Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Patricia Soriso Aug 2018
Minsan kong ginamit ang mga salita bilang kalasag. Bilang pantakip sa kabiguan kong harapin ang katotohanan. Ginamit ko ito upang pagmukhain akong matapang at lumalaban na mandirigma.

Ngunit unti-unti itong nilusaw ng oras at buo akong nilamon ng lahat ng kasinungalingang ibinato ko sa ngalan ng pag-ibig. Lahat ng inilagan kong sakit ay ibinalik sa akin ng tadhana; nang triple at walang pagpipigil.

Kalaspatanganan ang tawagin itong isang tula. Kasalanan na itala ang kuwento natin bilang pag-ibig.

Luluha ang langit sa bawat pagkakataon na minahal kita kahit hindi ka karapatdapat. Ngingiti ang araw sa bawat salitang pinili kong pakinggan, kahit inulan na ako ng pighati nang kausapin ako ng iyong mga mata.

Walang 'sing tamis ang bawat halik na pinadama mo sa pagitan ng mga panaginip. Ni hindi ko gustong dumilat. Sa pag-asang ang katotohanan ay ito at hindi ang iyong paglisan.
Vanessa Escopin Feb 2016
Balang araw,
Hindi na ko masasaktan pag nakikita ko ang mga larawan nyong magkasama.
Balang araw,
Hindi na ko magseselos dahil lagi kayong magkasama.
Balang araw,
Ngingiti na lang ako pag makikita ko kayo.

Walang halong pait, selos at lungkot.

Dahil balang araw,
Hindi ko na rin kayo maaalala.
Hindi ko na kayo makikita.
Hindi na ko malulungkot dahil namimiss ko kayo.

Kasi una pa lang,
Kinalimutan nyo na ako.
Kinalimutan nyo ako, na kaibigan nyo noon.

Huwag kayong mag alala,
Hindi ko kayo makakalimutan dahil hindi ako madaling makalimot.
Pero darating din ang panahon na hinding-hindi na ko malulungkot dahil sa hindi ako naaalala ng mga kaibigan ko.

Balang araw mangyayari din yun. Balang araw.
Lagi kong nakikita ang mga kaibigan ko na magkasama. Malayo sila. At naiwan ako. Ang babaw ko para sa gantong bagay nagseselos at nalulungkot ako. Normal pa ba ako?
HYA Nov 2017
Ikaw.
Yung unang lalaki na sa akin ay nagpatili
Ikaw.
Yung unang lalaking nanatili sa aking tabi
Ikaw.
Ang unang lalaki na nagpasagot sa aking ng 'oo. '
Ikaw.
Ang unang lalaking nagpasabi sa'kin ng 'father,  yes I do.'

Kaya bakit naman kita makakalimutan?
Sa aking isip at damdamin,  hinding-hindi ka mapapalitan
Sa iyo ko naramdaman ang sensasyong akala ko'y imposible
Sa iyo ko nalaman na merong mga bagay pala na pwedeng mangyari

Kapag tayo'y magkasama
Higit pa ang aking saya
Minsan nga lang ay nalulungkot
Ngunit napapatawa rin naman sa iyong pag-utot

Hanggang sa pagputi ng ating mga buhok
Hanggang sa pagkalbo ng lahat ng bundok
Hanggang sa aking huling salita
Tandaan na ang iyong pangalan pa rin ang isasamba

Ikaw.
Ikaw lang ang kinakailangan.
Kinakailangang maglapat ng labi sa akin.
Ang pwedeng sumigaw upang ako'y gisingin.
Ang maaaring yumakap sa mahinang bewang
Kahit na parang nababali na ang noo'y masiglang balakang

Ikaw.
Ikaw lang ang aking hahanapin.
Sa aking pagtulog hanggang sa paggising
Sa pagpikit ng mga matang ikaw lamang ang nakikita
Sa pagdilat ng mundong puno ng pagkakasala.

Sa ating pagtanda,
Tayo pa rin ang magsasama
Magkahawak kamay at ngingiti sa isa't isa.
Ako'y iyo at ika'y akin
Mga pangako'y di na dapat bawiin.

Sana,  ikaw din ang huli
Na sa akin ay magpapatili
Ikaw din ang huli
Na mananatili sa aking tabi
Pangako,  hanggang sa dulo ng aking 'oo'
Hindi maglalaho sa alaala ang iyong mga katagang ako lamang ang iyong gusto.

Sa ating pagtanda,
Alalahanin mo sana
Na ikaw ang mahuhuli sapagkat ikaw din nauna.
Wis and I wrote this for our grandparents. STAY STRONG!
psyche Feb 2016
Ngingiti ako at tatawa
Tatawa na parang di iniwan
Tatawa na parang di nasaktan
Ngingiti at tatawa
..dahil may higit pang darating.
Loise Aug 2016
( written in Filipino )

Sisimulan ko na
Ang kwento nating dalwa
Natatandaan mo pa ba?
Wasak ka non, dahil sa kanya
Nariyan ako, para alalayan ka.
Iniiyakan mo siya.
Iniiyakan kita.

Siguro totoo nga
Na minamahal natin
Ang mga taong hindi sa atin.

Kalaunan, nagbago ang ihip ng hangin
Isang araw, ikaw ay lumapit sa akin
At may sinabing na aking ikinabigla
“ mahal kita “

Abot langit ang tuwa
Ng binanggit ang tatlong salita
Pero may konting pagdududa
Aking puso ay nangangamba
Nabigla ka lang ba?
O totoo ang iyong mga salita?

Pero siguro nga,
Isa akong malaking tanga
Dahil kahit may pangamba
Ay minahal parin kita

Sinagot kita
Naging tayong dalwa
Tayo’y masaya.
Tumatawa.
Nagmamahalan tayong dalwa

Pero ngayon?
Isa nalang itong mga alaala.
Ikaw.
Ako.
Tayo...
Tayong dalawa.
Ay tapos na.

Ito na ang huli.
Pangako.
Dahil alam ko
May mahal ka ng iba.
Masaya ka na
Tumatawa ka na...

Sa piling ng iba.

Hayaan mo.
Naniniwala ako.
Na balang araw,
Ngingiti nalang ako
Pag naalala ko.
Na nagkaroon pala ng ‘tayo’.
HAN Oct 2017
"Mahal na mahal kita" yan  ang sabi mo ng minsang yakap mo ako.
Ako'y ngingiti ng malaki higit pa sa buwang naka ukit sa gabi.
Pero bat ganito ang nararamdaman ko?
May halong takot at pangamba.
Oo mahal kita, mahal na makal kita.
Ang kinakatakot ko ay ako ay masaya,
ngunit baka ako'y iwan mo rin at hayaang lumuha mag-isa.

Natatakot ako na tuwing tinititigan kita
na bukas ay wala ka na
o baka, baka may mahal ka ng iba.
Natatakot ako.
Bakit ganito? Pagmamahal na napalitan ng pangamba.
Pagmamahal na napalitan ng luha galing sa aking mga mata.
na sa tuwing yakap kita, ako'y nangangamba.
Ayoko na...
Gusto kitang yakapin at sabihing---
"Mahal wag mo akong iwan"
Ngunit sasabihin mo
"Mahal, ano nanaman ba yan?"

Akala mo biro-biruan lang
ang pag sabi ko nyan,
pero isang matinik na takot ang nararamdaman.
Na sa tuwing aalis ka baka hindi na bumalik pa.
Na sa tuwing hindi mo pag-yakap sa akin sa gabi
ako'y nag-aalala sa lipi.
Na sa tuwing paghalik mo sa aking labi
baka... baka unti-unti mo nang nararamdaman ang pighati.

