naman, yung natatakot ka ng sumunggab at tinikop ka na agad ng takot
Beterana na nga ata sa larangan ng pagiging olats
Nganga kung nganga
Nada kung nada
Itlog kung itlog
Pero hindi pa tapos ang kwento
Malayo pa ang lalakbayin
May natitira pa naman sigurong alas dyan na di pa naitataya
Positibo naman ako na sa negatibong sitwasyon makakaalpas din
Lahat naman ng bagay lumilipas, parang yung paboritong pantalon na sa kakasuot unti-unting kumukupas
Tulad ng chika ng karakter sa pinapanood kong korean nobela, Fighting daw!
Minsan may pakinabang din pala ang pagharap sa telebisyon sa ganitong pagkakataon
Ngayon, alas otso medya ng gabi sinusulat ang mga katagang nais ilabas ng puso
Habang wala pang tugon mula sa itaaas
Salamat sa oras na tibok ng puso
Kakapit muna ako kay Captain Yoo
Sa seryoso pero nakakakilig na ugali,
Sa swabe niyang mga the moves,
Sa grabehan niyang mga titig,
At sa mala-fairytale nilang storya,
Captain, ako nalang please!
Ang huling pagkapagod kong nais ireklamo
Siguro sa paghihintay na may isang Captain Yoo Shijin na darating, na kikiliti sa pagod kong puso at magbibigay ng rasong ipagpatuloy ang labang kinapusan na ng dahilan.
George Andres Mar 2018
Isang-libo, siyam na raan, siyamnapu't-siyam
Nang una nilang marinig ang pagtangis

Dalawang libo't labing-walo
Napakarami kong gustong bigkasin
Pero nauutal ako't lumalabas pagiging utak alipin
Para sa'yo sana, gusto ko pa ring sabihin,
Na, patawad Felipe, kung kay hirap **** mahalin

Wala ako nang tumangis ka kay Macoy
Huli kong nalaman ang tungkol kay Luisita
Masyado pa ba 'kong musmos upang ibigin ka?

Lubha lamang daw akong bata
Nagpupuyos ang damdamin
Walang pang kaalaman magdesisyon ng tama
Mapusok at madaling matangay
Manatili na lamang daw ako sa klase,
at kinabukasan ko'y sa mataas na marka ibase

Kaya't pinilit kong hindi pakinggan ang pagdaing mo
Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?

Batid ko man ang kasaysayan mo sa mga prayle, kano't hapon, labis ko pa ngang inidolo si Luna't Bonifacio noon

Hindi ba't namatay rin sila sa kasibulan nang dahil sa'yo?
Natatakot ako, na balang araw iyon rin ang sapitin ko sa piling mo
Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Hindi ka pa pwedeng umiyak
Hangga't hindi pa tapos ang lahat
Ano bang alam mo upang magalit, maghimagsik?

Ngunit hindi ko kayang lumingon pabalik
Hindi ko kayang matulog muli nang wala ang 'yong halik
Hindi ko kayang mahimbing nang wala ang mga gunita

Dekada Sitenta.
Bungkos ng namumuong nana
Nilalapnos ng kumukulong tubig
Dumaranak ang dugo sa sarili **** balat
Tumatalilis at tinatanggalan ng bayag

Paiikutin ang roleta't ipuputok sa sintido
Ihihiga ang katawan sa bloke ng yelo
Papasuin ng upos ng sigarilyo
Ibabalanse ang katawan hangga't may lakas pa ang kabayo
Hindi ito mga metaporang naririnig ko lang sa mga kwento

Hindi na ako magtataka kung may diyos pa ba
A kung kahit isang beses nilingon ka man lang niya



Kung ang nakikita ng mata ay dumudurog ng puso
At ang mga salita ay pumapainlalang

Silang 'di nakaririnig ay dapat kalampagin
Hampasin ang higanteng pintuan at sipain
Ang pader na marmol na walang bintana
Galit na sumusunog ng patay na tala
Hindi kumakalma, pilit nagbabaga, nagtatangka

Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?
Maaari ko bang palitan ng paglilingkod ang iyong biyaya?
Mas madali naman siguro magsalita
Kung 'di mo batid ang paghangos ng maralita


Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Nang masulyapan ka nang unang mabuksan ang aking paningin
Gusto ka lang naman palaging kita ng mata
Wala pa man natatakot na akong makitang umiiyak ka
Mas mapalad ba ang mga bulag o tulad kong piring ang mata?
Hinayaan mo akong maging alipin
Itinatatwa ko ang araw na namulat ako
Ang hirap naman kasing maka-usad mula sa'yo
Matapos mabura ang mga kasinungalingang sa'yo'y ibinabato
Kumbaga, ikaw 'yung maraming sakit na pinagdaanan, dadagdag pa ba 'ko?
Patawad
Oh, Felipe, kay hirap **** mahalin

Habang binabasa ko ang kasaysayan ****
Nagaganap pa rin hangang sa ngayon
Parang itinutulak ang aking sikmura
At ang balat ko'y nagsisiklabo
Hindi tumitigil ang mga luha

Ilang taon matapos maghalal ng bagong pangulo
Pinaulanan ng bala ang mga humihingi ng reporma


Dalawang-libo't apat
Matapos ang tatlong dekada
Mga batas na pabor lang sa mayama't may kaya

Gusto lang naman namin mabuhay
Nang hindi inaagaw ang aming kabuhayan
Nagtatanim ng bala't hindi binhi
Umaani ng bangkay hindi punla

Lupa mo'y hinulma ng dugo
Parang imbes na pataba ay pulbura ang inaabono
Para bang ang buhay ko sa'yo'y Walang katapusang pakikibaka
Para bang ang inaani ko'y dusa sa Buong buhay na pagsasaka


Dalawanlibo't-siyam
Matapos ang apat na taon

Kinikitil nila isa-isa ang mamamahayag
Nilibing ng traktora't patong-patong ang buto't balat
Pinagkanulo mo at hayagang pumayag
Mga berdugong hinayaan mo lang lumayag

Dalawang libo't labing-lima
Nangingisay sa walang habas na pangraratrat
Hanggang huling hininga'y maubos, mawala sa ulirat
Apatnapu't-apat **** mandirigma
Lumusong sa mapanganib na kagubatan na walang dalang sandata o pananggalang man lang
Malupit ka, hanggang saan ipagtatanggol ang laya mo?
Hindi pa ba sapat ang lahat ng luha?
Nagsasakripisyo para sa hindi siguradong pagkakakilanlan bilang Pilipino


Ikalawang Milenya.
Ngayon naririnig ko na ang pagpapatahimik laban sa karapatan **** magpahayag
Nagsasakripisyo ng dugo ng mga tupa
Para sa huwad na pag-unlad
Pinapatay ng bala ang uhay
Habang matapos tapakan ang upos ng sigarilyo,
Pagtatalunan ang dilaw at pula
Kung sino ba ang mas dakila
Aastang **** na tagapagligtas
Na siyang hawak ang lahat ng lunas
Napakarami nang diyos sa kasaysayan
Pawang dinikta, ibinigkis ang kalayaan

Ninais kong mahiga na lamang at hintayin ang bukang liwayway
Na pinangarap din noon ng mga ilustrado't rebolusyunaryong mararangal
Wala nang lunas ang sumpa ng edukasyon
Magpalaya ng isipang noo'y nakakahon

Wala sa akin noon ang lakas ng bagyo
Hanggang sa nabatid kong malulunod na rin ako
Wala akong nagawa kundi tumangis

Felipe, lumuluha ka rin ba? nasasaktan ka pa ba o manhid ka na?

Gayunpaman, tahan na, Felipe, tahan na.
112718

PoemsForE
Eugene Aug 2016
Sa probinsiyang kinalakihan ko,
Bata man o matanda ay nagtatrabaho.
Sa lugar kung saan marami ang tanim na tubo,
Lahat ay maagang gumigising at nagbabanat ng buto.

Sa malawak na lupain sinimulan nilang magtanim,
Mula umaga, tanghali, at hanggang pagsapit ng dilim.
Hindi inaalintana ang init, sakit, at hapdi na kinikimkim,
Maitawid lamang sa gutom ang pamilyang pinatitikim.

Kahit kapiranggot man ang kanilang kinikita,
O minsan wala talagang may madudukot sa bulsa,
Ngiti sa kanilang labi'y hindi mawala-wala,
Pagka't pamilya ay tunay na mahalaga sa kanila.

Puso ko'y nahahabag, nalulungkot, at nagsusumamo,
Sanay mapansin sila ng mga tao sa gobyerno,
Dagdagan sana nila ang kita ng mga manggagawang sinsero,
Sa pagtatrabaho nang buong puso at may totoong prinsipyo.

Magsasaka man sila, ****, haciendero, o barbero,
Pantay-pantay sana ang pagtingin natin sa mga ito.
Kung wala sila, paano ang bansa natin aasenso?
Manggagawa po sila, nilikha ng Diyos bilang tao.


Nawa'y mapakinggan bawat nilang gusto,
Itaas ang kita ng manggagawang Pilipino.
Kumilos na sana ang ating gobyerno,
Huwag nilang hayaang sila'y magpakalayo-layo.
alvin guanlao May 2013
piktyuran mo ako ng ganyan
bidyohan mo't mejo hubaran
dapat kita yung buong katawan
gawin natin ito sa ibat ibang paraan

galit ako sayo, dito tayo magaway
sa kita ng madaming tao ngunit di ni nanay at tatay
subukan niyong magcomment at kayo'y madadamay
gusto naming dito mag away at walang sasaway

dapat nilang makita ang aking agahan
dapat nilang makita ang aking tanghalian
dapat nilang makita ang aking hapunan
dapat ulit nilang makita ang aking hapunan
wag kayong maoffend, tula ko to, kung naooffend kayo, ******* ka
AUGUST Sep 2018
Sino ba ang modernong vincentiano?
Ano ba ang kanyang pagkatao?
Nagtatanong sa sarili ko
Habang pinagmamasdan ang mahinanang kamay
Kung anong magawa ko
Dito ba sa munting palad nakahimlay
Ang lahat ng kakayahan ko?

Anong meron ako, anong meron tayo? kundi kaalaman.

Kaalaman na di galing sa sabi sabi nilang “hugot”
Kundi sa piraso ng mga aral na ating pinulot
Dahil sa disiplina tayo y nililok
Ang kabutihang asal sa diwa ay pumasok

Mula sa Mga **** nating tinuturing na magulang,
Mga mababang tao na ating ginagalang,
Mga taong nakilala mula ng tayo’y musmos pa lang
Ipinamana sa atin ang pananampalataya, pagpapakumbaba, at kabutihan

Ang tanggapin ang katotohanan,
At hangganan ng kakayahan
Ang malaman ang kahinaan, kahit may kasimplehan
Pilit inaabot ang makatulong ng buong kalooban

Ng walang hinihintay na kapalit
Tulad ng modelo nating si San Bisente (st. Vincent)
Na sa pagtulong ay di napagod
Kaya sa mata ng Diyos naging kalugod lugod

Salamat sa  Amang nasa itaas
Na nagbibigay ng lakas
Ang lakas na di nauubos
Para sa aming misyon na di pa rito natatapos

Sandata ay ang panalangin
Lakas ng loob at damdamin
Dahil sa Diyos na mahabagin
Walang pagsubok sa buhay ang hindi kakayanin

Ating misyon, ang tumulong sa mga kapus palad at nawawalan
Hindi lang sa taong nawawalan ng materyal na kayamanan
Kundi para sa mga taong naliligaw, nalilito at nagugulumihan
Pagkat ating ramdam ang bawat hirap
Ang bigat na tinitiis ng bawat taong may pinapasan

Handang makiramay at ibigay ang anuman
Para lamang ang paghihirap sa pighati ay maibsan
Pagkat sa bawat taong ating natutulongan
gantimpalang pangkaluluwa ang dapat ipagyaman

