Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ngalay" poems
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

Continue reading...
67
alas otso ng gabi. nakatayo't naghihintay sa tabi. mga letterang pilit inaaninag, na ilaw ng poste ang tanging liwanag. isa, dalawa, limang minuto, hanggang umabot sa alas otso imedya Nang sa wakas sa harap ko'y huminto. nagmadaling sumakay kaya't ikay nabungo ng di sadya. ako'y komportable sa pagkakaupo, habang ika'y ngalay sa pagsabit. nang ika'y nakaupo ako'y iyong kinalabit. ngumiti ng kay tamis sabay sabing "bayad po". natulala't nabighani sa iyong ngiti, kaya't sinadyang madampian ang iyong palad. puso'y di mapakali tila ba kinikiliti napakasarap sa pakiramdam, walang katulad! sa sumunod na araw, di nag atubiling magmadali, pigil hininga sa pag aakalang ika'y makikita muli pagdating ko'y hinanap ka ngunit wala ka na tila ba sinasabing hindi tayo tinadhana.
0
Apr 30, 2019
Apr 30, 2019 at 3:32 AM UTC
Jeepney Lovestory
Ang alam ko lang ay yung gaano ako kabuo kapag katabi kita.O kapag kahit ilang kilometro ang layo natin sa isat isa pero nagpapalitan tayo ng mga salita. Binibigyan mo ako ng dahilan, hindi laging masaya pero nandiyan ka. Buti na lang nandiyan ka. At madalang lang sa tagal ng paghinga makaramdam ng ganito, medyo naiilang pa at pinipilit pang talikuran. Pero ngayon pa lang alam ko na, hanggang dito lang ako. Pero ngayon pa lang pinoproseso na ang pagtanggap dahil matagal tagal na rin naman akong naglalakad dito, tingin ko'y kaya pa naman. Hindi pa naman ngalay ang tuhod at paa. Kaya ko pa.
0
Sep 19, 2017
Sep 19, 2017 at 6:18 AM UTC
Untitled
Minsan sumasagi ka parin sa isipan Habang kaupo sa sasakyan Nasa tabi ng mga bintana At nakikinig ng malulungkot na kanta Minsan sumasagi ka parin sa isipan Kapag naglalakad sa kung saan Kapag hatid na ilaw ng buwan kay liwanag At ang ngalay na mga binti ay di batid Minsan sumasagi ka parin sa isipan Tuwing nakatingin sa kalawakan Nagtatanong kung damdaming isiniwalat At mga salitang binitawan ay puro nga ba at tapat
0
Oct 7, 2019
Oct 7, 2019 at 9:49 AM UTC
Minsan