Mahal, pasensya na
kung ganito ang aking nadarama
sa pang araw araw na kasama ka.
Mahal hindi ko rin alam kung bat ganto ang nadarama.
Kaya siguro... ika'y pinapalaya ko na.
Mahal na mahal kita...
Na kaya kitang palayain at ika'y maging masaya.
Hindi dahil sa may mahal ng iba.
Kundi ako'y na tatakot na.
Hindi ko alam ngunit
sa tuwing kapiling ka, ako'y hindi makahinga.
Puro pag-aalala ang nadarama.
Daladala sa mga minutong kasama ka
sa gabing malamig,
sa mga tanghaling mainit.
sa muling pag-luhat pag-iyak.
Sa pananabik sa iyong mga halik.

Ito lang ang kaya kong gawin para sayo't sa akin.
Ang hayaan kang maging masaya kapiling ang iba.
Dahil aking nadarama may mas mahigit pa.
Sa kaya kong alay sayo at ibigay
sa pusong na nanamlay
at nadudurog na kasing liit ng palay
At ang tanging kayang sabihin sa mga bagay na aking nagawang kamalia'y
Mayala ka na aking mahal,
Tandaan mo, ika'y aking mahal na mahal higit pa sa aking buhay.
Have you ever  really really loved someone that you can set them free?
Lianne Jan 10
Saya, yan lang naman ung gusto kong maramdaman ngayong 2020 na kasama ka
Bakit parang hindi ko ito dama gayung kakasimula palang ng taon
Pait, sakit, hirap ilan lamang yang nadama ko simula ng pagpasok ng bagong taon
Ang hirap, ang hirap isipin kung ikaw pa ba ung minahal ko?
Bakit parang pagpasok na pagpasok palang ng taon ika’y nagbago?
Pait kasi hindi ko na maramdaman ung tamis at kilig sa bawat yakap at halik mo.
Sakit, ang sakit sakit isipin na ako pa ba ung babaeng laman ng puso mo?

Hindi ko alam kung paano ito sabihin sayo
Dahil napakasensitibo **** tao
Mahal,mahal na mahal kita ng buong buo,
Ayaw kitang saktan sa mga salitang gusto kong ibahagi sayo
Kaya sa tula ko idadaan ang mga to
Susubukang maghinay hinay sa mga salitang bibitiwan

Mahal ikaw pabayan? Bakit parang hindi?
Kung magbiro eh hindi ko alam kung akoy sisimangot o ngingiti
Pero sige na nga akong ngingiti nalamang ng Makita **** ayos lang saakin
Habang nakangiting naisingpang sa iba nalang tumingin
upang hindi mo Makita ang mga lungkot saaking mga mata
tatawa para di mahalatang akoy nasasaktan na
baka kase pagsumimangot ako ay iyong sabayan
mga sumpong na aking nararamdaman eh tatakpan nalamang ng mga tawa.

Sige patuloy akong magpapanggap na maging masaya
kahit ang aking nararamdaman eh sobrang sakit na
kaya ko lamang ito ginagawa upang hindi ka mawala,
mahal, sana pag ito’y iyong nabasa wag ka sanang mawalan ng gana
o di kaya ay sisihin ang iyong sarili sa kadahilanang ako’y iyong nasasaktan na.
ayos lang ako wag kang magalala
patuloy na kumakapit upang ang relasyon natin ay hindi masira
mahal na mahal kita sana iyong tandaan
ngunit ako’y makikiusap lang sana
wag ka sanang panghinaan ng loob sa aking mga nasabi at patuloy na lumaban
dahil hindi ko na alam ang gagawin pag ika’y nawala pa

alalahanin ang saya, tuwa, kulitan na ating nagawa
at patuloy na kumapit at subukang ayusin itong problema wag ka lang mawala.
Madami pang oras, araw, lingo, buwan,taon o kahit dekada.
Wag ka lang bumitaw saaking kamay mahal.

Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan
Mahal na mahal kita kahit ika’y ganyan
Madaan yan sa lambing
Wag natin ulit sayangin etong pagkakataon
Dahil mahal ako na ang nagsasabi na tayo hanggang dulo
Away, problema, ilan lamang yan sa mga pagsubok na ating dadaanan
Dahil pagtapos ng mga iyan
Maganda ang surpresang naghihintay satin.
Mahal kapit lang, laban pa. malalagpasan din natin yan.
Daniella Torino Jun 2017
Natatandaan ko pa
kung paanong lumusong sa dalampasigan
ng walang kasiguraduhan,
naglakbay sa ilalim ng mga madilim na ulap
sa likod
pilit na itinatago ang mga bituing
sinusubukang abutin
ang daang hindi alam ang pupuntahan
kung mayroon nga bang walang hanggan o mayroong patutunguhan,
sa pag-asang mahahanap din
ang hindi matagpuang kakulangan.
Nagbabakasakali
sa karagatang hindi maalon,
malayang naggagalugad,
sumasandal at yumayakap ang malamig na tubig
sa maligamgam at aligagang kaluluwa,
hindi mapakali,
kung paano nga bang makararating  o madadatnan ang pampang.
At unti-unti,
naririnig ang bawat hampas ng lumalakas na alon
kasabay ang mababagsik na hanging may dala-dalang unos,
ako’y hinahaplos,
lumulubog
at naghihikahos,
hindi makahinga,
humihiling
na sana’y rito na matapos
ang paghahalughog na hindi matapos-tapos.


Pero tapos,
hindi pa rito magtatapos,
bubuksan ang mga mata
ngunit hindi makita-kita
ang puwang sa pusong hindi mapunan
ng kakaibang dulot ng panitikan,
ng sining na nagpapaalalang napakaraming bagay pala
ang hindi maipakikita o mabibigkas
sa likas na paraan na alam ng tao,
na sa kahunghanga’y naniwalang
ang sining at pag-ibig ay walang pinagkaiba;
sa pagbili ng paboritong libro
habang inaamoy ang kakaibang
halimuyak na dala
ng mga papel na may bagong imprenta,
sa proseso ng pagkabuo at pagkawasak
mula sa mga salita’t tugma
hanggang sa ito’y maging tula
dahil kahit bali-baligtarin ma’y pipiliin pa ring
makulong sa isang tula,
itinatatwa
ang mga panandaliang tuwa
sa pagitan ng mga delubyo’t sigwa.



Lumulutang
sa mga pighati,
pasakit,
pagkadapa,
pangamba,
pangangatal,
paglisan,
pagkapagod
at pagkatalisod.
Kaya ako’y pipikit na lamang,
susubukang umidlip,
o matulog nang ilang oras,
walang pakialam kung abutin man ng ilang araw o dekada,
tatangkaing matagpuan ang patlang sa panaginip,
sa pagitan ng bawat malalim na buntong-hininga,
sa lingon, baka hindi lang nahagip ng aking mga mata
o baka nakatago sa paboritong sayaw at mabagal na musika,
sa bawat patak ng luhang hindi na mabilang
kasabay ang ulang panandaliang kanlungan,
sa anino ng bahagharing hindi alam ang pinanggalingan.
Hindi ko na alam
pero susugal na matagpuan
ang katiyakan sa walang katiyakan
sa panaginip at bangungot na walang katapusan.


Tapos heto,
hahanapin pa rin
ang kahulugan ng kahulugan,
ang salita ng salita
ang halaga ng halaga
ang tula ng tula
at ang pag-ibig ng pag-ibig.
Patuloy lang na hahakbang,
miski tumakbo pa-timog o hilaga
mula sa kinagisnang tagpuan,
magpapabalik-balik,  
pagmamasdan ang hungkag
na sarili na nasa katauhan ng isang katawan
kung paanong mamamanghang paglaruan
ng dilim na magwala ang kaluluwang nawawala.  
Umaalingawngaw
ang kalungkutang matagal nang gustong lumisan
sa pusong ang tanging alam lang
ay ang hindi na muling paglaban,
bilanggo ng mapanlinlang
na ligayang kumukupas
at nag-iiwan ng malalalim na bakas.
Tumatakas
ang inakalang kasiyahan
na kadugtong pala ay kalumbayan,
ang inakalang liwanag ay kapatid pala ng kapanglawan.
at ang inakalang paghahanap ay kasunod ang kawalan.
Ngunit,
ako’y paikot-ikot lang dito,
umaalpas,
naliligaw sa isang pamilyar na kapilas,
mag-iba-iba man ng anyo ang simula’t dulo,
tumalon man sa iba’t-ibang pagkakataon,
iiwan sa kawalan ang ilang libong pagdududa
sapagkat sa isang bagay lang ako nakasisiguro:
daan ko’y patungo pa rin sa’yo.