Sino ang gumagawa nito?
Sino ba ang modernong vincentiano?
Isa ba ako sa mga ito?
Ang modernong vincentiano ay di lang ako kundi tayo
Ang modernong vincentaino ay nagsasakripisyo at mapagpakumbabang nagseserbisyo
Ang modernong vincentiano ang magpapatuloy ng ating kwento.
Ang tula kong ipinanalo ng first runner up sa isang slam poetry competition ng event na may temang "Ang Modernong Vincentiano" noong September 26, 2018.
AUGUST Oct 2018
Ang paligsahan ay nagumpisang magbukas
Ng mga piling kalahok kung sino ang pinakamalakas
Pinagtipon tipon sa labanang may mataas na antas
Ang gantimpala sa mananalo ay ang kapalaran ng bukas

Wari bang hamon ng buhay na tayong lahat ay kalahok
Sa paligsahang paunahang makarating sa tuktok
Kung sino ba ang makakalagpas sa mga pagsubok
At kung sino ba ang matatag at tunay na di marupok

Kaya wag hayaang tumiklop ang tuhod
Kahit sa panghihina ay dahandahang mapaluhod
Dapat kalimutan ang nararamdamang pagod
Dahil ang laban ay dumarating nang sunod sunod

Ibigay ang lahat ng makakaya
Magtiwala sa sarili, may magagawa pa
Wag mawawalan ng pagasa
Manatiling nakamulat ang mga mata

Sabay ibukas ang munting palad
Ano mang oras darating ang hinahangad
Tulad ng manlalarong naghihintay ng pasa
Nakasalalay ang puntos, kapag nahawakan ang bola

Ganun kahalaga ang bawat panahon
Di dapat pinalalagpas ang bawat pagkakataon
Yan ang aral na ipinapaalala nitong kompetisyon
At ang disiplinang nakapaloob sa isang kampeon

Sumigaw kahit gaano kaliit ang tinig
Di maglalaon ay tuluyan ka nilang maririnig
Habang ang tao’y may taglay na pagibig
May lakas na di padadaig kahit pang buong daigdig

Bumangon ilang beses man madapa….

Walang tagumpay sa pagsuko
Kaya laban lang ng buong puso
Ipakita **** ikaw ang nararapat
Sino man ang makatapat, bumalakid man ang lahat

Ang mundo ay isang parang laro
May panalo at may pagkabigo
Ngunit may karamay na kupunang sumasaiyo
Na magsasabing “Magkasama tayo, sila ikaw at ako”
By August E. Estrellado
Team 4 “Rendu”
Sy Lilang Sep 2018
Bayani --
Sa tuwing nagtatapo ang aking kanang kamay at ang aking dibdib
Doon ko mas naisasaisip at naisasapuso ang pagiging isang Pilipino
Na hindi ako isang banyagang titirik sa malaparaisong lupain
At panandaliang mabibihagni sa mga likas na yaman
O mismong sa mga modernong Maria Clara
O mga aktibisang nagmistulang mga bayani
Sa kanilang walang pag-imbot
Sa pagsulong nang may paninindigan
Sa kani-kanilang ideolohiya.

Sa araw-araw kong pagbibilad sa araw
At pagharap sa bawat pagsubok na minsang nakapapatid at nakapagpapatalisod,
Ni minsa'y hindi ko pinangarap na gawaran ng mga salitang "bayani."

Dito sa aking Bayang, "Perlas ng Silanganan,"
Ako'y nahubog maging sanay at buo ang loob
Hindi ng mga kahapong idinaan na sa hukay
At nagsilbing bihag ng kasaysayan at rebolusyon,
Bagkus ng sariling karanasang
Nagbukas sa aking ulirat
Na may iba pa palang pintuan patungo sa kahapon.
At pupwede ko palang matuklasan
Na hindi lamang sa mga nag-alay ng buhay sa sariling bayan
Maihahambing ang katuturan ng mahiwagang salita.

Paano nga ba na sa bawat pagsilang ng araw at pagbukod ng mga ulap sa kanya
Ay maituturing ko ang sarili bilang isang bayani?
Nagigising ako na pinamumunuan hindi lamang ng isang pangulo
Kundi ng mga katauhan na siya ring nagbibigay kabuluhan sa pagrespeto ko sa aking sarili
At sa tuwing nag-aalay ako ng mga hakbang at padyak sa pampublikong mga lugar
Ay nahahaluan ang aking pagkatao ng mga abo ng mga nagtapos na sa serbisyo
At tila ba sa kaloob-looban ko ay may sumisigaw na hindi ko alam kung ano
At sumisira sa mga pintuang minsan ko nang sinubukang sipain
Ngunit hindi naman ako pinagbuksan.

Masasabi kong natuto akong hindi sumuko sa laban ng aking buhay
Pagkat ako rin pala'y may pinaglalaban
Hindi ko ninais na maging talunan sa bawat paglisan ng araw sa kabundukang minsan ko na ring inakyat at pinagmasdan
Akala ko hanggang doon na lamang ako
Na ang buhay ko'y hindi isang nobelang magiging mukha sa salapi
At pagkakaguluhan saan man sila magdako
Ngunit minsa'y limot na ang halaga.

Dito sa aking istorya'y hindi ko maipagmamalaking ako ay isang bayani --
Ngunit sa kabila ng paglaganap ng demokrasya
Ay nais ko pa ring makasalamuha ang kahigpitan ng hustiya
Nang sa gayo'y masilaya't malasap ko ring mahalaga pa rin sa lahat
Ang pagbuwis ng mga buhay --
Silang mga pinagbunyi o silang nilimot ng sarili nilang mga kababayan.

Gusto kong manatili bilang isang Pilipinong may dangal sa aking pagkatao
Na ako'y titingala hindi dahil ako'y nagmamataas
Bagkus sagisag at bunga ito ng paghilom sa akin ng may Likha
At isang grasya ang buhay na hindi ko nanaising itapon sa wala.

Hindi ako magbibigay-pugay sa watawat na walang kamuang-muang
Na ang aking laban ay tapos na.
Hindi ako magpapadaig sa lipunang maaaring bumagsak sa kahit anong pagkakataon
Kapag ito'y nakalimot sa Ngalang higit na tanyag sa kanya.
At kung ito ang magiging dahilan para ako'y maliko sa ibang ideolohiya'y
Lilisanin ko na lamang ang aking pagkatao --
Ngunit ako'y madiing magpapatuloy sa aking lakaring higit pa sa pagka-Pilipino
Kahit na ang mga tungkuling nasa harap ko'y hindi pa lubos na malinaw
Pero pangako --
Hindi ako titigil.

Oo, pupuwede akong magsimula sa wala
Pero ako ay may mararating
At marahil bukas o sa makalawa,
Kung tayo lamang ay magpapatuloy sa pakikibaka para sa ating mga paniniwala'y
Magiging higit pa tayo sa mga bayani.
At hindi mahalaga kung tayo'y limutin ng bukas
Gaya ng paghawi ng masidhing hangin sa mga ulap na emosyonal.

Ayos lang --
Pagkat sa likod ng mga kurtina nang walang humpay na palakpakan
Ay naroon ang tunay na mga bayani
Na hindi sigaw at mga pagbubunyi ang mithiin.
Hindi ginto’t mga pilak ang maibubulsa sa kamatayan
Bagkus ang makapaglingkod sa bayan na may bukal na puso't malinis na konsensya
At kalakip nito ang higit pa sa mga pamanang medalya ng kasaysayan.

Sa muling pagkikita, salubong ng ating mga ninuno
Ay mabubuksan ang ating pagkatao sa isang paraisong patay na ang kabayanihan.
Doon, sama-sama nating lilisanin ang ganid na administrasyon
At hihipuin ang galit ng lambing ng Liwanag na higit pa sa milyong mga lampara
At doon lamang natin lubos na maaakap ang pagiging isang "bayani."
Amethist Jude Oct 2016
Ang saya matulog
Ang saya managinip
Walang problema
Hindi masama ang ihip

Ang saya matulog
Para lang akong nahuhulog
Nahuhulog sa ideyang tayo
Pero di masasabihing totoo

Pagtulog na mag-isa ka
Sa panaginip kasama ka
Naka-ngiti,
Magkahawak ng kamay,
Nakatawa.

Pagkagising mag-isa ka.
Nakahiga sa kama
Malungkot,
Walang kayakap,
Marahil na nagdurusa.

Nagdurusa sa ideyang dapat may tayo,
Kung hindi lang ako bumitaw sa kung ano ang totoo.
Naniwala at nagpaloko
Sa mga sinasabi nilang kuro-kuro

Minsan gusto ko nalang matulog
Kase nakakapagod na mahulog
Mahulog sa kalungkutan
Mahulog sa kasawian

May oras na ayoko nang gumising,
Sa tulog kong mahimbing.
Dahil alam kong kapag ako'y namulat,
Gugustuhin ko ulit sumulat.

Sumulat ng aking nararamdaman,
Sumulat ng bagay na ipinaparamdam,
Sumulat ng mga bagay na di mo nararamdaman
At sumulat ng bagay na di ko mararamdaman.

Pagkatapos sumulat muli akong mapapagod
Mapapagod sa nararamdaman
Mapapagod sa katangahan
Mapapagod sa kabiguan

Pagdating ng gabi ako'y hindi makakatulog
Dahil sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan
Pagdating ng alas dos ako'y makakatulog
Dahil malinaw na ito'y isang katangahan

Sa susunod na pagtulog
Sana hindi na ikaw ang laman
Ng panaginip
At Laman ng puso't isip

Dahil masaya matulog
Ang saya managinip
Walang problema
Hindi masama ang ihip
Mala-slam poetry ang nais ko pero fail
Marge Redelicia Jul 2015
naririnig mo ba?
ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream.
ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon.
ang mga harurot ng mga ikot jeep.
naririnig mo ba?
ang mga tawanan ng mga magkakaibigan
mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan.
naririnig mo ba?
ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante
na kumakayod sa mga papel:
husay
sa bawat ukit.
naririnig mo ba?
ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino
sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia
dangal
sa bawat apak at kumpas ng kamay,
sa bawat hinga.

naririnig mo ba?
ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta
ang mga sigaw sa sakit,
hiyaw sa hapdi, dahil sa
mga hampas at palo
ang mga tama ng mga kamao
naririnig mo ba?
ang mga iyak
ang mga hikbi ng mga kaibigan
para sa mga kapatid nilang nasaktan.
ang mga hagulgol ng mga magulang
na nawalan ng anak:
mga puso, mga pamilyang
hindi na buo.
wasak,
nasira na.

naririnig mo ba?
ang mga boses na nananawagan na
"tama na"
"utang na loob, itigil niyo na"
kasi
hanggang kailan pa
tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit
ang sirang plaka ng karahasan
na patuloy na naririnig sa panahong ito
mula pa sa mga nagdaang dekada?

nakakalungkot, hindi, nakakasuklam
ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari
sa ating mahal na pamantasan.
ang tawag sa atin ay mga
iskolar ng bayan,
para sa
bayan
pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba
kung paminsan hindi nga makita ang
pagmamahal at respeto sa atin mismo,
mga kapwang magkaeskwela.

hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili
na magpadala sa indak ng
karumaldumal na kanta ng kalupitan?
hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog.
hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid.
kailan pa?
tama na!
nabibingi na ang ating mga tenga.
nandiri. nagsasawa.
oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota.
oras na para tapusin ang karahasan.
oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala.
oras na para sa hustisya.
oras na para sa ating lahat,
estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala
na tumayo, makilahok at umaksyon
para pahilumin ang sakit,
para itama ang mali.
oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman.
oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
a spoken word poem against fraternity-related violence
Pilipinas, Pilipinas kong Mahal
ni Norfhel V. Ramirez

Pilipinas, Pilipinas kong mahal...
Baki hindi kana umuusad bayan kong mahal...
Kahirapan ang daing ng karamihan...
Bayan ko kaya ay makaahon pa...

Bayang walang pagmamahal sa sariling pinaggalingan...
puro daing ang binibitiwan...
Walang ginagawa kundi paunlarin ang mga sarili kapakanan...
pero paano ang ating bayan...

