Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nguni" poems
Sa loob ng sampung buwan marami mang pagsubok ang pinagdaanan nguni wala pa ring atrasan marami na rin ang pinagsamahan at naging magkakaibigan. Isang grupo ng kabataan, na nagkaroon ng isang magangdang samahan. Kahit anong pagsubok ay hindi nila inaatrasan, kaya: kaya nila itong pagtagumpayan. Isang grupo ng kabataan na kung minsan ay may alitan pero ilang sandali, ito ay kanilang kinakalimutan at tuloy na ulit ang kasiyahan. Sa kabila ng lahat ng ito ay may nakaagapay isang **** ang na aming tagapatnubay na maaaring maging inspirasyon namin sa aming tagumpay. **** na yata sa habambuhay; motto nya siguro sa buhay. Bb. Maritess Palac ang kanyang pangalan. Kahit kailan ay hindi mo malilimutan. Salamat sa iyo aming **** na tumayo bilang ikalawang ina sa aming mga estudyante mo. Salamat po sa inyo mahal naming **** Salamat mo sa iyo mahal naming **** ng dahil sa inyo kami ay natuto. Kaalaman na galing sa aming magulang, kasama ang kaalamang mula sa inyo. Ay hindi kayang tumabasan ng anmang ginto. Salamat sa Diyos kami ay nagkaroon ng isang gurong katulad niyo.
0
Aug 8, 2015
Aug 8, 2015 at 10:37 AM UTC
Salamat Aming ****
Minahal kita higit pa sa inaakala kong kayang magmahal ang isang tao. Kung tutuusin walang limitasyon ang pagmamahal nguni't hindi natin maikakaila na pinipigilan natin ang mga sarili natin sa pagmamahal ng higit pa sa limitasyon na ating ginagawa. Pero kapag nakilala nila ang taong mahal ko ngayon ay magiging isang tila bahay-bahayan nalamang ng mga bata ang limitasyon kung saan ang akala nila'y simpleng luto, alaga ng bata, at paghahalik sa asawa lamang ang pagbahay; napakarami pa kaysa sa kanilang inaakala. Minahal kita na higit pa sa inaakala kong hawak kamay at titigan lamang sa mata at pagtatanong kung anong ginawa mo ngayong araw na ito at pagbabati paggising ng umaga at pagpaalam bago matulog sa gabi. Salamat, dahil natuto akong magmahal kaysa sa inaakala kong dapat **** mahalin ang isang tao.
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 11:53 PM UTC
Untitled
"sumulat ng mga "paano kung" sa buhay ng isang tao may mga pag-ikot o pagbabago sa mga konklusyon sansaglit nguni't mahaba nung nilikha may mga tainga sa mundong ito, nag nagkukusang-loob bukas and mga palad at bukas ang mga labi akong tatanggapin nangingibabaw sa kanilang isipan ang pagbating ito: "Maligayang pagdating, Makata, Sabihin mo sa amin..." welcome poet, tell us.... Translated-for me by Sally, who welcomes everyone... Just an an excerpt from http://hellopoetry.com/poem/615068/where-has-writing-gotten-me/
0
Mar 1, 2014
Mar 1, 2014 at 9:14 AM UTC
welcome poet, tell us...."Maligayang pagdating, Makata, Sabihin mo sa amin..."
Naramdaman ko ang pakiramdam na hindi tayo nagauusap kaya't kahit ano pa ang mangyari wag na wag kang titigil sa pakikipagusap sakin. Ayoko na ito maranasan muli dahil mas masakit pa ito kaysa sa pagiging mag isa sa isang dagat ng tao, lahat nakikipagusap sa isa't-isa habang ika'y siksik na siksik na at sinusubukang huminga. Nakakalunod ka. At kung dumating man ang araw na sa sobrang galit mo saakin ay hindi na tayo maguusap, alalahanin mo na minahal kita higit pa sa inakala kong kayang mag mahal ang isang tao. Minahal kita parang sa pagmamahal ng tao sa hangin. Kinakailangan kita. Nguni't alam ko na mabubuhay ako sa isang mundo na payapa at matagal kahit na ika'y wala sa tabi ko, at pinagtatawanan ko ang mga magkasintahan na sinasabi sa isa't-isa na ikamamatay nila ang pagkahiwalay nilang dalawa; mga inutil. Alam kong mabubuhay ako nang hindi ka makakausap tuwing gabi't sinusubukan kong ilunod sa dagat ng muhika ang mga boses sa tenga ko. Alam kong mabubuhay ako na wala ka nguni't ayoko. Kaya't pagpasensyahan mo na kung hirap akong huminga kapag di kita kausap. Alam kong kat'hang isip lamang ang pagkawalan ko ng hininga nguni't sa isip at sa puso ko'y ito ay totoong totoo. mahal kita pagpasensyahan mo na.
0
Oct 6, 2015
Oct 6, 2015 at 10:24 AM UTC
Untitled
Samo't saring emosyon Tila bulkan na gustong sumabog. Pakiwari niya'y lahat nalang ay kanyang kapintasan. Maririnig ang hibik sa may dapit sulok. Animo'y nagdadalamhati sa sariling sawi. Siya'y pinagsapantaha sa kasalanang di ginawa. Kanyang ipinagbatid nguni't tila sila'y bingi. Umagos muli ang luha sapagka't pakiramdam niya'y hindi sapat. Humiling sa itaas dahil ito'y nararapat. At siya'y hindi binigo at binigyan ng abiso, Isang salawikain na may naglalamang 'Sa mata ng Diyos'. Nagbigay man ng kaginhawaan sa kanyang kaibutoran. Datapuwa't hustisya ang siyang nararapat. Hindi madaling magpatawad nguni't hindi rin madaling makalimot. Darating man ang panahon na siya'y maghilom nguni't hiling niya'y kahit ngayon lang ay siya'y pagbigyan. Sapagka't ang sakit ay nanatiling nakaukit. Kirot na siyang nagbigay nang traumatiko. At upang maibsan ang pakiramdam nilinlang ang sarili at nagbabakasakaling halinhan ang nagbabagang deliberasyon. Maaring marami ang nakakaalam nguni't tila sila'y bingi sa katarungan. Sapagka't sila'y naaaliw sa kasinungalingan. Na siyang nagbibigay sa kanila nang kaluguran. Tanging hiling lamang, na kung sinuman ang tumalima ay hindi danasin ang kanyang pinagdadaanan. Dahil hindi madaling paratangan ng isang kasalanan na hindi naman ginawa. Bagkus, pakinggan at umunawa para sa ikabubuti ng bawat panig.
0
Jul 3, 2022
Jul 3, 2022 at 8:21 PM UTC
'SA MATA NG DIYOS'