Maligaw man
o maiwan akong mag-isa sa tuktok ng kabundukan,
lagyan man ng piring ang mga mata,
harangan ng tabing ang lansangan,
umusbong ang malalaking gusali ng palalong hiraya,
alisin man ang lahat ng aking alaala,
makakaya pa ring sumayaw sa panganib na nagbabadya
dahil hindi na ako nangangamba,
alam kong ako’y iyong isasalba,
kahit daan ma’y baluktutin o gawing makitid,
walang pag-aalinlangan akong magpapatuloy
sapagkat bawat daan ko’y pabalik lamang sa’yo.  
Kaya taluntunin man nila
ang mapa
ng aking napagal na puso,
ngingiti lang ako at bubulong ng,
“ikaw ang dulo, gitna at simula”.
Walang humpay mang umagos ang luha,
wala nang palalampasing pagkumpas
ng iyong mga kamay
sa aking tinatahak na landas
dahil ipilit man ng kalawakan
ang kahapong ilang milyong katanungang
parating naghihintay ng kasagutan,
ikaw at ikaw lang
ang tanging sasapat
sa sagot na hinahanap.

Paikutin man
sa kawalan,
sa pagkukubli,
wala nang pagkabalisa
dahil,
hindi na ako naiinip sa bagal o bilis
ng paggalaw ng kamay sa aking relo
dahil ngayon naiintindihan ko na
ang bawat tamis at pait,
lungkot at saya,
pighati at ligaya,
pagkabagot at pagkasabik;
at ang bawat sandali pang darating.
Kay tagal kong hinintay
ang pagkakataong mabuo ang aking ‘pagiging’
at ngayon,
nahanap din kita.
Mali, matagal mo na akong natagpuan.
At nalaman ko na sa gitna ng mga sandali
ay naroroon ang ating walang hanggan,
sa iyong piling.


Kaya
magsimula man muli sa walang kabuluhan,
gitna o dulo ng paroroonan,
mananatili lang na
magpapahinga ang pusong
nanghihinawa
sa dala **** ginhawa.
Ngayon,
naiintindihan ko na -
na sulit ang lahat
at maligaya ang aking paglalakbay
sapagkat
*sa wakas, nakarating din ako sa aking tahanan – ang pag-ibig mo.
AnxiousOcean Mar 2018
Ngingiti ka na naman;
Lolokohin mo na naman ang buong mundo,
Paniniwalain ang lahat ng tao,
Uutuin maging ang sarili mo--
Na ayos ka lang,
Na wala kang problema,
Na patuloy kang lumalaban
Sa buhay kung sa’n
Ang sarili ang iyong kalaban.
“Ayos lang” ang iyong sagot sa tanong na “kamusta ka?”
At ngayon ko lamang napagtanto na palabiro ka pala.
Lahat nang ‘yan, iyong itatago sa iisang ngiti.
At sa iyong pagkukubli,
Lahat ay napaniwala.

Tatawa ka na naman;
Muling ipaparinig ang iyong halakhak.
‘Yung tipong mabibingi silang lahat
At masasabing ikaw ay masaya at tapat.
Pero ang bawat ritmo ay kumpas ng kasinungalingan
Na hindi namamalayan dahil sa lakas ng tawanan.
Itutuloy ang tawa hangga’t ang kasiyahan ay maisilang.
Pambihirang panlilinlang.
Daig mo pa ang hunyango pagdating sa pagtatago.
Lahat idaraan mo sa tawa, hindi dahil masaya ka,
Kundi dahil wala kang mukhang maihaharap.
At sa iyong pagpapanggap,
Lahat ay napaniwala.

Mananahimik ka na naman;
Mambibingi gamit ang saradong bibig.
Sasampalin ang buong mundo ng kantang walang ritmo,
Walang liriko, at walang nota.
Dahil hindi tengang handang makinig ang iyong kailangan,
Kundi pangunawa at ang maintindihan.
Mahirap bang gawing salita ang iyong nadarama?
Hirap ka bang magsabi ng kahit ano sa kanila?
Kaya’t mananahimik ka na lang
At paparoon sa isang sulok.
Aawit nang pabulong,
Rinig lamang ang iyong suntok.
At sa iyong pananahimik,
Lahat ay napaniwala.

Mangangamba ka na naman;
Matutulog na lang, sasaktan pa ang sarili mo.
Titingin sa paligid at magiisip nang kung anu-ano.
Kahit ano.
Kahit masakit.
Hanggang sa maaawa ka sa kalagayan mo ngayon
At Iiyakan ang sariling takot bumangon.
Malulungkot, magagalit
At mapapatanong kung bakit.
Bakit ganito? Bakit ganyan?
Bakit ang mata mo ngayo’y luhaan?
Minsan tulog na lamang iyong hiling,
Pero pagod ka pa rin maging sa paggising.
Mangangamba at iisipin ang lahat.
Lahat sila,
Lahat ng iyong napaniwala.

Pero hindi ako.
Ibahin mo ako,
Simula’t sapul, hindi mo ‘ko maloloko.
Hindi mo ‘ko mapapaniwala, hindi mauuto,
Dahil kilala kita,
At alam ko ang pinagdaraanan mo.
Alam kong hirap ka na sa pagsubok ng buhay.
Mistulang ang bawat araw ay pare-pareho na lamang,
Walang bago, puro tabang.
Maaaring tensionado ka, dulot ng paaralan.
O ‘di kaya’y dahil diyan sa mga tinatawag **** “kaibigan.”
Pwede ring dahil sa iyong tahanan.
Dahil sa sakit na dulot ng kung ano man.

Kilala kita.
Alam ko ang nararamdaman mo.
Alam kong gusto mo nang huminto,
Gusto mo nang itigil ang laro,
Pagod ka nang bumangon,
At takot nang umahon.
Tulad ng isang dahon na kahit kalian
Ay ‘di maibabalik sa punong pinanggalingan.
At iyo na lamang inaantay ang iyong paglanta.
Sa isang lugar, inirereklamo ang tagal ng pagkawala.
Dahil ikaw ay sawang-sawa.
Paulit-ulit na lamang.
May galit, may pait pagkatapos ng hagupit.
Babangon, sasaya, at muling babalik sa sakit.
Alam kong luha ang ‘yong nais ipabatid,
At hindi ang iyong mga tawa.
Dahil dama ko ang iyong lungkot sa tuwing ika’y masaya.
Alam kong hirap ka na.
Alam ko, alam ko.

Kilala kita.
Alam ko ang pagkatao mo.
Hirap ka nang kumapit, alam ko.
Dahil mahina ka,
At ‘di mo kailangang magpanggap;
Alam ko ang iyong hanap.
Ngunit nawa'y maintindihan mo,
Tanggap kitang buo at totoo.
Pwede ka nang umiyak,
Pwede mo nang bitiwan ang 'yong sandata,
Pwede mo nang ibaba ang iyong kalasag,
Pwede ka nang maging totoo.
‘Wag nang magpanggap na malakas ka,
Pwede kang maging mahina.
Pwede mo nang burahin ang iyong ngiti.
Pwede kang umiyak,
Hayaan **** dumaloy ang mga luha.
Sige, isumbong mo lahat,
Sabihin mo ang lahat sa akin,
Akala mo ba’y ‘di ko napapansin?
Sumuko man ang araw at nagdulot ng dilim,
‘Di kita susukuan at mananatiling taimtim.
Patuloy na kumakapit,
Inaantay ang 'yong paglapit.
Alam kong mapapatanong ka na naman kung bakit.
Bakit alam ko, at bakit ganito.
Pasensiya kung may pagkukulang man ako,
Ngunit hiling ko lamang na ikaw ay magkwento.
At sabay tayong ngingiti at tatawa,
Saba’y tayong iiyak sa drama.
Yayakapin kita,at patuloy na uunawain,
Dahil 'yun lang din naman ang gusto kong gawin.