Politikang sing sangsang pa ng malansang isda
Korupsiyon ang gawi ng iba...
Oh Para magpabango laman tuwing araw nang election
Tanging pakitang gilas, mga buwaya ng lipunan

Bayan koy inaankin na nang mga dayuhan...
Animoy alipin sa sarili nating bayan...
Mga banyaga lumulustay ng ating likas yaman...
para lang yumaman ang iilan...

Bakit nagkagayon aking tanong sa sarili
Rizal, nasaan na ang pinaglaban?
Animoy nalimot na ng karamihan...
Animoy binura nabura naba sa kasaysayan...

Mga sakripisyo nang ating mga bayani
Nag buwis ng buhay para sa ating bayan...
Nasayang lang ba ang buhay nilang naging tapat sa ating bayan...

Sana ating pagnilay nilayan...
Pilipinas, Pilipinas kong mahal
Ngayoy nasaan na...
Naghihingalo sa kamay ng bayan...

Bayang nakalimot na...
Bayang nagsilisan na...
Bayang sarili lang ang inuna...
Bayang tinalikdan na ang perlas ng sinilangan silangan...
(CC BY-NC-ND 4.0)
seluring Aug 2017
nais kong simulan ang aking tula sa isang katanungan,
"bakit mo ako iniwan?"
dahil ba sa ugali kong hindi maintindihan?
dahil ba sa itsura kong hindi kagandahan?

bakit mo ako binitiwan?
bakit mas pinili mo ang lumisan?
bakit mga pangako mo'y iyong kinalimutan?
bakit ka lumihis ng daan?

mahal, sana'y sagutin mo't huwag kang magalit,
kung marami akong tanong sayo na bakit,
hindi ko parin kasi talaga matanggap yung sakit,
sagutin mo naman, baka sakaling tumamis ang mapait.

hindi kita matanggal sa puso't isip ko,
at dahil sa takot ko na baka maulit ang pag-alis mo,
ipinagkatiwala ko ang puso ko sa ibang tao,
kaysa ang maniwala muli sa mga salita mo.

sa bawat paggalaw ng kamay ng orasan,
sa bawat pag-ihip ng hanging amihan,
sa bawat pagsilip ni haring araw,
tila puso ko'y nanatiling naliligaw.

paulit-ulit sa aking isipan,
tama ba ang aking napagdesisyunan?
kasiyahan sa iba ay dapat bang subukan?
nagbakasali na hindi ko ito pagsisihan.

sumubok ako, nagtiwala sa mga salitang naghatid ng panandalian ligaya,
nagpadala ako sa mga pangakong "ikaw lang at wala ng iba",
pero nagkamali ako, pare-pareho lang pala kayo,
sa una lang kayo pursigido.

mahal, nais kong alalahanin mo,
lingid sa kaalaman mo na makakalimutin ako,
pero inaamin ko, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko,
oo mali 'to, pero masisisi mo ba ako?

bakit ramdam ko parin ang sakit ng iyong paglisan?
bakit hindi kita kayang bitiwan?
bakit sa bawat oras ng aking kalungkutan,
ikaw, ikaw ang nagsisilbing dahilan ng aking kasiyahan?

ang unan ko'y basang basa na ng luha,
mata ko'y tuluyan ng namaga,
alam ko na wala na akong dapat kapitan,
kung kaya't sanay matutunan ko ng ika'y bitiwan.

mahal, wala akong karapatan para sabihin na ako'y iyong balikan,
dahil minsan na kitang pinagtabuyan,
kaya hinihiling ko na sana sa iyong muling paglisan,
kasabay nun ay ang unti unti kong pagtahan.

patawad sapagkat hindi na tama ang aking nadarama,
patawad sapagkat alam kong tayo'y tapos na,
patawad sa mga salitang hindi na maibabalik pa,
patawad, patawad sa pagpili ko noon na lisanin ka at wag ng lumingon pa.

labis ang naramdaman kong lungkot,
labis din ang poot dahil hindi kita malimot-limot,
subalit sa mga panahong naghihilom na ang kirot,
saka ka naman muling susulpot.

lubos akong nagalak,
puso ko'y nabusog sa iyong salitang mabubulaklak,
nawala ang patalim sa puso ko na nakasaksak,
nang ikaw sakin ay kumambak.

subalit hanggang kailan kaya mayroong "tayo"?
hindi ko maalis ang takot sa puso at isip ko,
hindi ko maalis ang nadarama kong silakbo,
na ang dapat na "tayo" ay mapalitan muli ng isang "kayo"

hanggang kailan mo ako muling mamahalin?
hanggang kailan mo ako muling yayakapin?
hanggang kailan mo muling ipaparamdam ang apoy ng pag-ibig?
o papatayin na lamang ito muli ng malamig na tubig?

natatakot ako sa mga bagay na hindi inaasahan,
na baka magbago ang iyong isipan,
natatakot ako sa mga pwedeng maging dahilan,
dahilan ng iyong posibleng paglisan.

kasi minsan mo na akong isinantabi,
minsan mo na kong trinato na parang walang silbi,
minsan mo ng binasa ng luha ang aking pisngi,
at minsan mo na rin pinunit ang puso ko sa iyong mga sinabi.

natatakot ako mahal ko,
nais kong magtiwala muli sa mga salita mo,
paumanhin, subalit natatakot ako,
natatakot akong iwan mo ulit ako.

sana'y sa ating karanasan sa nakaraan,
manatili ka sa aking tabi at huwag lumisan,
sapagkat ikaw ang aking kalakasan,
subalit ikaw rin ang aking kahinaan.

ikaw, ang pumapawi sa aking uhaw,
ikaw, ang nagbigay direksyon sa puso kong ligaw,
ikaw, ang dahilan kung bakit ang puso mula sa bintana ng kaluluwa'y dumungaw,
ikaw, ang nagbibigay sigla sa akin araw-araw.

hinihiling ko na sana sa oras na magbago ang ihip ng panahon,
magbago ang direksyon ng mga alon,
tumaliwas ang lahat ng bagay sa dapat nilang posisyon at direksyon,
mag-iba man ang huni ng mga ibon,

sa oras na ikaw ay aking muling tanungin,
isa laman ang isasagot mo sa akin,
"huwag kang matakot at mangamba,
mahal na mahal kita"
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
George Andres Jul 2016
PAG-ASA/ISKOLAR NG BAYANG DUKHA
Madilim na sulok,
Kung san nagdurugo ang mga palad habang rosaryo’y hawak
Gunita’y lumipad habang likod’y dumaranak
Naalala ko pa no'y si Inang ingat na ingat sa isang batang mataba,
Matabang pitakang puno ng libo-libong kwarta
Sahod nilang mag-asawa na sa akin lang ginagasta
Para sa tuition ko, para sa pagkain, pamasahe't libro
O inang minamahal ako nang labis
Kung ang buwaya pa kayang tumatangis
Di maantig sa iyo’t tumalilis?
Sa pagligo sa likod ay laging may langis
Langis ng niyog na kinayod ng ‘yong nginig at mapupula nang kamay
Kung sa gabi’y rinig na rinig ko ang iyong pusong lukso nang lukso
Sa ilalim ng kulambong dinusta na ng panahon
Di mo magawang umalis kung dapuan ako ng sipon
Mga lamok na dumadapo di ligtas sa kanyang paglilitis
Sa loob ng tahanan di makitaan itlog ng ipis

Ako ang pasakit ng aba ninyong buhay
Pakiusap, pilitin **** lumakad parin gamit ang 'yong saklay
Hintayin **** mabigyan rin kita ng magandang buhay
Kung pagiging matiwasay ay dahil sa pagkakawalay
Tila di narin kaya ng loob kong patpatin
Sa ideya lamang nito’y tiyak na lalagnatin
O inay! Patawad kung pagod nang tumaas-baba pa aking baga
O Lubid sa inaanay na dingding  na tinitingala
Sa halip ng makikinang at mala diyamanteng mga tala
Huwag mo akong paglawayin sa iyong panlilinlang
Di magagawang sakupin ng depresyon ang tino kong nawawala
Ni ihulog ako nang tuluyan sa mahabaging grasya
Dahil kung sa pag buhos ng kamalasan ay patakan ang huling pasensya
Sa baha na isang pagtaas na lamang ay lulunurin na
At saka lamang ako sa huli'y makakahinga

Isa na akong kawalan na nilagyan ng katawan
Saksakin man, wala na akong maramdaman
Walang kikirot na laman
Walang dugong dadaloy nang luhaan
Sundalong natuyot na ng labanan
Binalot na ng kahihiyan at pagtataka kung mayroon ba akong kakayahan?
Biningi na nga ako ng mga sigaw sa aking isipan

Mas dukha pa akong di makakita pa ng liwanag
Liwanag na sa Bilibid natitikaman miski mga nag-aagawan
May hangin ngunit ako lang ang nalulunod
May dagat at ako lang ang di makalangoy
Mas preso pa akong walang makain nang di hamak
Mata kong bagsak at pula na, tighiyawat na parang sunog at di na maapula
Kakapalan lang ang ipakita ang mukha sa labas
Dahil kailan ba ang mundo'y naging patas sa batas?
Batas ng pag-iral ng matibay na loob
Ito na ang mga taong noo'y tinawag kong ungas
Bumubuhay na ng pamilya't may pambili na ng bigas

Sa loob ng maliit na kwadro
Sapat ang isang upua't mesa at isang kabayo
Sabit pati ang yabang kong diploma sa taas ng orocan
Lukot na resumé sa aking harapan nagmuka nang basahan
Mas tanggap pa sa trabahong pamunas ng puwitan
Ngunit mas higit pa ba ang munting papel kung nasaan aking larawan?
Bakas ng ilang buwang puyat at thesis na pinaghirapan
Salamin ng ninakaw na kabataan, ng inuman at kasiyahan
Repleksyon ng mga desisyong sa nakaraa'y napagpasiyahan

Bakit ako tatanggap ng trabahong mababa pa sa aking kakayahan
Bakit call center lang ang aking babagsakan?
O maging alila sa mga sinliit rin nila ang pinag-aralan?
Piso lang ba  halaga ng lahat ng aking pagsisikap?
Ito ba ang direksyon ng matamis na buhay na sa huli'y inalat?
Madali pa pala ang unibersidad
May kalayaan, oo tao'y mga mulat
Marami umano  ang buhok ng oportunidad
Hatakin man ay nasa harap ang bagsak

Kahapon itlog at pancit canton,
Dala ni nanay noon pang huling dalaw sa aking kahon
Inakalang sa tren isa akong bagon
Sa bilis ng oras ay papadayon
Isang buwan nang matapos na ako
Inakalang ito na ang hudyat ng aking pag ahon
Totoong mundong ganito pala ang paghamak at paghamon
Interbyu sa opisinang may pagka-amoy baygon
Ugali sa trabaho’y ako raw ay patapon
Kaklase sa hayskul aking nakasalubong
Nagsimula sa wala, ngayo’y umuusbong
Eh ilang beses ba ‘yong umulit ng ikatlong taon?!
Di maatim ng sikmura sila'y yumayabong
Habang ako rito sa kumot ay nakatalukbong

Hawak ko ang kwintas na mistulang ahas sa aking leeg
Nawalang pag-asa ng bayang tinakasan
Sasablay ako hanggang sa huling sandali
Kagitingan at kagalingan ang aking pasan pasan
Taas ang kamao habang dama ang gasgas ng tali sa aking lalamunan
Hinding hindi ninyo ako magiging utusan

Ito na ang mga huling salita sa aking talaarawan
Sinimulan kong isulat nang matapakan bukana ng Diliman
Bitbit ang banig at walang pag-alinlangan sa kinabukasan
Tilapiang pinilit sumagupa sa tubig-alat
Hinayaang lamunin ng mga pating na nagkalat
Nag-iisang makakaalis sa aming bayan
Dukhang nakita ang yaman ng Kamaynilaan
Dustang panliliit ang aking naging kalaban
Gabi-gabing basa aking banig sa malamig na sahig
Paulit-ulit sa aking pandinig ang salitang isang kahig!
Sa huli'y ano bang idinayo ko sa pamantasan?
Oo! Oo! Kaaalaman at pag-ahon sa kahirapan
Sa agendang ito ako pala ay tumaliwas
Sa mumurahin ako’y umiwas
Anupa’t sa aking kabataan, naging mapangahas
Ginamit nang ginamit pag-iisip kong nawalan na ng lakas
Sumama sa lahat ng lakara’t laging nasa labas
Tinapos agad-agad mabalanse lang ang lahat
Gabi-gabing sunog kilay pati balat
Waldas dito waldas doon, yan lang ang katapat
Sa huli’y doon na nga natapos ang lahat

Singsing ng pangako sa kanya,
Sa pamantasang sinisinta
Sa kahirapan di niya ako makikita
Bayang yayapusin mala linta

Ako raw ang pag-asa, isang iskolar ng bayang nais maglingkod sa bayan
Oo, naghikaos ang pamilya makalusot lang
Taas ng pinag-aralan, kung sa ibang bayan, sahod lang ng bayaran?
Mamamatay akong may dangal at pagmamataas sa aking kinatatayuan
Tatalon sa bangko't idududyan sariling katawan
Inyo na ang thirteenth month pay ninyong tinamuran!
Patawad sa bayan kong di na mapaglilingkuran!
Paalam sa bayang di pa rin alam ang kahulugan ng kalayaan!
7816
Edited this again for a schoolwork.
Ysabelle Aug 2015
Minsan gusto **** makalaya;
Malaya sa mapanghusgang lipunan,
Malaya sa mundong masyadong
Magulo at maingay para sa isip ****
Litong-lito kung ano ba talaga ang dapat.
Ano ba ang mali? Ano ba ang tama?

