Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nilalayo" poems
Patawad kung di na ako nagsasalita, Kung di na kita kinakausap pa, Ayaw ko kasing masaktan pa, Parating na kasi ang araw na lalayo kana. Patawad kung nilalayo ko na sarili ko, At kung iniiwasan ko nang mga mata mo, Mahihirapan akong kalimutan ang mga titig mo, Lalo na ang epekto sakin nito. Patawad sa paghintong alagaan ka, Mahirap kasing makasanayan pa, Hahanap-hanapin kasi kita, Sa ganitong paraan mapapadali ang limutin ka. Patawad kung pinipili kong burahin ka sa aking ala-ala, Kasi ayaw kong may pinanghahawakan pa, Sana wag mo isiping hindi ka mahalaga, Minsan lang kasi ako magmahal kaso nawawala pa. Naiintindihan ko ang rason ng iyong paglisan, At dahil dito hindi kita pinipigilan, Sana masaya ka sa iyong pupuntahan, Patawad kung ibabaon kita sa nakaraan.
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 2:41 PM UTC
Patawad Kung ( Tagalog )
Ano 'tong haluan? Bigla rin ako napasuka Akala ko ako na ang utak Pwede ako magbawi, pero ikaw hindi Yan ang batas, di ba? Patas ang batas Ng patintero Lamunin ang mga numero Parang wala silang **** 'Pag nag-iisa daw, masama kaagad Ang bilis umakyat ng ministro pero walang dalang impormasyon Lagyan ng sablay ang tibok Sakit na dala ng kinalalamnan ng araw Sa sunod ng sunod sa malarong pisngi at ang kulay nito Pinapasa-pasa nila Wala daw sabaw Kaya ko iniba ang presyo Kahit hindi mahanap ang totoo Nilalayo ang inspeksyon Ingay ng "Happy Birthday" Siyamnapung beses sa kabilang bahay Paikot-ikot sa steering wheel Ng milyong dolyar, walang down payment na sasakyan komersyal Iyon ang benepisyo ng mga itik  sa latik Wala naman talagang may gugusto na lumabas sa parisukat Kasi iyon lang ang tirahan nila Kahit ang halaman ay tigok Ano ba talaga gustong mangyari? Hindi iisa ang kasiyahan Nasaan ba siya? Kamatayan ang hintayan Hindi pa rin matulungan ang nahihirapan Hindi na ako komportable sa ilawan
0
Jan 14, 2021
Jan 14, 2021 at 8:06 AM UTC
Bilisan
maaaring nasa kabilang dulo ka ng isang napakahaba na kalsada, at tuluyan kang nilalayo sa akin pero maaasahan mo, na kahit na may isang dagat pa ng sanlibong mga mukha na mayroong kanya-kanyang istorya ang siyang naghihiwalay sa'tin. babalik at babalik pa rin sa'yo. babalik at babalik pa rin sa'yo. —12:24AM, 313
0
Dec 12, 2019
Dec 12, 2019 at 9:35 AM UTC
ang ating daan