Sabi ko nga sa’yo, kilalang-kilala kita.
At ‘di tulad ng iba,
Hindi mo 'ko mapapaniwala.
Dahil siyempre, ako ang 'yong ina.
Camille Avila Mar 2016
Lulubog ang araw
Maaalala kang muli
Alaala natin'y babalik
Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari.

Habang nakatitig sa langit,
Sa buwan at bituin
Ika'y andito sa puso't isipan
hindi na maalis

Sa bawat oras na lumilipas
Lungkot saya ang nararamdaman
Ngingiti, Luluha
Dahil sa alaala nang nakaraan

At sa paglitaw ng Araw
Panandalian kang makakalimutan
Ngunit sa muling paglubog nito
Andito ka ulit, sa puso't isipan.
Marge Redelicia Jan 2014
Bukas
Samahan mo ako
Pagsapit ng takip-silim,
Kung saan nag-aagawan ang liwanag at dilim
At ang langit na bughaw ay magliliyab ng pula
Tapos kukupas sa mga bituin.

Samahan mo ako
Sa tabi ng kalsada
Kaharap ng mga naglalarong bata
Sa ilalim ng mga nagbubulaklak na punong acacia
At lasapin natin ang malamig na hangin
Na humahaplos sa atin ng kay lambing.

Halika,
Balik tanawin nating ang nakaraan
At mangarap ng mas malaki pa
Para sa kinabukasan.
Wala nang lihim na itatago,
Walang kahinaan na ikakahiya.

Ikaw ay ngingiti.
Ako ay tatawa.

**Bukas.
Dhaye Margaux Sep 2015
Tinukso mo ako ng iyong maskara
Ang pinto **** bakal ay nagmukhang pilak
Mga bintana mo'y tila walang sara
Ang bawat sulok mo'y humahalimuyak

Akong naghahanap ng lugar sa mundo
Namalik-mata nga't naakit mo agad
Sa mga pangako'y nadala't natukso
Naghintay ng dulot, magagarang gawad

Sa aking pagyakap sa pintong makinang
Ngiti ko'y sumilay, nag-isip, nangarap
Akala ko'y lungkot dito'y mapupunan
Saya ang papalit sa dusa at hirap

Subalit nagulat sa aking pagmulat
Ang pinto **** pilak ay puro kalawang
Mga bintana mo'y  nabuway ng lahat
Ang bawat sulok mo'y amoy basurahan

Paano pa ako ngingiti, sasaya
Kung ang pangarap ko ay biglang naglaho?
Mabubuhay ka bang kuntento't payapa
Sa lugar na itong ngayo'y gumuguho?

Nais kong tumakas, lumayo, tumakbo
Sa bilangguan kong kakila-kilabot
Subalit kadena ko'y mayroong kandado
Kasama ba akong mababaon sa limot?

Hindi! Ang sigaw ng matapang kong puso
Kadena sa paa'y aking wawakasan
Mabubuhay ako na hindi bilanggo
Ipaglalaban ko, aking kalayaan!

---Marguerite
9/18/2015
7:33 am
Will translate soon
John AD Nov 2017
Gaano ba kadaling ipagwalang-bahala ang isang bagay?
Iniisip mo parin ba ang kasiyahan,
O hindi mo na namamalayan , ang iyong kapalaran?

Marahil ngayo'y hindi mo pa naiisip ,na
Kinabukasan ngingiti ka parin ba o,
Palihim ka nalang sisilip.

Tignan mo ang kapwa mo kayod-kalabaw buong buhay
Habang ikaw nakaupo ka lang nakaharap sa modernong teknolohiya,
Sinusubuan ng pera at habang buhay ka na yatang magiging buhay maharlika, Ano?

Magmamasid ka nalang ba sa nangyayari?
O iisipin mo nalang ang ginawa mo nung nakaraan,
Malagim na nakaraan na dinadala mo sa kasalukuyan

Hindi puro kasiyahan ang takbo ng buhay ng tao
Kailangan din ng kahirapan,kalungkutan para makamit ang inaasam-asam,
Huwag kang tumunganga kumilos ka , Ano?

Hahanap ka ba ng paraan o ngingitian mo na lamang?
O iaasa mo nalang sa ibang tao , o sa pagod **** mga magulang,
Na nakaupo ka nalang hindi kumikilos naghihintay ng pera ni Juan?
Itaas na ang bandera at iwagayway
Iharap pababa sa mga naglulupasay

Dito magsisimula
Ang pagkuha ng retrato
Dito magsisimula
Ang pagkuha ng “selfie”

Sa pagtunog ng isang “click”
Ay makukuha ang atensyon mo,
Maaaliw ka,
Mabibighani’t mapapatingin
At tila pag kumukuha ka ng retrato
Ay ikaw ang pinakamaganda
Sa naglalakihang lente na nasa screen

Sa pagtunog ng isang “click”
Ay mapapangiti ka
Photogenic daw, ika nga
At sa pagkatapos lagi ng mga ito
Ay mawawala nalang bigla
Na tila nagsusuot ka ng antipas
Tuwing nakangiti nagpapakuha ng retrato

Sa pagtunog ng isang “click”
Ay mag aayos ka
Magpapagwapo’t magpapaganda
At tila isa itong contest
At kailangan ikaw ang pinakamaganda
At sa pagkatapos nito
Ay titignan mo kung nadaig mo ba sila

Ngunit bakit ikaw na hindi naman kumukuha ng retrato
Ay tila nagiging isang kodak o kamera

Na sa tuwing tumitingin ako sayo ay tila makukuhanan ako ng retrato
Na tuwing nakikita kita, wala mang click, ay titingin ako sa mga mata mo na tila lente ng kamera

Sa paglapit mo saakin
Ay makukuha mo ang atensyon ko,
Maaaliw ako, mabibighani’t mapapatingin
At tila pag kasama kita
Ay wala akong mahiling
Kundi ang patigilin ang oras
Para manatili sa piling mo

Ngunit bakit kapag nasa iyo ang atensyon ko
Ikaw ay nakatingin naman sa iba
Hindi ang pagiging nandito ko ang tumatakbo
Sa munting isip mo, kundi siya

Sa paglapit mo saakin
Ay mag aayos akong bigla
Magpapagwapo o magpapaganda
At tila isa itong contest  
Na kailangan madaig ko siya
Pero parang hindi ko kaya

Dahil kahit kailan hindi ko madadaig siya
At kahit na gaano mo pa ako lapitan
Siya parin ang magiging malapit dahil sa kariktan
At ako ay maiiwan sa alon ng pag-iisa

Sa paglapit mo saakin
Ay mapapangiti ako
Lalabas ang mga ngipin
Na tila nasa isang patalastas ako ng colgate
Ngingiti
At ngingiti lang

Ngunit sa likod ng mga ngiting ito
Ang tinatago ko ay luha

Mga luha na hindi ko ninanais na makita mo
Sanhi ng simula mo ‘kong paasahin

Mga luha na pinili kong itago mula sa’yo
Dahil alam ko rin naman na hindi mo ito papansinin

Hindi ka naman kodak na itinataas ko
Ngunit bakit pakiramdam ko ay nakatingin ka saakin pababa
Habang ako’y nasasaktan at nagluluksa

At sa pagtapos ko ng piyesang ito
Ang tanging hiling ko lamang ay
Mga retrato na maaaring itabi
Dahil nag uumapaw na ang mga mata kong gusto nang matuyo

Itaas na ang bandera at iwagayway
Iharap pababa sa mga naglulupasay

Dito magtatapos
Ang pagkuha ng retrato
Dito magtatapos
Ang pagkuha ng “selfie”
This  poem is meant to be spoken
kelli Sep 2016
Ano na gagawin natin?
Pagod kana ba?
Mag papahinga ba muna tayo?
O pag-ibig ang magiging pahingahan natin?