Minsan gusto **** mag-isa;
Malayo sa ideolohiyang malabo,
Malayo sa punyetang gulo ng
Lugar na masalimuot.
Doon sa eskinitang masikip na halos
Nagtipon ang dumi at kalawang
Na hindi na pinapansin.

Kasi madumi. Kasi makalawang. Kasi walang silbi. Kasi hinusgahan.

Gusto **** makaalis.
Gusto **** pumiglas
Sa mga kadenang ginagapos
Ang nagdurugo at sugatan ****
Katawan na ang tanging nais lang ay makalaya.

Gusto **** tumakbo.
Gusto **** tumakas,
Kahit sinasabi nila na hindi iyon ang sagot; at hindi iyon ang dapat.
Bakit? Bakit kailangang laging sundin?
Bakit kailangang laging paalipin?

Ang sikip sa dibdib lalo na't
Alam **** wala kang kayang gawin.
Lalo na't alam **** palaman ka lang
Sa sistemang paikot-ikot ng walang tigil.
Hilong-hilo ka na sa mga kagaguhang
Nais nilang iguhit sa iyong kapalaran.
Hindi mo na masikmura ang pait at
Walang saysay na pagiintay sa pinangako nilang katahimikan; kapayapaan ng iyong isipan.

Itinatanong mo, bakit di ko harapin?
Bakit laging pagtakas ang gusto kong suungin?
Hindi ko din alam gaya nang hindi mo pagintindi sa akin.
Pagod na pagod na akong mag-isip.
Alam ko naman, palagi akong mali. Palagi akong masama. Palagi akong walang silbi.

Kasi nahusgahan.. Dahil sa isang mali.
Dahil sa isang baluktot na desisyon,
Hindi mo na naalalang, tao rin ako.
May puso. May pakiramdam. Nasasaktan.

Gusto kong lumayo. Gusto kong umalis. Gusto kong lumaya. Patuloy na lumaya.
Sobrang pasakit dahil alam ko na sobra akong pabigat.

Sana bumalik nalang ako sa pagiging tuldok.
Para kahit anong pangungusap na masakit ang maririnig ko, matatapos ito. At hindi na kailanman babalik. Tuldok. Babalik ako sa pagiging tuldok dahil magulo.
It's still more surreal when you write in your first language haha the feelings is there
Eugene Oct 2018
"Ilabas ninyo ang kuya namin!" sigaw ni Mon.

"KUYA! Kami to mga kapatid mo!" sigaw naman ni Jef.

Halos magambala na ang mga kapitbahay sa kalye Casa dahil sa ingay ng pagsisigaw ng magkakapatid. Mahigit sampung taon na rin nilang hinahanap ang kanilang nakatatandang kapatid. At may nakapagsabi sa kanilang nasa kalye Casa lamang ito at kasama ang tunay nitong mga kapatid.

"Anong problema ninyo ha? Nakakaistorbo na kayo sa kabilang at sa kalye rito. Sino ba hinahanap niyo ha?" lumabas ang isang matangkad na lalaki at nagsalita sa kanila.

"Alam naming nandito ang kuya Regie naman. Ilabas niyo siya!" sigaw ni Mon.

"Walang Regie dito. At sino kayo? Ni hindi ko nga kayo kilala e," sagot ni ng lalaki.

"Kilala ka namin at ikaw ang nakatatandang kapatid namin. Magkakapatid tayo sa ama. Ikaw si kuya Ryan," wika ulit ni Mon.

"Ah ganun ba? Bakit hindi ko yata alam? Sino bang tatay ang tinutukoy mo?" takang-taka ang mukha ni Ryan nang sabihin nito na magkapatid daw sila sa ama.

"Hindi ikaw ang sadya namin dito. Ilabas mo ang kuya namin!" wika ni Jef. Agad siyang nakipagpatintero upang makapasok sa loob ng bahay. Pero napigilan ito ni Ryan.

"At anong karapatan mo, ninyo na pumasok sa bahay ko? Kayo ba ang may-ari?" mataas na ang boses ni Ryan nang mga sandaling iyon pero nanatili pa rin siyang mahinahon dahil ayaw niyang gumulo pa. "Ang mabuti pa ay umuwi na lang kayo. Walang Regie dito. Nagkamali kayo ng pinuntahan."

"Hindi kami aalis dito. Alam naming nasa loob ang kuya namin. Ilabas niyo siya?" nagpupumilit pa rin si Mon at bigla na lamang niyang iwinaksi ang kamay ni Ryan na nakaharang sa pintuan ng kaniyang bahay. Hindi naman hinayaan ni Ryan na makapasok ito at doon ay ibinuhos na ang kaniyang galit.

"SUBUKAN NINYONG MAGPUMILIT PA NA MAKAPASOK! Ipapa-barangay ko na kayong lahat!" halos kita na ang mga ugat sa leeg ni Ryan sa pagsigaw nito sa kanila. Pero hindi pa rin natinag ang magkakapatid.

"Wala kaming pakialam kung iyan ang gusto mo!" bulyaw naman ni Mon.

Magsisimula na sana ang matinding kaguluhan sa pagitan ni Ryan at ng magkakapatid nang isang boses ang kanilang narinig.

"Sino ba ang hinahanap ninyo ha?" wika nito at mula sa likuran ni Ryan ay nakita nito ang kaniyang kapatid na inaalayan ng isa pa niyang kapatid. Mangiyak-ngiyak naman ang magkakapatid na Mon at Jeff nang makita ang pakay nila.

"Kuya! Kuya Regie!" magkasabay na tawag nila sa pangalan nito.

"Sinong maysabi sa inyo na lapitan ang kuya Ron ko ha?" sigaw naman ng isang binata na nakaalalay kay Ron.

"Hayaan mo muna sila Anghel," saway nito sa kapatid na patuloy pa rin sa pag-aalay kay Ron.

"Kuya, ako ito, si Mon at kasama ko si toto Jef. Kuya, miss ka na namin. Uwi na tayo, please!" nang mga oras na iyon ay nanatiling walang emosyon si Ron sa mga salitang kaniyang naririnig.

"Hindi ako si Regie at lalong hindi ako ang kuya ninyo. Wala akong kapatid na Jeff at Mon. Anghel lang at kuya Ryan ang mayroon ako. Kaya, pakiusap umalis na kayo rito!" wika ni Ron.

"Kuya, bakit? Ano ba ang nangyari? Anong ginawa niyo sa kuya namin ha?" nagtatakang tanong ni Mon nang mapansin sa iisang direksyon lang ito nakatingin.

"Bulag ang kuya Ron namin. Naaksidente siya. Kaya kung maaari ay lisanin niyo na ang bahay namin dahil hindi ito makabubuti sa kaniyang pagpapagaling. Pakiusap," sagot ni Anghel.

"Kuya. Alam naming ikaw iyan. Ikaw si kuya Regie namin. Ikaw ang tumulong sa amin nang mga oras na kailangan ka namin at nandito na kami upang kami na ang mag-alaga sa iyo. Please bumalik ka na sa amin. Nakikiusap kami kuya Regie. Kuya Ryan, payagan niyo na po kaming iuwi kuya namin," parang gripong sunod sunod sa pag-agos ang mga luha ni Mon.

"Walang isasama! Hindi niyo siya kuya. Kuya namin siya! Umalis na kayo rito!" bulyaw ni Anghel. Naitulak ni Anghel si Mon at muntik na itong matumba. Nang makabawi ay sinuntok niya si Anghel sa mukha at nakipagsuntukan na rin ito kay Mon. Pilit namang nakikinig at nakikiramdam si Ron sa mga pangyayari.

"ITIGIL NINYO 'YAN!" sigaw nang sigaw si Ron pero tila walang nakakarinig. Panay naman ang awat ni Jef at Ryan kina Mon at Anghel. Hindi na nakatiis si Ron at muli itong sumigaw.

"TITIGIL KAYO O AKO ANG AALIS!" lahat ay napalingon kay Ron at maagap na bumalik si Anghel sa tabi ng kaniyang kuya upang pigilan ito.

"Sorry, kuya," pagpaumanhin ni Anghel.

"Kayong dalawa, Jeff at Mon, pakiusap. Ayaw ko ng gulo. Umuwi na kayo dahil walang Regie sa pamamahay na ito. Hindi ko kayo kilala at lalong wala akong matandaang tinulungan ko kayo bago pa ako maaksidente. Kaya, umuwi na kayo!"

Hindi naman nakapagsalit sina Jef at Mon. Mabibigat ang mga paang nilisan nila ang bahay na iyon na patuloy pa rin sa pag-iyak dahil nabigo silang iuwi ang kanilang kuya Regie.

Habang papalayo naman ang magkapatid ay doon na bumigay si Ron at hindi na napigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Ang totoo ay kilala niya sila ngunit ayaw na niyang matali pang muli sa nakaraan. Masaya na siyang malaman na ang kaniyang mga step brothers ay nasa mabuti nang kalagayan. Kahit sa kaloob-looban ng kaniyang puso ay sabik din itong mayakap sila pero naipangako niya sa kaniyang sarili na kalimutan na niya ang kaniyang pinagmulan at ang mga taong naging bahagi ng kaniyang nakaraan. Nais niyang ituon na lamang sa kaniyang tunay na mga kapatid ang pagmamahal na hindi niya naiparamdam sa mga ito buhat nang sila ay nawalay sa isa't isa.
Glen Castillo Jul 2018
Umaga na pala,
Subalit tila umpisa pa lang ito ng dilim
Dito sa bayan kong nasa sinapupunan ng mga sakim
Pagpagan ang mga baro't saya habang hawak ang sedula
Nilang mga uhaw sa tronong ipinangako sa kanila

Naluklok na bagong puno,sa pagdaka’y nagpaulan
Ng mga balang hindi man tingga ay tumatagos sa kaibuturan
Sa dati niyang ka giyera na s'yang mga tunay na anak ng bayan
Iginapos sila’t ipiniit sa sandipang karapatan

Yaong mga bago niyang kawal ay matatayog pa sa kalabaw
‘Pagkat kasama niyang magkakamal ng salaping umaapaw
Mag kaka-ututang labi ay iisa ang kaliskis at balagat
Sila na mag kaibigang dila at ngipin sa pilak din mag-papangagat

Habang ang mga dating sadyang tapat sa gampanin
Ay mistulang mga bayani na lang sa hangin
Ang pagka dalisay nila sa maka-kapwang  tungkulin
Parang sa tubig na isulat at hindi na basahin

Kawawang Sta. Teresita bayan kong dinusta
Ng mga ganid sa kapangyarihan at mapang-alipusta
Akong anak mo’y nasa daluyong ng kapanglawan
Kabiyak mo sa balsang itinali sa nagluluksang pampang

Kawawang Sta. Teresita ginahasa ng mga mapag-samantala
Hinubaran ng dangal at piniringan ng telang mapula pa sa pula
Binusalan ang bibig hanggang sigaw mo’y hindi na marinig
Mga araw mo ngayo’y mamumugto sa haharapin **** pag-liligalig

Tahan na Sta. Teresita,Tahan na,
Bayan kong sakdal iniibig
Matatapos din ang sigwa,
Tutulay muli ang lunday sa sapa.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Mahal kong Bayan ng Sta. Teresita sa kasalukuyang panahon
7/31/2018
Vn Carlos Aug 2010
Ako ay isang pulis,
Natangal sa Serbisyo dahil sa paniniwala kong mali ang naging paghusga sa aking pagkatao,
Naglingkod sa bayan ngunit nauwi ang aking paghihirap sa hindi tamang pagpataw ng parusa,
Sa aking serbisyo, Sa aking pagkatao, at sa pangalan ko.

