Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nilalason" poems
Sa bawat paggalaw ng iyong kamay Sa bawat paghampas ng kulay mula sa iyong kaluluwa Tila nilalason ang isipan ko Sinasabing kay ganda ng lahat ng mayroon sa’yo Hindi maikukubli sa aking mga salita Ang paghanga sa lahat ng kung sino ka Nangingislap ito mula sa ilaw Na nanggagaling mula sa pagkatao na pagmamay-ari mo Umaalab ka ngunit hindi mo pansin Mapapaso ang sinomang lalapit sa’yo Ngunit pipilitin nilang mahagkan ka Sapagkat ikaw ang katuparan ng pangarap nila Pinutol mo ang sarili **** mga pakpak Kaya naman hindi mo naaatim Ang yaring tayog na iyong taglay Kung makakalipad ka lamang sana Likas sa’yo ang nais mo Kumakatok ako’t nakikiusap Gumising ka, marikit na binibini At kamtan mo ang matagal nang nasa iyo
0
Sep 8, 2015
Sep 8, 2015 at 10:40 AM UTC
Ikaw Din Ang Siyang Nais Mo
ilang beses ko nga ba sasabihin na hindi ko na kaya, oo tama ka sa narinig **** sinambit ko mismo, tama na, kasi ayoko na. tama na ang mga patay na oras na pilit **** kinukuha hindi namumuhay ni gumagalaw naroon lang, tulala't naninigas na. wala ng ibang iniisip kundi paano, paano hindi sa pagkakasyahin kundi paano uubusin ang lubos - na oras na kailangang punan. tama na kasi mahirap gumawa ng wala at magpanggap na meron kang pinagkakaabalahan at lokohin ang sarili **** bayad ang oras. Nilalason nito paunti-unti, ang bisyo ng lantay na katawan at tiwangwang na utak. kaya pakiusap, tama na.
0
Oct 27, 2015
Oct 27, 2015 at 5:52 AM UTC
Tigang sa Trabaho
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52