Apat na natatanging sagot na hindi ko masagot.
Ngunit kailangan ko.

"Gusto mo na ba mag pahinga?" Aniya.

Hindi ako napapagod.
Ayoko lang mapagod ng husto.

Mahal, hindi ako titigil.
Hindi naman kita kakalimutan,
Kailangan lang talaga natin mag pahinga.
Ipahinga ang mga puso nating kinatatakutan kong mapagod.

Ayokong maubos ang pagmamahal ko.
Kailangan ko lang muna maging buo.
Kailangan bumalik tayo sa dati.
Kailangan natin ulit maging bago.

Yung gaya ng tayo noon.
Walang kahit ano at sino ang nakakapag pa hinto.
Hindi na tatakot sumugal.
Hindi iniisip ang mangyayari na pano kung ganyan,
Na paano kung ganito.

Ayokong aalis ako kung kelan wala na.
Yung matapon ang dating puno.
Maging abo ang dating nag aalab.
Mag papahinga lang ako habang mahal padin kita.

Mahal, wag ka masanay na wala ako.
Wag **** kakalimutan na sayo at saiyo parin uuwi at igagapos ang mga braso.
Tanging mga labi mo padin ang hahanapin ko.

Babalik ako ng buong buo,
Handa na muli sa kahit ano.
Babalik ako ng hindi nag babago ang ritmo ng puso.
Babalik ako na Ikaw parin ang tanging kanta na aawitin nito.

Mag kikita tayong muli.
Mag hahawak ng kamay.
Ngingiti at tatawa.

Mahal, ayoko lang mapagod kung kailan malapit na tayo sa dulo.
Ayokong masayang ang lahat.
Ayokong mawala ang Ikaw at ako.

Babalik tayo.
Kasi ayun ang mangayayari.
Naka tadhana na iyon.
Tayo naman lagi.
Tayo lang palagi.
9/8/16 pbwf
- Ikaw lang palagi.
Ikaw naman lagi. -
kelli Feb 2016
Babalik ako sa kung saan tayo ay mga bata pa
Nag lalaro, tumatakbo, tumatawa
Walang iniisip na problema
At may mga ngiting walang katumbas
Na nakikita sating mukha.

Isang umaga ang hindi ko nalimutan
Yung araw na nalaman ko na ikaw ay may pag tingin pala,
Tumingin ako sayo
Napatingin sa mga ngiti mo
Na parang nakuha ang inaasam asam niyang regalo sa pasko
Habang ika'y ay bahagyang yumuko at umiiwas na makita ko
Mga mata natin ay nag tagpo
Diko alam aking sasabihin
Gusto ko itanong sayo kung bakit ako,
Ngunit walang salita ang lumalabas sa mga labi ko.

Ilang umaga ang nagdaan na palaging tumitingin sa langit at ngumingiti sa araw
Pumipikit at dinadama ito na parang na sisilaw sa angkin nitong ningning
Iniisip kung ikaw ay makikita.
Kaya't dali daling papasok sa eskwela
Tingin doon, tingin dito
"Nasan ka ba" ang tatlong salita na laging sinasambit tuwing hinahanap ka.

Tuwing tayo ay nag kakasalubong
Parang may kuryente na sa katawan ko'y tumatakbo.
Ngingiti tayo sa isa't isa
Na parang mga batang binigyan ng sorbetes
At natuwa sa kung gaano ito katamis.

Tatapusin ko na itong tula na aking ginawa
Ito nga pala ang isa sa magagandang bagay na nangyari saking pag kabata.
Limang taon na ang nakalipas .
May mga tao talaga sating pag kabata na minsan tayong pinasaya.
"Crush" isang salita pero mapapangiti ka ng abot tenga.
-pbwf-
Rena Lyn Bala-oy Jan 2019
Kahit naiinis
At may nais kang sabihin
Na baka pagsisihan mo.
Kahit galit
At nais **** bumulyaw.
Kahit malungkot
At  mo nalang umiyak.
Kahit sawa ka na
Ngingiti.
//ngingiti// -- will smile
Random Guy Oct 2019
Sana sa pangalawang buhay natin ay magtagpo ulit ang ating mga landas. Hindi man tanda ang istorya ng nakaraang buhay, mas nakasisigurado naman ako na may ngiti sa labi ko kung saan man ako mapunta (for sure yan impyerno).

Sana isa akong sundalo, at isa kang nurse sa gyera. Nang sa ganon, ay kahit ano pang galos o tama ay sa'yo pa rin ako magtatapos. Upang gumaling, upang maghilom ang mga sugat. At kung sakali, ako ma'y mamatay muli, alam **** ang litrato mo'y nasa aking dibdib.

O sana, isa akong direktor, at isa kang manunulat. Ikukwento ang iba't ibang istorya ng pag ibig at hindi mamamalayang istorya na pala 'yon ng mga nakaraang bersyon ng ating mga buhay.

O pwede rin namang sana, simple lang ang lahat. Ako'y isang magsasaka at isa kang mangingisda. Payapa ang buhay at walang balakid, di kagaya ng una nating pag-ibig.

At kung ganito man ang mangyari sa mga susunod, alam **** ngingiti ako sa impyerno bago apir-an si Satanas at sabihing... nagkita kami ulit.
Sha Nov 2017
Akala **** hindi mo na makikita pa kahit kailan. Ngunit iniluwa siya ng gabi. Unang beses sa mahabang pagkakataon, kinumbinsi mo ang sarili at kinumbinsi siyang samahan kang maglakad ng mabagal sa maiksing kalsada. Hindi siya pumalag. At sa dulo, inalis niya ang tuyong dahong nakasabit sa buhok mo. At gaya ng dati, hindi siya magpapaalam. Ibabalik mo siya sa gabi, ika labing isang minuto makalipas ang alas onse, iniisip kung sinong magmamay-ari sa kanya balang araw. Uuwi kang mag-isa, wala nang traffic sa EDSA, wala na ring lumbay. Sa iyo ang huling halakhak pero ngingiti ka na lang at magbubuntong hininga.
A reply poem
Stephanie Jan 5
Ikaw ang takbuhan sa mga oras na walang wala..

Ang ibig kong sabihin sa walang wala ay yun bang walang wala na kong maibuhos na luha,

Walang wala na kong malapitan,

Walang wala na kong makapitan,

Wala nang gustong makinig,

Wala nang interesado, naubos na kasi ultimo ang para sa sarili.

Ikaw lang ang natatangi.

Ang lakas pala ng loob kong magalit sa mga mang-iiwan, naisip kong wala rin pala akong karapatan.

Ganoon din ako..

Binitawan kita kapalit ng kasiyahan.

Nakangiti ka sa akin habang hinahatid ako sa napakagandang hantungan.

Baligtad na ang mesa.

Nandito na ko.... muli.

Lalakad patungo sa iyo na may dala dalang pluma at papel

Iguguhit ang pait, ngingiti dahil ito na naman tayo sa puntong ito at hindi ko mahanap ang mga tamang salita

Nalimot ko na ata ang tamang pakikipagtalastasan.

Alam kong mauuwi na naman sa tipikal na kamustahan.

Hindi ko inakalang babalik tayo sa nakaraan habang umuusad ang mga kamay ng orasan

Mapagbiro.

Hindi ako handa sa pagsalubong ng taon

Bakit ko nakikita ang mga aninong matagal nang nilamon ng liwanag

Bakit muling nagdurugo ang mga sugat na matagal nang naghilom

Hindi ako naniniwala sa swerte.

Walang swerte. Walang sumugal na hindi natalo.

Buti na lang mayroon akong babalikan.

Ikaw yung kaibigan na hindi lumilisan.

Matagal ang isang taon,

Sumulat ako ng mga tulang kawangis mo

Binuo ko sila na parang mga bahagi ko

Akala ko ay tapos na...

Kung ang pagsulat ay paglaya, hindi ba dapat ay nakakalag na sa akin ang tanikala?