Kayat nagawa ko ang desisyong ito,
Wag niyo akong sisihin dahil tao lamang ako,
Nasasaktan at humihingi ng katarungan sa sistemang di makatarungan ang dahilan,
Sino ba naman ang matutuwang mapagbintangan,
sa mga krimeng pinaniniwalaan kong di naman ako ang may kagagawan?

Mga turista ang aking ginawang pananga,
Dahil di naririnig ng binging sistema ang mensahe ng sarili nilang mamamayan,
Kayat sila ang napili ko upang maintindi ako at magawan ng paraan,

Bitbit ko ang aking baril,
Hawak ko ang aking kutsilyo,
Ngunit wala akong balak na gamitin ito upang masimulan ang pagkakagulo,
Isa lang naman ang hiling ko,

ANG MAPANSIN AKO NG BULOK NA SISTEMANG PINANGALINGAN KO.
Vn13©2010
Sarah Rebueno Jun 2017
"Ano bang nagawa kong mali? Ako na lang ba lagi? Pano naman sila? Di nila ako kayang intindihin?"

Naranasan mo na bang laging maaway dahil inaakala nilang "ganto" ka, "ganyan" ka at kung anu-ano pa? Kung oo, siguradong mararamdaman mo ang mga ito.

1. Ayaw **** may kaaway lagi.
Ikaw yung tipo ng taong ayaw may kaaway. Sino ba namang ayaw maging mapayapa ang buhay, diba? Sino ba naman ang may ayaw na magbahagi ng pagmamahal? Dahil sa ayaw **** may kaaway, lahat ng mga nararamdaman mo na akala mo galit sila sa'yo, ikaw ang unang hihingi ng patawad. Hindi naman masama iyon. Ngunit, ang akin lamang ay bakit di nila kayang intindihin ang nararamdaman ko rin?

2. Akala mo okay na, yun pala hindi.
Yung unang pagbobonding niyo ay sobrang saya ngunit pagkahiwalay niyo ng landas ay malalaman **** hindi pala okay ang lahat. Sobrang saya mo galing sa gala niyo pero yun pala'y may hinanakit na iyong kaibigan mo. Masakit lang. Bakit? Parang di ka niya pinagkatiwalaan na wala ka naman talagang masamang nararamdaman sa kaniya. Gusto mo lamang siyang pasayahin.

Bakit ganon? Okay namang ikaw ang unang humingi lagi ng patawad kahit ba hindi mo kasalanan ngunit bakit hindi nila maisip ang nararamdaman ng iba? Ang nararamdaman mo?


Lagi na lang bang ganito?
PS. this is about friendship.

Tungkol ito sa pagkakaibigan.
Eden Tucay Aug 2016

Hindi lahat ng prinsipyo ay tama gaano man ito kapositibo. Ang kawastuhan ng bawat prinsipyo at pananaw ay naaayon sa: panahon, tao, katangian at kakayanan nito, konkretong kalagayan at kung minsa'y kasama pati ang kulturang kinabibilanagan.
Kaya ang sabihing "wag **** masyadong seryosohin ang buhay" o kung ano pang mga kasabihan, ay maaaring tama at mali, ayon sa mga nabanggit.
Ano't ano pa man, ikaw pa rin ang huling magpapasya. Ano man ang maging pananaw ng ilan sa iyo, ituring **** ito'y bahagi lamang ng buhay...ng buhay mo at hindi nila.

4/1/2016 - Hindi porke nagiisa malungkot na. Dahil mas malungkot kung nakiki-high five ka sa lahat pero pag talikod mo fina-**** u ka na pala.

4/4/2016 - kahit ano pang sabihin nila, mas masarap pa rin sa pakiramdam yung umiintindi ka ng kapwa kesa sa naninira ng kapwa. kaya sa tingin mo sinong may mas masarap na pakiramdam ngayon?

4/11/2016 - napag-alaman kong hindi sa lahat ng pagkakataon ang iyong pagpapagal ay may mabuting kapalit...na ang iyong mga inaasahan ay may balik. hindi sa lahat ng panahon ang polisiya ay nasusunod.. ni ang itinakdang panukat ang siyang ginagamit na panukat.


4/21/16 - kahit ginawan ka ng masama ng iba, nasaktan ka, 'wag kang gaganti...dahil hindi mo trabaho yun. 'wag **** agawan ng trabaho ang Diyos. Dahil alam mo sa sarili mo pag ang Diyos ang gumati, mas sakto at perpekto.

4/26/16 - Those people who mocks prayer entertain curse to their lives.


4/27/2016 - "ang position nilalagay sa puso, hindi sa ulo." - M' Avie


5/11/2016 - Alin ang mas pinaka-nakakapagod, ang magtrabaho gamit ang isip o gamit ang pisikal na katawan? Kasi sa totoo lang, wala naman talagang nakakapagod doon...mas nakakapagod makitungo sa mga katrabahong mahirap pakitunguhan...

6/6/2016 - Duwag lang ang nagpaparinig.

7/12/2016 - Wala naman talagang absolute fairness, dahil ang tao minsan nagdidesisyon sa ngalan ng "fairness" nilang tinatawag pero ang totoo, ito ay nagsisilbi pa rin sa kanilang interes dahil may integridad silang pinapangalagaan. Doon masasabi ng iba, "fair" ang taong ito.

7/28/2016 - monologue at bugtungan


"Ginagawa ko naman ang trabaho ko pero habang tumatagal ako sa serbisyo hindi ako nadadagdagan kundi nababawasan." - Lapis

"Tingin-tingin, maghapong nakatingin. Kahit pa magdamag, 24/7 walang kurap." - CCTV (tao, bagay, hayop?) :-)

"Gusto nila sa akin laging mabilis dahil pag bumagal ako sasabihin nila "nakakainis", "walang kwenta.", etc, etc. - BAGP network
Eugene Feb 2018
Tama na! Tama na ang mga pagtangis.
Tama na ang mga pagdurusang nararamdaman ng aking puso.
Tama na ang mga pasakit na pinapasan ko sa mahabang panahon.
Tama na ang mga luhang palagi na lamang pumapatak sa tuwing naiisip kong wala akong kuwenta!

Hanggang kailan ba ako dapat na aasa sa wala kung hindi naman akong kayang mahalin ng taong mahal ko dahil ako ay iba?
Bakit ko ipagpipilitang isiksik ang sarili ko kung sa simula't sapul ay hindi nila ako maintindihan?
Dalawang beses lang ako nagkamali at sa mga pagkakamaling iyon ay humingi ako ng kapatawaran pero bakit tila hindi ako pinakinggan?
Nasaan ang kalayaan kong ako ay dapat na pakinggan sa mga isiniwalat kong pawang katotohanan lamang?

Anong pruweba ba ang dapat kong ipakita upang mapagtanto nilang karapat-dapat din akong mahalin,
at bigyan ng pagkakataong
patunayan ang sarili kong hindi ako ang taong inakala nilang katulad ng taong kinamumuhian nila ng mahabang panahon?
Pera lamang ba ang kailangang maging dahilan upang mapansin ang kahilingan kong matagal kong inasam na makamit ito?

Tao pa ba ang tingin nila sa akin o bagay na kapag nakuha na ang gusto ay itatapon nalang nang walang pasubali at hindi na kayang balikan o kamustahin?

Hindi ako nagmamalimos ng pag--ibig mula sa kanila!
Ang gusto ko lamang ay tanggapin ako sa kung sino ako at kung ano ang nakaraan ko.
Sana ay bigyan naman nila ako ng puwang sa kanilang puso pagkat ako ay sabik na sabik na sila ay mahagkan nang mahigpit.
Kung buhay pa sana ang ilaw ng aming tahanan ay hindi niya pahihintulutang magkakaganito ako.

Tama na!
Tama na ang mga baluktot na katwiran!
Tama na ang mga salitang iyong binibitawang
Hindi sumasang-ayon sa nilalaman ng iyong puso at sa sinasabi ng iyong isipan.

Ikaw na nagmamahal pa, magmamahal pa ba,
Kung kaliwa't kanan ng ipinaparamdam sa iyo na hindi ka nararapat maging bahagi ng mga puso nila?
Ikaw na nagmamahal pa, magpapatuloy ka pa rin ba
kung tahasan ka nang itinataboy sa pintuan ng kani-kanilang damdamin at isipan?

Saan ka nga ba nagkamali?
Ang mahalin sila nang buong puso, tapat, at totoo?
O ang umasa ka sa mga mabulaklakin nilang mga salita
Na kasinungalingan lang pala ang lahat at hindi ikaw ang nais nilang makasama?
Ang sabi mo "Nagbago ka na."
Ang tanong, nakilala mo ba talaga ako?
Hindi naman kasi ako talaga nagbago
natuto lang naman ako
na di na mag tiwala sa mga taong kagaya mo
Karl Allen Jun 2016
And in the end, the love you take is the love you make.

-The Beatles

Isa ito sa mga argumentong dapat lamang pagtalunan.
Dahil hindi lahat ng pag-ibig na binibigay mo ay nasusuklian.
Masarap lamang itong pakinggan.

Noong inibig mo ako,
Hindi. Mas tamang sabihin na
noong naisip **** iniibig mo na ako,
Ay mas pinili **** huwag magbigay ng buo.
Hindi ko alam sa'yo pero ikaw na ang pinaka-duwag na taong nakilala ko.

Naaalala ko noon ang mga sugat at pilat na naiwan niyang nakatatak at nakakabit sa mga braso mo.
Nakikita ko ang mga bakas ng mga hampas nya sa mga balikat mo.
Bawat kagat at kalmot at gasgas na ibinigay n'ya sa'yo,
Sa mga pagkakataon na akala mo wala lang,
Naramdaman ko.
Pinaramdam mo silang lahat sa akin.

Anghirap palang pilitin na bumuo nang puso na ayaw magpabuo sa'yo.
Hindi ko din kasi alam dati na kailangan, ang kagustuhang maghilom,
Manggaling sa kanya mismo.

Pinilit kong pagtagpi-tagpiin ang mga piraso **** nakakalat sa sahig mula nang binitiwan ka n'ya.
Sinubukan kong gamutin ang lahat ng sakit na nagpapanatili sa iyong gising sa alas-tres ng umaga.
Pinili kong mahulog sa iyo kahit alam kong mas malabo pa sa tubig ng Ilog Pasig ang pag-asa
Na maisip **** sa iyo lang ako.
Iyong-iyo lang ako.

May mga pagkakataon na nakikita ng ibang tao ang mga pagbabago na akala nila ay ako ang dahilan pero ang hindi nila alam,
Sa dami at haba ng mga sakit na iyong naramdaman,
Natuto ka lamang na itago silang lahat sa loob mo.
Na sa kahit na anong oras, pwede silang lahat lumabas at lamunin na lang ako ng buo.
Oo.
Ako.
Dahil mas pinili kong lumapit sa'yo.
Iyong-iyo lang ako.

May mga pagkakataon na gusto kong isipin
Na ang bagong taginting ng mga tawa mo ay dahil sa akin.
Na ang mga panaginip mo kapag ikaw ay mahimbing, ako ang laman.
Na ang mga pangarap mo sa hinaharap ay ako ang hiling.
At ang bawat pulso mo ay para sa akin lamang.
Dahil sa iyo lang ako.
Iyong-iyo lang ako.

Pero hindi.
Dahil andami mo nang natutunang paraan para magtago.
Napakadami na ng mga pagkakataon na sinayang mo.

Ang akala mo, lahat ng pagkabigo mo sa pag-ibig dati
Ay natulungan kang maging mas malakas, mas matatag, mas matalino.
Pero hindi.
Dahil papasok sa isang bagong pag-ibig ay tinangay mo lahat ng galit.
Iniwan mo ang mga aral na natutunan mo maliban sa "Ang pag-ibig ay hindi dapat pagkatiwalaan."
Ang tanging bagay na hinahabol mo, na pinipilit **** makuha,
Na pinipilit mo dating kapitan kahit na wala na,
Ang bagay na akala mo ay lubos sa iyong magpapasaya,
Tinitignan mo na may pagdududa ang iyong mga mata.
At unti-unti kang nabulag.
At hindi mo nakita ang pagibig na nasa harap mo na.
Lumipad at nawala.

Hindi bulag ang pag-ibig.
Bulag ang mga taong pinipilit tumingin sa araw dahil gusto nilang makakita ng liwanag ngunit ayaw alisin ang kanilang mga de-kolor na antipara.

Wala kang natutunan sa nakaraan.
Hindi ka nga nasasaktan.
Hindi mo naman mahagilap ang tunay **** kaligayahan.
Sy Lilang Jul 2016
071816 #3:50PM #Rob

Ipapadyak kanilang mga paa
Walang lihim na ngiti,
Tapat lamang at tunay ang pagbahagi.

Siyang may kulay ang mga pisngi
Kaya't hindi sawi ang pagsaboy ng kahulugan.
Hinayaan nilang umagos nang kusa
Kahit napapagal ang tila may lakas na katauhan.

Hindi matatawaran
Ang pagsuyo ng tunay na galak
At sa kabila ng kanilang kamusmusan,
Alam na alam nilang ito'y tiyak.
(Nakakakita ako ng tatlong mga bata. Nakakatuwa't bakas sa mukha nila ang tawanan habang angkas ang dalawa ng tila nakatatanda sa kanila. Minsan lang maging bata, ako'y nabihag ng tunay na ligaya ng kamusmusan.)
Dwight Barcenas Jun 2016
Ako'y kinakabahan
Saan ko kaya ito u-umpisahan?
Siguro ito'y epekto ng iyong biglaang paglisan
Kaya ako ngayon ay naguguluhan
Pano mo nagawang mang-iwan?

Iniwan .. iniwan ang puso ko sa ere ng walang kaalam-alam
Na Hanggang ngayon halos puso ko'y nangunguyam
Sa bawat oras na pumapasok sa aking puso at utak na tila isda na uhaw-uhaw
Hanap-hanap palagi ay ikaw

Minsan naalala ko pa nga naisulat ko ang iyong pangalan sa buhangin
Nagbabakasakali na sana'y ika'y dumating
Nakatingin sa mga bituin
Umaasa na isa sa mga ito ay magbigyang diin na sana dumating
Ang nagiisang bituin para sa akin

Nilalamok na ko kakatingin sa mga butuin
Iniisip pa din kung sakali man na ikaw ay dadating
Agad kitang yayakapin
At sasabihin
Na ikaw padin ang nagiisang tao na kayang magpatibok nitong aking damdamin

Ang tanga mo
Yan ang mga katagang madalas kong marinig sa kanilang mga bibig na lagi nilang binabanggit kapag nakita nila akong nakaupo sa gilid dyan sa may sahig ngunit hindi ko sila pinakinggan
Palagi nila ako tinatapik sa aking balikat at sinasabing wag ka nang umasang babalik pa yan
Siguro nga hindi lang yan panandalian
Pero asahan mo ko aking mahal hihintayin pa din kita
Kahit wasak na wasak na ang puso ko ng tuluyan hihintayin kita


At sa iyong pagbalik
Umaasa na hindi mo na ako ulit
Ipagpapalit.
Ngunit bakit ka'y pait?
Umaasa na makita ka na kahit saglit
Sapagkat
Hindi ko na kaya ang sakit . .


Sana panginoon wag kang magalit. Nawa'y kunin mo ako sa langit.
This is my first so yun.
Any comments is allowed.
Message me on facebook;
https://www.facebook.com/YatotDwayt
For comments thanks :)
Stephanie Apr 2019
isinulat ni: Stephanie Dela Cruz

\

isang daang tula.
sabi ko noon ay bibigyan kita ng isang daang tula
mga tulang magiging gabay mo kung sakaling mawala ka man sa akin, o kung ilayo ka man ng ating mga tadhana, o kung paalisin mo na ko sayong tabi,
ngunit pangako, hinding hindi magiging dahilan ang kusa kong pag alis, pangako yan.
itong mga tulang ito ang magiging gabay mo kung sakaling maisip **** ako ang kailangan mo at ako ang gusto **** makasama hanggang dulo
itong mga tulang ito ang magiging resibo mo, magiging ebidensya ito ng kung paano kita minahal ng pagmamahal na hindi mo kailanman naibigay sa akin

isang daang tula.
alam mo bang tula ang una kong minahal kaysa sa iyo
ibinuhos ko lahat ng mga inspirasyon, pag-ibig, luha at pati tulog ko'y isinantabi ko na para sa kanila
dahil ako rin ang mga tulang ito,
alam mo namang isa kong babasaging salamin na paulit ulit na binabasag ng mga taong gustong maglabas ng sama ng loob, ng matinding emosyon, isang salaming kakamustahin kapag gusto nilang ipaalala sa sarili nila na maganda sila at mahalaga at kamahal-mahal at importante...
ako nga ang mga tulang ito, at paulit ulit kong pinaghirapang buuin muli ang aking sarili, ang bawat dinurog na piraso ko'y sinusubukang buuin muli gamit ang hinabing mga tula
itinago ko sa bawat maririkit na salita ang mga lamat na hindi na maaalis pero pipilitin ko...
at sa huli naisip kong hindi ko lang pala gustong sumulat at bumigkas ng tula..
gusto ko rin maging tula ng iba, na mamahalin ako katulad ng pagmamahal na ibinuhos ko sa mga ito

at ayun nga... dumating ka.

ngunit tanong ko pa rin sa aking sarili itong palaisipan...  "naging tula mo ba ko talaga?"


hindi.

dahil hindi ka naman talaga interesado sa mga tula.


alam ko naman kung anong nais mo talaga..

ang gusto mo'y musika.


maganda, masarap sa pandinig, masasabayan mo sa pagsayaw... maipagmamalaki.


hindi naman ako musika... isa lamang akong tula.



isang daang tula.
alam mo bang kung nakakapagsalita lamang ang aking mga sinulat ay sigurado akong magtatampo sila
dahil naisulat na ang tulang bukod tangi sa lahat, tulang pinaka mamahal ko higit sa lahat
ito ay ang bawat tulang isinulat ko para sa iyo..
isa... dalawa... tatlo.. hindi ko na mabilang kung gaano karaming tula na ba ang naisulat ko para sayo
ngunit mas marami ata yung mga tulang isinulat ko nang dahil sayo
at wag kang mabibigla kung sasabihin kong hindi lahat ng iyon ay puro kilig, puro saya, puro tamis ng sandaling kasama kita
dahil sa bawat pagkakataong hindi mo namamalayang sinasaktan mo ako ay sumusulat ako ng tula
may mga pagkakataong ikaw ang dahilan ng mga luhang siyang naging tinta nitong aking pluma na pinangsulat ko ng tula

wag kang mag-aalala, hindi nasasapawan ng kahit anong sakit at pait ang pagmamahal ko sa iyo. :)


isang daang tula.
teka, kailan ba tayo nagsimula?
napakabilis ng panahon, lumilipas na kasing bilis ng pagningning ng mga bituin sa gabi
hindi pa tayo tapos mangarap ngunit tumitigil na... natapos na ang pagkinang.
inaawat na tayo ng kalawakan... o teka... mali pala... dahil ikaw ang umawat sa kalawakan
pinatay mo ang sindi ng pinakamakinang na bituing pinangakuan ko ng wagas na pagmamahal sa'yo habambuhay
wala nang natira.. pati ang mga bulalakaw na nagdadala ng milyong paghiling kong makasama ka hanggang dulo ay wala na, lumisan na
at hindi ko naman inasahan na sasama ka sa kanila
hinihintay kong hawakan **** muli ang aking kamay nang mas mahigpit sa paghawak ko ng kamay mo katulad ng una't pangalawang beses nating pagkikita pero
binitawan mo ako mahal



isang daang tula...












teka muna mahal, hindi ko pa naisusulat ang pang isang daan
bakit ka'y bilis mo namang umalis... hindi mo man lang hinintay na matapos ko ang mga tulang ito na nagpapatunay na minsan may tayo


pero pangako...


tatapusin ko itong isang daang tula at hindi ito magtatapos sa pang isang daan dahil susulat pa ko ng mas marami, susulat ako nang mas marami pa hanggang sa hindi na ikaw ang tinutukoy ng mga salita sa aking tula, hanggang sa hindi na ikaw ang buhay nitong aking pagtula...
ipapaalala ko sa aking sarili na ako ang mga tulang ito at hindi ako magtatapos sa panahong pinili **** umalis kesa basahin ako, pinili **** iwanan ang tunay na nagmamahal sayo, sabi mo iingatan mo ang puso ko ngunit hindi mo ba alam? ikaw ang muling sumira nito kaya't heto... may dahilan nanaman para sumulat ako ng tulang magbubuo ng mga piraso ng aking sarili na dinurog mo... pinili **** saktan ako, pinili **** lumayo para sa sarili mo, pinili **** maghanap ng mas maganda at mas higit sa akin, ang dami dami **** pinili mahal ngunit bakit hindi ako ang isa sa mga pinili mo? ah. alam ko na. dahil nga pala may mas higit pa sa pagpipilian kaya bakit nga ba ako ang pipiliin mo diba?


pero pinapangako ko... isa lamang akong tulang hindi mo pinag-aksayahan ng oras para basahin ngunit balang araw ay magkakaroon din ako ng sukat at tugma, ang mga salita sa aking malayang pagsulat ay tatawaging liriko at kapag ganap na akong maging musika... pangako.... huling pangako ko na ito para sayo kaya't makinig kang mabuti...




mapasabay ka man sa  saliw ng aking musika, kailanma'y hindi na ko ang kanta, liriko, musika, at tulang isinulat para sa iyo.
I miss you so bad but not enough to want you back.
ZT Oct 2015
Bakit ba
Ganito sa pinas
Kung saan masyado tayong tutok sa tamang landas

Landas na di naman natatahak
Pagkat lahat ng pangako ng mga naging pangulo ay puro palpak

Ano nga ba ang tamang landas
Palagi na lamang itong bukambibig ng mga taong malalaki ang bibig ngunit maliliit at malalamig naman ang mga puso.