O mali.. baka wala talagang paglaya

Paano kung nililibot ko lamang ang malawak na hawla nang may huwad na pag-asa?

Minasdan ko ang obrang nilikha ng dekada,

Makulay, sa unang tingin ay puno ng pangarap

Parang nobelang nagsasalaysay, at kapag naroon ka na sa kasukdulan ng tunggalian,

Nanaisin **** isara ang pahina..

Makikiusap ang nobela sa isang pagkakataong sana'y siya ay tapusin hanggang huling kabanata...

Napaluha ako ng matindi dahil isa pa lang trahedya ang nobela.

Teka.. teka..

Buburahin ang ilang metapora.

Masyadong madrama.

Malayo sa imaheng gusto kong makita at ipakita

Ngunit tila hindi hawak ng aking kamay ang panulat,

Hinablot nang marahas ng pusong gustong kumawala

Ganon ata talaga sa muling pagkikita pagkatapos ng matagal na pagkakawalay...

Puno ng emosyon.

Magugulo ang burador, wala nang patutunguhan ang tula.

Hindi bale.

Hindi naman dapat na maging maganda ang porma ng tula,

Hindi importante ang sukat at tugma,

Sa susunod na babasa ka ng tula,

Nagbibigay ka ng tunay na pag-asa sa may akda.

Kasinungalingan ang bigkasing masaya ako, ngunit aaminin kong may tuwa, may katiting na pagsigla sa muli nating pagkikita,

Maraming salamat, Sining ng Malayang Pagsulat.
This is my another piece which is written in Filipino. And, it is a free verse poem.
Bryant Arinos Aug 2017
Tapos na ang paghihintay kasi ngayon malinaw na.
Simula't sapul, lahat ay isang napakasayang ilusyon lang pala.
Isang kulungan sa isip kong nagsasabing "ang saya-saya naman dito. Dito nalang ako"
Dito kung saan lahat ng nakikita ko ay puno ng ilusyon galing sa pag-aakalang totoo ang pagmamahal mo.

Tapos na pala ang lahat dulot ng maling pagkapit na mayroon sayong pag-asa.
Sarap ng bawat lambing, titig at yakap mo sa tuwing tayo'y masaya at magkasama.
Ihip ng hangi'y kay lakas, kayang dalhin ang lahat ng mayroon ako, pati ikaw na mahal ko nga, biglang naglaho.
Mga ngiti nating dal'wa sa mga lumang litrato halos di maipinta, kelan kaya tayo ulit ngingiti ng magkasama?

Tapos na pala kasi may iba na pala, ibang nagpapangiti at ibang kasama sa pagbuo ng mga pangarap nating dal'wa.
Halos sabihin ko na "sana ako nalang siya" para kahit sa panaginip masabi kong "akin ka pa"
Oo sana lang talaga ako nalang ang una at huling sasabihan mo ng mahal kita.
Pero mukhang mapapagod nanaman ako sa kahihintay dahil sa kasabihang "araw-araw may pag-asa"

Tapos na rin pala pati ang pagiging bayani ko sa digmaang kinabibilangan ko.
Ano pa bang sandata ang gagamitin ko? Lahat naman kasi nagamit ko na pero sa huli ako pa rin ang talo.
Pero ano bang sikreto niya? Wala namang siyang dalang espada pero sa puso mo ang panalo ay laging siya.
Panahon na nga siguro para itaas ang puting tuwalya, simbolo ng pagtanggap na ako'y talo na.

Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit lumuhod pa'y wala pa ring kwenta.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit yumaman pa ako di ko mabibili ang ligayang dulot niya.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, mamahalin nakang kita ngayong gabi tapos paalam na.
At ngayon lahat ay tanggap ko na, na tapos na ang lahat dahil ang napili mo ay siya.
Paulo May 2018
Marahil ikaw ang mabisang gamot
Na laging naka ngiti at ang noo'y naka kunot
Sana'y lagi kang ganyan at hindi malungkot
At sa dibdib ay wag magtanim ng anumang poot

Pagkat bakas sa iyong mata ang kalungkutan
Na tila dulot ng nakaraang paglisan
Ako'y nagagalak dahil sa iyong katapangan
Na para bang kaya **** harapin ang kinabukasan

"Galingan mo pang lalo" yan aking sambit
Dahil alam kong pangarap mo'y malapit mo ng makamit
Pag aaral ng ukol sa ngipin ay hindi madali
Pero pag-papangiti mo sa ibang tao'y talagang wagi

Para sa ilang araw na walang tulog
Para sa isip **** determinado't may pagsisikap
Kapit lang.
Dahil balang araw ikaw'y makaka ahon
Sa lula ng pasan **** panahon

Nais kong malaman mo'y ako'y galak
Sa ugali **** taglay at sa mga tawa **** walang humpay
Asahan **** sa iyong paglalakbay na lagi akong naka gabay
At unang ngingiti sa iyong tagumpay

At para sa puso **** marupok na minsan ng nauntog
Nawa'y mahanap na nya ang sariling tuldok
Dahil ang nais ko lang naman ipabatid
Ay kung gaano kasarap mahalin at magmahal ng solid
Crissel Famorcan Oct 2017
Madilim ang paligid at umiiyak ang langit
Ibinuhos ko sa tahimik na paghikbi
ang lahat ng kinikimkim na galit
Sa lahat ng humusga at sa aki'y lumait
At sa mga lalong nagpabigat ng bitbit kong pasakit,
Hinayaan kong bumaha ng luha sa munti kong silid
Habang minamasdan ang mga larawan ng nakaraan
Doon sa isang gilid,
Hinayaan kong kumawala
Ang nagpupumiglas na mga luha
Na itinago ko ng panahong napakahaba
Sa loob ng kulungang ako mismo ang gumawa
Kulungang ako mismo ang lumikha.
Tapos na ang panahon ng pagpapanggap
Panahon na upang harapin ko ang reyalidad.


Patila na ang ulan at paubos na ang luha
At sisiguraduhin kong sa pagpatak ng mga huling butil nito lupa,
Ay uusbong ang bagong simula
Uusbong ang bagong "ako"
Sa aking pagtahan ay kasabay ang pagbabago
Sa pagtila ng ulan,muling sisilay ang magandang araw
Na magbibigay ng kulay sa mundo kong kay panglaw
Sa aking pagtahan haharapin ko ang aking kinatatakutan
Sa aking pagtahan haharap akong mas palaban
Sa aking pagtahan muli akong ngingiti
Sa aking pagtahan,kakalagin ko ang tali,
Taling pumipigil sa aking aking paglago
Sa aking pagtahan ay uusbong ang isang bagong "ako"
Sa aking pagtahan,hindi na ako muli pang magpapatalo
Tandaan mo yan: Itaga mo pa sa bato!
Jun Lit Jul 2019
[isang pagsasalin sa Tagalog, batay sa orihinal na
"When tomorrow starts without me" ni David Romano]

Kapag nagsimula ang bukas na di ako kasama,
at ako’y wala roon upang makita;
Kung sisilayan ng araw ang iyong mga mata,
na puno ng luhang para sa akin, Sinta;
Labis kong nais na hindi ka lumuha,
katulad ng sa araw na ito’y iyong ginawa,
habang inaalala ang maraming bagay at salita,
na hindi nasabi o hindi nawika.

Batid ko kung gaanong kamahal mo ako,
kasingsidhi ng pag-ibig kong tanging sa iyo,
at sa tuwinang ako’y iisipin mo,
Alam kong hahanap-hanapin mo ako;
Subalit kung ang bukas ay magsimulang wala ako,
nawa'y pakaunawain mo,
na isang sugo ang dumating at tinawag ang aking ngalan,
at ang kamay ko’y kanyang hinawakan,
at wika’y handa na ang aking paglulugaran,
sa malayo’t mataas na kalangitan,
at kailangang lumisa’t talikdan,
tanang sa aki’y mahal, lahat ay iiwan.