Wagas kung makapagsabi ng tamang landas
Kailan ba magwawakas ang pagpapatag sa tamang landas
Tila masyado nang nabigyang importansya ang paghahanda sa tamang landas
Na naaaksya na ang pera ng ating mga probinsya


Ang mga pangakong napako
Ang mga pulitkong napako na sa pagtahak sa landas na ito
Na tila nakakalimutan na nilang isama ang sambayanan sa pagtahak nito
Ang mga mamamayang pilipino na naubusan na ng lakas
Pagkat wala na halos mailagay sa hapagkainan na bigas
Sa walang katapusang pag taas ng tax upang mabuo at mapatag lang ang sinasabing tamang landas

Mga pukitikong
Masyado nang naging overly attached sa tamang landas
Na tila konting lubak lang kuha agad sa kaban ng bayan... Sa pera ng mga mamamayan.. Upang magpagawa ng bagong daan. Mas matuwid na daan. Wow. Gusto nyo ba ng sapak?


Bakit hindi nalang hayaan ang malubak na daan?
Bakit hindi nalang hayaan ang konting baluktot sa daan?

Basta siguraduhin lang natin na tama ang ating pupuntahan.
Na pagdating natin sa ating paroroonan, paglingon natin ay wala na tayong babalikan dahil wala na tayong naiwan.
Magkaroon man ng galos sa paglalakbay, ang sakit ay kayang pawiin ng haplos ng kapwa pilipinong naging kasama mo sa pagtahak ng daan na tnahak ng bawat pilipino.

Ang kailangan namin ay isang pinuno
Hindi pangulo na ituturo lamang ang tamang daan habang nakasakay sa kanyang mamahaling sasakyan at hindi na namamalayan na kanya na palang naiwan ang mga mamamayan.
Ewan ko ba kung bakit ganito sa pinas. Sana sa darating na eleksyon ay makapili na tayo ng isang pinuno hindi lang basta pangulo
AL Marasigan Jul 2016
1:40 am,
Ganitong oras mo ‘ko sinagot
Ganitong oras mo pinaramdam sa’kin na mahal mo rin ako
Ganitong oras ko narinig ang mga katagang mahal kita mula sa’yong mapupulang labi
Kaya naman, sa ganitong oras ko din isisiwalat kung gaano kita kamahal
Matagal ko na ‘tong pinaghandaan
Di ko nga tansya kung ilang letra, ilang salita o ilang talata ang nasulat ko
Di ko na tansya kung ilang araw ko ‘tong kinabisado para lamang maging perpekto sa harapan mo
Di ko tansya kung ga’no nga ba kita kamahal, nung tinanong mo ‘ko
Pero ngayon, ito na.
Ala-una kwarenta ng umaga, ginising ako ng isang panaginip
Panaginip na nagbigay init sa puso kong natutulog.
Ito din yung oras kung
kailan ako’y natataranta kasi nga may pasok na naman.
Ito rin yung araw
kung kalian kita unang nakita.
Di ko alam kung tadhana nga ba, na napaniginipan kita bago kita nakilala
Tandang-tanda ko pa…
Yung mga ngiting binigay mo sa’kin nung ika’y nasa panaginip ko pa lamang
Tandang-tanda ko pa…
Yung mga ngiti mo
Nung tinanong mo ‘ko kung
kailangan ko ba ng tulong
sa mga akdang-araling binigay sa’tin ng ating mga ****
Tandang-tanda ko pa….
Na hirap akong makatulog
kasi nga
di ako makapaniwala na ang babaeng napanigipan ko’y
Magiging kaklase ko
Kaya naman
Sinet ko na ang alarm sa 1:40 am simula nung araw na yun
Araw-araw
Para lamang itext ka ng goodmorning at gulat naman ako
Kasi nga, nagrereply ka pa sa ganoong oras
Destiny at meant for each other nga naging mantra’t mentality ko noon.
Di ko nga alam kung ako ba’y nasa loob pa ng isang panaginip
O ito ba’y kathang-isip na lamang
Masaya ako!
Hindi, Mali
Sumaya ako simula noon
Kaya naman ginagawa ko ang lahat ng gusto mo at pinipilit gustuhin ang mga ito
Para lamang matugunan ko ‘tong pag-iisip ko na
TAYO NGA’Y PARA SA ISA’T-ISA
Nakakatawa kasi nga dumating yung araw na para nalang akong tangang
Di ginagamit ang kokote dahil nagpakabulag na sa tinatawag nilang pag-ibig.
Tangang, pinabayaan ang sarili para lamang mapasaya ka
Tangang, pinaubaya ang lahat sa mga salitang *“Mahal kita”

Tangang, akala na ang lahat ng bagay na ginagawa mo at ginagawa ko ay
Si tadhana ang may pakana*
Ngunit di pala, ito pala’y purong katangahan na lamang
Ang akala kong nagpupuyat ka rin para lamang makareply sa text ko pagsapit ng 1:40 am
Ay di pala talaga para sa’kin
Ang akala kong panaginip na nagbigay init sa pusong malamig na natutulog
Ay panaginip pala na sinunog ang natunaw ko nang puso dahil sa malaanghel **** boses
Ang akala kong pananginip na nagbigay kulay sa buhay kong matagal nang matamlay
Ay panaginip pala na sa sobrang kulay ay nagbigay kadiliman na lamang
Ang akala kong perpektong panaginip
Ay panaginip palang maraming butas at naging isang masakit na bangungot na lamang
Mahal, sa ganitong oras mo ‘ko sinagot
Sa ganitong oras mo binigkas ang mga salitang matagal ko nang inaasam-asam
At sa ganitong oras mo din binigkas ang katagang
“Tapos na tayo”
1:40 am
Nagising ako sa isang panaginip
Panaginip na purong kadiliman na lamang
Panaginip kung saan ang kasiyaha’y naging purong kalungkutan na lang
Mahal, sa ganitong oras ko isisiwalat ang lahat
Kaya maghanda ka na,
Kasi di ko tansya kung ilang salita, ilang talata o ilang araw ko tong pinaghandaan
Para lamang maging perpekto sa harapan mo
Di ko tansya kung gaano nga ba mo ko minahal
O kung minahal mo ba talaga ako
Pero ngayon, ito na….
1:40 am
Malapit nang masira ang aking tainga dahil sa pagtunog ng orasan.
Ginising na ako ng katotohanang wala nang ‘TAYO’
Kaya naman ako’y
Bumangon, tumayo’t binago na ang alarmang inilagay,
Gising na ako, gising na gising.
Masaya, masayang-masaya!!
Kahit wala ng ‘TAYO’

Time Check: 1:41 am
Spoken Word Piece.
Copyrights Reserved.
                                                         -Alenz Marasigan
Crissel Famorcan Oct 2017
Mahirap makipagsabayan sa mga bihasang makata
Animo'y kabisado ang bawat tugma ng bawat letra
Batikan sa pagbuo ng ibat't ibang klase ng akda
Nagkukuwentong mahusay ang bawat gawang tula
Mahirap makipagsabayan sa katulad nilang mga batikan
Lalo na para sa mga katulad ko na isang baguhan
Bakit ba ako magsusulat kung wala namang magbabasa?
Bakit pa ako magsusulat kung wala namang magpapahalaga?
Ano bang pakinabang ang makukuha ko sa pagsusulat?
Meron nga ba? O baka nag-aaksaya lang ako ng panulat?
Kaya nga siguro dapat ko nang iwanan
Ang mundong minsang nagbigay sa akin ng kasiyahan
Kailangan kong tanggapin na kahit kailan,di ako magiging katulad nila
Mahusay bumigkas at sumulat ng tula
Kabisado ang lahat ng tugma at tayutay
Na sa akda nila'y maaaring ilagay
Napakahusay!
Walang katulad.
Kapag nabasa mo'y mawawala ka sa reyalidad
Siguro nga mananatili na lamang akong nangangarap
Pagkat di ko maabot ang tulad nilang  sing taas ng ulap
Kaya paalam.
Salitang di ko sana gustong bitawan pero hinihingi ng pagkakataon,
Para makatakas ako kahit paano sa malungkot ko na sitwasyon
Alam kong sa pagdating ng panahon
Matatagpuan kong muli ang aking inspirasyon
Magsusulat akong muli,pero hindi pa ngayon.
Sy Lilang Jun 2014
Nakasisilaw* sa Kapitolyo
Sa sentro ng siyudad
Tatak ng probinsyang pabo.

Sari't sari ang trayanggulong baligtad
Nasa ere silang kumukumpas
At tila ba may spotlight sa norte paroon
"City of the Living God,"
Inukit sa tabla ng di kilalang manlililok.

Minsan ding naging "City in the Forest,"
Sabi pa sa balita'y "Safest place in the Philippines"
Bagkus ang pagmimina'y tuloy pa rin
Lalo na sa Rio Tuba na ramdam ang Climate Change.

Dagdagan pa ng pamimihasa ng PALECO
Hihiramin nang saglit ang kakaunting ilaw at hangin
Nang di maglao'y mapa-"OO" ang lahat
Sa mungkahi nilang planta ng pagbabago.

Bulag sila't barado ang isip
Kikitilin ang hanapbuhay ng mga residente
Walang kamalay-malay ang iilan
Ito'y mitsa na pala ng pagdarahop.

Hahalayin ang tigang na lupa
Bubungkalin raw ang kinabukasan
Bagkus ang pawis ay sa atin
Tayo'y alila ng karatig-bansa
Dayuhan sa sariling bayan.

Titirik sila sa espasyo
Bisig ng tabing-dagat na buhangi'y sutla
Inosente nga sa Salvage Zone
Paano pa kaya pag naimplementa na?

Likido ang bawat anino sa semento
Tumatakbo't tumatagpo sa iba't ibang direksyon
Hindi makapuswit ang mga sasakyan
Maging ang simpleng harurot
Ng munting bisekleta ni Juan.

Doon ko nasilayan ang magigiting na pulis
Taas-noong suot ang uniporme
At iilang traffic enforcer
Na wala sa linyang puti.

Tila bawat uri ng katauha'y nasa parada
Kung hindi man,
Sa iilang personang lumalabas-pasok sa eksena
Kukuha ng larawan, akala mo eksperto
Hindi naman pala
Ayos, selfie pala ang gusto
Dekorasyon ang mga artistang Netibo.

Bawat munisipyo'y may nagsisilbing pambato
Makukulay ang mga sasakya't pudpod ng disenyo
Na sa kahit sa palamuti'y maitaas ang munisipyo
Buhat sa pagkabiktima ng gobyernong manloloko.

Highlight nga ang Street Dancing
Aba't ang layo ng kanilang lakarin
At sa bawat kanto'y sasabay
Sa saliw ng Remix na musikang inihain.

Nalugmok ang puso ko
Bagamat ito'y nararapat na saya ang dulot
Ito'y nagsisilbing maskara na lamang
Nakasanayan, naging tradisyon
Ang kulturang laging may bahid ng eleksyon.

Nakaririmarim ang iilang nasa trono
Pinalibutan ng berdeng hardin ang sentro
Bulong ng Supplier doble pala ang presyo
Aba't sige nga, saan nila ibubulsa?
Kung ang kanila'y umaapaw pa.

Bagamat ang lahat ay nasa bilog
Paikut-ikot tayo sa animong sitwasyon
Tanging takbuhan nati'y ang Maykapal
Na hanggang sa huli'y magwawasto ng bawat kamalian.

Sa probinsyang kinalalagyan
Ito'y nag-aalab na espada ng lipunan
Bawat isa'y responsable't may pananagutan
Tamang dedikasyon sa sandigang bayan.

Walang masama sa pagiging alarma
Maging aktibo ka, kabataan
Ikaw ang pag-asa ng Perlas ng Silanganan
Abutin mo yaong pangarap at manindigan
Hindi pansarili, bagkus pag sa tuktok na'y
Gawin ang tanging tama
Na naaayon sa batas ng higit na Nakatataas.

(6/29/14 @xirlleelang)
Engineer Mikay Jan 2016
Higit isang taon na rin ang nakalipas
Nang lisanin ang bansang Pilipinas
Upang subukan ang buhay
Sa lugar na kung tawagin ay Dubai

Naalala ang galak ng pagpunta dito  
Nang sa kalaunay puro na reklamo
Paano naman kasi ang mga Arabo
Minsan lang maligo sa isang linggo

Dagdag pa ng klima na sobrang init
Pawis mo'y abot hanggang singit  
At kung taglamig naman ay pumasok
Gusto mo na lng mamaluktot sa isang sulok  

Pagkain na amoy pa lang aayaw ka na  
Kahit gutom mawawalan ka rin ng gana
Babae nila'y nakasuot ng itim na bestida
Pati lalake rin ay nagsusuot ng palda  

Pero kahit ganun ang katulad nila
Gusto ko ang kanilang pananampalataya
Sa diyos na tinatawag nilang Allah
May oras talaga pag nagdarasal sila  

Akala ng marami buhay dito ay maganda
Di lng nila alam kami'y nangungulila
Sa pagmamahal na ipinabaon  
Ng mahal na makikita lng pagkatapos ng ilang taon

Tila ang bilis ng mga pangyayari
May mabuting resulta kaya sa bandang huli
Lahat ng sakit, pagod at pighati  
Mapagsilbihan lang ang mga ibang lahi

Kung lahat ng ito'y isang panaginip
Ayoko na talagang maidlip
Hay... buhay Dubai nga naman
Sana nga may patutunguhan...
marrion Sep 2019
Hipokritong maituturing
Kapag sinabi kong hindi kita pinagpapantasyahan

Di man aminin
Pero alam sa sariling
Gusto ang mga labi mo'y mahagkan
At ang katawan mo'y matikman

Sabihin man nilang
Ito ay libog lang naman
Pero sino ba'ng tao na hindi buang?
Ang hindi maaakit sa tulad mo na magandang nilalang
...
christine Mar 2016
Sana tinatawanan tayo ngayon ng lahat ng taong nagmamahalan dahil ang problemang ito ay isang problema rin na dati na nilang pinagdaanan

at ngayon, ito ay hindi na problema
kundi isang nakakatawang kuwento na lamang
Salome Sep 2015
Sa bawat paggalaw ng iyong kamay
Sa bawat paghampas ng kulay mula sa iyong kaluluwa
Tila nilalason ang isipan ko
Sinasabing kay ganda ng lahat ng mayroon sa’yo

Hindi maikukubli sa aking mga salita
Ang paghanga sa lahat ng kung sino ka
Nangingislap ito mula sa ilaw
Na nanggagaling mula sa pagkatao na pagmamay-ari mo

Umaalab ka ngunit hindi mo pansin
Mapapaso ang sinomang lalapit sa’yo
Ngunit pipilitin nilang mahagkan ka
Sapagkat ikaw ang katuparan ng pangarap nila

Pinutol mo ang sarili **** mga pakpak
Kaya naman hindi mo naaatim
Ang yaring tayog na iyong taglay
Kung makakalipad ka lamang sana

Likas sa’yo ang nais mo
Kumakatok ako’t nakikiusap
Gumising ka, marikit na binibini
At kamtan mo ang matagal nang nasa iyo
Written in Filipino, my Mother Language.
Basically tells you that what you want is already innate in you. You just have to realize it.
Maria Navea Mar 2019
Naaawa ako saiyo, Binibini
Karumaldumal ang pamamaslang na iyong sinapit
Luha mo’y nagpaparamdam ng hapdi
sa pag tulo nito sa iyong mga pisngi.

Ginahasa ka ng sarili **** pinuno
Minulestya ka at pinagsamantalahan
Ibinenta ka sa banyaga na parang isang bayaring babaeng matatagpuan mo sa daan.

Ninakawan ka ng sarili **** tagapaglingkod
Binigyan mo na ng palay at lupain
Ngunit ang hindi na para sakanila’y nagawa pang angkinin.

Pamilya mo’y nagawa kang saksakin sa iyong likod
Sa kanilang pananahimik at hindi pagkinig
Sigaw **** “tulong”, sa lakas ika’y nawawalan na ng tinig; at
Sa pananatili nilang pagpikit sa mga karumaldumal na katotohanang sa harapan nila’y nakahain.

Ipagpaumanhin mo ang mamamayan mo, Binibini
Tao mo’y masyadong nasilaw sa kayamanang iyong binahagi
Pasensya ka na at sila ay naging makasarili
Hindi nila inisip ang dulot nilang hinagpis.

Binibini,
Sa kahit anong gamot ang iyong ipahid sa mga sugat **** natamo
Malinaw na hustisya ang sigaw ng puso at isipan mo
Hustisyang malabo mo nang maabot
Sapagkat tunay kang hindi inibig ng tao
Kundi ginawa ka lang instrumento sa pagkamit ng kanilang makasariling plano.
Lance Cecilia Jan 2016
Nilaliman ko ang hawak ko sa bulsa, wala na nga pala 'kong pera.
Mabilis akong naglakad patungo sa bughaw na sasakyan ko. 'Di ko ininda ang pabugso-bugsong ulan at bulong ng mahapding hangin. Bumubulwak ang tubig mula sa kanal at magiting na dinadaan ang palusong na kalsada papunta sa gusali.

Nilaliman ko ang hawak ko sa bulsa, at natuklasang wala ang susi ng kotse.

Matagal-tagal na rin akong nag-aaral sa lumang gusali ng Biology sa UP. Pangatlong taon ko na. Sa wakas, magtatapos din ako.
At saka mag-aaral ng medisina.
Unang girlfriend ko si Kaye, at napakahaba ng aming kwento. Nagkakilala kami noong bakasyon sa pagitan ng aking ikalawa at ikatlong taon sa mataas na paaralan. Hindi siya ang una kong babaeng nagustuhan.
Pero siya ang una kong minahal.
Nagsimula ang lahat sa aming pagiging magkaibigan, at nang lumaon, nahulog ako para sa kanya.
Alam kong mali yun, kasi may gusto siyang iba at may napupusuan din ako noon.

Pero binago niya ang lahat. Naging matalik kaming magkaibigan, hanggang sa ayun, nagkaaminan.
Walang nag-akalang magiging kami.
Nilaliman kong muli ang hawak sa bulsa. At saka pumanhik sa gusali, papunta sa aking silid.
Natagpuan ang susi ng kotse, sira, putol, puro gasgas at tila nabagsakan ng mabigat na bagay.
Badtrip, sabi ko.
Magko-commute ba na naman ako?
'Di nagtagal, nakaisip ako ng paraan.
Pinapunta ko si Kaye, total, may kotse naman siya.
Dumating si Kaye sa silid nang may malaking ngiti, isang ngiting tagumpay sa volleyball.
Bakas pa sa kanyang mga braso ang bakat ng tama ng bola ng volleyball. Namumula, pagod na pagod.

'Yun ang huling alaala ko.

Sabi ng doktor, nag-shutdown daw ang utak ko buhat ng matinding pagod, at nagkaroon ako ng amnesia.
Ayon sa kalendaryong iniabot sa'kin, humigit-kumulang 30 taong gulang na ako.
Wala akong ibang maalala kundi ang alala sa gusali ng Biochemistry.

Nilaliman ko ang hawak sa bulsa. Hinimas ko nang todo ang lalagyan, hinipo ang bawat sulok ng aking bulsa. Nakapa ko ang isang pirasong papel.

Dear Lorry,
Mahal kita.
Pero may mahal na 'kong iba.

Yun lang? Yun lang ba? Tapos na?
May nagawa ba 'kong masama?
Tiningnan ko ang aking mga braso.
Bakas pa rito ang mga bakat ng kutsilyo, namumula, puro peklat.
Sabi ng doktor, may suicidal tendencies daw ako. Aba pakialam niya!

Pumasok si Kaye sa aking kuwarto sa ospital. Hawak niya ang braso ng isang lalaki.

Doon ko lang napansin ang kuwarto ng aking tinutuluyan.
Puno ng sulat ang mga pader. Puno rin ng mga nagsasanay na nars at doktor, at pilit na iniintindi ang reklamo ng mga pasyenteng nakadungaw sa nakaidlip nilang kalawakan.

Hindi ko na kaya.
Ganoon na lang ba ang halaga ko kay Kaye, na ganun niya ako papalitan?

Kinuha ko ang bolpeng nakatengga sa mesang malapit sakin. 'Di ko na pinansin ang kirot ng IV at mga kung anu-ano pang nakasuksok na gamot saking sumusubok na pagalingin ang mas lalong sumasakit, kumikirot na kalagayan.
Isang 'di magamot na sakit ng damdamin, isang kirot na bumubulwak mula sa kanal na pinagdadaluyan ng aking pagmamahal.

Pagmamahal para sa babaeng nakita kong hawak ang braso ng isang lalaking 'di man lang ipinakilala sakin para man lang mapawi ang uhaw ko para mapasaya si Kaye.

Tinutok ko ang bolpen sa aking sarili.
Pinagsasaksak ko ang sar-
Sy Lilang Jan 2018
Hindi Ka lumipas —
Naalala ko noong nakaraang taon
Ilang araw buhat sa ngayong pagbibilang ko
Bago pa sumulyap ang mga pampakulay sa kalangitan
Para magtagisan sa pagbungad sa paunang ngayon.

Hindi Ka lumipas —
Halos itim na lamang ang kulay sa kalangitan
Na para bang ang pag-asa ay kinitil na ng sanlibutan
Na para bang ito’y nobelang pawang paghihintay na lamang
At nang subukang gapangin ng putik ang pangarap ngunit hindi —
Hindi Ka pa rin lumipas
At muli **** binigkas na Ikaw ang dahilan ng lahat
Na ang lahat ay walang kabuluhan
Kung ang Ikaw ay ibabaon sa limot at tatalikuran.

Hindi Ka lumipas —
Gaya ng mga butil ng luha sa aking mga mata
Na ang pagsusumamo ay tila araw-araw na pag-aakyat ng ligaw Sayo
Na maging ang umaga ay tila Simbang Gabi.

Hindi Ka lumipas —
Nang dungisan ng mundo ang mensaheng laan Mo
Ngunit sabi Mo’y tapos na ang lahat
Malambot pa sa bulak ang sumalo sa bawat pagkabagsak
Walang katulad ang Iyong mga yakap,
At heto ako — mas natutong sumandal sa nag-iisang Ikaw.

———

Hindi Ka lumipas —
Ilang beses **** hinayaang masaksihan ko ang pagsagwan nila sa agos
Ang paglipad sa ere na tanging Ikaw lamang  ang sumalo
Na para bang ito na ang huling mga katagang bibitiwan ko —
Ayoko na
Pero hindi —
Pagkat nagkakamali ang dilim sa paghasik ng kanyang sarili
Pagkat ang Liwanag ay panghabambuhay
At hindi tayo kakapusin sa oras
At hindi ito isang “sandali lang.”

Hindi Ka lumipas —
At ayokong palipasin ang kahit isang pintig ng sinasabi nilang “sandali lang naman”
Pagkat sa oras na ito’y hindi Ka lilipas —
At tanging ang pangalan Mo ang mangingibabaw
Sa susunod pang hihiranging mga araw
Kahit pa sabihin nilang nagbago na ang lahat.

Hindi Ka lilipas —
Kahit pa tabunan ng pangungutya ang Iyong kasulatan,
Tanging Ikaw ang magiging bukambibig.
Kahit pa hindi makakita ang mga bulag
Ay ipagdidiinan pa ring Ikaw ang magbubukas ng bawat paningin
At walang dilim na kayang sakupin ang Bayan Mo, Ama.

Hindi Ka lilipas —
At sa bawat pagtaas ng Bandila
Ay Ikaw ang mananatiling may tiyak na katuturan
Na ang mensahe Mo’y ipangangalandakan
Saanmang dako at sulok ng mga Islang hinati ngunit Iyong ipinag-isa.

Hindi Ka lilipas —
Tulad ng mga ulap tuwing ang ulan ay titila
Tulad ng tubig tuwing huhupa ang baha
Tulad ng ilaw at init ng kandilang inapula.

Hindi Ka lumilipas —
Gaya noon, hanggang sa huling hampas ng segundo sa huling pagyukod ng araw.
Maghari Ka —
Hanggang sa huling pagkurap na kasama Ka.

— The End —