Subalit pagtalikod kong palayo,
Isang patak ng luha ko’y tumulo,
pagkat buong buhay, lagi kong kinukuro,
Ayokong mamatay.
Maraming dahilan para ako’y mabuhay,
maraming gagawin pang mga bagay,
Tila imposible, hindi kailanman,
na ikaw mahal ko’y iiwan.

Bumalik sa ala-ala ko ang mga araw na nagdaan,
ang masasaya’t ang mga kalungkutan,
Pumuno sa isip ang pag-ibig nating pinagsaluhan,
at lahat ng ating galak at kaligayahan.

Kung sa kahapo’y mabubuhay akong muli,
kahit man lamang kaunting sandali,
Magpapaalam ako’t hahagkan ka
at marahil, makikita kong ngingiti ka.

Ngunit lubos kong napagtanto,
na hindi na kailanman mangyayari ito,
sapagkat pagkawala’t mga ala-ala na lamang,
ang sa aki’y papalit at maiiwan.

At nang maalala ko ang sa mundo’y mga kasayahan,
na bukas ay di ko na matitikman,
ikaw ang naging laman ng isipan,
at puso ko’y napuno ng kalungkutan.

Ngunit pagpasok ko sa pinto ng kalangitan,
Ramdam ko’y ako’y nakauwi sa tahanan.
Pagdungaw ng Bathala’t ako’y nginitian,
mula sa kanyang gintong luklukan,

Wika’y “Ito ang Walang Hanggan,
at lahat ng pangakong sa ‘yo’y inilaan".
Sa araw na ito, natapos ang buhay sa lupa,
ngunit dito ngayon ang simula.
Di ko ipapangako ang kinabukasan,
ngunit ang ngayon ay magpakaylanman,
at dahil bawat araw ay pareho lamang,
ang nakaraa’y hindi na kasasabikan.

Ngunit ikaw ay naging matapat at naniwala,
tunay at totoo, lubos na nagtiwala.
Kahit may panahong may mga hindi tama,
na alam **** hindi dapat ginawa.

Ngunit ikaw ay pinatawad na
at ngayon sa wakas ay malaya na.
Kaya’t kamay ko ba’y hindi mo hahawakan
at sa buhay ko, ako’y sasamahan?

Kaya pag sumulong na ang bukas at wala na ako,
huwag **** iisiping nagkalayo tayo,
dahil sa tuwinang iisipin mo ako,
Nandito lang ako, diyan sa puso mo.
My translation into Tagalog of David Romano's "When Tomorrow Starts Without Me" -
"When tomorrow starts without me,
and I'm not there to see;
If the sun should rise and find your eyes,
all filled with tears for me;
I wish so much you wouldn't cry,
the way you did today,
while thinking of the many things,
we didn't get to say.

I know how much you love me,
as much as I love you,
and each time that you think of me,
I know you'll miss me too;
But when tomorrow starts without me,
please try to understand,
that an Angel came and called my name,
and took me by the hand,
and said my place was ready,
in heaven far above,
and that I'd have to leave behind,
all those I dearly love.

But as I turned to walk away,
a tear fell from my eye,
for all life, I'd always thought,
I didn't want to die.
I had so much to live for,
so much yet to do,
it seemed almost impossible,
that I was leaving you.

I thought of all the yesterdays,
the good ones and the bad,
I thought of all the love we shared,
and all the fun we had.

If I could relive yesterday,
just even for awhile,
I'd say goodbye and kiss you
and maybe see you smile.

But then I fully realized,
that this could never be,
for emptiness and memories,
would take the place of me.

And when I thought of worldly things,
I might miss come tomorrow,
I thought of you, and when I did,
my heart was filled with sorrow.

But when I walked through heaven's gates,
I felt so much at home.
When God looked down and smiled at me,
from His great golden throne,

He said, "This is eternity,
and all I've promised you".
Today for life on earth is past,
but here it starts anew.
I promise no tomorrow,
but today will always last,
and since each day's the same day,
there's no longing for the past.

But you have been so faithful,
so trusting and so true.
Though there were times you did some things,
you knew you shouldn't do.

But you have been forgiven
and now at last you're free.
So won't you take my hand
and share my life with me?

So when tomorrow starts without me,
don't think we're far apart,
for every time you think of me,
I'm right here, in your heart."
Ekzentrique Feb 14
Di pipigilan
ang puso
na tumangis

Ang luha
sa pagpatak
nang dahan-dahan

Ilalakad pa rin
ang mga nanginging na paa
kahit masakit

Imumulat ang mga mata
habang lumuluha
at tinitingnan ka papalayo

Bubuksan ang kamay
lalo na't hindi
na hawak ang iyong palad

Hahagkan ang hangin
sa pagbabakasakaling
ika'y babalik

Titingnan ka na lang
sa malayo
at ngingiti

Sa pagkakataong iyon
alam kong ika'y
masaya sa kanyang piling

Hindi na pipilitin
at alam kong
ika'y di para sakin

At lalaging sasabihin
na kung hindi lang din ikaw
ay huwag na lang

Sa muling pagtatagpo
sa huling pagkikita
sa huling hininga
ikaw...
Alam ko namang kasalanan ko ang lahat. Hindi mo deserve ang lalaking katulad ko. Tatanggapin ko na mas magiging masaya ka sa piling ng iba. Pakiusap. Ayaw ko na ulit na masaktan ka.
Euphrosyne Mar 7
Sabay nating binili ang pula
Na doon siya namang nagmula
Ng pagkulay ng aking puso't mundo
Noong sinabi nilang couple shirt tayo

Dama ko namang
Sinama mo lang
Kaibigan natin
Para di siya iwan.

Dama ko namang
May nararamdaman
Ang inosenteng puso mo
Na ako namang tinanggap ito

Lubos akong natuwa
Sa kadahilanang inalay mo
Ang puso mo
Sa isang nilalang na katulad ko

Kaya sa araw na pula
Papangitiin ka hanggang mamula mula
Mga pisngi **** kay ganda
Sa tuwing ngingiti ka

Ano ka ba
Bakit mo ito ginagawa sakin
Akoy lalong nahuhulog
Sa tuwing nakikita kang nakangiti

Kaya sa araw na pula
Papangitiin kita lalo
Hanggang pisngi mo'y mamula mula
Kahit hindi ko na sabihin sayo ako'y lalong nabibihag mo.

Kaya puso ko'y kulay pula
Dahil sayo binigyan **** kulay
Ang puso kong dating patay na
Kaya namang nasulat ang tulang pula
Dahil namula narin ang puso kong dati namang hindi kulay pula.
Dahil sayo nagka kulay ang aking mundo. Salamat sayo mahal kong Diane.
Euphrosyne Feb 23
Tapos na ang paghihintay kasi ngayon malinaw na.
Simula't sapul, lahat ay isang napakasayang ilusyon lang pala.
Isang kulungan sa isip kong nagsasabing "ang saya-saya naman dito. Dito nalang ako"
Dito kung saan lahat ng nakikita ko ay puno ng ilusyon galing sa pag-aakalang totoo ang pagmamahal mo.

Tapos na pala ang lahat dulot ng maling pagkapit na mayroon sayong pag-asa.
Sarap ng bawat lambing, titig at yakap mo sa tuwing tayo'y masaya at magkasama.
Ihip ng hangi'y kay lakas, kayang dalhin ang lahat ng mayroon ako, pati ikaw na mahal ko nga, biglang naglaho.
Mga ngiti nating dal'wa sa mga lumang litrato halos di maipinta, kelan kaya tayo ulit ngingiti ng magkasama?

Tapos na pala kasi may iba na pala, ibang nagpapangiti at ibang kasama sa pagbuo ng mga pangarap nating dal'wa.
Halos sabihin ko na "sana ako nalang siya" para kahit sa panaginip masabi kong "akin ka pa"
Oo sana lang talaga ako nalang ang una at huling sasabihan mo ng mahal kita.
Pero mukhang mapapagod nanaman ako sa kahihintay dahil sa kasabihang "araw-araw may pag-asa"

Tapos na rin pala pati ang pagiging bayani ko sa digmaang kinabibilangan ko.
Ano pa bang sandata ang gagamitin ko? Lahat naman kasi nagamit ko na pero sa huli ako pa rin ang talo.
Pero ano bang sikreto niya? Wala namang siyang dalang espada pero sa puso mo ang panalo ay laging siya.
Panahon na nga siguro para itaas ang puting tuwalya, simbolo ng pagtanggap na ako'y talo na.

Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit lumuhod pa'y wala pa ring kwenta.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, kahit yumaman pa ako di ko mabibili ang ligayang dulot niya.
Tapos na ang lahat wala na akong magagawa, mamahalin nakang kita ngayong gabi tapos paalam na.
At ngayon lahat ay tanggap ko na, na tapos na ang lahat dahil ang napili mo ay siya.
George Andres Mar 2018
nagkaro'n ng kahulugan ang pananatili
para sa mga pinagkaitan ng liwanag
hindi ba maaaring kanlungin mo ang lahat?
o manganak nang manganak mula sa sugat?
gano'n ba kadaling hukayin ang pangarap
at kuning muli at alisan ng tatak?
paano lilingon nang walang luhang papatak?

hindi lamang pagtalikod ang pamamaalam
o pagpahid ng mansanilya sa pusong nilamutak at sinasagasaan
pasasaan ay lilisan, ngunit bakit hinayaan **** mangyari nang mabilisan?
walang daan, walang paraan, kung paano ngingiti ang isang kaibigan.
31518
Manunula T Apr 2018
Pag-ibig na ito’y pagkagulo-gulo,
Kung minsa’y baluktot, kung minsan ay wasto,
Bulag ang katulad, tila nalilito
Kung minsa’y may sakit ng pagkasiphayo.

Ngunit kung tunay nga, wagas at dakila,
Madarama nama’y kilig sa simula,
Sa gitna ay ngiti at dulo’y may tuwa,
Kung magmamahal ka ng tapat at akma.

Sa daraang araw, oras at sandali,
Kahit na mag-isa, ikaw ay ngingiti,
Kung maaalala ang suyuang huli,
At ang matatamis na sintang mabuti.

At ang minamahal kung makakapiling
Ay tila kaybilis ng oras sa dingding
Hahalik sa pisngi at saka yayakapin,
Limot ang problema, hindi makakain.

Kung ika’y iibig, tandaan mo lamang,
Ang tunay na kulay, sikaping sulyapan,
Pagkat marami diya’y nagpapanggap lamang,
Sa baba ng lupa ang pinanggalingan!
#pagmamahal at Panganib
Taltoy May 2018
Dalawang katapusan,
Sa bawat pangyayari,
Tagumpay o kabiguan,
Di ka makakapili.


Hindi tiyak ang lahat,
Tamis ba o alat,
Ano ang magiging timpla?
Hangganan, anong lasa?

Mapait, mapakla,
Ang mabigo't walang mapala,
Pinagkaitan ng tadhana,
Biniyayaan ng luha.


Dahil wala namang tiyak,
Ika'y ngingiti o baka naman iiyak,
Sa lahat ng pagkakataon maaari kang mabigo,
At ang kalungkutan ang sayo'y susundo.
:(
kingjay Jan 2019
Kunting pagdilat ng kanyang mga mata na di-gaano masingkit
ay ginagahis ang hita't bisig - yumuyukod
Pagsisilbihan ang prinsesa
Tapat na kawal na di sadyang napa-ibig na

Sa pook na madalang dalawin ng banaag ay nanimpuho
Malago ang mga paragis
Nang mga ulap ay bumababa na parang sumasimpatiya
Nahahagkan ang mukha

Kulang sa init at lamig
Walang lasa ang inihaing pag-ibig
na di tumagal sa panlasa
Paano lubusan na ipangangahulugan
kung di nakaranas ng karinyo ng dalaga

Nangatuyo na ang mga uhay sa tumana
habang sinusulyapan ang kasaysayan
Kahit lipos ng balbas ay ngingiti pa

Kahit ilang ulit pa ilalarawan ang anyo na singganda ng mga likas na yaman
Sa hubog na baywang
balingkinitang katawan ay di magsasawa
Nagsusumamo ang puso sa kalangitan
Kfjt Jun 19
Lungkot sa mga mata'y iyong pawiin
Lungkot sa mga labi'y iyong tanggalin
Lungkot sa puso'y iyong pagaanin
Lumipas na ang panahon ngunit ikaw parin
Lumipas na't lahat, pakiramda'y pinapainam parin
Muling babalikan ang masasayang ala-ala
Muling ibabalik ang dating sigla
Hanggang kailan ka kaya tatakbo sa aking isipan
Hanggang kailan kaya ngingiti na ikaw ang dhailan
Hanggang kailan kaya madarama itong paru-paru
Ilang beses pa kaya aasa sa iyong pag balik
Ilang tula pa kaya ang gagawin bago ka limutin
Ayoko pa tapusin ang pantasyang ito
Ayoko pa tapusin ang lahat ng ito
Patuloy na mananalig na sana'y dinggin ng tadhana ang siyang hiling
Patuloy na dadamhin ang inam sa pakiramdam na iyong dulot kahit hindi ka na kapiling
Nikole L Jun 2019
Isang libong luha
Hindi na matapos-tapos
Ngiti sa mga labi'y inanod

Luha na dumidilig sa unan
Tuwing gabi'y bumubuhos,
Na parang walang tigil na ulan

Ngingiti pag-sapit ng umaga
Walang bahid ng lungkot,
Suot ay panibagong maskara

Kunwari'y hindi nasasaktan,
Sa mga bibig na mapanlait
Tinakasan na ng imik

Isang libong luha
Patuloy sa pag-agos
Hindi na yata matatapos

Isang libong beses luluha
Dalawang libong beses papahiran ang luha
Tatlong libong beses hahanap ng dahilan para sumaya
KI May 2019
Magpapadala na lang ako,
Ngingiti, tatawa, at magsasaya
Alam na hangang dun lang ang tayo
Isang sandali, na siguro di naman na aksaya
janel aira Mar 27
Ikaw ang mga tala

Hindi.

Ikaw ang bulalakaw

Hindi.

Hindi ako sigurado

Mahal, walang sigurado

Ikaw ba ang langit?

Ikaw ba ang kalangitan?

Kalawakan?

Ikaw ba ang buong kalawakan?

Kukubli ba sa hagkan **** maligamgam?

Ngingiti ba sa pagsambit ng iyong pangalan?

Mahal, ikaw.

Oo, ikaw.

Ikaw ang lahat.

At ang lahat ay ikaw.
Katryna May 19
ika limang taon mula nung nakahalukay ang facebook ng isang litratong may tatlong taong nakangiti.
ikaw
ako
at ang isa pa.

ang sarap balikan,
ang sarap ramdamin,
ang sarap na din limutin.

o baka limot ko na ang
nagdaang ala-ala
o baka limot ko na eksaktong pangyayari
at ngayon,
ang tangi ko na lang nararamdaman ay ang kailangan kong ngumiti
dahil may camerang nakatapat sa aking mukha.

at kung bakit andun ka, katabi at pareho tayong nakangiti,

ay un dahil may camera sa atin na nag aabang upang gawin ang tama at yun ay ang ngumiti.

hindi ko na maalala,
ang eksaktong estado nating dalawa
nung panahong iyon
pero base sa caption ay last day na ng isa nating katrabaho.

pero bakit nung biglang bumungad ito sa aking social media,

lungkot ang nadama?
ang tagal na nating magsama,

may sarili ka ng buhay kasama sya.
at ako kasama pa din kita,

sa aking memorya
masaya man o malungkot,
nanghihinayang man o lumuluha.

at pangako,
na balang araw
pagkatapos ng lahat ito.

makakangiti ulit tayo,
magkasalubungan man tayong may kanya-kanyang kasama
o baka ako wala,

asahan **** ngingiti ulit ako tulad ng nagyari at nakita ko sa ating litrato.
#memories #alaala

— The End —